Tagalog news: Regional director ng DBM, nahalal na pangulo ng CLARO

By Carlo Lorenzo J. Datu

Monday 16th of July 2012
LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Hulyo 16 (PIA) -- Nahalal kamakailan si Department of Budget and Management (DBM) regional director Elisa Salon bilang bagong pangulo ng Central Luzon Association of Regional Officers (CLARO).

Kanyang tatapusin ang unexpired two year term ni Remigio Mercado ng National Economic and Development of Authority (NEDA) na inilipat sa MIMAROPA.

Si Salon, na dating treasurer ng grupo, ay maglilingkod hanggang ika-30 ng Abril, 2012 kasama sina Andrew Villacorta ng Department of Agriculture bilang 1st vice president, Feliciano Rosete ng Ramon Magsaysay Technological University bilang 2nd vice president, Karin Litz Zerna ng Civil Service Commission bilang secretary, Adelina Apostol ng Department of Social Welfare and Development bilang Assistant Secretary, Delfin Magpantay ng Bataan Peninsula State University bilang Treasurer, Blesila Lantayona ng Department of Trade and Industry bilang assistant treasurer, Eduardo Ocampo ng Bureau of Treasury bilang auditor, Oliver Macaspac ng Land Transportation Office bilang public relations officer, at sina Teofilo Inocencio ng Department of Agrarian Reform, Jesus Vitug ng Land Transportation Office, Teodoro Gatchalian ng Technical Education and Skills Development Authority, Ricardo Diaz ng National Bureau of Investigation at Remedios Ongtangco ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources bilang mga board of directors.

Sa isang panayam, sinabi ni Salon na ikinararangal niyang maging pinuno ng samahan ng mga regional directors, assistant regional directors at pangulo ng mga national government agencies, government-owned and -controlled corporations, at state colleges and universities ng pinakaprogresibong rehiyon sa buong kapuluan pagkatapos ng Metro Manila.

Sa ilalim ng kanyang termino, balak ni Salon na palakasin ang frontline services ng mga miyembrong ahensya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng customer assistance desks sa lahat ng mga tanggapan nila mula regional hanggang provincial at pagsasagawa ng regular clean up drive sa regional government center sa Barangay Maimpis, lungsod of San Fernando, Pampanga upang maiwasan ang pagkalat ng samu’t saring sakit gaya ng dengue.

Bukas din si Salon sa pagkakaroon ng unified Christmas party ng mga empleyado ng mga miyembrong ahensya pagkat ang lahat naman aniya ay may iisang employer, ang pambansang pamahalaan na naglilingkod sa parehong kliyente, ang sambayanang Pilipino. (WLB/CLJD-PIA 3)




Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters