Tagalog news: Reg’l consultative meeting para sa Networking ng Public Health Emergency Service, gaganapin

LUNGSOD NG BUTUAN, Hunyo 22 (PIA) -- Isasagawa ang regional consultative meeting on networking ng public health emergency service sa darating na Hunyo 26-27 sa Surigao City.

Sa isang pahayag, sinabi ni Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD) Caraga Regional Director Ariel Valencia na ang dalawang araw na kaganapan ay layuning masiguro at mapalakas ang humanitarian response sa pamamagitan ng pagsiguro sa high standards of predictability, accountability, at partnership sa lahat ng sektor sa panahon ng kalamidad.

Sinabi rin ni Valencia na ang pangunahing agenda ng pagtitipon ay ang paghahanap ng kaagapay at makagawa ng isang kasunduan para sa rehiyon.

Ang DOH ang nanguna sa Health Cluster ng Medical and Trauma Management, Management of the Dead and Missing, Nutrition, Mental Health Psycho-social Service, at Water-Sanitation-Hygiene (WASH).

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 1, series of 2008 ng National Disaster Coordinating Council (NDCC), nabanggit dito na kailangang ma-institutionalize ang Cluster Approach sa pag-manage ng sakuna sa Pilipinas.

Gumagana ang cluster approach sa dalawang antas. Sa pandaigdigang antas, ang layunin ay palakasin ang system-wide preparedness and technical capacity na rumesponde sa humanitarian emergencies sa pamamagitan ng global Cluster Leads at pagsiguro na mayroong maaasahan na pinuno at responsable sa lahat ng pangunahing sektor o lugar ng aktibidad.

Samantala, layunin naman ng pambansang antas na siguruhin ang agaran at epektibong pagtugon sa pamamagitan ng pagpapakilos sa mga grupo ng mga ahensya, organisasyon, at mga pribadong ahensya sa pamamagitan ng maayos na estratehiya sa loob ng lahat ng sektor at lugar ng aktibidad. Sa bawat sektor naman ay may malinaw na nakatokang pinuno, upang suportahan ang government coordination structure at emergency response mechanisms.

Dahil dito, inaanyayahan ang mga emergency/disaster focal point persons ng ahensya ng pamahalaang nasyonal na lumahok sa aktibidad na tugon sa disaster preparedness ng bansa. (RER/Danilo S. Makiling-PIA 13 Caraga)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters