Tagalog news: Mga Pinoy, aprub sa K to 12

By Jose Rafael Cesar Atencio

Monday 18th of June 2012
QUEZON CITY, June 18 (PIA) -- Nasisiyahan si Education Secretary Bro. Armin Luistro sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) na nagsasabing karamihan ng mga Pilipino ay naniniwala na ang K to 12 ay makatutulong maihanda ang mga estudyante sa kolehiyo at para makakuha ng trabaho.

“Mahalaga sa atin na maraming tao ang nagsisimulang bigyang halaga ang K to 12, isang repormang program na magbibigay ng oportunidad sa mga kabataang Pilipino,” ayon kay Luistro sa isang kalatas na ipinadala sa PIA-NCR.

Base sa survey ng SWS nitong Marso, umabot sa 61-porsyento ang nakuhang approval rating ng K to 12 program ng DepEd.

Ayon pa kay Luistro, “ang positibong resulta ng SWS survey ay bilang hamon na rin at inspirasyon sa kagawaran. Iyon ang magtutulak sa ating mga Pilipino na maunawan ang K to 12.”

Ipinaliwanag pa ng kalihim na patuloy ang DepEd sa pakikipag-ugnayan sa ibang sektor na mayroon pang ilang katanungan sa K to 12 Education Reform Program na siyang maghahanda sa mga nagsipagtapos ng high school para sa mundo ng pagtatrabaho, kolehiyo o negosyo. (DepEd/RJB/JRCA/PIA-NCR)
Tags:   [ DepEd ][ Armin Luistro ][ K to 12 ]
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters