Tagalog news: CICL sa Makilala North Cotabato, sasailalim sa diversion Program

LUNGSOD NG KORONADAL, Hunyo 21 (PIA) -- Sasailalim sa diversion program ang mga batang itinuturing na “in conflict with the law” sa bayan ng Makilala, North Cotabato sa pamumuno ng Municipal Social Welfare and Development Office.

Ang nabanggit na programa ay patungkol sa isang free basic education at pagbabalik eskwela ng mga Children in Conflict with Law o CICL.

Kaugnay nito, abot sa 34 na mga kabataan ang lalahok sa nasabing programa kung saan sila ay sasailalim sa alternative learning.

Samantala, magsasagawa naman ng malawakang konsultasyon sa mga magulang ng mga “children in conflict with law” ang MSWDO upang makapagbahagi ng karampatang aksyon at paalaala sa mga naturang bata.

Ayon kay Makilala Social Welfare Officer Lina Canedo, ito ay parte ng kanilang interbensyon sa mga batang nagkasala.

Dagdag pa ni Canedo, malaking tulong ang nasabing programa sa pagbabalik ng mga bata sa malayang lipunan.

Layon ng diversion program na matulungan ang mga Children in Conflict with Law na maging bahagi ng pag-unlad ng bayan. (DED/SJDuerme-PIA12)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters