LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 15 (PIA)—Nakatakdang pangunahan ngayong araw ng  lokal na sangay ng Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA) ang seminar na dadaluhan ng mga negosyante at tax practitioners.

Ang seminar na pinamagatang “Update on Income Taxation” ay isasagawa sa gusali ng Sangguniang Panlungsod  sa Sorsogon City sa pangunguna ni PICPA Sorsogon Chapter president Ma. Anna Belen Britanico.

Layunin ng pagtitipon na maibahagi sa mga negosyante at tax practitioners sa Sorsogon ang updates kaugnay sa pagbubuwis.

Ipapaliwanag ang mga reporma sa indibidwal at corporate income taxation.

Pangunahing trabaho ng certified public accountants ang paghanda at pagsuri sa financial records upang tiyak ang pagbayad ng tamang buwis sa takdang panahon.

Ang accountants at auditors din ang sumisilip sa bawat operasyon upang masigurong magiging maayos ang takbo at daloy ng negosyo.

Ang PICPA  ay organisasyon ng certified public accountants sa Pilipinas at ang sangay nito sa Sorsogon ang isa sa umano’y pinakaaktibong chapters nito sa iba’t ibang lalawigan. (EAD/FB Tumalad, PIA5/Sorsogon)