Tagalog news: Mga aplikante sa CHED scholarship tumaas sa Caraga
BUTUAN CITY, Hunyo 6 (PIA) -- Sinabi ng opisyal ng Commission on Higher Education (CHED)-Caraga na bahagyang tumaas ang bilang ng mga aplikante sa scholarship ngayong taon.
Ayon kay Dr. Julius Sol Jamero, chief administrative officer ng CHED-Caraga, ang kalakhang rehiyon ay mayroong 878 na aplikante para sa 140 scholarship na ipapamigay sa rehiyon ng CHED.
Dagdag ni Dr. Jamero, ang problem ay naresolba dahil sa inisyatibo ni Agusan del Norte 1st District Congressman Jose Aquino III sa pagbibigay ng kaniyang Priority Development Assistance Fund.
Sinabi ng opisyal na ang ibinigay ni Cong. Aquino ay isang malaking tulong sa maraming aplikante para sa scholarship na gustong makatapos ng kolehiyo.
Sa ilalim ng CHED Student Financial Assistance Programs, ang mga kwalipikadong aplikante ay isang Filipino citizen na may good moral character.
Nilinaw din na ang kombinasyon ng taunang kita ng mga magulang ay kailangang hindi lumagpas sa P300,000. Sila rin ay dapat high school graduate o kandidato sa pagtatapos sa high school.
Ang mga aplikante rin ay kailangang mayroong 80 porsyento na minimum general weighted average (GWA) base sa Form 138 o high school card. Ang mga aplikante na may full merit scholarship ay kailangan mayroong 90 porsyento pataas, ang half merit scholarship ay kailangang may 85-89 porsyento na GWA, at 80-84 porsyento para sa mga aplikante para sa grant-in-aid at student loans.
Kinakailangan din na ang mga aplikante ay hindi lalagpas sa edad na 30 taon sa panahon ng aplikasyon, maliban na lang sa mga aplikante ng OPAPP-CHED-SGRR, para sa mga freshmen o college student sa kahit anong year level, at hindi pa nakakasali sa kahit anong scholarship sa gobyerno.
Ang full merit scholar ay makakakuha ng P15,000 na benepisyo kada semester, pati na ang One-Town One-Scholar, samantala, ang half-merit scholarship ay makakatanggap ng P7,500 kada semester.
Ang mga prioridad na mga kurso ng CHED scholarship ay ang mga sumusunod: Agriculture at mga kalapit nitong korso, Engineering, Information Technology, Teacher Education, Science at Mathematics, Health Science, Arts and Humanities, Atmospheric Sciences, at Environmental Science. (RER/Danilo S. Makiling/PIA-Caraga)ciences, and Environmental Science.
Number of Comments: 0