LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar 10 (PIA) – Kasado na ang mga mga aktibidad para sa pagdiriwang ng ika-19 na pagkatatag ng Lungsod ng Calapan at ang taunang Kalap Festival na gaganapin sa ika-21 ng Marso.

Pormal na binuksan ang isang buwang selebrasyon noong ika-6 ng Marso, sa flag ceremony na nasaksihan ng mga kawani ng City Government.

Nakalinya ang iba’t ibang events gaya ng KALAP Festival Opening ceremony, Peoples’ Day na kinapapalooban ng mga aktibidad mula sa mga departamento, Livelihood Fair, Agri-Tourism Trade Fair, Photography Contest, Cooperative Day, Employees’ Night, Photo Exhibit on the History of Calapan, Mutya ng Lungsod, Food Fest, Street Party, Streetdancing Competition, Grand Parade, Street Party series, Mobile Passporting, Mini Olympics, Kalap Festival Motiff contest, Awarding ng BEST Kids at ang Thanksgiving Mass.

Nakahanay rin ang launching ng “Search for Natatanging Kalapeño”, “Search for Most Eco-Friendly and PRO Environment School (Most Clean & Green school)” at ang pagdiriwang ng  Founding Anniversary ng City College of Calapan sa ika-12 ng Marso.  (CIO/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)