Tagalog news: 20K emergency loan sa Glan, Sarangani hanggang Hulyo 24 lamang -- GSIS GenSan

By Aida C. Agad

Friday 6th of July 2012
LUNGSOD NG KORONADAL, Hulyo 6 (PIA) -- Mayroon na lamang hanggang Hulyo a-24, nitong taon, ang mga kuwalipikadong miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) ng bayan ng Glan, Sarangani na mag-apply ng P20,000 calamity loan.

Ito ang napag-alaman ng Philippine Information Agency 12 mula sa tanggapan ni GSIS General Santos City Branch manager Ma. Cecilia Vega.

Upang mapag-silbihan ang mahigit 1,000 mga GSIS members na residente at nagtatrabaho sa bayan ng Glan, pinapayuhan ng GSIS-GenSan ang mga nagnanais na mag-apply ng kanilang loan na pumunta sa G-Waps Kiosk sa Kapitolyo ng Sarangani sa bayan ng Alabel o sa tanggapan ng Department of Education (DepEd) Sarangani.

Ang mga walang GSIS-UMID e-Card naman ay kinakailangan umanong mag-file “over-the-counter” sa GSIS GenSan Office.

Nagsimula ang pagproseso ng calamity loan para sa Glan, Sarangani noon pang Hunyo a-25, 2012 at magtatapos hanggang Hulyo a-24, ayon sa GSIS GenSan.

Nauna ng ipina-alam ng GSIS na ang interes ng calamity loan ay ibinaba mula 8% sa 6% na lamang at wala na itong service fee. (ac agad PIA12)
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters