Tagalog news: DTI-Bulacan, maglalabas na ng ICC stickers para sa mga motorcycle helmets

By Vinson F. Concepcion

Saturday 21st of July 2012
LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Hulyo 21 (PIA) -- Sinimulan noong Biyernes ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Bulacan ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa Import Commodity Clearance o ICC stickers sa mga motorcycle riders para sa kanilang helmets.

Sabi ni Rodel Italia ng DTI-Bulacan, nagsimula na silang tumanggap ng aplikasyon para sa ICC stickers base sa Section 6 ng Republic Act 10054 o Motorcylce Helmet Act of 2009. Sila ang naatasang maisaayos ang kalidad ng mga motorcycle helmets na nasa merkado.

Ginawa ang nasabing batas upang mapigil ang pagtaas ng bilang ng mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

Sinabi pa niya na sa ilalim ng batas, maging ang mga back riders ay inoobliga na mag-suot ng helmet na may ICC-marked stickers.

Ayon sa Implementing Rules and Regulations o ang IRR ng nasabing batas, ang lahat ng helmets na mabibili sa merkado simula ng taong 2012 ay dapat mayroon ICC mark.

Samantalang iyong mga motorcycle owners na nakabili ng kanilang motorsiklo bago ang 2012 ay kailangang mag-aplay sa DTI para sa ICC sticker.

Dagdag pa ni Italia na hanggang Setyembre 30 lamang maaaring mag-aaply para sa ICC stickers at ito ay makukuha nang libre.

Matapos ang nasabing deadline, may kaukulang bayad na ang pagkuha ng ICC stickers na P101.25 para sa aplikasyon at stickers.

Ipapatupad naman ng Land Transportation Office ang implementasyon nito sa ika-1 ng Agosto at may kaukulang multa para sa mga lalabag sa nasabing batas.

Gayundin pinapayuhan ang mga motorcycle riders na sumunod sa bagong alintuntunin upang maka-iwas sa malubhang aksidente at multa. (CLJD/VFC-PIA3)

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters