Tagalog news: Comelec may sapat na ipon para ipatuloy ang automated elections ayon sa palasyo
MANILA, Hulyo 26 (PIA) -- Kamakailan ay nagpalabas ng impormasyon ang Malacanan hinggil sa sapat na pondo ng Commission on Election (COMELEC) upang ipagpatuloy ang automated na eleksyon sa taong 2013.
Ito ay ayon sa tagapagsalita ng Pangulo na si Edwin Lacierda na ang ahensyang nangunguna sa eleksyon ay maaaring sumandal sa malaking ipon ng ahensya upang palakihin ang regular na budget at mapagpatuloy ang automated election return sa susunod na halalan.
“Sa palagay ko ang Comelec ay kailangan na tingnan ang kanilang ipon. Sa palagay ko sila ay may sapat na ipon sa kanilang budget,” ani Lacierda.
Idinagdag din nito na habang siya ay nakikipagdiskurso kay Budget Secretary Florencio Abad tungkol sa isyu, ayon naman daw kay Budget chief na ang COMELEC ay may sapat na ipon.
“Sila po ay may sapat na ipon. At ito po ay hindi problema. Ang automated na eleksyon sa sususnod na taon ay magpapatuloy,” ani Lacierda.
Hindi naman ikinatuwa ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes ang pagputol sa budget allocation ng commission at ito ay makakatanggap lang sa susunod na taon ng General Appropriations Act na bumaba mula P24 bilyon hanggang P8 bilyon.
Nagbabala naman si Brillantes na dahil sa pagputol sa budget allocation ng commission, ang COMELEC ay babalik sa dating mano-manong pagbilang ng balota sa susunod na taon. (RER/DSM, PIA-Caraga)
Number of Comments: 0