Tagalog news: Romblon, nagsagawa ng pagpapakain sa mga batang kulang sa timbang

By Dinnes Manzo

Wednesday 20th of June 2012
ROMBLON, Romblon, Hunyo 20 (PIA) -- Nagsagawa kamakailan ng programang pagpapakain sa mga batang kulang sa timbang ang Provincial Nutrition Office ng Romblon sa mga munisipalidad na “nutritionally depressed” sa lalawigan.

Ayon kay Oscar Vicente L. Ylagan, Provincial Nutrition Action Officer, layon ng kanilang tanggapan na maibsan ang bilang ng mga batang nakararanas ng malnutrisyon sa mga natukoy nilang munisipalidad na may mataas insidente nito.

Kabilang aniya sa ikinunsiderang Nutritionally Depressed Municipaltiies (NDMs) ay ang mga bayan ng Ferrol, San Andres, Corcuera, Alcantara at Romblon, Romblon kung saan nila isinagawa ang supplemental feeding assistance at pagbibigay ng Nutrimilk fortified with vitamin A at Nutri-supersnacks.

Umabot sa 225 ang kanilang natukoy na mga batang may kakulangan sa nutrisyon at may payat na pangangatawan. Ang mga naturang bata ang kanilang unang tinutulungan. Nagsasagawa rin ng pagbabantay sa timbang at nutritional status ng mga batang benepisyaryo ng programa ng pamahalaan.

Naging matagumpay ani Ylagan ang naturang programa dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mga Municipal Nutrition Action Officers (MNAOs), Barangay Captains at mga nanay ng mga bata. (LBR/DM-PIA4B Romblon)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters