Tagalog news: Dagdag pagsasanay sa mga guro, malawakang reporma, ikanasa ng DepEd

By Jose Rafael Cesar Atencio

Sunday 17th of June 2012
LUNGSOD NG QUEZCON, June 17 (PIA) -- Isinusulong na ng Department of Education (DepEd) ang malawakang pagbabago sa sistema ng pangunahing pampubliko at pribadong edukasyon sa bansa.

Ilan sa mga pagbabago, ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro ay pagkakaroon ng dagdag-kaalaman ng mga guro sa pamamagitan ng mga pinag-ibayong inservice training o INSET, dagdag suweldo at benepisyo sa mga guro, dagdag plantilla item sa mga paaralan at pakikipag-ugnayan sa mga malalaking negosyante upang madagdagan ang mga gamit pampaaralan.

Sinabi din ni Luistro na ang naturang pagbabago ay alinsunod sa palatuntunan ng Pangulong Benigno C. Aquino III para sa larangan ng edukasyon.

Nagsalita si Luistro sa harap ng mga edukador sa misang pasasalamat ng kagawaran para sa paglulunsad ng “K to 12” program. Ang misa ay ginanap noong, Hunyo 15 sa DepEd Central Office sa Pasig City kinatampukan ni Bishop Teodoro Bacani. (RJB/JRCA/PIA-NCR/DepEd)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters