Tagalog news: Fun Run para sa mga may kapansanan, ilulunsad ng PNP

By Ben Moses Ebreo

Sunday 15th of July 2012
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Hulyo 15 (PIA) -- Isang fun run ang ilulunsad at pangungunahan ng Philippine National Police(PNP) sa lalawigan upang matulungan ang mga may kapansanan na magkaroon ng pagkakakitaan at kabuhayan.

Ayon kay Police Sr. Supt. Valfrie Tabian, provincial director ng PNP, ang fun run ay bahagi ng selebrasyon sa ika 34 National Disability Prevention and Rehabilitation(NDPR) Week mula Hulyo 17 hanggang 23 na may temang : “Mainstreaming Persons with Disabilities in Economic Development.”

Ang programang “ Fun Run para sa Kabuhayan ng mga may Kapansanan” na pinagtulungang ilulunsad ng Provincial Council on disability Affairs (PCDA) ay magaganap sa Hulyo 21 sa oras na 5:30 n.u. sa bayang ito.

Ayon pa kay Tabian, layunin din ng nasabing fun run ang makalikom ng pondo upang maibigay bilang tulong sa grupo ng mga may kapansanan sa Nueva Vizcaya.

“Ang malilikom na pondo mula dito ay ibibigay sa mga may kapansanan upang kanilang magamit na puhunan sa paghahanapbuhay,” pahayag ni Tabian.

Ang mga lalahok sa fun run na ito ay magbabayad ng P50 kada isang tao kung saan ipapamigay ito sa grupo ng may kapansanan. (PIA-2 Nueva Vizcaya)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters