Tagalog news: Small-scale miners sa Masbate papatawan ng buwis ng lokal na pamahalaan

By Ernesto A. Delgado

Thursday 5th of July 2012
LUNGSOD NG MASBATE, Hulyo 5 (PIA) –- Malapit nang matapos ang panahon na libre sa pagbubuwis ang mga nagni-negosyo ng small-scale mining sa lalawigan ng Masbate.

Inihayag ni Governor Rizalina Seachon-Lanete na balak niyang patawan ng buwis ang mga operators at financiers ng small-scale mining operators sa lalawigan.

Ayon kay Lanete, hihilingin niya sa Sangguniang Panlalawigan na rebisahin ang revenue code ng lalawigan upang maitakda ng lokal na batas ang buwis na dapat bayaran ng mga nagminina ng mamahaling metal katulad ng ginto at mangganeso.

Ang balaking pagbubuwis sa mga negosyong small-scale mining, na karamihan ay pinapatakbo ng mga baluktot na indibidwal ay inihayag ng gobernadora sa kanyang state of the province address na idinaos nang nagdaang Sabado.

Sa kasalukuyan, tanging kakaramput na processing fee para sa tinatawag na “temporary small-scale mining permit” ang sinisingil ng lokal na pamahalaan sa mga operators ng small-scale miners.

Tinatayang 20,000 indibidwal ang illegal na nagminina ng ginto at mangganeso sa lalawigan, at karamihan nito ay nasa bayan ng Aroroy na mayaman sa ginto. (EAD-PIA Masbate)
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters