Tagalog news: Limang bagong kalsada, day care center, binuksan sa Balagtas

MALOLOS, Bulacan, Hunyo 5 (PIA) -- Limang mga bagong kalsada at isang day care center ang binuksan sa bayan ng Balagtas na inaasahang magdudulot ng kaunlaran sa nasabing bayan.

Sa mensahe ni Balagtas Mayor Romeo Castro matapos ang isinagawang ceremonial ribbon cutting ng mga bagong kalsada, sinabi nito na dahil ang Balagtas ay konektado na ngayon sa mga umuunlad na bayan tulad ng Bustos, Paridel, Baliuag at San Rafael dahil sa bagong road connection sa North Luzon Expressway (NLEX), mabilis na itong magiging sentro ng kalakalan at pagsulong ng ekonomiya.

Si Castro katulong si gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado ng Bulacan at second district representative Pedro Panco ay nanguna sa pagbubukas ng mga bagong village roads at day center sa Barangay Burol 1st, Barangay Burol 2nd, Northville in Barangay Santol at Sitio Florante (Sulok) at Barangay Panginay.

Ani Castro, ang mga nasabing kalsada at day care center ay naisakatuparan sa tulong ni gobernador Alvarado at kinatawan Pancho.

Sinabi naman ni Alvarado na sa ngayon marami pang mga kalsada sa lalawigan ang sumasailalim sa rehabilitasyon.

“Nakikita ng mga foreign investors ang ating lalawigan bilang magandang lugar sa pagnenegosyo dahil sa maaayos nitong kalsada, ang pagiging malapit sa Kalakhang Maynila at sa iba pang mauunlad na lugar sa Gitnang Luzon,” sabi pa ni Alvarado. (CLJD/VFC-PIA3)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters