Tagalog news: 3,000 makakatanggap ng PhilHealth cards sa Laguna
SAN PABLO CITY, Laguna, Hulyo 9 (PIA) -- Dumarami pa ang makikinabang sa pagpapagamot at mababantayang nang mabuti ang kanilang kalusugan ngayong mayroong 3,312 ang mabibigyan ng PhilHealth cards dito.
Pangungunahan ni city administrator Loreto Amante ang pagbibigay ng PhilHealth Cards sa may libo libong benipisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod na ito.
Gaganapin sa One Stop Center ngayong araw ang unang pagbibigay sa may 561 benipisyaryo na pangungunahan ni Amante.
Ang lugar at petsa ng pamamahagi ay ang sumusunod: Barangays Del Remedio (210) at San Juan (176) sa Hulyo 10; San Rafael (120) at Sta. Monica (119) sa Hulyo 11; Sto. Rosario (278) at San Gabriel (242) sa Hulyo 12; Sta. Ana (268) at San Ignacio (259) sa Hulyo 16; San Antonio I (125) at Sto. Nino (127) sa Hulyo 17; San Lucas II (173); Concepcion (159) Hulyo 18; San Gregorio (170); Sto. Cristo (145) sa Hulyo 19.
Ang programang ito ay sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Vicente Amante, City Administrator Amante, at ng City Social Welfare and Dev’t Office sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. Ang PhilHealth card distribution ay bahagi ng social at health services program ng Pangulo upang lubos na mabigyan ng tulong medikal ang mga mahihirap na taga-lungsod. (CPG/ACO/at ulat mula sa CIO-SPC)
Number of Comments: 0