Tagalog news: PDEA-Caraga pinaigting ang pakikipag-ugnayan sa ibang ahensya

BUTUAN CITY, Hunyo 6 (PIA) -- Pinaigting ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa rehiyon ang pakikipag-ugnayan sa ibang ahensya upang iresolba ang mga insidenteng kaugnay sa droga.

Ani PDEA-Caraga Regional Director Joel Plaza, sila ay nakikipag-ugnayan sa local government units at non-government organizations (NGOs) upang mapag-alaman na sila ay gumagawa ng hakbang para sa malawakang pag-monitor sa mga aktibidad na sangkot ang droga sa rehiyon.

Ayon sa opisyal, sila ay maghahanda ng malawakang pag-momonitor kaya't nangangailangan ito ng koordinasyon ng iba't-ibang ahensya ng pamahalaan sa rehiyon.

Sinabi rin ni Plaza, na kamakailan ay lumabas sa isang ulat na ang supply ng droga sa rehiyon ay bumaba dahil sa pag-uugnay ng publiko at pribadong ahensya sa rehiyon.

Idinagdag din niya na sila ay nag-momonitor sa mga pantalan at paliparan sa rehiyon upang siguruhin na ang shipment ng illegal na druga ay mababantayan.

Aniya, sila ay nakikipag-ugnayan sa mga namamahala ng mga pantalan at paliparan para sa katuparan ng kanilang layunin.

Maliban dito, sinabi rin ni Plaza na nakikipag-ugnayan din ito sa mga namamahala ng mga bus terminal pati na ang mga pangulo ng NGOs. (RER/Danilo S. Makiling/PIA-Caraga)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters