KORONADAL CITY, South Cotabato, Mar 20 (PIA) - Kakatawan ang ilang mga tauhan ng Bureau of Fire Prevention dito sa SOCCSKSARGEN Region sa gaganaping 3rd National Fire Olympics ngayong taon na isasagawa sa darating na Marso-23 hanggang a-24 sa Quezon Memorial Circle sa Diliman, Quezon City.

Ayon kay Koronadal City Fire Marshall S/Insp Reynaldo Legaste, ilang piling tauhan ng BFP 12 na nanalo sa ginawang  Regional Fire Olympics ang mag-rerepresenta para sa Uniform Category, habang mga kagawad ng Volunteer Fire Brigade ng pribadong kompanyang Dole Philippines sa bayan ng Polomolok, South Cotabato ang sasabak para sa Industrial Category at ang Barangay Category ay i-rerepresenta ng volunteer fire brigade ng Barangay Rizal, ng bayan ng Banga sa South Cotabato.

Kasali rin sa Miss National Fire Olympics si FO1 Kristella Mariz Anas ng BFP Regional office, pahayag ni  S/Insp Legaste sa Kapihan sa PIA 12.

Ang national fire olympics 2017 ay bahagi ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month na ginagawa tuwing buwan ng Marso bawat taon. (AC AgadPIA12)