Tagalog news: Agusan del Sur ipinagdiwang ang ika-45 Foundation Day
AGUSAN DEL SUR, Hulyo 5 (PIA) -- Daan-daang tao ang nagtipon-tipon sa Naliyagan Plaza noong Hunyo 17, upang saksihan at lumahok sa ika-45 anibersaryo ng lalawigan ng Agusan del Sur at upang magsimba bilang pambungad na seremonya ng pagdiriwang.
Sa kanyang pambungad na talumpati, sinabi ni Bise Gob. Santiago Cane Jr. na ang halos "golden foundation anniversary" ng lalawigan ng Agusan del Sur ay isang napakahalagang pagdiriwang dahil dito sa Agusan del Sur, napakaraming ginintuang oportunidad ang naghihintay sa mga mamumuhunan at mga bisita na gustong makakita ng mga potensyal ng lalawigan, tulad ng pamumuhinan sa negosyo at turismo, maliban sa magagandang kalooban at kabaitan ng mga tao.
Sa isang maikling paglalahad ng kasaysayan ng lalawigan na binasa ni Schools Division Superintendent Crucita ZM Taala. Sinabi nito sa kaniyang pahayag na ang lalawigan ng Agusan ay hinati sa dalawa at ang mga ito ay ang Agusan del Norte at Agusan del Sur: ito ay pinatupad noong Hunyo 17, 1967.
Matapos itong hatiin sa dalawang lalawigan, inihayag na ang mga baying bumubuo ng Agusan del Sur ang mga munisipyo ng Bayugan, Esperanza, Prosperidad, San Francisco, Bunawan, Talacogon, La Paz, Loreto, Veruela at Sta. Josefa. Ang bayan ng Prosperidad ay siyang napiling centrong bayan ng Agusan del Sur.
Iginawad ng Department of the Interior and Local Government kay Agusan del Sur Gob. Adolph Edward Plaza ang Bureau of Local Government Finance award habang si Cong. Maria Valentina Plaza naman ay inisalin ang L-300 van sa ABC president ng kanyang distrito.
Ang mga bayan naman ng Esperanza at Veruela ay nakatanggap ng Red Orchid award mula sa Department of Health na ibinigay sa pamamagitan ni Gov. Plaza, miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at chairman ng Committee on Health, Nestor Corvera at Provincial Health Officer Dr. Joel Esparagoza dahil sa kanilang seryosong pagpapatupad ng ordinansa na nagbabawal ng paninigarilyo sa kanilang bayan.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gob. Plaza na bilang pangalawang gobernador ng Agusan del Sur, ang kanyang amang si Gob. Democrito O. Plaza at kinilala bilang D.O Plaza, ang siyang nagbukas ng pinto ng lalawigan para sa negosyo at komersyo. Bilang isang negosyante, kalakalan at komersyo tulad ng pagbili at pagbebenta ng mga lokal na mga produkto sa lokal at dayuhang mga negosyante at mga organisasyon ay naging popular sa Agusan del Sur na siyang nagging dahilan upang ito maging independent mula sa Agusan del at Norte, at maging matatag ang ekonomiya. Naipagawa rin ang mga kalsada at tulay ay naipatayo, na siyang nagdudugtong sa bawat munisipyo na siya namang nagpalakas upang maging matagumpay ang agrikultura.
"Habang pinagdiwang natin ang ating 45 Foundation Anniversary, dapat pagkakaisahin natin ang ating pagsisikap upang paunlarin ang higit pang pang-ekonomiyang kalagayan ng ang Agusanon. Habang ang pamahalaang panlalawigan ay nagbibigay ng lahat ng mga pagkakataon sa ating mga kabataan sa pamamagitan ng scholarship, mga oportunidad sa trabaho, mabuting kalusugan at mabuting pagkakataon sa negosyo, gagawin naman natin ang ating parte sa pamamagitan ng pagdodoble ng ating mga pagsisikap sa pamamagitan responsableng pagganap sa ating trabaho at pagprotekta sa mga kasangkapan at pag aari ng pamahalaan pati na ang reputasyon," sabi ni Plaza.
Ang pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng Agusan del Sur ay tinapos ng isang magandang sayaw ng Saliao ASSCAT Dance Troup mula sa Bunawan. (PIA)
Number of Comments: 0