Tagalog news: Mga pulis ng Central Luzon, tumanggap ng computer

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Hulyo 21 (PIA) -- Pormal na tinanggap ng Aurora Provincial Police Office (PPO) at Tarlac PPO ang 35 computer sets na may printer mula sa Philippine National Police Foundation Incorporated (PNPFI) sa isang turnover ceremony na ginanap sa Camp Olivas.

Ang mga nasabing kagamitan ay tinanggap ng mga pulis mula kay Senador Gregorio Honasan, panauhing pandangal at tagapagsalita ng seremonya at PNPFI executive director Victor G. Batac.

Naniniwala si Police Chief Supt. Edgardo T. Ladao, regional director, na malaki ang maitutulong ng mga computer sa Aurora at Tarlac PPO at magagamit ang mga ito sa paggawa ng e-blotters, e-warrant, and e-rogue.

“Sa pamamagitan ng mga bagong kagamitan na ito at sa mga proyekto ng ating mga stakeholder, mas mapapabuti natin ang paglilingkod sa komunidad,” ani Ladao.

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Honasan na pag-ingatan at gamitin sa tamang paraan ang mga ipinagkaloob sa kanila.

Tinuldukan ang seremonya ng pagbibigay ng mga computer sa pagpirma ng mga tumanggap at ng nagkaloob. (CLJD/ATC-PIA3)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters