Tagalog News: Interns, katulong ng DTI sa price monitoring

By Ruel M. Orinday

Friday 8th of June 2012
LUCENA CITY, Quezon, Hunyo 8 (PIA) -- Tumanggap kamakailan ng limang interns ang panlalawigang tanggapan ng Department of Trade and Industry (DTI)-Quezon upang makatulong sa price monitoring sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Sinabi ni Pablito Budoy ng DTI-Quezon na sakop ng price monitoring ang mga sumusunod: Tayabas at Lucena City, Lucban, Candelaria, Tiaong, Gumaca, Lopez , Infanta at Real. Imo-monitor ng mga interns ang mga pampubliko at pribadong merkado, grocery stores, supermarkets, hardware stores at mga automotive shops.

Ang mga produktong nakalista sa ilalim ng suggested retail price (SRP) ng DTI katulad ng sardinas, corned beef, coffee, laundry soap, detergent bars, harina, condiments, semento, construction materials, baterya ng jeep, at motor vehicle spare parts ang mga kabilang sa produktong imomonitor.

Ang mga presyo na isasama sa database ng DTI ay ang magiging basehan ng tinatawag na price freeze o control kung mayroong mga emergencies. Tatagal ang programa hanggang Agosto 2012 kung saan inaasahang matatapos ang database ng presyo ng mga pangunahing produkto sa lalawigan.

Ayon pa kay Budoy, ang presyo ng mga bilihin na nasasakop ng DTI ay nagpapakita ng stability. Ang mga bilihin na tumaas ang presyo sa kasalukuyan ay ang Milkmaid full cream sweetened condensed milk. Mula sa P57.30, ito ay tumaas ng P59 o 2.96 porsyento. Ang presyo ng skimmed milk powder, asukal at coconut oil ay nagsipagtaasan at siyang nakaapekto ng presyo nito.

Ang Bear Brand powdered filled milk 150 g ay naging P49.50 mula P48.25 o 2.59 porsyento ang itinaas. Nagtaasan naman ang distribution costs, packaging materials, labor, fuel at power rates.

Mas mababa naman ang presyo ng mga bilihin sa mga grocery stores kumpara sa umiiral na SRP ayon kay Budoy at idinagdag pa nito na sumusunod sa SRP ang mga malls sa Lucena.

Ang pagkuha ng interns ay alinsunod sa expanded government internship program ng administrasyong Aquino. (CPG/RO-PIA 4A, Quezon)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters