Tagalog news: Kauna-unahang level 4 private hospital itatayo sa Antipolo

By Carlo P. Gonzaga

Thursday 5th of July 2012
ANTIPOLO CIY, Rizal, Hulyo 5 (PIA) -- Nagkaroon kamakailan ng ground breaking ceremony para sa itatayong Metro Antipolo Hospital and Medical Center, Inc. (MAHMC) sa Marcos Highway, Barangay Mayamot sa Antipolo.

Itinuturing na kauna-unahan sa lungsod, kung hindi man sa buong lalawigan ng Rizal ang MHAMC.

Sa mensahe ni Dr. Ricardo Francisco, chairman of the Board ng MAHMC, ipinaliwanag nito na ang Metro Antipolo ay level 4 training hospital kung saan ang mga espesyalista sa medisina ay maaaring magsanay sa kanila.

“Sa level 4, dalawa po ang sektor na aming pagsisilbihan. Una ang mga nais magpagamot sa amin o magpatingin ng kanilang karamdaman at iyong mga nagpapakadalubhasa sa larangan ng medisina,” sabi ni Dr. Francisco.

Nagpasalamat naman si Mayor Nilo Leyble sa mga stockholders ng Metro Antipolo sa pagkakapili sa kanilang lungsod na pagtayuan ng bagong ospital.

“Napakasuwerte ng ating mga kababayan, lalong-lalo na ang mga naninirahan sa lower area ng Antipolo kung saan may ospital na itatayo. Malaki ang aming pasasalamat sapagkat alam natin na marami sa ating mga kababayan ang matutulungan nila, pati na rin ang mga residente sa karatig lugar ng Antipolo. Bilang bahagi ng aming kampanya para sa health and wellness ng mamamayan, tiyak malaking bagay ang maiaambag ng inyong ospital sa mga mamamayan ng ating siyudad,” sabi ni Leyble.

Si Mayor Nilo Leyble kasama si Atty. Menchi Leyble ay naging panauhin sa ground breaking ceremony ng MAHMC. (CPG, PIA4A at ulat mula sa PIO-Antipolo)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters