Tagalog news: Seguridad sa pagdiriwang ng piyesta sa T'nalak tiniyak

LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Hulyo 13 (PIA) -- Tiniyak ng mga otoridad na nakalatag na ang mga hakbang upang masigurong mapayapa at matiwasay ang anim na araw na selebrasyon ng 13th T’nalak Festival at 46th Foundation Anniversary mula ngayon hanggang sa Hulyo 18.

Sinabi ni South Cotabato Police Provincial Director P/SSupt. Randolph Delfin na nagsimula kaninang umaga ang deployment ng mga pulis mula sa provincial headquarters sa lahat na lugar na pagdarausan ng programa na may kaugnay sa piyesta; katuwang nila ang mga tauhan ng Koronadal City Police Station.

Samantala, kinumpirma ni Gov. Arthur Y. Pingoy Jr., na nagpadala na rin ng augmentation force si Police Regional Director P/CSupt. Alex Paul Monteagudo mula sa PNP-12.

Bukod pa ito sa mga sundalo ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army na ipinadala ni Lt. Col. Noel Alexis Bravo para tumulong sa seguridad.

Maliban sa mga pulis at sundalo, naka-full force rin ang mga miyembro ng Provincial Security Unit at iba pang “force multiplier’ tulad ng mga Barangay Peacekeeping Action Team sa pagbabantay.

Gayunman, muling pinaalalahanan ni P/SSupt. Delfin sa publiko na siguraduhing sarado at may magbabantay sa kanilang mga tahanan habang nakikisaya sa mga gawain sa T’nalak.

Payo rin niya sa publiko na iwasan na ring magdala ng mamahaling gamit tulad ng mga cellphone, mga alahas at iba pa upang maiwasan na manakawan.

Nanawagan din si Gov. Pingoy sa publiko na tulungan ang mga pulis sa pagmamanman sa paligid laban sa masasamang elemento na maaring manggulo sa T’nalak Festival. (DEDoguiles/PIA 12)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters