Tagalog news: NBI-Bicol nagbabala sa mga tumatanggap ng mga menor de edad at ginagamit sa prostitusyon

By Danilo C. Abad

Friday 20th of July 2012
UNGSOD NG NAGA, Hulyo 20 (PIA) -- Nagbabala ang tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) dito sa Bicol sa mga may-ari ng beer houses, bars, night clubs at iba pang bahay aliwan tungkol sa pagtanggap ng mga menor de edad na kababaihan bilang mga Guest Relations Officer (GRO) lalo na kung ang mga ito ay ginagamit sa prostitusyon.

Ito ay matapos na maaresto ng pinagsanib na pwersa ng NBI at pulis ang mag asawang bar owners sa bayan ng Goa, Camarines Sur matapos na makumpirma na may dalawang menor de edad na nagtatrabaho sa naturang bar. Sa inisyal na imbestigasyon, napag alaman na nagmula pa sa Eastern Samar ang mga biktima.

Ayon kay NBI-Bicol regional director Atty. Antonio Pagatpat, nasa watchlist ng kanilang tanggapan ang maraming mga entertainment establishments na pinaghihinalaang lugar ng prostitusyon kung saan ginagamit ang mga kabataang kababaihan sa pagkalakal ng laman at pagbibigay ng panandaliang aliw sa mga kustomer.

Ipinahayag ni Pagatpat na patuloy ang kanilang isinasagawang operasyon upang sugpuin ang human trafficking sa Bicol lalo na ang mga babaing kabataan na nagtratrabaho bilang GROs.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ang mga suspek at sino mang mapapatunayan na tumatanggap ng mga manggagawang menor de edad, lalo pa at masasadlak ang mga ito sa prostitusyon.
(MAL/LSM/DCA-PIA5 Camarines Sur)

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters