Tagalog News: Blackout mararanasan sa Nueva Vizcaya at Ifugao sa Marso 6

By Benjamin Moses M. Ebreo

Monday 5th of March 2012

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, March 5 (PIA) -- Makakaranas ng isang malawakang brownout ang mga lalawigan ng Nueva Vizcaya at Ifugao sa Marso 6 dahil sa isasagawang taunang pagkukumpuni sa mga pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines.

 

Ayon kay Lilibeth Gaydowen, North Luzon Corporate Communications Officer ng NGCP, layunin ng nasabing blackout na maayos ang mga sira sa mga pasilidad sa Bayombong sub-station.

 

Dagdag pa niya na babalik sa normal na daloy ang kuryente pagkatapos ng takdang oras na pagkukumpuni sa mga nasabing pasilidad kung akaya’t hinihikayat nito ang mga consumers na gumawa ng tamang hakbang upang hindi maantala ang kanilang mga gawain at negosyo sa takdang araw. (TCB/BME-PIA 2 Nueva Vizcaya)  

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters