Tagalog news: Bagong rescue vehicle ipinagkaloob sa Tupi disaster council

By Shahana Joy E. Duerme

Monday 9th of July 2012
LUNGSOD NG KORONADAL, Hulyo 9 (PIA) -- Ipinagkaloob kamakailan sa Tupi Municipal Disaster Coordinating Council (MDCC) ang bagong rescue vehicle na binili noong nakaraang buwan sa utos ni Tupi Mayor Reynaldo Tamayo bilang tugon sa mga kalamidad na maaaring maranasan ng naturang bayan.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management officer designate Emil Sumagaysay, ang naturang sasakyan ay gagamitin ng rescue team sa panahon ng sakuna at kagipitan. Ito rin ay naglalayong mabawasan ang mga epekto ng mga kalamidad sa mga mamamayan ng nabanggit na bayan.

Nabatid na naglaan ang Tupi local government unit ng P1.3 milyon mula sa local disaster risk reduction management fund para ipambili ng naturang sasakyan.

Kasama sa biniling sasakyan ang ilang life-saving equipment tulad ng first aid kit, adult ambu-bag with resuscitator, minor surgical set, stretcher, medical oxygen tank, nasal canula, at marami pang iba.

Una dito, nagsagawa ng dalawang araw na roll-out training on mainstreaming disaster preparedness and climate change adaptation ang municipal disaster risk reduction council (MDRRC) noong Hunyo 26-27 kung saan sinanay ang mga kawani ng MDRRC maging ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan hinggil sa pagahahanda sa mga sakuna. (DED/SJD-PIA 12)





Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters