Tagalog news: Mega jobs fair sa Antipolo dinagsa ng mga aplikante

By Gideon Gapayao

Thursday 2nd of August 2012
ANTIPOLO CITY, Rizal, Agosto 2 (PIA) -- Daan-daang aplikante ang dumagsa sa dalawang-araw na Mega Job Fair sa Dela Paz, Antipolo City noong Hulyo 26-27.

Sa kauna-unahang patrabaho ng barangay, 46 na local employer at tatlong overseas employer ang dinala ng Public Employment Service Office (PESO) ng lungsod ng Antipolo.

Ilan sa mga aplikante ang direktang natanggap sa technical jobs.

Ayon kay kagawad Jay Tapales, chairman ng Committee on Labor and Employment, pinaghandaan nilang mabuti ang programang ito sa pangunguna ni Punong Barangay Apin Alvaran at masaya naman sila sa naging tagumpay ng proyekto.

Nagpasalamat si Tapales sa pamahalaang lungsod at sa PESO sa pagdadala nito ng mga employer at mga kumpanya sa job fair. Malaking tulong umano ito sa kanyang mga kababayan at kabarangay upang makahanap nang maayos na trabaho.

Sinabi ni Kimberly Peranda ng Lower Dela Paz na maganda ang naisip na proyekto ng kanilang barangay.

“Malaking tulong po ito sa mga walang trabaho. Hiling ko lang po na sana huwag kaming mahirapan sa interview at swertehin po kaming lahat,” sabi ni Peranda. (CPG/GG-Antipolo PIO)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters