Tagalog news: Int'l Volunteer Week idineklara ng Daet

By Rosalita B. Manlangit

Tuesday 3rd of July 2012
DAET, Camarines Norte, Hulyo 3 (PIA) -- Idineklara ngayong linggo, Hulyo 2-7, ang International Volunteer Week ng pamahalaang bayan ng Daet sa pamamagitan ng Atas Tagapagpaganap bilang 15-2012 na ipinalabas kahapon ng mayor.

Sinabi ni Mayor Tito Sarion na alam nila at nagpapasalamat sila sa mga positibong kontribusyon na ginagawa ng mga "international volunteers" sa mga mamamayan ng Daet.

Ayon sa kanya, mapalad ang bayan dahil naging kasama nito ang mga volunteers at mga "development workers" mula sa iba't ibang organisasyon tulad ng US Peace Corps, Korea International Cooperation Agency (KOICA), JICA, PRC, at iba pang organisasyon na nagsasagawa ng iba't ibang serbisyong kailangan ng mga lokal na organisasyon at institusyon.

Ang resulta ng mga nagawa ng international volunteers ay nagdulot ng pag-unlad ng mga komunidad sa bayan.

Dahilan dito kinakailangan na ipagdiwang ang naging magandang resulta nito at makita ang kanilang nagawa para sa pagbabago ng komunidad.

Kabilang dito ang proyektong imprastraktura sa elementarya at high school at kapaligiran ng KOICA at US Peace Corps, gayundin ang "environmental projects" ng JICA at "capability building" ng Agencia Española de Cooperación Internacional para el Desarollo. (MAL/RBM-PIA 5, Camarines Norte).
Tags:  
Number of Comments: 0
Say something...
Name:
Email:
Website:
Comment:
Transparency Seal   Hatol ng Bayan 2013 Logo
Bayani Challenge Logo   Canon Imagenation Logo
free counters