Tagalog News: Kalinisan at seguridad para sa publiko, isinusulong ng Makilala Public Safety Division

By Aida C. Agad

Wednesday 6th of June 2012
LUNGSOD NG KORONADAL, Hunyo 6 (PIA) -- Tulung-tulong ang mga residente at ilang sektor sa bayan ng Makilala sa pagsulong ng kalinisan at seguridad sa lugar.

Naging maganda umano ang bunga ng pangunguna ng mga kawani ng Pamahalaaang Bayan ng Makilala sa paglilinis ng mga kalsada, sa pag-aalis ng mga bato, mga plastic at iba pang mga basura.

Ayon kay Public Safety Division consultant Odin Deseo, pursigido umano si Mayor Rudy Caoagdan na isulong ang mga programang magdadala ng ganap na seguridad at kalinisan sa buong bayan.

Mahigpit umano nitong mino-monitor ang pagpapatupad ng ilang lokal na ordinansa gaya ng Municipal Ordinance No. 22-98 o ang batas laban sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at ang Anti-Loittering Act o ang pagbabawal ng pagkalat at pagtapon ng basura sa mga lugar na hindi dapat tapunan.

Itinalaga na rin umano ni Mayor Caoagdan ang araw ng Biyernes para sa paglilinis ng mga kawani ng pamahalaang lokal ng mga pangunahing kalsada ng bayan upang maging ligtas ang mga motoristang dumadaan dito, dagdag pa ni Deseo.

Samantala, kabilang din sa mahigpit na binabantayan ay pagtupad sa Public Safety Division ay ang mga ordinansa hinggil sa Republic Act 4136 o ang paggamit ng helmet ng mga motoristang bumabaybay sa Makilala Highway at ang patuloy na inspeksyon ng mga Internet Café na nakasaad sa ordinance No. 179-2008, ayon kay Deseo. (DED/ACA-PIA12)
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters