Tagalog news: P20 M ilalaan ng Cavite para sa 2013 scholarship
TRECE MARTIRES, Cavite, Hulyo 11 (PIA) -- Inihayag ng gobernador ng Cavite na dodoblehin ang pondong ilalaan sa isang taon para sa scholarship program nito.
Umani ng masigabong palakpakan mula sa mga iskolar ng lalawigan ang pahayag na ito ni Gov. Jonvic Remulla.
“Mula sa P10 milyon ngayong taon, ito ay magiging P20 milyong pondo sa isang taon,” pahayag ni Remulla.
Si Remulla kasama si Alvin Mojica, chairman ng provincial scholarship program, ay naging saksi sa pagfill-up ng forms ng may 1,000 iskolar upang makuha ang kanilang financial assistance na P5,000 sa pamamagitan ng automatic teller machine (ATM).
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Remulla na ang scholarship program ay naglalayong matulungan ang mga estudyanteng Caviteño na makapagtapos sa kani-kanilang napiling kurso upang maging responsableng mamamayan ng lalawigan.
Ayon kay Remulla, sa may 10,000 aplikante sa scholarship program ngunit may 2,000 lamang ang napili na may gradong 93 porsyento pataas. (CPG-PIA 4A/PICAD)
Number of Comments: 0