Tagalog news: Mga pampublikong paaralan nakibahagi sa Agri-Pinoy Gulayan Project

By Nic B Baraero

Thursday 2nd of August 2012
PILI, Camarines Sur, Agosto 2 (PIA) -- Nakibahagi sa 2012 Agri-Pinoy Gulayan sa Paaralan Project ang mahigit 800 mga pampublikong paaralang elementary at sekondarya sa Bikol.

Ang nasabing proyekto ay may layuning maisulong at maitanim sa isip ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagtatanim ng gulay.

Kaakibat ang Department of Education, sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA) ang paglulunsad ng programang 2012 Agri-Pinoy Gulayan sa ilalim ng High Value Crops Development Project.

Ito ay sinuportahan ng mga mag-aaral mula sa public elementary at secondary schools sa Bikol.

Ayon kay DA Regional Executive Director Jose Dayao, layunin ng proyekto na mapanatili ang pagkakaroon ng school garden sa bawat paaralan.

Aniya, ito ay magsisilbing “food basket” ng mga mag aaral at maging ng komunidad at pang suporta rin sa supplemental feeding.

Maari rin itong magsilbing small-scale food production models na maaaring gawin sa mga bahay-bahay at sa mismong komunidad.

Kaugnay nito, sinabi ni Rosita Imperial, DA-high value development program coordinator, na ang mga eskwelahang kasama sa convergence areas at mga probinsyang kinikilala ng Department of Social Welfare, DA, Department of Agrarian Reform, at Department of Natural Resources and the Environment ay ang mga mayroong 200 sq m de kalidad na proyekto at siyang naging priyoridad

Upang mas lalo pang maisaayos ang proyekto, patuloy na sumasailalim ang mga guro sa puspusang pagsasanay simula pa noong nakaraang buwan.

Tinatalakay sa mga pagsasanay ang pagtatanim ng gulay, paggawa ng organic fertilizer, pest at disease management, at seed production.

Namimigay din ang DA ng mga garden tools, assorted vegetable goods na magagamit para sa 200 meter area at kaalaman tungkol sa paggawa ng organic gardening. (MAL/LSM/NBB-PIA5, Camarines Sur)

Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters