Tagalog news: Mga proyekto sa ilalim ng Transition Investment Support Plan sa ARMM, inilatag

By Shahana Joy E. Duerme

Tuesday 3rd of July 2012
LUNGSOD NG KORONADAL, Hulyo 3 (PIA)--Inilatag na ang iba’t-ibang proyekto para sa 11 ahensya ng pamahalaan sa ARMM sa ilalim ng Transition Investment Support Plan (TISP) sa naganap na ARMM-LGU Convention kamakailan.

Ayon kay ARMM Acting Regional Governor Mujiv Hataman, inilatag na ang mga proyekto upang masimulan nang maisagawa ang mga ito bilang bahagi ng reform program ng gobyerno para sa autonomous region.

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: farm to market roads, municipal fishing ports at halal production project sa ilalim ng Department of Agriculture and Fisheries (DAF) na may laang pondo na P510 million.

May P49.586 million na budget naman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa National Greening Program at P1, 275,790,202 naman para sa mga proyekto ng Department of Interior and Local Government (DILG) katulad ng potable water supply project, slaughter houses, Yakan training center, fire stations at iba pa.

Samantala, may laang pondong P200 million naman ang Department of Energy (DoE) para sa massive electrification program nito, P956 million para sa health infrastructure projects at mga medical equipment naman ang inilaan para sa Department of Health (DoH) at P24.650 million sa Department of Science and Technology (DOST) sa ipapaimplementa nitong small enterprise technology upgrading program.

Ang Department of Transportation and Communication (DOTC) naman ay pinagkalooban ng P80 million para sa rehabilitasyon ng Jolo seaport at Sanga-sanga airport. Nilaanan naman ng halagang P1,971,145,000 ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga programa nitong day care center, livelihood assistance at marami pang iba.

Samantala, P60 million naman ang ibinigay sa Department of Trade and Industry (DTI) at P61, 638,000 naman sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa kani-kanilang ipapatupad na mga proyekto.

Nabatid na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) naman ang may pinakamalaking pondo na P2,851,155,00 para sa mga proyekto nito kagaya ng upgrading ng mga national road at paggawa ng mga tulay.

Kaugnay ng mga inilatag na proyekto, iniutos naman ni Hataman ang pagkakaroon ng Project Monitoring Office na siyang sisiguro na mapapakinabangan ng mga proyekto ang pondong laan sa ilalim ng TISP. (SJDuerme-PIA12)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters