“Seal of Good Housekeeping Award,” “Matuwid na Daan” panuntunan ng Cabugao
CABUGAO, ILOCOS SUR, Hulyo 5 (PIA) -- Ang pambansang kampanya ni Presidente Benigno Aquino 111 na “Matuwid na Daan” ang nagsisilbing gabay o panuntunan ng munisipiyo ng makasaysayang bayang ito sa pagkapanalo ng prestihiyosong “Seal of Good Housekeeping Award” sa 2012.
Ayon kay Mayor Edgardo “Ediboy” Cobangbang Jr., ang tapat na paglilingkod sa mga mamamayan ay ang “transparent” o walang itinatagong transaksiyon ng gobyerno at sundin ang matuwid at tamang daan.
Sa pagsisimula ng tungkulin sa unang termino ng Alkalde, hiniling niya noon sa Commission on Audit (COA) na isa-publiko ang resulta ng imbestigason nila sa lahat ng mga proyekto at transaksiyon sa nakaraang rehimento sa Cabugao para malaman ng taong bayan ang estado ng pundo at proyekto sa munisipiyo.
Iniutos ni Mayor Cobangbang sa mga contracors na nagpatupad sa mga proyekto sa bayan na dapat iwasto ang mga ma-anomalyang barangay road project at iba pang proyekto para sa ngalan ng “transparency” at accountability dahil pundo ito ng mga mamamayan.
Sa pamumuno ng negosyanteng mayor, bilang tugon sa direktiba ni Sec. Jesse Robredo ng Department of Interior and Local Government (DILG), bumuo ng munisipiyop ng sariling website sa Internet para maisa- publiko ang lahat ng transaksiyon, proyekto at serbisyo sa mga barangay para malaman ng taong bayan.
Sa harap mismo ng municipal hall, maipapakita na sa publiko sa screen ang ang lahat ng proyekto at transaksiyon pati mga expenditures o gastusin ng pamahalaang local para magsilbing gabay ng mga Cabugaoneous.
Iniutos din ni Mayor Cobangbang sa lahat ng mga opisyal at kawani ng munisipiyo na dapat tapat at magalang ang paninilbihan nila sa mga mamamayan “dahil sila ang boss natin at tayo ay mga public servants.”
Mula sa pundo ng RA 7171 o “Tobacco Excise Tax Law” , naglaan ng mayor ng pundo para sa libreng abuno at hybrid seed kabilang na ang mga gamit sa pagtatanim para ssa mga magsasaka maliban sa ipinapatupad na farm- to- market roads sa mga liblib na pook sa tulong din ni Congressman Ryan Singson
Hinikayat din niya ang mga kababayan naninirahan sa Amerika na kapag magbalikbayan sila, tutulong sila sa mga proyekto tulad ng pagpapatayo ng Lying-in Clinic at municipal park kabilang na ang pagkakabit ng street lights. “Hindi ako humihingi ng abuloy o donasyon kapag nasa abroad ako kundi hinihikayat ko na sila mismo ang mag-proyekto para makita nila mismo kung saan pupunta ang kanilang donasyon,” idiniin ng Alkalde sa nakaraang “Kapihan iti Amianan” Media Forum.
Samantala, sinabi niya na ang P1 milyon premyo mula sa pagkapanalo ng “Seal of Good Housekeeping Award” mula sa DILG ay magagamit para sa pagpapatayo ng sea wall sa Barangay Pug-os na palaging sinasalanta ng bagyo. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)
Number of Comments: 0