TAGALOG NEWS: CSC 3 PATULOY NA TUMATANGGAP NG MGA APLIKASYON PARA SA IKALAWANG CAREER SERVICE PAPER AND PENCIL TESTS NGAYONG TAON

Saturday 18th of May 2013
LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Mayo 18 (PIA) -- Patuloy na tumatanggap ng mga aplikasyon ang Civil Service Commission (CSC) Regional Office 3 para sa ikalawang Career Service Professional at Subprofessional Paper and Pencil Tests ngayong taon na idaraos sa ika-13 ng Oktubre. Ayon kay CSC Central Luzon information officer Diana Henson, ang mga pagsusulit ay bukas sa lahat ng Pilipino edad 18 pataas na may good moral character, hindi nahatulan ng guilty sa kahit anong kaso o di kaya ay natanggal sa government service dahil sa imoral na gawain at hindi kumuha ng kahalintulad na lebel ng career service test sa loob ng tatlong buwan. Ang mg...
Read More »
Tagalog news: Umali, Padiernos, nanatiling Gobernador at Bise Gobernador ng Nueva Ecija
LUNGSOD NG CABANATUAN, Nueva Ecija Mayo 17 (PIA) -- Nananatili bilang punong lalawigan si Aurelio “Oyie” Umali at kanyang bise Jose Gay “GP” Padiernos, matapos ang nagdaang eleksyon. Ideneklara ng Provincial Board of Canvassers (PBOC) sa pangunguna ni Provincial Election Supervisor Atty. Lydia Pangilinan, noong Miyerkules ng gabi ang kanilang pagkapanalo laban sa mga katunggaling Joson. Bagamat may natitira pang mga munisipyo na hindi pa nakakapagpasa ng mga boto ay naideklara ng panal...
Read More »
Tagalog news: BOC inihabla ang taga Nigeria sa pagpuslit ng shabu
MANILA, Mayo 17 (PIA) -- Isang taga Nigeria na maikli lang sana ang pagtigil dito sa bansa ay maaring tumagal nang di inaasahan. Ito ay matapos ihabla ng mga opisyales ng Bureau of Customg (BOC) na pinamumunuan ni Customs Commissioner Ruffy Biazon at ng Run-After-The Smuglers (RATS) at Deputy Commissioner for Revenue Collection and Monitoring Group na pinamumunuan naman ni Peter Manzano kahapon. Ang taga Nigeria ay sinampahan ng kaso sa Department of Justice sa kayang paglabag sa Section 3601...
Read More »
  • Tagalog news: Mas mabilis na IT system, target ng lumalaking AFAB

    LUNGSOD NG BALANGA, Bataan, Mayo 17 (PIA) -- Matapos mahirang bilang economic zone na may pinakamabilis na paglago sa bansa, target ngayon ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) na pabilisin ang computer system nito upang makaugnay sa lahat ng opisina ng pamahalaan. Nagsagawa kamakailan ang AFAB ng isang pagsasanay katuwang ang information technology developer na E-Konek Pilipinas Inc. upang turuan ang mga kompanya hinggil sa Electronic-to-Mobile (E2M) Customs System. Ang E2M ay ba...
  • Tagalog news: 80 nabiyayaan ng feeding program sa bayan ng Quezon, Palawan

    PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Mayo 17 (PIA) --- Mahigit 80 indibidwal na kinabibilangan ng mga buntis at mga batang nasa 6-35 buwang gulang ang nabenepisyuhan kamakailan ng complementary at supplementary feeding activity na isinagawa sa mga barangay ng Panitian at Alfonso XIII sa bayan ng Quezon. Ipinaliwanag ni Provincial Nutrition Action Officer Rachel Paladan na ang naturang aktbidad ay bahagi ng “First 1,000 Days Window of Opportunity” na nakapaloob sa programang Science & Technology ...
  • Tagalog news: Mga kandidato pinaalalahanang magsumite ng Statement of Contribution and Expenses

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 17 (PIA) -- Ngayong tapos na ang halalan, pinaalalahan ng provincial election office ang mga kandidato na ihanda na at isumite ang kanilang Statement of Contributions and Expenses o SoCE. Sa kanyang paalala, sinabi ni provincial acting election supervisor Atty. Duque Kadatuan, mayroong hanggang alas singko ng hapon sa Hunyo 13 ng taong kasalukuyan ang mga kandidato upang isumite ang kanilang SoCE. Lahat ng kandidato, panalo man o talo, ay obligadon...
  • Tagalog news: SoCot pinakauna sa Region 12 sa pagproklama ng kumpletong hanay ng nanalong kandidato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 17 (PIA) -- Ipinagmamalaking inihayag ni acting provincial election officer Atty. Duque Kadatuan na ang South Cotabato ang pinakaunang lalawigan sa Soccsksargen Region na nakapagproklama ng kumpletong hanay ng mga bagong halal na opisyal sa May 13 elections. Naunahan nito ang mga lalawigan ng Sarangani, Sultan Kudarat at North Cotabato bagamat naantala ang canvassing sa lungsod ng Koronadal at sa mga bayan ng Tupi at Lake Sebu dahil sa depektibong c...
  • Tagalog news: "Huwag gawing Solar Dryer ang National Highway" - DPWH

    CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Mayo 17 (PIA) -- Nananawagan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga magsasaka at rice traders na huwag gawing solar dryer ang national highways. Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson ay pinalawak nila ang pangunahing lansangan upang maiwasan ang trapik at hindi para pagbilaran ng palay o mais . Dagdag pa niya, base sa obserbasyon ng kanilang tanggapan, sinasamantala ng ilang mga magsasaka ang init ng kalsada na siya namang ...
  • Tagalog news: Bataan freeport, nagtala ng pinakamataas na growth rate sa bansa

    LUNGSOD NG BALANGA, Bataan, Mayo 17 (PIA) -- Maugong ngayon ang pangalan ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) sa pagnenegosyo matapos itong magtala ng pinakamataas na growth rate sa lahat ng mga investment promotion agency (IPA) ng bansa. Nalagpasan ng 1,691-ektaryang industrial complex ang pitong malalaking IPA sa bansa kabilang na ang Clark Development Corporation (CDC) at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) pagdating sa growth rate mula 2011 hanggang 2012, ayon sa National ...
  • Tagalog news: Zero election-related violence, naitala sa Bataan

    LUNGSOD BALANGA, Bataan, Mayo 17 (PIA) -- Inilarawan ng mga lokal na otoridad ang katatapos lamang na halalan sa lalawigan bilang "mapayapa at maayos" bunga ng maigting na seguridad mula sa pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar. Sinabi ng mga opisyal mula sa Department of Education na naging maayos at mabilis ang daloy ng botohan sa mga presinto. Ani schools division superintendent Tarcila Javier, panatag niyang masasabi na ligtas at maayos ang eleksyon sa pangkalahatan. Nagpahayag din ...
  • Tagalog news: Tupi, S. Cotabato naghahanda na sa ‘clean and green search’

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 17 (PIA) -- Todo na sa paghahanda ang pamahalaang lokal ng Tupi, South Cotabato sa pangunguna ng Municipal General Services Office (MGSO) para sa nalalapit na ebalwasyon ng clean and green program. Kaugnay nito, abala na ang MGSO na siyang nangangasiwa sa solid waste management program ng naturang lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kalinisan sa paligid ng municipal plaza. Maliban sa paglilinis, mayroon ding mga pagkukumpuni na isinasagawa tulad n...
  • Tagalog news: ‘Oplan Katok’ sa ARMM, ipagpapatuloy

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 17 (PIA) -- Ipagpapatuloy ng pamunuan ng pulisya sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang pagpapatupad ng ‘Oplan Katok’ sa lahat ng mga lugar sa nabanggit na rehiyon. Ayon kay ARMM-PNP Director Chief Supt. Noel Delos Reyes, ito ay kasunod ng magandang resulta ng kanilang hakbang na sinimulan kamakailan. Bagama't hindi partikular na tinukoy ng opisyal kung ilan, tiniyak niyang may ilang gun owner na silang nasampahan ng kaso. Ang ‘Opla...
  • Tagalog news: Mga beteranong lingkod bayan, wagi sa Bataan

    LUNGSOD NG BALANGA, Bataan, Mayo 17 (PIA) -- Idineklara na ng Provincial Board of Canvassers (PBOC) ang mga nagwagi sa halalan kung saan umangat ang mga beteranong pulitiko sa pangunguna ng isang mambabatas na nangakong gagawing economic hub ang Bataan. Uupo bilang gobernador si 2nd District Representative Albert Garcia matapos kumabig ng 257,596 na boto laban kay Dinalupihan Mayor Joel Jaime Payumo na nakakuha ng 82,878 na boto. Itinaob naman ng 245,108 boto ni Bise Gobernador Efren Dominic P...
  • Tagalog news: Phivolcs daragdagan ang instrumento sa Mayon

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 17 (PIA) -- Sa nangyaring hindi inaasahang pagbuga ng abo ng Bulkang Mayon noong Mayo 7, magdaragdag ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng mga kagamitan sa pagmamanman o monitoring instruments upang mas lalong mapag-ibayo ang pag-obserba sa galaw ng bulkan. “Mayroon na kaming maraming instrumento sa paligid ng Bulkan Mayon, subalit kailangan pa ring paunlarin ang visualization ng geophysical at geodetical trending nito,” sabi ni Phivol...
  • Tagalog news: Resulta ng halalan sa Camarines Norte inaasahang matatapos ngayong araw

    DAET, Camarines Norte, Mayo 17 (PIA) -- Inaasahang matatapos ngayong araw ang resulta ng halalan dito sa lalawigan ng Camarines Norte. Ito ay upang maiproklama na ang mga natitira pang mga nanalong kandidato sa bise-gobernador at representante sa unang distrito ganundin ang mga provincial board member. Sa mga nakaraang araw ay tatlong CF cards ng precinct-count optical scan (PCOS) machine sa tatlong presinto sa bayan ng Capalonga ang naging dahilan upang hindi makapagsumite o maka-pagtransmit ...
  • Tagalog news: Mga kandidato ng Partido Liberal, wagi sa Nueva Ecija

    LUNGSOD NG CABANATUAN, Nueva Ecija Mayo 16 (PIA) -- Nagwagi ang mga kandidato ng Partido Liberal sa mga bayan ng Llanera, Carranglan, General Tinio at lungsod ng Cabanatuan. Muling nahalal bilang alkalde ng Cabanatuan si Mayor Julius Cesar Vergara na lumamang ng 78,470 boto laban sa 45,761 boto ni Emmanuel Antonio Umali ng Unang Sigaw. Kasabay ding naiproklama ang kanyang Biseng si Marius Garcia at linya ng mga konsehal: Jean Yasmin Cruz, Ariel Severino, Mario Seeping, EJ Joson, Bunso Roque, ...
  • Tagalog news: ‘Sikat Saka’ program ng DA, inilunsad sa OrMin

    LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 16 (PIA) -- Inilunsad kamakailan sa lalawigan ng Department of Agriculture (DA) ang "Sikat Saka" program na makakatulong sa mga magsasaka sa pagpapalaki ng produksyon ng palay at sa pagpapaunlad ng lalawigan. Ayon kay Provincial Agriculturist Petronilo L. Dimailig, ang Sikat Saka ay isa sa malalaking programa ng DA. Ito ay napapabilang sa Foods Staples Sufficiency Program na nakalaan sa pagpapautang ng puhunan sa mga maliliit na magsasaka. Katuwang ng ...
  • Tagalog news: Maghohopia sa Vigan saksi sa tulong ng gobyerno sa mga residente

    LUNGSOD NG VIGAN, Mayo 16 (PIA) -– Siyento porsyento na ginagawa ng gobyerno ang trabaho para umunlad ang buhay ng mga residente. Ito ang pahayag ni Ferdinand Ruizan ng lungsod na ito pagkatapos maranasan ang pag-unlad ng negosyong pagluluto ng hopia at mga bakery products. Mas gusto na niyang manirahan at magtrabaho sa Pilipinas, sa sariling lungsod, dahil dito mismo nararanasan niya ang maunlad na pamumuhay sa tulong ng pamahalaan, partikular ang Department of Science and Technology (DOS...
  • Tagalog news: Mga kaalyado ng gubernador sa Masbate, nangibabaw sa karera sa pagka-alkalde

    LUNGSOD NG MASBATE, Mayo 16 (PIA) -- Naiproklama na ang lahat ng mga nanalo sa karera sa pagka-alkalde sa katatapos na halalan sa probinsya ng Masbate at ang karamihan sa kanila ay kaalyado ng nanalong gubernador. Sa kabuuang 20 bayan ng probinsya, 13 sa kanila ay pamumunuan ng mga alkaldeng kapanalig ni Governor Dayan Seachon-Lanete. Pito lamang ang kaalyado ng natatalong kalaban ni Lanete na si Rep. Tony Kho ang nagtagumpay sa kanilang reelection bid matapos matalo ang apat sa incumbent mayo...
  • Tagalog news: CF cards problema pa rin sa 2 bayan sa Camarines Norte

    DAET, Camarines Norte, May 16 (PIA) -- Problema pa rin hanggang sa ngayon ang tatlong Compact Flash o CF Cards sa dalawang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte na hindi pa rin makapag-transmit ng resulta sa Provincial Board of Canvassers. Ang bayan ng Capalonga ay nakapag-transmit na sa isang presinto nito sa Municipal Board of Canvassers (MBOC) at dalawa pa ang hinihintay hanggang sa ngayon. Ang bayan naman ng Daet ay isang presinto pa rin ang hinihintay ang clustered precinct #10 ng Baranga...
  • Tagalog news: 'Fuel Efficiency and Conservation in Driving' seminar isinagawa sa BU

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 16 (PIA) -- Pinangunahan ng University of the Philippines National Engineering Center (UP NEC) sa Diliman, Quezon City, katuwang ang Department of Energy (DOE), ang libreng seminar sa Fuel Efficiency and Conservation in Driving na ginanap sa Bicol University College of Nursing noong isang linggo. Layunin ng seminar na mabigyan ang mga dumalo ng impormasyon na may kinalaman sa tamang paggamit ng langis sa pamamagitan ng tamang pagmimintina ng sasakyan, tamang pagmamaneho...
  • Tagalog News: Katandaan, hindi hadlang para bumoto

    BINMALEY, Pangasinan, Mayo 16 (PIA) -- Sa kabila ng kanyang nanghihinang anyo at nanlalabong paningin, isang matandang babae mula sa barangay San Isidro Sur sa bayang ito ang nagtungo sa kanyang presinto upang bumoto at makibahagi sa eleksyon nuong Lunes. Siya ay si Gng. Emiliana Aquino, edad 79, na nakaboto sa presinto 197-A sa tulong ng kanyang apo na si Rosalie Andaya. Ayon kay “Nana Mily", pinili niya ang mga kandidatong kanyang ibinoto base sa kanilang mga plataporma. Aniya, pinapan...
  • Tagalog news: Huwag gumamit ng mga depektibong tangke ng LPG

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 16 (PIA) -- Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) Bicol sa pagbili ng mga Liquefied Petroleum Gas (LPG) tanks na mga depektibo na. Sinabi ni Jocelyn Blanco, ang DTI regional director, na kailangang tandaan ng publiko ang mga marka na makikita sa mga tangke. Upang makasiguro na ligtas gamitin ang mga tangke dapat ay bumili lamang ang publiko sa mga authorized dealers, ayon kay Blanco. Dapat din aniya kakitaan ang mga tangke ng selyo ng Province Standard o...
  • Tagalog news: Hindi maayos na pila, kawalan ng kuryente at sirang PCOS machines sa Ilocos Norte

    LUNGSOD NG LAOAG, Mayo 16 (PIA) - Karaniwang naging problema sa eleksiyon sa Ilocos Norte ay ang mabagal na pag-usad ng pila, kawalan ng kuryente at pagkasira ng mga precinct count optical scan (PCOS) machines. Ang hindi maayos at patuloy sa paghaba ng pila ang reklamo ng mga botante sa Sta. Maria Elementary School ng Barangay 1, Laoag City sa Ilocos Norte nuong Lunes. Ito ay dahil sa marami ang sumisingit na mga botante sa mga pila simula kaninang umaga nang magbukas ang mga presinto dito. ...
  • Tagalog news: Ilocos Norte nagdagdag ng katuwang sa pangangalaga ng kalikasan

    LUNGSOD NG LAOAG, Mayo 16 (PIA) -- Mula sa mahigit na 200 ay mas dumami pa ngayon ang bilang nga mga ‘Barangay Ranger Officers’ (BROs) na nagsisilbing katuwang ng pamahalaang probinsyal sa pangangalaga ng kalikasan. Kamakailan ay nanguha ng karagdagan na 31 BROs ang pmahalaan ng Ilocos Norte na itatalaga sa apat na baryo sa bayan ng Solsona. Ito ay sa baryo ng Maananteng, Manalpac, Sta. Ana and Catangraran, mga lugar kung saan mayroong itinuturing na ‘vulnerable watersheds’. Sinabi n...
  • Tagalog news: Tuluy-tuloy na suplay ng kuryente sa Kidapawan noong halalan, ikinatuwa ng mga mamamayan

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 16 (PIA)--Ikinatuwa ng mga mamamayan lalo na ng mga negosyante sa lungsod ng Kidapawan, North Cotabato ang tuluy-tuloy na suplay ng kuryente noong nagdaang halalan. Ayon sa ilang mga operators ng photo copying business at internet cafes sa mega market, walang tigil ang kanilang operasyon simula noong Lunes at maging hanggang kamakalawa. Kaugnay nito, medyo umangat na rin ang kanilang kita dahil sa maayos na suplay ng kuryente. Matatandaang ipinahayag...
  • Tagalog news: Mga kawani ng NIA-12 magtatanim ng 1,000 puno

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, May 16 (PIA) -- Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Irrigation Week at ika-50 anibersaryo ng National Irrigation Administration (NIA) ay magtatanim ng abot sa isanlibong fruit-bearing trees ang mga kawani ng NIA-12. Gagawin ang sabayang tree growing activity sa darating na Hunyo 2. Kaugnay nito ay nagpadala na ng sulat si NIA-12 Acting Regional Manager Engr. Mario Sande sa tanggapan ni Rep. Jesus Sacdalan upang mabahagian ng mga binhi. Umaasa ang NIA n...
  • Tagalog news: Jesus Sacdalan, panalo sa ikalawang termino bilang kongresista

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, May 16 (PIA) -- Muling nahalal bilang kinatawan ng Unang Distrito ng North Cotabato si Jesus Sacdalan. Umabot sa 109,987 votes ang nakuha ni Sacdalan laban sa mga katunggali nito na sina dating governor at congressman Anthony Dequiṅa na nakakuha ng 27,043 votes at si Fernando Sacdalan na may 18,692 na boto. Kahapon ng umaga ay pormal nang iprinoklama ng Provincial Board of Election Canvassers ng COMELEC- North Cotabato si Rep. Jesus Sacdalan...
  • Tagalog news: Suansing, Violago, Ipinroklama na bilang kinatawan ng una at ikalawang distrito sa Nueva Ecija

    LUNGSOD NG CABANATUAN, Nueva Ecija, Mayo 16 (PIA) -- Ipinroklama na kagabi ng Provincial Board of Canvassers sina Estrellita “Ging” Suansing at Joseph Gilbert Violago bilang kinatawan ng una at ikalawang distrito sa lalawigan. Ayon kay Lydia Pangilinan, provincial election supervisor, lumamang sa ika-unang distrito si Suansing sa puntos na 109,059 laban sa 90,125 na boto ng katunggaling papalabas na Mayor ng Quezon, Mariano Cristino Joson at 17,219 na puntos ni Renato Diaz. Sa ikalawang d...
  • Tagalog news: DOT-5 nagsagawa ng tour guiding seminar

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 16 (PIA) -- Ang Department of Tourism (DOT) sa rehiyong ito ay nagsagawa ng seminar sa "Training on Basic Tourist Reception and Tour Guide Techniques" noong ika-2 ng Mayo hanggang ika-4 sa nasabing opisina. Ito ay libreng tatlong araw na training na dinaluhan ng 47 na mga accredited participants mula sa iba't ibang tour agencies at tour operators sa Bikol. Ang naturang training ay isinagawa sa pangunguna ni Maria Ong-Ravanilla, DOT regional director katuwang sina Ame...
  • Tagalog news: Pagtanggal ng campaign ads sa North Cotabato, tinututukan ng Comelec

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 16 (PIA) -- Sentro ngayon ng atensyon ng pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) sa lalawigan ng North Cotabato ang tamang pagtatanggal at pagliligpit ng mga ginamit na campaign materials noong halalan. Ito ay upang malinis ang lahat ng mga common poster areas sa nabanggit na probinsya lalo na sa harap ng mga paaralan. Kaugnay nito, mismong si North Cotabato Provincial Election Supervisor Atty. Kendatu Laguialam ang nanawagan sa lahat ng mga kan...
  • Tagalog news: Resulta ng halalan sa Cagayan, naaantala dahil sa aberya sa PCOS

    LUNGSOD NG TUGUEGARAO, Mayo 16 (PIA) -- Hanggang ngayon ay hindi parin natatapos ang transmission ng mga resulta ng halalan sa lalawigan ng Cagayan matapos magkaroon ng aberya sa Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines sa dalawang bayan na kinabibilangan ng Iguig at Sta Teresita at maging dito sa lungsod ng Tuguegarao. Dahil dito ang mga nanalong Sangguniang Panlalawigan lamang ng una at ikalawang distrito ang naiproklama kaninang umaga na kinabibilangan nila Board Members Ramon Nolasco, Ma...
  • Tagalog news: Mga nanalong kongresista sa Bulacan, nangako ng pagsuporta sa administrasyong Aquino

    LUNGSOD NG MALOLOS, Mayo 16 (PIA) -- Bagamat nagmula sa iba’t ibang partido, nagpahayag ng kani-kanilang suporta ang mga kakaproklamang kongresista sa Bulacan sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III. Sinabi ni re-elected 3rd District Representative Joselito ‘Jonjon’ Mendoza na ngayong tapos na ang halalan, panahon nang maglingkod nang walang pagdadamot. Aniya, isang araw lang ang halalan at galitan, tatlong taon naman o higit pa ang dapat na ipaglingkod. Patunay aniya rito, b...
  • Tagalog news: Mga magsasaka sa Palawan, sumailalim sa oryentasyon ng IRRI

    LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 16 (PIA) -- Sumailalim kamakailan sa isang araw na Briefing & Site Validation of Rice Crop Manager ang mga Municipal Agriculture Officers, agricultural technicians at ilang magsasaka mula sa siyam na munisipyo sa lalawigan na ginaganap sa Victoriano J. Rodriguez Hall ng gusali ng Kapitolyo. Ito ay para sa patuloy na pag-aaral ng International Rice Research Institute (IRRI) sa naaangkop na crop nutrient management sa mga lupaing sinasaka. Layunin ng akt...
  • Tagalog news: BFAR nanguna sa pagtititipon ng mga Commercial Fishing Vessel operators at mangingisda sa Bicol

    LUNGSOD NG NAGA, Mayo 15 (PIA) -- Pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bicol ang Fisheries Summit and Dialoque / Consultation ng mga Commercial Fishing Vessel Operators at iba pang kliyente nito noong Mayo 8, sa Villa Caceres Hotel sa lungsod ng Naga. Halos 166 ang lumahok sa naturang aktibidad kasama na ang 23 fishing vessel operators upang pag usapan at magkaroon ng konsultasyon tungkol sa mga programa ng pamahalaan at mga regulasyon sa paghahanap buhay sa dagat...
  • Tagalog news: LP ticket sa lungsod ng Masbate, halos buo ang tagumpay

    LUNGSOD NG MASBATE, Mayo 15 (PIA) -- Dahil nabilang na ang mga boto sa 57 ng kabuuang 58 precinct clusters, iprinoklama na ng Masbate City Board of Canvassers ang kandidato ng Liberal Party sa pagka-alkalde na si Rowena Tuason at ang kanyang runningmate na si Ruby Sanchez kahapon. Si Tuason ay nakakuha ng botong 19,506 o mahigit 60 porsyento ng kabuuang boto. Ang kanyang katunggaling si outgoing Vice Mayor Allan Cos ng Nationalist People’s Coalition ay nakakuha lamang ng botong 12,607 na ka...
  • Tagalog news: Mga nanalong kandidato naiproklama sa bayan ng Lagawe, Ifugao

    LAGAWE, Ifugao, Mayo 15 (PIA) -- Pormal nang iprinoklama ng municipal board of canvassers (MBOC) ang mga nanalong kandidato sa lokal na halalan dito. Pinangunahan ni MBOC chairman at municipal election officer Atty. Grace Faustino ang proklamasyon ng nanalong mga kandidato sa pagka-alkalde, bise alkalde at kasapi ng sangguniang bayan ng Lagawe. Ang mga nanalong kanditato ay pinangunahan ni incumbent Mayor Ceasario Cabbigat at un-opposed incumbent Vice-mayor na si Martin Habbawel Jr. Kabila...
  • Tagalog news: Pagiging Automated ng halalan, ginawang mas matured ang mga botante at pulitiko- COMELEC Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS, Mayo 15 (PIA) -- Walang duda na malaki ang ipinagbago ng sistema ng halalan sa Pilipinas at maging ng mismong mga botante at kandidato mula nang maging automated ang proseso ng pagbilang ng pagboto. Sinabi ni Commission on Elections Provincial Election Supervisor Elmo Duque na aral na aral na ang mga Bulakenyo sa pagboto gamit ang modernong Precint Counting Optical System (PCOS) machine. Batid din niya na dahil mabilis na lumabas ang resulta ng halalan, kaagad nang nagpap...
  • Tagalog news: Mga kandidatong walang kalaban sa Bulacan, naiproklama na matapos makakuha ng sapat na boto

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Mayo 15 (PIA) -- Tuluyan nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) sa Bulacan ang nakaupong Gobernador Wilhelmino Sy- Alvarado at asawa nitong si Kinatawan Marivic Sy-Alvarado ng Unang Distrito ng Bulacan, na pawang walang kalaban. Ito ay matapos makakuha na ng 40 porsyento bilang ng boto. Ito rin ay kahit pa 15 bayan pa lamang sa Bulacan sa kabuuang 24 na bayan at lungsod ang nai-canvass ng Provincial Board of Canvassers. Ayon kay Atty. Elmo Duque, ...
  • Tagalog news: Ama, puwedeng makatulong sa pagpapasuso

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 15 (PIA) -- Mayroong mahalagang papel ang mga tatay sa buong proseso ng pagpapasuso ng ina sa sanggol. Kinakailangan ang tulong ng tatay kung ang ina ay nakakaranas ng hirap sa paglalabas ng gatas sa kanyang suso, ayon kay Dr. Virgilio Ludovice, ang hepe ng Hospital ng Josefina Belmonte Duran Memorial Hospital sa lungsod ng Ligao sa isinagawang “Sarabayan na Pagpadodo sa Daragang Magayon” o sabayang pagpapadede sa loob ng Albay Astrodome sa pagdiriwang ng taunang D...
  • Tagalog news: Pamahalaang Panlalawigan ng OrMin patuloy ang pagbibigay ng iskolarship

    LUNGSOD NG CALAPAN, Mayo 15 (PIA) -- Patuloy na ipinapatupad ng pamahalaang panlalawigan ang programang pang-edukasyon para sa mga Mindoreño na nais makapag-aral ng technical-vocational course. Isang paraan ito ng lokal na pamahalaan na alalayan ang mga kabataang Mindoreño na kapos sa pinansyal ngunit determinadong makapagtapos sa kolehiyo. Ayon kay Education and Employment Services Division Head Antonio Magnaye Jr., umaabot sa 1,203 ang mga aplikante sa iba’t ibang scholarship progr...
  • Tagalog news: PhilRice, may labing isang bagong espesyalista

    LUNGSOD NG CABANATUAN, Nueva Ecija, Mayo 15 (PIA) -- May labing isang bagong espesyalista ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na ibabahagi ang mga kaaalamang pang-teknolohiya upang makatulong sa mga magsasaka na mapataas ang kanilang kita. Ayon kay PhilRice Executive Director Eufemio Rasco, nahasa ang mga nagsipagtapos sa mga proyekto ukol sa plant breeding, crop protection, rice chemistry, economics and development. Samantala, ayon kay Myriam Layaoen, isa sa mga iskolar ng P...
  • Tagalog news: City library ng Batangas, nagsagawa ng reading workshop para sa mga bata

    LUNGSOD NG BATANGAS, Mayo 15 (PIA) -- Nagdaos ng Summer Reading and Learning Program Workshop kamakailan ang Batangas City Library para sa mga bata upang may pagkaabalahan ang mga ito ngayong bakasyon. May 80 bata na may edad 5-6 ang kasali mula sa mga barangay ng Balete, Dumantay, Kumintang Ibaba at Gulod Labac. Sinabi ni City Librarian Mila Silang na layunin ng programa na maihanda ang mga bata sa darating na pasukan. Aniya, itinuturo dito na maging aktibo ang mga bata, sa iba’t ibang ga...
  • Tagalog news: Lactation stations sa lugar-trabaho, isinusulong sa lungsod ng Batangas

    LUNGSOD NG BATANGAS, Mayo 15 (PIA) -- Puspusang ipinatutupad ng City Health Office (CHO) ang pagkakaroon ng mga lactation stations sa mga ugar-trabaho upang mapalakas ang kampanya sa breastfeeding para sa mga nagtatrabahong ina. Kaugnay nito, mahigit 30 managers at may-ari ng ilang mga establisimyento sa lungsod ang sumailalim sa ginanap na “Orientation on the Establishment of Lactation Station/Room in the Workplace” kamakailan sa Max’s Restaurant. Ang orientation at inisyatibo ng CHO...
  • Tagalog news: Halalan sa Sorsogon naging mapayapa sa pangkalahatan

    LUGSOD NG SORSOGON, Mayo 15 (PIA) -- Sa kabila ng ilang mga ulat ng pagkakaroon ng mga armadong kalalakihang umano'y umaali-aligid sa ilang mga lugar sa probinsya, nanatiling mapayapa ang naging halalan sa buong Sorsoogn. Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni OIC Provincial Director PSSupt Ramon S. Ranara at ng Philippine Army sa pangunguna ng Task Sub-unit “Charge” ng 31st Infantry Battalion. Sa naging panayam naman ng PIA kay Provincial Elect...
  • Tagalog news: 2 bayan sa Camarines Norte hindi pa nakakapagsumite ng resulta sa Provincial Board of Canvassers

    DAET, CAMARINES NORTE, Mayo 15 (PIA) -- Dalawang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte na hangggang sa ngayon ay hindi pa nakakapagsumite ng resulta sa Provincial Board of Canvassers sa Sangguniang Panlalawigan ng kapitolyo dito kaugnay sa isinagawang halalan. Ayon sa pahayag ni acting provincial election supervisor III Atty. Romeo G. Serrano ng Comission on Elections (Comelec) sa Camarines Norte, transmission ang naging problema sa isang presinto sa bayan ng Daet dahil hindi ito nakaka-transmi...
  • Tagalog news: Maraming salamat, Taguigenos -- Mayor Laarni L. Cayetano

    TAGUIG CITY, Mayo 15 (PIA) -- Sa isang pahayag, lubos pusong nagbigay ng kaniyang pasasalamat si releksiyonista Mayor Laarni Cayetano ng lungsod ng Taguig sa kaniyang mga kababayan. Una niyang pinasalamatan ang Panginoon na aniya ay gumabay sa kanilang partido sa pangangampanya. Sabi niya, “Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga Taguigeño, sa inyong walang humpay na tiwala at pagsuporta sa amin at mga programa ng aking administrasyon para sa ikauunlad ng minamahal nating bayan ng Ta...
  • Tagalog news: Mga hindi nakaboto dahil wala ang pangalan sa voters’ list, hindi nakaapekto sa resulta ng halalan sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS, Mayo 14 (PIA) -- Hindi nagkaroon ng epekto sa resulta ng katatapos na halalan ang hindi pagkakaboto ng mga nawala ang pangalan sa voters’ list na inihanda ng Commission on Elections (Comelec). Sinabi ni Comelec Provincial Election Supervisor Elmo Duque na kung ikaw ay regular na botante tuwing ikatlong taon, hindi ka mawawala sa listahan. Pero kung hindi ka talaga bumuboto lalo na nitong nakaraang presidential election ng May 2010 at barangay election ng October 2010, ...
  • Tagalog news: Tambak na basura naiwan matapos ang eleksyon

    VIRAC, Catanduanes, Mayo 14 (PIA) -- Tambak na basura ang naiwan ng mga botante sa iba’t ibang presito ng botohan sa 11 bayan ng lalawigan. Ito’y sa kabila ng panawagan ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lalawigan na panatilihing malinis ang kapaligiran sa panahon ng halalan. Maliban sa mga campaign paraphernalia ng mga kandidato na nagkalat, karamihan sa mga basura ay mula sa mga balat ng mga kendi, pagkain at inumin. Ayon kay DENR Provincial Direct...
  • Tagalog news: Mapayapa ang halalan sa Bulacan sa kabila ng mga aberya sa PCOS -COMELEC

    LUNGSOD NG MALOLOS, Mayo 14 (PIA) -- Hindi napigil ng mga maliliit na aberya sa Precinct Counting Optical System (PCOS) ang pagkakaroon ng isang tahimik at mapayapang halalan sa Bulacan dahil kaagad na naaksiyunan ng Commission on Elections (Comelec). Sa ginawang pag-ikot ni Atty. Elmo Duque, Provincial Election supervisor ng Comelec kasama ang Philippine Information Agency (PIA) sa mga pangunahing bayan sa lalawigan, may mangilan-ngilang insidente ng aberya sa nasabing PCOS machine. Una na ...
  • Tagalog news: Mga negosyante at nagmimina, magsasagawa ng tree planting sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Mayo 14 (PIA) -- May 500 stakeholders mula sa sektor ng pagnenegosyo at pagmimina ang inaasahang lalahok sa isasagawang tree planting activity ngayong araw sa bayan ng Doña Remedios Trinidad. Sinabi ni Bulacan Environment and Natural Resources Officer Eugenio Payongayong na ang proyekto ay nakaangkla sa Pitong Puntong Programa ng pamahalaang panlalawigan sa pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan. May 5,000 seedlings ang itatanim sa kahabaan ng Bayabas River at B...
  • Tagalog news: PCOS machine sa isang presinto sa Butuan City, hindi na gumana

    LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 13 (PIA) -- Hindi na gumana ang Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine na naka-assign sa precinct no. 7 sa Butuan Central Elementary School dito sa lungsod. Ayon kay Ma. Lourdes Canete, Board of Election Inspector chairman ng nasabing presinto, sa simula ay hindi naman nagka-aberiya ang nasabing PCOS machine at nakabasa pa ito ng mga 174 na balota, ngunit nang ipasok na ang ika-175 na balota, bigla na lamang daw itong nagka-aberiya. Dagdag ni Canete, sinubukan pa ra...
  • Eleksyon sa Pangasinan, nagumpisang maayos

    DAGUPAN CITY, May 13 (PIA) - Bagamat nakaranas ng pag-ulan ang lalawigan ng Pangasinan mula kagabi hanggang kaninang alas siyete ng umaga, naging maayos pa rin ang isinasagawang halalan dito sa lalawigan. Sa ating panayam kay Provincial Election Supervisor Marino Salas, sinabi niyang bagamat may ilang areas na hindi nakapagumpisa sa tamang oras ang botohan dahil sa pag-operate ng PCOS machines, karamihan ay nakapagumpisa naman ng maayos at sa tamang oras. Nagkaroon ng mga ulat na pumalya an...
  • Tagalog news: Halalan sa Catanduanes, pangkalahatang nagiging mapayapa

    VIRAC, Catanduanes, Mayo 13, (PIA) -- Pangkalahatang naging mapayapa simula ng pagbubukas ng mga polling precincts sa buong lalawigan. Ito ang ipinahayag ni Atty. Maria Aurea C. Bo-Bunao, provincial election supervisor kaugnay ng local and national elections ngayong araw, Mayo 13. Ayon sa opisyal, lahat ng 364 voting precincts sa probinsya ay nagbukas ng alas-7 kaninang umaga. Pinaalalahanan naman niya ang mga botante na hanggang 7:00 lamang ng gabi ang pagboboto at wala umano silang ibibigay...
  • Tagalog news: Mahabang pila sa mga presinto sa bayan ng Daet naobserbahan

    DAET, CAMARINES NORTE, May 13 (PIA) -- Mahabang pila ang naobserbahan sa mga polling precints sa bayan ng Daet at maging sa iba pang lugar sa ibat-ibang bayan sa lalawigan sa pagbubukas ng voting centers bago pa ang opisyal na pagbubukas nito ng 7:00 kaninang umaga. Mahigit 100 ang pumila sa bawat presinto ng siyam na polling at clustered precints lalong lalo na sa Abaño Elementary School ng naturang bayan. Wala namang aberya ang mga PCOS machine sa mga presinto ng naturang paaralan kung sa...
  • Tagalog news: Sa kabila ng tensyon, dumagsa ang mga bomoboto sa lungsod ng Masbate

    LUNGSOD NG MASBATE, May 13 (PIA) -- Sa harap ng banta ng karahasan at kaliwa’t kanang alegasyon ng vote-buying, masigla ang botohan sa poblacion ng lungsod ng Masbate. Isang oras bago magbukas ang polling precincts sa Restituta Medina Elementary School sa barangay Ibingay dito kanina, halos limang bus na ang haba ng pila ng mga botante. Hindi maiiwasang mapansin ng mga boboto ang malaking pagkakaiba ng eleksyon ngayon dito sa mga nagdaang eleksyon. Una, hindi gaya ng eleksyon nung taong 201...
  • Tagalog news: PNoy bumoto sa Tarlac

    LUNGSOD NG TARLAC, Mayo 13 (PIA) -- Umuwi kanina si Pangulong Benigno Aquino III sa Tarlac upang bumoto sa kauna-unahang general elections sa ilalim ng kanyang administrasyon. Dumating si Aquino, na naka dilaw na polo shirt, sa Central Azucarera de Tarlac Elementary School sa Barangay Central, lungsod ng Tarlac pasado alas nuwebe y medya ng umaga. Sinamahan siya ng kanyang mga kapatid na sina Ballsy at Viel, mga in laws at pamangkin na pawang mga rehistradong botante rin ng naturang barangay...
  • Tagalog News: Aquino nasisiyahan sa mga paghahandang ginagawa ng army at pulis

    AGUSAN DEL SUR, Mayo 10 (PIA) -- Nasisiyahan si Pangulong Benigno S. Aquino III sa ginawang paghahanda ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP) para masigurong mapayapa, makatotohanan at kapanipaniwala ang gagawing halalan sa susunod na linggo, ayon sa isang opisyal ng palasyo. Noong Miyerkules, nagpatawag ng isang pagpupulong ang Pangulo sa Malacanang kasama ang PNP at ang AFP na nag ulat ng kanilang mga ginagawang paghahanda para halalan sa darating na L...
  • Tagalog news: Camarines Norte makikiisa sa isasagawang 'Simultaneous Prayer Vigil at Synchronize Lighting of Candles'

    DAET, Camarines Norte, Mayo 10 (PIA) -- Makikiisa ang lalawigan ng Camarines Norte sa isasagawang magkakasabay na "Prayer Vigil" at "Synchronize Lighting of Candles" kaugnay sa paghahanda sa gaganaping halalan sa ika-13 ng Mayo ngayong taon. Pangungunahan ito ng 49th Infantry (Good Samaritans) Battalion ng 9th Infantry (SPEAR) Division ng Philippine Army, Commission on Elections (Comelec) at Philippine National Police (PNP) katuwang ang mga ahensiya ng pamahalaan na makikiisa dito. Isasagawa i...
  • Tagalog news: Tanod at tambay sa Masbate, arestado sa gun ban

    LUNGSOD NG MASBATE, Mayo 10 (PIA) -- Isang tanod at isang tambay ang pinakabagong naaresto ng special task force ng pulis at militar na tumutugis sa mga armado ng baril na walang lisensya o loose firearms sa probinsya ng Masbate. Isang 32 anyos na tanod ang inaresto ng mga kaanib ng Joint PNP-AFP Special Task Force Masbate sa kanyang bahay sa Barangay Dayhagan, bayan ng Aroroy kamakalawa matapos masamsam sa kanya ang isang 12 gauge shotgun at dalawang bala para sa naturang armas. Sa parehong ...
  • Tagalog news: 45 Sorsoganon akreditado ng DOT bilang bagong tour guide

    LUNGSOD NG SORSOGON, Mayo 10 (PIA) -- Binigyan ng akreditasyon ng Department of Tourism (DoT) ang 45 Sorsoganon bilang mga bagong tour guide ng Sorsogon. Ito ay matapos na sumailalaim ang mga ito sa tatlong araw na pagsasanay na tinaguriang “Specialized Tour Guiding Techniques Training” sa pangunguna ng pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office sa pakikipagtulungan sa Provincial Tourism Council. Ang pagsasanay na ito ay pinondohan ng DoT Region V. Sa ...
  • Tagalog news: COMELEC-Bicol handa na sa halalan sa lunes

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 10 (PIA) -- Nakaantabay at nakahanda na sa halalan, ito ang pagseseguro na ginawa ni Commission on Elections (COMELEC) Bicol Regional Election Director Romeo Fortes sa isinagawang final briefing para sa paghahanda at pagsusuri COMELEC at deputized agencies kahapon. “Nakaantabay na kami ayon sa kahandaan sa transmission, pagtatalaga ng tao, pagsusuri at pagseselyo ng PCOS (Precinct Count Optical Scan) machines, kasabay na ang contingency plans kung magkaroon ng sakuna,...
  • Tagalog news: Comelec sa Bicol, may itinalagang speakers’ bureau para sa halalan

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 10 (PIA) -- Pormal na pinakilala kahapon ng Commission on Elections (COMELEC) sa rehiyon Bicol ang mga kasapi ng speakers’ bureau nito sa ginawang final briefing kahapon ng Commission sa mga deputized agencies nito. Ayon kay Comelec-Bicol regional election director Atty. Romeo Fortes ang mga kasapi sa COMELEC-Bicol speakers bureau. “Ako mismo ang tagapagsalita para sa Rehiyon Bikol at ang mga tagapagsalita sa bawat probinsiya ay ang mga provincial election supervi...
  • Tagalog news: Philippine Army pangungunahan ang “Sama-samang Panalangin para sa Matahimik at Patas na Halalan 2013”

    Lungsod ng Sorsogon, Mayo 10 (PIA) – Isang Prayer Vigil at sabay-sabay na pagsisindi ng kandila ang nakatakdang pangunahan ng mga tauhan ng 903rd Infantry Brigade mamayang 6:30 ng gabi sa Capitol Park, Lungsod ng Sorsogon. Ayon kay 903rd Brigade Commander Col. Joselito E. Kakilala ang aktibidad ay hindi lamang gaganapin dito sa Sorsogon kundi sa lahat ng dako ng Katimugang Luzon. Tinaguriang “Sama-samang Panalangin para sa Matahimik at Patas na Halalan 2013”, layunin nitong mapag-isa a...
  • Tagalog News: DENR pinaigting ang anti-illegal logging task force sa Caraga

    LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 10 (PIA) -- Pinaiigting ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang anti-illegal logging task force bilang suporta sa nasyunal na pamahalaan sa pagsisikap nitong makontrola ang patuloy na illegal logging na gawain sa bansa. Sa ginawang pagtitipon ng Executive Committee ng Caraga Conference for Peace and Development (CCPD) na ginanap kamakailan sa Bishop’s Home, Barangay Ampayon, binigyang-diin ni Forester Achilles Ebron ng DENR-Caraga na ito ay daan p...
  • Tagalog news: EDC nagpaliwanag hinggil sa krisis sa kuryente sa North Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 10 (PIA) -- Nilinaw ng pamunuan ng Energy Development Corporation (EDC), may-ari ng dalawang geothermal plants sa Mt. Apo na ang kanilang kumpanya ay namamahala lamang sa power generation at hindi sa distribution at transmission ng kuryente sa Mindanao grid. Ito ay matapos makatanggap ng mga reklamo at kilos protesta ang EDC kahapon dahil sa matagal nang problema sa kuryente sa lalawigan ng North Cotabato. Ayon kay EDC assistant vice-president for Min...
  • Tagalog news: Mga proyekto ng DA sa Rehiyon 12 isasailalim sa geo-tagging

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato , Mayo 10 (PIA) -- Isasailalim sa geo-tagging ang mga proyektong ipinatutupad ng Department of Agriculture (DA) sa Soccsksargen Region sa ilalim ng Mindanao Rural Development Program (MRDP). Layon nito na mas mapalawak pa ang pagsusubaybay at pagbabantay sa sitwasyon ng mga proyektong ipinatutupad ng ahensiya sa kanayunan gamit ang Internet. Kamakailan, tinipon ng DA ang mahigit 80 focal persons ng mga lokal na ...
  • Tagalog news: Pangangalaga sa tarsier habitat sa Tupi, S. Cotabato, itinataguyod ng DENR

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 10 (PIA) -- Isinusulong ngayon ng pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagtataguyod sa pangangalaga sa tarsier habitat sa bayan ng Tupi, South Cotabato. Layon nito na mapagyaman at mapangalagaan ang mga namamahay na tarsiers sa Barangay Linan ng nasambit na bayan. Kaugnay nito, pinangunahan kamakailan ng DENR- Protected Area Management Board (PAMB) ang paghahanda ng tarsier habitat management plan. Ayon kay Barangay ...
  • Tagalog news: Geohazard mapping 19 na lugar sa Rehiyon Dose, tapos na -- MGB 12

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 10 (PIA) -- Dalawang lugar pa sa Rehiyon Dose ang natapos ng Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (MGB-DENR) 12 na isailalim sa geohazard assessment. Kinilala ni MGB 12 Regional Director Constancio Paye Jr., ang pinakabagong mga bayan na nagawan na nila ng mga detalyadng mga geohazard map ay ang mga bayan ng Magpet sa North Cotabato at Polomolok sa South Cotabato. Dahil ...
  • Tagalog news: BIR Revenue District Office-17 ginawaran ng Seal of Excellence Award ng CSC

    LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 10 (PIA) -- Ginawaran ng Civil Service Commission (CSC) ng titulong Seal of Excellence Award ang tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue District Office sa ilalim ng Revenue Region 17 kamakailan lang sa BIR Grounds dito sa lungsod. Ito ay iginawad bilang gantimpala sa maayos na pamamalakad at serbisyo ng BIR sa publiko kasunod sa ulat na survey na isinagawa ng CSC sa ilalim ng Anti-Red Tape Act (ARTA). Ayon kay CSC-Caraga Regional Director Adams D. Torre...
  • Tagalog news: PNP Concert para sa mapayapang eleksyon isinagawa sa Sorsogon

    Lungsod ng Sorsogon, Mayo 10 (PIA) -- Hindi natinag ng ulan ang ginawang aktibidad ng mga kapulisan ng Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) nitong Miyerkules, Mayo 8, sa isang libreng Peace Concert na ginawa sa Camp Salvador C. Escudero, Sr., Sorsogon City. Ayon kay Sorsogon Police Provincial Director PSSupt Ramon S. Ranara, kasama ang ginawang konsyerto sa kanilang inisyatibo na mapa-igting pa at masustinihan ang pagpapatupad ng pampublikong seguridad partikular ngayong halalan. Tinaguria...
  • Tagalog news: 125 bilanggo ng provincial jail boboto ngayong halalan

    DAET, Camarines Norte, Mayo 10 (PIA) -- Boboto ngayong darating na halalan ang 125 bilanggo ng Camarines Norte Provincial Jail ng kapitolyo probinsiya kung saan 111 ang lalaki dito at 14 naman ang kababaihan. Ito ang mga bilanggo na ang kanilang mga kaso ay nasa ilalim ng proseso samantalang ang mga naakusahan ay hindi maaaring bomoto. Ayon kay Acting Provincial Warden Reynaldo Pajarillo ng Provincial Custodial and Security Services Division ng pamahalaang panlalawigan, ito ay batay sa guideli...
  • Tagalog news: Bulacan, nagsagawa ng AIDS Candlelight Memorial

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Mayo 10 (PIA) -- Nagsagawa kamakailan ng Candlelight Memorial ang lalawigan ng Bulacan bilang paggunita sa mga binawian ng buhay sanhi ng Acquired Immunodeficiency Syndrome o AIDS. Sa temang “In Solidarity, Join Hands and Work Together in Response to HIV” pinangunahan ng Provincial Public Health Office ang pagbuo ng isang human ribbon na may hawak ng may sinding kandila sa loob ng capitol gymnasium. Binibigyang diin ng nasabing tema ang pangangailangan na magka...
  • Tagalog news: Krimen sa Lungsod ng Butuan, bumaba ng 9% ayon sa PNP

    LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 10 (PIA) -- Bahagyang bumaba ng siyam na porsyento ang krimen dito sa lungsod sa buwan ng Abril ngayong taon kung ikukumpara sa parehong buwan noong nakaraang taon. Ayon sa ulat ni SSupt Nerio Bermudo, hepe ng BCPO, sa buwan ng Abril sa taong ito, may naitalang 223 crime incidents na mababa ng siyam na porsyento sa nakaraang taon. Sa Average Monthly Crime Rate (AMCR), may naitalang 17.23 incidents kada 323,520 populasyon na nagpapakita ng pagbaba ng siyam na porsyento ...
  • Tagalog news: Kabataan nagsagawa ng Summer Youth Camp sa Sorsogon

    LUNGSOD NG SORSOGON, Mayo 9 (PIA) -- Higit pang naging malapit sa isa’t isa at naging buo ang relasyon ng mga kabataan mula sa tatlong bayan ng Sorsogon matapos ang isinagawang Summer Youth Camp at 1st General Alumni Assembly ng mga ito. Sa temang “Nagkakaisang Kabataan sa Sorsogon Tungo sa Paghubog ng Kasanayan sa Isports, Talento, Pananaw at Desisyon” naganap ang aktibidad mula Mayo 3 hanggang 8 sa Casini Elementary School sa Irosin, Sorsogon sa pakikipagtulungan ng Integrated Rural Dev...
  • Tagalog news: DTI ilalatag ang Diskwento Caravan Balik Eskwela edition sa buong bansa

    AGUSAN DEL SUR, Mayo 9 (PIA) -- Magsagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) ng 29 na Diskwento Caravan-Balik Eskwela Edition sa buong bansa para mabigyan ng masmurang kagamitan sa eskwela, bags, sapatos at uniporme ang mga mag-aaral bago magsimula ang pasukan sa Hunyo. Sinabi ni DTI National Capital Region (NCR) Assistant Director Ferdinand Manfoste na ang diskwento caravan ay gaganapin sa buong bansa mula Mayo 6 hanggang Hunyo 15, 2013. “Ang diskwento caravan ay isang mabuting pag...
  • Tagalog news: Turista, dumarami pa rin matapos ang insidente sa Mayon - Salceda

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 9 (PIA) -- Naghatid man ng lungkot ang pagkamatay ng apat na Aleman, pagkakasugat ng limang Thai at isang Austrian dahil sa biglaang pag-aalburuto ng Bulkan Mayon noong Martes ay tumaas pa rin ang bilang ng mga dumarating na turista sa Albay. “Tumaas ang occupancy rate ng 10 porsyento,” sabi ni Albay Governor Joey Salceda. "Ang kagandahan ng Mayon ang pangunahing dahilan bakit maraming turista ang pumupunta sa Albay hindi ang aktibidad na mountaineering na nabibig...
  • Tagalog news: 25% power dispatch sa N. Cotabato, patuloy na hinihiling ng mga civil-society groups sa EDC

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, May 9 (PIA) -- Patuloy pa rin ang hiling ng aabot sa 40 civil society groups sa lalawigan ng North Cotabato sa 25% power dispatch mula sa Energy Development Corporation (EDC) para sa lungsod ng Kidapawan at maging sa buong lalawigan bilang host city at province ng mga planta ng kuryente. Kaugnay nito, kaninang umaga ay nagtipon ang nabanggit na grupo upang muling iparating sa pamunuan ng EDC ang kanilang kahilingan. Ang pagkilos ay suportado ng Kidapawan P...
  • Tagalog news: 6 Bikolano nanguna sa Midwifery Licensure Exam, CSPC—top performing school

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 9 (PIA) -- Anim na Bikolano ang nanguna mula sa 2,323 na sumailalim sa Midwife Licensure Exam na ginanap noong nakaraang Abril 2013 , apat ang nanguna mula sa Bicol University, isa sa Polytechnic College ng Nabua at isa sa Mabini College ng Daet, Camarines Norte, batay sa ipinalabas ng Professional Regulation Commission (PRC) noong Biyernes, Mayo 3. Mula sa Unibersidad ng Bicol, nanguna si Benedict Rey Montas Serrano sa kanyang nakuhang 89.70% na marka, pangatlo si Ma....
  • Tagalog news: SNAP-Magat pinondohan ang Solid Waste Management project sa Ifugao

    ALFONSO LISTA, Mayo 9 (PIA) -- Mahigit sa kalahating milyong piso ang pinagkaloob ng SN Aboitiz Power (Snap) Magat kamakailan sa lokal na pamahalaan ng Lagawe upang pondohan ang implementasyon ng Solid Waste project Management (SWMP) ng naturang bayan. Ang P.555 milyon ay inilaan sa ilalim ng Corporate Social Responsibility (CSR) fund ng SNAP para sa pagpapatupad ng mga pang-kumunidad na proyekto sa mga ‘host communities.’ Ang nasabing pondo ay gagamitin sa pagtatatag ng mga material reco...
  • Tagalog news: Nawawalang Thai naisalba, mga biktima sa pagsabog ng Mayon natagpuan na

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 9 (PIA) -- Kinumpirma ng Albay Provincial Disaster Operation Center na naisalba na ang nag-iisang nawawalang Thai mountaineer habang ang bangkay ng limang namatay ay inihahanda na sa paglilipat at autopsy. Natagpuang buhay ng mga rescue teams si Boonchai Jattupornpong, 35 taong gulang, 3:45 ng hapon kahapon sa 1,870 meters above sea level, o malapit sa Camp 2 ng Bulkan Mayon. Nagkaroon siya ng bali sa kanang braso, may sunog sa leeg at likod at hindi makalakad dahil sa ...
  • Tagalog news: 25 inmates sa Odiongan tumanggap ng diploma

    ODIONGAN, Romblon, Mayo 9 (PIA) -- Tumanggap ng diploma bilang katunayan ng kanilang pagtatapos ang 25 preso ng Bureau of Jail Management and Penology sa entablado ng Odiongan South Central Elementary School, Odiongan, Romblon. Ang nasabing mga "inmate" ay kasama sa kabuuang bilang na 142 na mga pumasang estudyande sa isinagawang Accreditation and Equivalency Examination ng Department of Education-Bureau of Alternative Learning System (ALS). Ayon kay J/S.Insp. Lino Sorano, nakapagtala ng 100 p...
  • Tagalog news: Clean-up drive, isinagawa sa mga power plant ng Cordillera, Cagayan Valley

    BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Mayo 9 (PIA) -- Isang paglilinis sa mga iba’t ibang hydroelectric power plants sa Cagayan Valley at Cordillera ang inilunsad kamakailan ng kumpanyang SN Aboitiz Power(SNAP) bilang suporta sa Earth Day celebration noong nakaraang buwan. Ayon kay Rhoda Santos, SNAP corporate communications manager, ang naturang clean-up drive ay dinaluhan at sinalihan ng mga volunteers sa mga karatig na komunidad ng mga hydroelectric power plants. “Ito ay taunang ginagawa ng kumpa...
  • Tagalog news: Bureau of Immigration, gagamitin ang makabagong ID sa banyaga

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 9 (PIA) -- Isang pekeng Agency Certificate of Registration (ACR) na nakumpiska sa Bicol noong taon 2008 ang nagpasimula ng modernisasyon ng Bureau of Immigration upang gamitin ang microchip-embedded identification card para sa mga banyaga. “Ang proyekto ay talagang nagsimula pa noong 2005 upang palitan ang dokumentasyon ng ahensiya na gamit ang papel,” sabi ni Bureau of Immigration Bicol Regional Director Josephus Ojano sa panayam ni Philippine Information Agency Re...
  • Tagalog news: Tamang pamamahala ng basura sa Tupi South Cotabato, tinututukan

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 9 (PIA)--Nakasentro ngayon ang atensyon ng pamahalaang bayan ng Tupi, South Cotabato sa tamang pamamahala ng basura sa lugar. Kaugnay nito, puspusang ipinatutupad sa bayan ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ito ay upang maging maayos ang lugar pagdating sa pagliligpit ng mga basura. Nabatid na ilang dumping sites na ang ginawang eco-park at vegetable farm sa iba’t-ibang mga barangay sa bayan sa pangunguna ng ...
  • Tagalog news: Mga nagsilikas na mga residente sa Matalam, N. Cotabato, nakabalik na

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 9 (PIA)--Nakabalik na sa kanilang mga tirahan ang mahigit sa 200 mga pamilyang nagsilikas nitong nakaraang araw matapos na maipit sa naganap na kaguluhan sa pagitan ng mga armadong grupo sa Barangay Marbel, Matalam, North Cotabato. Sinabi ni Cotabato Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta nakabalik na ang mga apektadong pamilya matapos na namagitan sa nasabing kaguluhan ang International Monitoring Team (IMT), Coordinating Committee on the Cessatio...
  • Tagalog news: Mabilis na tulong, naibigay mga biktima ng sunog sa Masbate

    LUNGSOD NG MASBATE, Mayo 9 (PIA) -- Agad na nakatanggap ng pagkalinga mula sa pamahalaan at Red Cross ang mahigit 80 pamilyang nawalan ng tahanan sa sunog na tumupok ng ilang dosenang kabahayan noong Martes, Mayo 7, dito. Sa mga ulat ng lokal istasyon ng radyo na dyME, inilikas ng mga kaanib ng Masbate City Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga nasunugan sa Barangay Hall at Day-Care building kung saan ang mga biktima ay binigyan ng pagkain at kagamitang pantulog tulad ng banig,...
  • Tagalog news: Comelec Sorsogon walang naitalang problema sa ginawang pagsusuri at pagseselyo ng PCOS machine

    LUNGSOD NG SORSOGON, Mayo 9 (PIA) -- Walang naitalang anumang problema ang Commission on Election (Comelec) Sorsogon matapos ang ginawang pagsusuri ng mga Precinct Counting Optical Scan (PCOS) machine nitong Lunes, Marso 6. Ito ay bilang paghahanda sa eleksyon na gaganapin sa Lunes, Mayo 13, 2013, ito ang naging pahayag ni Comelec Provincial Election Supervisor Atty. Calixto Aquino. Ayon kay Atty. Aquino, alas syete ng umaga nitong Lunes ng simulan ang pagdadala ng mga PCOS machine sa 690 na m...
  • Tagalog news: Pagpapatupad ng Voluntary Blood Service sa Palawan, pinagpaplanuhan na

    PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 8 (PIA) -- Pinagpaplanuhan na ng mga medical technologist at mga program coordinators ng Provincial Health Office (PHO) ang pagpapatupad ng Voluntary Blood Service sa lalawigan. Ang pagpaplano tungkol dito ay isinagawa sa pamamagitan ng Consultative Meeting and Planning for Full Implementation of Voluntary Blood Service in Palawan kamakailan sa lungsod sa pangunguna ng PHO. Dinaluhan ito ng may 13 Rural Health Units (RHU) at siyam na ospital na nasa ilalim ng pam...
  • Tagalog news: Development council sa Ilokos, muling sinuri ang RDP

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Mayo 8 (PIA) -- Nagpulong kamakailan ang Development Council sa Ilokos upang suriin ang Ilocos Region Development Plan (RDP) para maitugma ito sa Philippine Development Plan (PDP). Ayon kay Juan Ngalob, direktor ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa Ilokos, kailangang pag-aralan o suriin muli ang regional plan upang ang mga isyu at problema sa rehiyon ay maisaalang-alang sa pagbabago ng mga polisiya at estratehiya ng PDP. “Mahalaga na mul...
  • Tagalog news: Mga may kapansanan sa Nueva Vizcaya, umani ng pinarangal mula sa lokal na pamahalaan

    BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Mayo 8 (PIA) -- Umani ng parangal mula sa provincial government ang mga miyembro ng grupong may kapansanan sa lalawigan dahil sa kanilang pagkapanalo sa iba’t ibang isports sa sinalian nilang 2013 Paralympic Games sa Sta. Cruz, Laguna noong Marso. Maliban sa kanilang naiuwing tropeo mula sa Paralympic games, kamakailan ay tumanggap din ng mga tropeo mula sa lokal na pamahalaan ang mga atletang may kapansanan na miyembro ng Provincial Federation of Persons with Disabi...
  • Tagalog news: Mahigit 500 kabataan nagpakita ng talento sa sining at pag-arte sa Cam Norte

    DAET, Camarines Norte, Mayo 8 (PIA) --Nagpakita ang mahigit 500 kabataan ng kanilang galing sa sining at pag-arte o “showcase of talents” nitong Mayo 7, matapos ang pagsasanay ng iba't ibang talento sa pamamagitan ng “Summer Workshop” simula unang araw ng Abril hanggang Mayo 6. Ayon kay Abel Icatlo, tagapangasiwa ng programa, ang summer workshop ay taon taon ng ginagawa upang mahubog ang kakayahan at kasanayan ng mga kabataan sa iba't ibang talento sa sining at pag-arte ng libre sa pama...
  • Tagalog news: Pinakamahabang zip-line as Asya, binuksan sa Makilala, North Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 8 (PIA) -- Nadagdagan na naman ang panghikayat sa mga turista sa lalawigan ng North Cotabato. Nitong Linggo, tuluyan nang binuksan ng pamahalaang panlalawigan sa publiko ang dual course zip-line sa Barangay New Israel, Makilala na may kabuuang haba na aabot sa 2.3 kilometro. Ang unang zip-line ay may habang 1.3 kilometro na magsisimula sa upper view deck at magtatapos sa Sitio San Miguel. May haba namang isang kilometro ang pangalawang zip-lin...
  • Tagalog news: 'Thai mountaineers', walang pagsisisi sa pag-akyat sa Mayon volcano; kuntento sa rescue at medical treatment para sa kanila

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 8 (PIA) -- Sa kabila ng trahedya na naranasan kasunod ng phreatic explosion na naganap sa bulkang Mayon kahapon ng umaga, Mayo 7, 2013, walang pagsisisi ang mga Thai mountaineers na umakyat sa naturang bulkan at inihayag nito na kuntento sila sa isinagawang rescue at medical treatment para sa kanila. Naikwento kay PDRRMC Chairman Joey Salceda nina Nithi Ruangpisit (dentist) at Tanut Ruchipiyrak (pharmacist), pawang 26-anyos gayundin ng isang 40-anyos na computer IT expe...
  • Tagalog news: Black rice ng Don Bosco MPC sa M’lang, North Cotabato ini-export na sa Dubai

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 8 (PIA) -- Makakarating na sa Dubai, United Arab Emirates ang produktong organic black rice ng Don Bosco Multipurpose Cooperative na nakabase sa M’lang, North Cotabato. Kabilang ang 15 toneladang black rice ng Don Bosco MPC sa 35 toneladang bigas na iniluwas ng Pilipinas sa Dubai, kasunod ng isinagawang send-off ceremony sa Manila Harbor Center noong Lunes, Mayo 6, sa pangunguna ni Agriculture Secretary Proceso Alcala. Ang nasabing shipment ay pau...
  • Tagalog news: Kinatawan ng mga pawnshop, money changers nakilahok sa pagpupulong ng anti-money laundering

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Mayo 8 (PIA) -- Umaabot sa 50 kinatawan ng mga kumpanya ng pawnshop at money changer ang nakilahok sa pagpupulong ng batas hinggil sa anti money laundering. Ang pagpupulong na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay may layuning magbigay kaalaman sa mga business operators, direktor, opisyales at empleyado ng pawnshop, money changers at remittance centers hinggil sa mga alituntunin at patakaran sa pangangasiwa ng pawnshop. Ipinaalala rin sa kanila an...
  • Tagalog news: Task Force Tubig Kanlungan, isinusulong ang mga produktong makakalikasan

    LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Mayo 8 (PIA) -- Puspusan ang pamahalaang lungsod sa pagbibigay suporta sa mga produktong makakalikasan mula sa bulubunduking bahagi ng lungsod kaugnay ng patuloy na pagtataguyod ng Task Force Tubig-Kanlungan (TFTK) Kabilang sa mga bulubunduking barangay ng lungsod na sakop ng Marikina watershed ay ang mga barangay ng San Juan, Inarawan, Calawis at San Jose. Matamang tinututukan ng mga residente ng mga nasabing barangay ang pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay, a...
  • Tagalog news: P8M na proyektong pang-imprastraktura, naipatupad sa Tupi, S. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 8 (PIA) -- Aabot sa P8 milyong halaga ng mga proyektong pang-imprastraktura ang naipatupad sa bayan ng Tupi, South Cotabato noong 2012. Base sa datos ng Municipal Planning and Development Office (MPDO), pangunahing pinaglaanan ng nabanggit na halaga ang mga kalsada, sistema ng patubig at mga gusaling pampaaralan. Kasali din sa infrastructure project na ipinatupad sa iba’t ibang mga barangay sa naturang bayan ay ang pagpapatayo ng day-care centers, k...
  • Tagalog news: Transaksyon sa GSIS ng mga empleyado ng gobyerno sa lalawigan ng S. Kudarat, mapadadali na

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 8 (PIA) -- Mapabibilis na ngayon ang anumang transaksyon sa Government Service Insurance System (GSIS) ng mga empleyado ng gobyerno sa lalawigan ng Sultan Kudarat matapos pinasinayaan kamakailan ang GSIS service desk sa mismong kapitolyo ng probinsya. Ayon sa pamunuan ng GSIS 12, layunin nito na makapagbigay sa mga miyembro ng mga pangunahing serbisyo tulad ng loan processing, retirement claims, premium remittance inquiry at iba pang transaksyon. Ang ...
  • Tagalog news: Barangay Health Workers Summit isinagawa sa Romblon

    ODIONGAN, Romblon, Mayo 8 (PIA) -- Nagsagawa ang Provincial Health Office ng Summit para sa mga bago at lumang miyembro ng Barangay Health Workers (BHW) sa Odiongan at Romblon, Romblon. Ang mga BHW ang nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga miyembro ng bawat barangay. Sila ay may mahalagang papel na ginagampanan sa mga Barangay Health Centers sapagkat sila ang tumutulong sa mga doktor, dentista, nutritionists, public health nurses at midwifes. Sa katunayan sila ay tinaguriang “guardian...
  • Tagalog news: Comelec Pantabangan, nasuri ng maayos ang mga PCOS machine sa kabila ng walang suplay ng kuryente ang bayan

    PANTABANGAN, Nueva Ecija, Mayo 8 (PIA) -- Naging maayos ang pagsusuri sa mga PCOS (Precinct Count Optical Scan) machine sa Pantabangan sa kabila ng walang daloy ng kuryente sa halos buong bayan. Sinabi ni Comelec Municipal Election Officer Rose Arbeth De Guzman na nagpadala ang kanilang punong tanggapan ng siyam na generator. 14 na barangay ang bumubuo sa Pantabangan at siyam dito ay kabilang sa power interruption. Marso 7 nang naputulan ng kuryente ang mga naturang barangay dahil sa utang na...
  • Tagalog news: PNP magtatalaga ng 30 libong tauhan para sa darating na Mayo 13 eleksyon

    AGUSAN DEL SUR, Mayo 8 (PIA) -- Itatalaga ng Philippine National Police (PNP) ang 50 porsyento o 21,885 na pulis, maging ang mga nagtatrabaho bilang administratibo at ang mga nagsasanay pa lamang, upang punan ang kanilang hanay na ilalagay sa mga lansangan bilang bahagi ng kanilang "maximum deployment" ng mga unipormadong tauhan na magseserbisyo para sa nakatakdang halalan sa darating na Mayo 13, 2013. Kamakailan, inanunsyo ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang paglulunsad ng...
  • Tagalog news: VP Binay nag-turnover ng P8.5M halaga ng programang pabahay, pinuri ang kasunduang pabahay sa Bicol

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 8 (PIA) -- Isang tseke na nagkakahalaga 8.5 milyong piso ang itinurnover ni Vice President Jejomay Binay para sa Housing Loan Receivables Purchase Program ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) sa isang seremonya na ginawa sa Albay noong Linggo, Mayo 5. “Isa pa rin po ang NHFMC sa mga key shelter agencies na aking pinamamahalaan,” sabi ni Binay. Ang NHFMC ang ahensiyang ‘tagabili ng utang’… sa layunin nito na tiyaking tuloy-tuloy ang daloy ng ...
  • Tagalog news: Comelec hinikayat ang mga opisyales ng mga paaralan na ihanda ang mga silid-aralan para sa halalan sa Mayo 13

    LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 8 (PIA) -- Hinikayat ni City Election Officer Atty. Ernie F. Palanan ang mga opisyales ng mga paaralan sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng Department of Education (DepEd) na ihanda ang mga silid-aralan na gagamitin bilang polling precincts sa darating na midterm election ngayong Mayo 13. Sa kaniyang programa sa radio na pinamagatang, “City Comelec Office Hour” na mapapakinggan sa 107.8 Power FM ng Philippine Information Agency (PIA) Caraga, sinabi ni Palanan na ang...
  • Tagalog news: ‘Full alert’ ang pulisya para sa eleksyon sa Masbate

    LUNGSOD NG MASBATE, Mayo 8 (PIA) -- Simula kahapon inilagay na sa “full alert” ang mahigit 2,000 libong pulis sa probinsya ng Masbate sa harap ng namumuong tensyon na dulot ng isasagawang halalan sa darating na Lunes, Mayo 13. Dahil sa full alert status, kanselado ang lahat ng "vacation leaves" ng pulis upang hangga’t maaari ay malagyan ng pulis ang bawat sulok ng probinsya. Ipinaliwanag ni Philippine National Police provincial director Heriberto Olitoquit na sa pagbawi sa lahat ng vacat...
  • Tagalog news: Malawakang paglilinis, isinusulong ng RHU Kabacan dahil sa mataas na kaso ng dengue

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 7 (PIA) -- Isinusulong ngayon ng Rural Health Unit (RHU) ng Kabacan, North Cotabato ang malawakang paglilinis sa mga barangay sa bayan dahil sa naitalang mataas na kaso ng sakit na dengue. Sinabi ni secretary to the Sangguniang Bayan Beatriz Maderas na ang hakbang na ito ay napapaloob sa isang resolusyon na itinaguyod nitong nakaraang sesyon sa Sangguniang Bayan ni Municipal Health Officer Dr. Sofronio Edu Jr. sa pamamagitan ni Councilor George Manuel,...
  • Tagalog news: Bulkan Mayon, Nagkaroon ng Phreatic Explosion ngayong umaga

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 7 (PIA) -- Biglang nagkaroon ng "phreatic explosion" ang Mayon Volcano bandang alas-otso ngayong umaga na nagtagal ng lampas isang minuto. Sa ginawang panayam ni Philippine Information Agency (PIA) Regional Director Aida Alcazar Naz sa programang "Aramon ta Daw" kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs)-Albay Research Analyst Alex Baloloy, apektado ng ash fall ang Western Section ng bulkan na sakop ang mga bayan ng Camalig, Guinobatan at lungsod ...
  • Tagalog news: Masmabilis na serbisyo sa soils at water analysis, aasahan ng mga magsasaka sa Rehiyon 12

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 7 (PIA) -- Aasahan ng mga magsasaka sa Rehiyon Dose ang masmabilis na serbisyo sa soils at water analysis dahil sa patuloy na pagpapatibay ng dalawalang soils laboratory ng ahensiya. Aasahan ding masmailalapit na ang lubhang mahalagang soils analysis sa mga magsasaka dahil mas pinauunlad na rin ngayon ang mobile soils laboratory na maaaring bumiyahe sa kanayunan na dating mahirap maabot ng naturang serbisyo. Sa impormasyong inilabas ng Department ...
  • Tagalog news: Bio-N nakatulong sa paglobo ng produksyon ng magsasaka sa Pikit, N. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 7 (PIA) -- Napatunayan ng isang magsasaka sa Pikit, North Cotabato ang bisa ng Bio-Nitrogen o Bio-N organic fertilizer sa pagpapalago ng kanyang ani at kita. Ayon kay Nasser Mandas, isang magsasaka sa Barangay Panicupan, Pikit na nitong huling anihan, kung kailan gumamit siya ng Bio-N, umakyat sa 106 na sako ang kanyang ani mula sa sakahan na hindi umabot ng isang ektarya. Dati, kung kailan commercial na kemikal at pataba pa ang kanyang ginagamit, ...
  • Tagalog news: El Nido Resorts, wagi sa Tourism for Tomorrow 2013 Award

    LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 7 (PIA) -- Nagwagi ang El Nido Resorts para sa kategoryang Community Benefit Award ng Tourism for Tomorrow 2013 Award sa ginanap na 13th World Travel and Tourism Council (WTTC) Annual Global Summit. Ang pagbibigay ng parangal ay ginanap sa Abu Dhabi, United Arab Emirates kamakailan. Ang WTTC ay samahan ng mga business leaders, multinational corporations, airlines at hotel chains na nagbibigay ng prestihiyosong parangal upang kilalanin ang mga natatang...
  • Tagalog news: GSIS, itinaas na sa P5,000 ang minimum na pension na matatanggap ng mga miyembro

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Mayo 7 (PIA) -- Itinaas na sa limang libong piso mula sa dating 500 piso ang buwanang pensiyon na natatanggap ng mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS). Sa isang panayam, sinabi ni GSIS President Robert Vergara na ginawa ang pagbabagong ito upang masmakatulong sa kanilang miyembro na magkaroon ng masmaayos na kabuhayan. Sinabi pa ni Vergara na bahagi ito ng mga pagbabagong kanilang ipinatupad sa ilalim ng administrasyong Aquino. Bukod dito, n...
  • Tagalog news: Pagkuha ng Scholarship loan sa SSS, mas pinadali para sa mga anak ng aktibong miyembro

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Mayo 7 (PIA) -- Mas pinadali na ang aplikasyon sa pagkuha ng pampaaral sa kolehiyo o bokasyunal ng mga anak ng sinumang aktibong miyembro sa Social Security System (SSS). Ayon kay Rizza Tanig ng SSS Baliwag, maari nang makahiram ng pampaaral ang sinumang miyembro na sumasahod ng hindi lalagpas sa 25 na libong piso basta may diretsong 12 buwang kontribusyon. Kung mag-asawa naman na miyembro ang kukuha ng pampaaral, pwede itong mapakinabangan ng hanggang dalawang be...
  • Tagalog news: Ilang bahagi ng Fort Magsaysay, gagawing farming areas

    FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija, Mayo 7 (PIA) -- Nakipartner ang 7th Infantry Division ng Philippine Army sa Department of Agriculture (DA) para gawing farming areas ang ilang bahagi ng Fort Magsaysay Military Reservation (FMMR). Ipinagtibay ang limang taong partnership ng pagpirma kamakailan ng Memorandum of Understanding (MOU) nila Agriculture Secretary Proceso Alcala at Defense Secretary Voltaire Gazmin. Sinabi ni Alcala na ang MOU ay naka-angkop sa direktiba ni Pangulong Aquino sa dalawang ahe...
  • Tagalog news: 700 estudyante, benepisyaryo ng SPES program ng San Pablo

    LUNGSOD NG SAN PABLO, Laguna, Mayo 7 (PIA) -- May 700 mag-aaral sa kolehiyo ang nabigyan ng pagkakataon ng pamahalaang lungsod na makapagtrabaho ngayong bakasyon sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES) sa pangunguna ng Office of Social Welfare and Development (OSWD). Hinati sila sa dalawang grupo, ang isang grupo na binubuo ng 650 estudyante ay bibigyan ng sahod ng P200 kada araw sa loob ng 10 araw ng pamahalaang lungsod, habang ang 50 estudyante naman ay pasasahurin ng p...
  • Tagalog news: 27 lingkod bayan ng San Pablo, pinarangalan

    LUNGSOD NG SAN PABLO, Laguna, Mayo 7 (PIA) -- Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 73rd Foundation Day ng lunsod ng San Pablo ngayong ika-7 ng Mayo, binigyang pagkilala kahapon, Mayo 6, ang 27 kawani ng pamahalaang lungsod na naglingkod sa pamahalaan mula 25 hanggang 40 taon. Tinaguriang government service awardees, ang nakapaglingkod ng 25 taon ay sina Ma. Lourdes Ticzon, Levy Alimagno, Liberty Bondad ng Assessors Office; Stella Romero at City Population Officer Victoriano Mercado ng Population ...
  • Tagalog news: Turnover sa incoming officials, paghahandaan ng incumbent governor, mayors

    LUNGSOD NG MASBATE, Mayo 7 (PIA) -- Mahigit dalawang buwan bago magsimula ang panunungkulan sa Hunyo 30 ng mga mahahalal sa eleksyon sa Mayo 13, magsisimula nang paghahandaan ng mga incumbent governor at mayor ang “turnover” sa susunod na mga mangangasiwa ng pamahalaang lokal. Batay sa direktiba ni Secretary Mar Roxas ng Department of the Interior and Local Government (DILG), isang team ang dapat mabuo sa probinsya, siyudad o bayan para matiyak ang isang “smooth turnover” o matiwasay na...
  • Tagalog news: Tulong hinggil sa solid waste management, patuloy sa 7 bayan sa Nueva Vizcaya

    BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, May 7 (PIA) -- Patuloy ang isinasagawang tulong ng provincial government sa pitong bayan ng lalawigan upang maipatupad nang maayos ang kanilang solid waste management program. Ayon kay Francisco Tolentino, Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO), tinututukan nila ang mga bayan ng Quezon, Aritao, Villaverde, Bayombong, Aritao, Dupax del Sur at Dupax del Norte upang lubos na maipatupad ang Solid Waste Management Program (SWMP). Dagdag pa ni Tolenti...
  • Tagalog news: Mga PCOS sa bawat presinto sa Bulacan, handa na sa Halalan 2013

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Mayo 7 (PIA) -- Handa na ang mga Precint Count Optical Scan (PCOS) machine na gagamitin sa bawat presinto sa Bulacan sa darating na Mayo 13. Patunay dito ang kabuuang 1,962 na mga PCOS machine na naipakalat sa may 554 na mga presinto o polling center sa Bulacan. Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Provincial Election Supervisor Elmo Duque na bukod sa tapos na ang pagdedeliber ng nasabing mga PCOS ay selyado na rin ito ng mga security precautions upang mati...
  • Tagalog news: Antipolo CHRMO, nagkamit ng parangal mula sa Civil Service Commission

    LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Mayo 7 (PIA) -- Nakamit kamakailan ng city human resources management office (CHRMO) sa pangunguna ni Amelia Quezada ang karangalang 2013 search for best human resource management practitioner (HRMP) program na ipinagkaloob ng Civil Service Commission (CSC). Ang parangal ay naglalayong kilalanin ang husay at galing ng mga tauhan ng tanggapan ng pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga taong bayan na pinaglilingkuran nito. Humigit kumulang sa 500 personnel offices...
  • Tagalog news: Pagsasanay sa seed production and technology isinagawa ng DENR-ERDS

    LUNGSOD NG LEGAZPI, May 7 (PIA) -- Nagsagawa ng dalawang araw na pagsasanay ang Ecosystems Research and Development Services (ERDS) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dito na may layuning mabigyan ng sapat na kaalaman at kakayahan ang mga katuwang nito sa pagsasagawa ng National Greening Program (NGP) sa rehiyon ng Bikol. “Mahalaga ang nasabing training upang malinang ang kakayahan at kaalaman ng mga katuwang ng DENR sa pagtatayo, pagpapanatili, pangangalaga at patuloy ...
  • Tagalog news: Pinal na pagsusuri at pagseselyo sa mga PCOS Machines isasagawa sa lalawigan at lungsod ng Sorsogon

    LUNGSOD NG SORSOGON, May 6 (PIA) -- Nakatakdang isagawa ang huling pagsusuri at pagseselyo sa mga precinct count optical scan (PCOS) machine sa lalawigan at lungsod ng Sorsogon ngayong araw. Pasadao alas tres ng madaling araw ngayong umag ay isa–isang inihatid ng Air 21 Cargo ang mga PCOS Machine sa mga mga silid aralan kasama ang test ballots na nasa loob mismo ng karton nito, ayon sa pahayag ng Provincial Comelec. Bantay sarado naman ng mga awtoridad at mga sundalo sa mga silid aralan upan...
  • Tagalog news: Pagtatayo ng One Stop Migration Center sa OrMin, ipinanukala

    CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 6 (PIA) -- Ipinanukala ng pamahalaang panlalawigan dito kamakailan ang pagtatayo ng One Stop Migration Center para sa mga taga Mindorong Overseas Filipino Workers (OFWs). Layunin nito na maisulong at maiseguro ang programang aalalay sa mga mamamayang Mindoreño sa kanilang pagbabalik sa lalawigan at upang gawing masproduktibo ang kanilang remittances. Ang nasabing proyekto ay bilang inisyal na hakbang ng pamunuan ni Gob. Alfonso V. Umali Jr. para sa mga OFW n...
  • Tagalog news: Produksyon ng muscovado, isinusulong sa lalawigan ng Sultan Kudarat

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 6 (PIA) -- Itinataguyod ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Sultan Kudarat ang pagsusulong sa produksyon ng muscovado sa probinsya. Ito ay bilang bahagi ng pagpapalakas ng ekonomiya sa naturang lalawigan. Sa ginanap na muscovado forum noong nakaraang buwan, binigyang diin ni DTI provincial director Nelly Nita Dillera na hindi lamang ang produksyon ng muscovado ang dapat pagtuunan ng pansin kundi maging ang lakas-paggawa. Aniya, ang aktibong partisi...
  • Tagalog news: Pagpapatatag ng coco-farmers organizations sa PPALMA, isinusulong

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, May 6 (PIA) -- Nagpulong nitong Mayo 5 ang mga organisasyon ng Small Coconut Farmers Organizations o SCFOs sa Unang Distrito ng North Cotabato upang ipaabot sa pamahalaan ang kanilang mga mithiin. Hiniling ng mga coconut farmers na matutukan ang pag-papataas sa alokasyon ng salt fertilizer na ipinamamahagi sa bawat magniniyog sa lalawigan. Nais din nilang magkaroon ng pagsasanay tungkol sa kahalagahan ng kape at cacao bilang inter crops. Ayon kay SCFO Pro...
  • Tagalog news: Mt. Matutum kasali sa proyekto ng PAME na popondohan ng isang German institution

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 6 (PIA) -- Kabilang ang Mt. Matutum Protected Landscape sa bayan ng Tupi, South Cotabato sa listahan ng 200 key biodiversity areas sa buong bansa na kasali sa Protected Area Management Enhancement (PAME) project na popondohan ng Gesellschaft für Internationale Zusammenarbeit (GIZ). Ang GIZ ay isang German-based overseas funding institution na tumutulong sa higit 130 mga bansa sa buong mundo. Ayon kay PAME project leader Rafael Camat Jr., layunin ng P...
  • Tagalog news: 2 kalahok ng Occ Min, wagi sa patimpalak ng DOST

    SAN JOSE, Occidental Mindoro, Mayo 6 (PIA) -- Dalawang kalahok ng Occidental Mindoro ang nagwagi sa nakaraang 2013 Regional Invention Contest and Exhibits (RICE) ng Department of Science and Technology (DOST). Iginawad ang parangal para sa mga inilahok na entries nina Veronica Pasion at Chrishna Allah Aina B. Gusto, katunggali ang mga inilahok na entries mula sa iba pang probinsiya sa ilalim ng Region IV-B na Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon at Palawan Si Pasion na isang guro sa Occident...
  • Tagalog news: Job orientation isinagawa sa Odiongan, Romblon

    ODIONGAN, Romblon, Mayo 6 (PIA) -- Nagsagawa ang Private Employment Service Office (PESO) ng job orientation sa Governor’s Extension Office, Odiongan, Romblon upang tulungan ang mga aplikante na magkaroon ng trabaho. Hangad ng PESO na mabawasan ang bilang ng mga taga-Odiongan na walang trabaho. Tampok sa nasabing pagtitipon ang pagsasanay sa anim na aplikante sa mabilisang pagsagot sa pagsusulit na kinakailangan sa trabahong kanilang inaaplayan, lalo na sa industriya ng ang produksiyon. Ipi...
  • Tagalog news: Soccsksargen Region target ang 4.04 MT na ani kada ektarya ng palayan

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 6 (PIA) -- Target ngayong taon ng Department of Agriculture 12 na iangat sa 4.04 metriko tonelada kada ektarya ang ani ng mga palayan sa Rehiyon Dose. Masmataas ito ng 10 porsiyento sa average per hectare yield ng palay ng rehiyon noong 2012 na ayon sa datos ng Bureau of Agricultural Statistics ay nasa 3.67MT kada ektarya. Malaking hamon umano ito para sa DA 12 at sa mga magpapalay ng rehiyon, ayon kay AgriPinoy Palayan Program focal person Ray Em...
  • Tagalog news: 3,356 jobseekers sa Gitnang Luzon hired on the spot noong Labor Day

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga Mayo 6 (PIA) -- Nasa kabuuang 3,356 na mga naghahanap ng trabaho sa Gitnang Luzon ang na hired on the spot (HOTS) o nagkaroon kaagad ng trabaho sa mga idinaos na Labor Day job fairs noong nakaraang linggo. Inilahad ni Department of Labor and Employment (DOLE) regional information officer Jerry Borja na ang mga bagong natanggap sa trabaho ay kumakatawan sa 25 porsyento ng 13,294 kwalipikadong aplikante na iniulat ng kanilang mga provincial field offices. Ang mg...
  • Tagalog: Testing at sealing sa mga PCOS machine, sinimulan na sa Cagayan

    LUNGSOD NG TUGUEGARAO, Mayo 6 (PIA) -- Ilang araw bago ang aktuwal na halalan ay sinimulan na ng Commission on Election (Comelec) sa probinsiya ng Cagayan ang huling testing at sealing sa mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine. Ayon kay Atty. Irvin Calauag, city election supervisor ng lungsod ng Tuguegarao, opisyal nang binuksan kaninang umaga ang simultaneous testing at sealing sa mga PCOS machine sa bawat presinto sa iba’t ibang eskwelahan sa lungsod at sa buong lalawigan. Pinangun...
  • Tagalog news: Ospital, pier at patubig sa Calabanga, tutugunan ng pamahalaang pambansa

    LUNGSOD NG NAGA, Mayo 6 (PIA) -- Tinugunan ni Pangulong Benigno S. Aquino lll ang kahilingan ng mga mamamayan ng bayan ng Calabanga, Camarines Sur na magkaroon ng ospital sa naturang lugar. Ang naturang pakiusap ay mula kay Bise Alkalde Philip Dumalasa sa ginawang ang pagtitipon sa Calabanga People’s Center kasama ang Pangulo. Sa ginawang talumpati ni Dumalasa, matagal nang panahon na nagtitiis ang mga residente sa kawalan ng ospital sa kanilang lugar kung kaya naisipan niya talagang gawin...
  • Tagalog news: Job fair sa Araw ng Paggawa, nabigyan trabaho ang 394 Bicolano

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 6 (PIA) -- Halos 400 aplikante ang na-hired-on-the-spot (HOTS) o nabigyan ng agarang trabaho sa isinagawa na dalawang sabayang job fair noong Araw ng Paggawa. Ito ay ginanap sa mga pangunahing sentrong pang-ekonomikong lungsod ng Bicol sa Naga at Legaspi na pinasimunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) regional office V. Ang dalawang mga job fair na isinagawa sa SM Naga City at Embarcadero de Legaspi ay nakapagtala ng 394 mga bagong manggagawa mula sa naka...
  • Tagalog news: Pulisya sa Cam Norte naka alerto sa isinasagawang testing at sealing ng mga PCOS machine

    DAET, Camarines Norte, Mayo 6 (PIA) -- Naka alerto ang pulisya dito kaugnay ng isinasagawang pagsusubok at sealing ng mga PCOS machine ngayong araw, Mayo 6. Ayon kay Provincial Director P/SSupt. Moises Pagaduan ng Camarines Norte Police Provincial Office, kahapon pa ay itinalaga na ang mga pulis malapit sa mga voting centers upang masiguro ang kaayusan at katahimikan habang isinasagawa ang testing at sealing ng mga PCOS machine. Aniya, nakahanda na rin ang mga pulis na itatalaga malapit sa mga...
  • Tagalog news: Iskolar sa C4TP sa Bikol umabot na sa 1,466

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 6 (PIA) -- Umabot na sa kabuuang bilang na 1,466 na mga kabataan ang nabigyan ng libreng pagsasanay sa ilalim ng Cash-for-Training Program (C4TP) ng Department of Social Welfare and Development at ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) sa rehiyon ng Bikol. Ayon sa Tesda Specialist na si Aileen A. Lozada, sa tala nitong Abril 18, mayroon na silang 45 bahagdang naisagawa ayon na rin sa naitalang bilang na 1,466 na nabigyan ng scholarship mula sa 3...
  • Tagalog news: P91.72 M na halaga ng proyekto laban sa kahirapan ipatutupad ng DSWD sa Rehiyon 12

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 6 (PIA) -- Aabot sa P91.72 milyon ang halaga ng mga proyekto laban sa kahirapan ang kasalukuyang hinahanda ng pamunuan ng Department of Social Welfare ang Development (DSWD) sa Soccsksargen Region. Inihayag ni DSWD-12 Regional Director Bai Zorahayda T. Taha na 25 munisipyo sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat, North Cotabato at Sarangani ang makikinabang sa mga proyekto na ipatutupad sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integra...
  • Tagalog news: DAR pumasok sa malawakang programang pagtatanim ng kahoy

    AGUSAN DEL SUR, Mayo 6 (PIA) -- Pinakilos ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga benepisaryo ng repormang agraryo nang inilusad nito ang malawakang kampanya sa pagtatanim ng kahoy sa kulang-kulang isang libong hektarya ng pampublikong lupain sa loob ng kanilang mga komunidad sa kanilang adhikaing maibaba ang karukhaan sa kanayonan at mitigahin ang global warming. Sinabi ni DAR Special Programs and Agrarian Reform Stakeholders Relations Office (Sparsro) Undersecretary Rosalina Bistoyong ...
  • Tagalog news: Maayos at tahimik na halalan panatilihin sa Camarines Norte –PNP

    DAET, Camarines Norte, Mayo 6 (PIA) -- “Panatilihin natin ang maayos at tahimik na halalan sa darating na Mayo 13.” Ito ang hamon ni Police Chief Superintendent Atty. Clarence V. Guinto, regional director ng Philippine National Police sa isinagawang diyalogo ng mga pinuno ng civil society organizations/non-partisan groups sa Doña Mercedes floating restaurant sa Mercedes noong Sabado (Abril 27). Ayon kay Guinto, naging tahimik ang nakaraang halalan noong 2010 sa Camarines Norte samantalan...
  • Tagalog news: Children’s Code ng Nueva Vizcaya, malapit nang ipatupad

    BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Mayo 6 (PIA) -- Maipapatupad na ng pamahalaang lokal ang Children’s Code o batas hinggil sa pagtataguyod sa karaapatan at kalagayan ng mga bata sa lalawigan, ayon sa mga opisyal ng Provincial Social Welfare and Development (PSWD) office. Ayon kay Jojo Celestino, administrative officer ng PSWD, natapos na ang paggawa sa Implementing Rules and Regulations nito na pinagtulungang ginawa ng mga sumusunod na mga opisyal ng provincial government: Atty. Leslie Costales, pro...
  • Tagalog news: No CR/OR, nanguna sa listahan ng mga violations ng LTO sa Nueva Vizcaya

    BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, May 6 (PIA) -- Kawalan ng Car Registration o Official Receipt na patunay upang maipakitang rehistradong legal ang mga sasakyan ng mga mamamayan sa lalawigan ang nanguna sa listahan ng mga naitalang violations ng Land Transportation Office (LTO) mula Enero hanggang Marso ngayong taon. Sa pakikipanayam ng media kay Claro Labitoria, hepe ng LTO district office sa isang serye ng “Tungtongan ti Tribu Biskayano” ng PIA, nanguna ang nasabing violation sa top 10 list ng m...
  • Tagalog news: Mga anak ng kawani ng gobyerno, pwede nang pag-aralin ng GSIS

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Mayo 6 (PIA) -- Bukas na ang scholarship program ng Government Service Insurance System (GSIS) para sa mga anak ng empleyado ng gobyerno. Isa ito sa mga magandang balitang inanunsyo ni GSIS President Robert Vergara sa katatapos lamang na Dialogue with Stakeholders and Pensioners sa St. Agatha Resort Tikay, Malolos, Bulacan. May 200 scholarship grants na naghihintay para sa mga anak ng mga kuwalipikadong miyembro. Hanggang P20,000 naman ang sasagutin ng GSIS bilang ...
  • Tagalog news: PNP, nagpahayag ng assessment para sa May 13 poll sa Surigao del Sur

    LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 4 (PIA) -- Inanunsyo ng tanggapan ng Provincial Police Office ng Surigao del Sur sa pamumuno ni OIC Provincial Director P/SSupt. Antonio Taylan Jr. ang mga kinakailangang paghandaan upang bantayan ang mga boto sa gagawing May 13 polls sa nasabing probinsya. Ayon kay P/C Insp. Edwin Noguerra, PPO Operation and Plans Chief, inaasahan nila na mapayapang maisagawa ang eleksyon sa kabila ng mga insidenteng hindi kailanman maiiwasan. Matatandaan na sumiklab na naman ang isa...
  • Tagalog news: Oplan Baklas suportado ng DENR

    LUNGSOD NNG LEGAZPI, Mayo 4 (PIA) -- Kaisa ang Department of Environment and Natural Resources sa Joint Task Force Oplan Baklas na pinangungunahan ng Commission on Elections (Comelec) kung saan layunin nitong alisin ang mga campaign materials na inilalagay sa labas ng itinakdang common posters area o idinidikit sa mga punong kahoy. Ayon kay DENR regional executive director Gilbert Gonzales naging matagumpay ang resulta ng pinag-isang kampanya ng task force na binubuo ng Comelec, DENR, Departmen...
  • Tagalog news: DOLE Bicol nagbabala sa ‘barangayan modus’ sa illegal recruitment

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 3 (PIA) -- Masusing minamanmanan ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng Bicol kasama ng Philippine National Police (PNP) ang gawain ng mga suspetsadong illegal recruiters na gumagala sa mga liblib na pamayanan ng rehiyon. “Nakatanggap kami kamakailan ng mga ulat ukol sa pagsasagawa ng illegal job recruitment ng mga suspetsado sa mga barangay,” sabi ni DOLE Bicol Public Information Officer (PIO) Raymund Escalante sa isang panayam na isinagawa ng Phili...
  • Tagalog news: Itatayong bambusetum sa Ligao Albay inihahanda na ng DENR

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 4 (PIA) -- Kasalukuyang pinag-aaralan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang iminumungkahing lugar para sa pagtatayo ng bambusetum sa baranggay Bonga sa lungsod ng Ligao ng probinsiyang ito. Ang bambusetum ay isang lugar kung saan pinararami ang iba’t ibang uri ng kawayan upang magsilbing pagkukunan ng pananim o ng maipapakitang uri sa mga nais magkaroon ng kaalaman tungkol dito. Ayon kay DENR regional director Gilbert Gonzales, pangungunahan n...
  • Tagalog news: Caraga COMELEC handa na para sa May 13 polls

    LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 3 (PIA) -- Handa na ang tanggapan ng Commision on Elections (COMELEC) sa Caraga sa isasagawang eleksyon ngayong May 13, 2013. Ito ang pahayag ni Regional Election Director Atty. Michael Abas sa pakikipanayam sa Radyo Ng Bayan kamakailan. Sinabi nitong naghihintay na lamang sila sa aktuwal na eleksiyon na isasagawa. “Yes, we are very much ready! (Oo, kaming lahat ay handa na!) nabuo na lahat ang trabaho sa eleksiyon, nagkaroon na sila (personahe ng Comelec at BEIs) ng ...
  • Tagalog news: ₱64.1-M proyektong imprastraktura ng DSWD sa Caraga, kumpleto na

    LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 4 (PIA) -- Nakumpleto na ang proyektong imprastraktura sa Caraga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagkakahalaga ng ₱64.13 milyon sa pamamagitan ng anti-poverty project, ang Kalahi-CIDSS. Pakikinabangan ng 53 barangay ang nasabing proyekto sa siyam na munisipalidad sa rehiyon. Kasama sa proyekto ang mga pasilidad para sa edukasyon at pangkalusugan, produksyon, ekonomiya at serbisyo, environmental protection structures at preservation projects, f...
  • Tagalog news: Isang NGO, magtuturo ng proyektong pangkabuhayan sa Kabacan, N. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 3 (PIA) -- Ituturo ng UPLOADS Jobs for Mindanao, isang non-government organization (NGO) ang isang proyektong pangkabuhayan sa mga mamamayan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato sa Linggo, Mayo a-singko. Ayon kay Project Coordinator Sonia Almazan, ang mga partisipante sa magaganap na aktibidad ay mga miyembro ng simbahan sa bayan. Aniya, tuturuan ang mga ito ng kaalaman hinggil sa iba’t-ibang pagluto at proseso ng paggawa ng pagkain buhat sa niyog na...
  • Tagalog news: Balik Eskwela-Diskwento Caravan, sinimulan na

    STA. CRUZ, Marinduque, Mayo 3 (PIA) -- Muling inilunsad ang taunang Balik Eskwela-Diskwento Caravan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa harapan ng munisipyo ng Sta. Cruz sa lalawigan kamakailan. Ayon kay DTI Provincial Director na si Carlito Fabalena, ang Balik Eskwela-Diskwento Caravan ay isinasagawa upang maibsan ang kakulangang pinansiyal ng mga magulang na may tatlo hanggang limang anak na nag-aaral sa elementarya, sekondarya at kolehiyo. Aniya, batid ng ahensiya ang kahirapan ng...
  • Tagalog news: Kalagayan ng Revenue District Office sa Marinduque, ipinahayag

    BOAC, Marinduque, Mayo 3 (PIA) -- Naging maaayos ang pagpa-file ng Income Tax sa lalawigan ayon sa ulat ni Teodora V. Purino, officer-in-charge Assistant Revenue District officer. Patuloy ang pagtaas ng koleksiyon at pagpapabilis ng proseso lalo’t higit sa pagkakaroon ng mga computers sa ahensiya. Kumpara sa ibang lalawigan at siyudad kakaunti lamang ang malalaking establisamento sa probinsiya kung kaya’t hindi din kalakihan ang koleksiyon ng buwis dito. Karamihan sa koleksiyon ay naggaga...
  • Tagalog news: Opisyal ng mga barangay sa Castilla pangungunahan ang 'blood donation'

    LUNGSOD NG SORSOGON, Mayo 3 (PIA) -- Nagkaisa ang mga opisyal ng 34 na mga barangay sa bayan ng Castilla, Sorsogon para isang blood donation activity ngayong araw. Sa ulat na ipinaabot sa PIA Sorsogon, alas-otso kaninang umaga sinimulan ang libreng pagpapakuha ng dugo ng mga barangay official sa Castilla. Layunin ng hakbang na ito na makalikom ng kaukulang bilang ng dugo at maibigay sa Department of Health nang sa gayon ay may magamit ang mga pasyente sa panahon ng pangangailangan. Matatandaa...
  • Tagalog news: Higit 5,000 techvoc scholarship slots binuksan ng ESDA 2

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 3 (PIA) -- Mahigit 5,500 na scholarship slots sa technical vocational education ang maaari nang aplayan, ayon sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) – 12 Inihayag ni TESDA 12 director Zeus Ampuyas, na 1,510 na scholarship slots ang bukas sa Private Education Student Financial Assistance (PESFA) Program samantalang 4,000 naman ang sa Training for Work Scholarship Program (TWSP). Naglaan ang pamahalaan ng mahigi P...
  • Tagalog news: 19 na dating OFW binigyan ng puhunang pang-negosyo

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 3 (PIA) -- Lubos ang pasasalamat ng 19 na dating overseas Filipino workers matapos silang mabigyan ng puhunan para makapagtayo ng maliliit na negosyo. Iniaabot ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)-12 regional director Andulghani Umag ang tseke na nagkakahalaga ng tig-P10,000 sa mga benepisyaryo kasabay ng pagdiriwang ng ika-111 taong pagdiriwang ng Araw ng Paggawa. Aniya, bahagi ito ng programa ng OWWA at DOLE na Balik-Pinay Balik Han...
  • Tagalog news: Ordinansa sa GAD, ipinasa ng Batangas SP

    LUNGSOD NG BATANGAS, Mayo 3 (PIA) -- Bilang pagpapahayag ng malakas na suporta at pagkilala sa papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa kaunlaran at kapakanan, ipinasa ng Sangguniang Panlungsod noong April 18 ang ordinansang bumubuo ng Gender and Development (GAD) Focal Point. Ang GAD ay isang prinsipyo ng kaunlaran kung saan kinikilala ang pantay na kontribusyon ng mga kababaihan at kalalakihan sa iba’t ibang aspeto ng kaunlaran. Ito ay bubuuin ng Mayor bilang chairman, ang chairman ng...
  • Tagalog news: Gobyerno ng Australia suportado ang edukasyon sa Caraga kasama ang CDD Projects ng DSWD

    LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 3 (PIA) -- Pinangungunahan ng Australian government Overseas and Program katulong ang Australian Agency for International Development at Department of Social Welfare and Development (DSWD)–Caraga ang isinagawang pagbibigay ng ahensya ng mga educational facilities sa probinsya ng Surigao del Norte na nagkakahalaga ng P9,588,285. Kasabay nito, ang Comprehensive and Integrity Delivery of Social Services (CDD) ng DSWD na Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive Int...
  • Tagalog news: Senior citizens, hiniling na maibaba ang edad ng mga beneepisyaryo ng social pension

    LUNGSOD NG VIGAN, Mayo 3 (PIA) -- Hiniling ng mga maralitang senior citizens na may edad 76 pababa na sila’y isama sa binibigyan ng pamahalaan na buwanang pension na P500 para sa kanilang “pang-dugtong hininga.” Ito ang “feedback” ng mga matatanda sa “Kapihan iti Amianan” Media Forum sa Iluko Heritage Channel ng Eagle Vision Cable System kamakailan na itinatataguyod ng PIA na kung saan nakatutok ito sa paksang “Social Pension” at “4 P’s”. Ayon kay Gerry Buen, 65, may-...
  • Tagalog news: DSWD, DENR lumagda ng kasunduan para sa ‘sustainable livelihood program’

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Mayo 3 (PIA) -- Nilagdaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kasunduan para sa implementasyon ng “Sustainable Livelihood and Environment for DSWD Disadvantaged Clients” na programa sa rehiyon uno. Ayon kay Information Officer Allan Lulu ng DSWD, nakapaloob sa memorandum of agreement ang P350,000 tulong pinansiyal sa dalawang SEA-K (Self-Employed Assistance Kaunlaran) Associations parti...
  • Tagalog news: P-Noy, ibinida ang mga nagawa sa Tarlac

    VICTORIA, Tarlac, Mayo 3 (PIA) -- Ibinida kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang ilan sa mga nagawa ng kanyang administrasyon sa kanyang home province na Tarlac sa ilalim ng “Tuwid na daan” na pamamahala. Sa kanyang talumpati sa harap ng mga community leaders at residente sa bayan ng Victoria, sinabi ni Aquino na nasa kabuuang 36,304 mahihirap na kabahayan ang mga benepisyaryo ngayon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development sa Tarlac kung s...
  • Tagalog news: Militar at pulisya, handa na para sa eleksyon sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Mayo 3 (PIA) -- Lubos ang ginagawang paghahanda ng militar at pulisya upang matiyak na magiging maayos ang pagsasagawa ng Halalan sa Bulacan sa Mayo 13. Sa isinagawang pagpupulong ng mga kasapi ng peace and order council kamakailan, sinabi ni Police Provincial Director Sr. Supt. Joel Orduña na nasa final stage na nang pag-de-deploy ng mga pulis sa iba’t ibang voting centers sa bawat munisipalidad kasama ang 238 karagdagang tropa mula sa Armed Forces of the Philip...
  • Tagalog news: Salvage operations ng lumubog na M/V Baleno 168 sa Calapan, isinasagawa na

    CALAPAN, Oriental Mindoro, May 3 (PIA) -- Kasalukuyan nang isinasagawa ang salvage operations sa barkong M/V Baleno 168 na lumubog noong Enero 31 sa pier ng lungsod ng Calapan. Ito ang buod ng ulat ni Provincial Legal Officer Atty. Kristine Grace L. Suarez kay Gob. Alfonso V. Umali Jr. Si Atty. Suarez ay nagsisilbi ring co-chairman ng Power, Energy, Transportation and Communication Cluster na binuo ng pamunuan ng gobernador. Sa nabanggit na report, Abril 5 nang kapanayamin sa Provincial Lega...
  • VP Binay pinarangalan mga Bicol LGU sa pagtugon sa land use plan

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 3 (PIA) -- Ang lungsod na ito at bayan ng Basud sa Camarines Norte ang nanguna sa 33 lokal na pamahalaan sa Bicol sa pagtanggap ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP) Zero Backlog Program Awards ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB). Ito ay iginawad ni Vice-President Jejomar Binay sa isang seremonya na isinagawa sa lungsod ng Legaspi noong Linggo. “Labing-apat na LGUs dito ang nakagawa na ng CLUPs at dalawa ang aprubado na ang CLUP ng kanilang Sangguniang ...
  • Tagalog news: Clean up drive isinagawa ng mga sundalo sa Camarines Norte

    DAET, Camarines Norte, Mayo 3 (PIA) -- Tulong-tulong sa pamamagitan ng Bayanihan ang mga kasundaluhan kaugnay sa isinagawang clean up drive noong ika-1 ng Mayo ngayong taon sa barangay Tulay na Lupa ng bayan ng Labo. Pinangunahan ito ng pamunuan ng 902nd Infantry Brigade ng Philippine Army dito katuwang ang mga opisyal ng naturang barangay. Nakiisa din mula sa mga kinatawanan at mga miyembro ng non-government organizations (NGOs) kabilang ang Guardians of the Philippines (GPII) Tulay na Lupa C...
  • Tagalog news: Pilipinas Natin, magsasagawa ng balangayan camp sa Nueva Ecija ngayong weekend

    LUNGSOD NG CABANATUAN, Nueva Ecija, Mayo 3 (PIA) -- Nakatakdang isagawa ngayong Sabado at Linggo ang kauna-unahang balangayan camp ng Pilipinas Natin (PN) sa lalawigan ng Nueva Ecija sa bayan ng Gabaldon. Ayon kay PN Central Luzon Coordinator Banik Allan Merenciano, ang balangayan camp ay tumutulong na ipabatid sa mga lalahok ang kanilang kaalaman at kakayahang mamuno. Iba’t ibang mga aktibidad ang kanilang pagdadaanan tungkol sa kanilang pagkatao upang mas makilala ang sarili, mahasa ang k...
  • Tagalog news: Mga PWDs sa Bulacan, pinagkalooban ng P1M puhunang pangkabuhayan ng DOLE

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, May 3 (PIA) -- Ipinagkaloob nitong Miyerkules ng Department of Labor and Employment ang kabuuang isang milyong pisong puhunang pangkabuhayan para sa mga may kapansanan sa lalawigan ng Bulacan. Sa isang pahayag, sinabi ng DOLE Bulacan Provincial Office na iginawad ang grant sa mga samahan ng mga Persons with Disabilities (PWDs) sa mga bayan ng Calumpit, Pandi at Bocaue. Ilalaan ang pondo na nagkakahalaga ng 300 hanggang 500 libong piso bawat grupo, sa probisyon ng m...
  • Tagalog news: MOA para sa 10-taon solid waste management plan, pinirmahan

    LUNGSOD NG SORSOGON, Mayo 2 (PIA) -- Isinagawa sa lungsod ng Legazpi ang konsultasyon ukol sa Solid Waste Management Plan (SWMP) para sa lokal na pamahalaan ng Sorsogon at pinirmahan ang Memorandum of Agreement (MOA) kaugnay sa binuong plano ng solid waste management program ng nasabing lalawigan. Ayon kay Environmental Management Bureau (EMB) Regional Director Roberto D. Sheen ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), nagtipon ang mga kinatawan ng Provincial Solid Waste Manage...
  • Tagalog news"Gagamiting 'official ballot' sa eleksyon dumating na sa Sorsogon

    LUNGSOD NG SORSOGON, Mayo 2 (PIA) -- Dumating na noong Biyernes ng umaga, Abril 26, sa probinsya ng Sorsogon ang kabuuang bilang ng mga opisyal na balota na gagamitin sa Mayo 13 lulan ng tatlong trak ng Air 21. Bantay-sarado naman ng mga tauhan ng Philippine Army at Sorsogon Police Provincial Office na nagbigay ng security convoy sa cargo truck upang masigurong mapapangalagaan ito. Ilalagak pansamantala sa Comelec Provincial Office ang mga balota at itu-turn over naman ng Provincial Election ...
  • Ulat sa kahirapan, isang hamon – Gov. Salceda

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 2 (PIA) -- Ang ulat sa kahirapan o poverty incidence report na inilabas kamakailan ng National Statistical Coordination Board (NSCB) ay hindi dapat ikonsidera na negatibo subalit kailangang tanggapin bilang isang hamon ng mga economic planners at government executives. Ito ang reaksiyon ni Albay Governor Jose “Joey” Salceda sa isinagawang paglagda ng Memorandum of Agreeement (MOA) sa pagitan ng Albay at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama a...
  • Tagalog news: P285M Taal Lake circumferential road, binisita ni Pangulong Aquino

    AGONCILLO, Batangas, Mayo 2 (PIA) -- Binisita ni Pangulong Benigno Aquino III ang proyektong pang-imprastrakturang Taal Lake Circumferential Road sa bahagi ng Talisay-Laurel-Agoncillo section noong Lunes, Abril 29, ng hapon. Ang naturang proyekto na nagkakahalaga ng P285 milyon at may habang 40 kilometro ay kinabibilangan ng mga pagawaing pagkonkreto ng kalsada, pagsasa-ayos ng tulay at paglalagay ng mga drainage system. Sa kanyang briefing kay Pangulong Aquino, sinabi ni Public Works Secretar...
  • Tagalog news: Presyo ng mga pangunahing bilihin, sinusubaybayan ng DTI

    LUNGSOD NG SORSOGON,Mayo 2 (PIA) -- Patuloy pa rin ang regular na pagsubaybay ng Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa lalawigan ng Sorsogon. Ayon kay DTI Sorsogon Provincial Director Leah Pagao, sa kabila ng kawalan nila ng tanggapan at tauhan sa mga bayan ng Sorsogon ay regular pa rin nilang nasusubaybayan ang halaga ng mga pangunahing pangangailangan at bilihin sa 14 na bayan sa pamamagitan ng tamang pag-aayos ng mga iskedyul at pagtatalaga n...
  • Tagalog news: Pagsasanay sa pamamahala ng bakuna, ginanap sa Palawan

    LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 2 (PIA) -- Para masiguro ang epektibo at mabilisang pamamahala sa pagbibigay ng bakuna para sa sakit na Influenza and Pneumococcal para sa mga mahihirap na senior citizen, dumalo kamakailan ang mga health worker ng Palawan sa pagsasanay hinggil dito. Ang pagsasanay ay isinagawa ng Center for Health Development Region IV-B (CHDIV-B) sa Club Balai Isabel, lungsod ng Batangas na dinaluhan ng mga Provincial Health Wellbeing for Older Person (HWOP) Program C...
  • Tagalog news: Pagpapatuyo ng mga produkto sa lansangan, ipinagbabawal ng DPWH

    LUNGSOD NG SORSOGON, May 2 (PIA) -- Muling ipinaalala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga residente at mga negosyante na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga lansangan o kalsada sa pagbibilad o pagpapatuyo ng mga palay, kopra at iba pang mga produkto. Ayon kay DPWH District I chief Engr. Romeo Doloiras, ito ay upang maiwasan ang anumang mga aksidente sa lansangan lalo na ng mga gumagamit ng motorsiklo. Aniya, sa ipinalabas na Department Order No. 41 ng DPWH na may...
  • Tagalog News: Forum, nagpatatag sa Local Water Governance sa Caraga

    LUNGSOD NG BUTUAN, Mayo 2 (PIA) -- Sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG)-Caraga regional office, sa pakikipagtulungan ng Center for Community Journalism and Development (CCJD), ginanap kamakailan ang pagpupulong na may layuning maitatag ang local water governance sa rehiyon. Sa nasabing pulong, sinabi ni DILG-Caraga Regional Director Lilibeth Famacion na ang mga produktong pangkaalaman na nagmula sa magandang kasanayan at karanasan mula sa mga human rights-base...
  • Tagalog news: DOLE 12 magtatayo ng mga advocacy center sa iba’t ibang paaralan sa Rehiyon

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 2 (PIA) -- Sa layuning maihanda ang mga mag-aaral sa mundo ng mga manggagawa, balak ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) 12 na magsagawa ng adbokasiya sa loob mismo ng mga paaralang pang-kolehiyo at teknikal sa iba’t ibang bahagi ng Rehiyon. Kahapon, kasabay ng pagdiriwang ng 111th Labor Day, pumirma sina DOLE 12 Regional Director Ofelia Domingo, CHED 12 OIC Director Maximo Aljibe at kinatawan ni DepEd 12 OIC Director Ma. Rosa Gut...
  • Tagalog news: CELA para sa socialised housing sa bayan sa Albay, ipinamahagi

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mayo 2 (PIA) -- Pinangunahan ni Bise Presidente Jejomar Binay ang pagbibigay ng Certificate of Lot Award (CELA) sa 321 mga benepisyaryo sa bayan ng Sto. Domingo, Albay noong linggo sa susog sa layunin ng pamahalaan na mabigyan ng sariling lupa ang mga walang tirahan. Ang pamimigay ng CELA ay sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 40 na nagdeklara na ang hindi na ginagamit na lupain ng Philippine National Railways (PNR) sa probinsiya ng Albay ay gawing lugar para sa socia...
  • Tagalog news: Konsiyerto para sa kalikasan, isasagawa sa Nueva Vizcaya

    BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, May 2 (PIA) -- Isang konsiyerto ang isasagawa ng mga environmentalists sa lalawigan upang makalikom ng pondo para sa mga ipapatupad na iba’t ibang proyekto para sa lalawigan. Ang Konsiyertong tinawag na Paraiso: Konsiyerto para sa Kalikasan ay gaganapin sa Mayo 4 sa oras na ika-pito ng gabi sa Tonus Gym ng St. Mary’s University (SMU) sa bayan na ito. “Layunin ng konsiyertong ito na makalikom ng pondo para sa mga proyektong ipapatupad ng mga organisasyong nagtata...
  • Tagalog news: Lugar kung saan pinaslang si dating Unang Ginang Quezon, isa nang historical spot sa Nueva Ecija

    BONGABON, Nueva Ecija, Mayo 2 (PIA) -- Pinasinayaan kamakailan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang historical marker sa bayan ng Bongabon sa Nueva Ecija kung saan pinaslang si dating Unang Ginang Aurora Aragon-Quezon na kabiyak ni dating Pangulo Manuel Quezon. Ayon kay NHCP Chairperson Maria Serena Diokno, sila ay nagalak dahil ang mga apo at kamaganak ng dating Pangulong Quezon ang nagsikhay upang magawan ng pananda ang lugar. Batay sa mga talang pangkasaysayan, sa...
  • Tagalog news: Talamak na nakawan ng plaka sa Kidapawan City, tinututukan ng PNP

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mayo 2 (PIA) -- Sentro ngayon ng pagbabantay ng mga pulis sa lungsod ng Kidapawan, North Cotabato ang talamak na nakawan ng mga license plate ng mga motorsiklo. Kaugnay nito, pinag-iingat ngayon ng Kidapawan City PNP ang mga motorista laban sa isang grupo na sangkot sa naturang masamang gawain. Ayon sa pamunuan ng Kidapawan City PNP, halos sunud-sunod ang mga motoristang nagdudulog ng kanilanang reklamo sa pulisya kaugnay sa pagkawala ng plaka ng kanilan...
  • Tagalog news: Bulacan, pinag-ibayo ang paghahanda kontra kalamidad

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, May 2 (PIA) -- Pinag-ibayo pa ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang paghahanda nito kontra kalamidad sa pamamagitan ng pagsasailalim sa mga tauhan nito sa limang araw na Incident Command System (ICS) Position Title Course Training. Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Regional Director Josefina Timoteo, layunin ng pagsasanay na imulat at makabisa ng mga "response team" ang mga "position title" tulad ng "Incident Commander," "Operations Section Chief," "Logist...
  • Tagalog news: Pagtatayo ng karagdagang silid-aralan at FMR, patuloy na ipatutupad sa Quezon

    LUCBAN, Quezon, Mayo 2 (PIA) -- Inihayag ni Pangulong Benigno S. Aquino III na patuloy na tutulong ang kanyang administrasyon sa lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga karagdagang silid-aralan at pagpapagawa ng farm-to-market roads. Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa ginanap na programa sa Southern Luzon State University (SLSU), kaalinsabay ng pagbisita at pakikipagpulong sa mga lokal na opisyal ng Quezon at sa komunidad noong Abril 29, 2013. Sinabi ng Pangulo na malaki ang ma...
  • Tagalog news: Comelec nagsimula ng mamahagi ng voter’s information sheet

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, May 2 (PIA) -- Nagsimula na ang Comission on Election (Comelec) dito sa lungsod na mamahagi ng "voter’s information and instruction sheet" (VIIS) sa mga barangay upang mabigyan patnubay ang mga rehistradong botante sa eleksiyon ngayong Mayo. Ayon kay Lawyer Jugeeh Deinla, acting city Comelec officer, ang mga kapitan at opisyales na ang magbibigay ng kopya sa bawat botante sa kani-kanilang lugar. Aniya, nakatakda din ang Comelec na magbahagi ng VIIS sa susunod na ling...
  • Tagalog news: OTOP, itataguyod ng mga hotel at restaurant sa Ilokos

    LUNGSOD NG VIGAN, May 2 (PIA) -- Makikipagtulungan ang mga hotel at restaurant sa Ilocos Sur sa pagtataguyod ng One Town, One Product (OTOP) para sa pag-unlad ng ekonomya at makalikha ng masmarami pang hanap-buhay sa mga Ilokano. Ayon kay Congressman Ryan Luis Singson, malaki ang maitutulong ng mga kasapi ng Ilocos Sur Hotel and Restaurant Association para sa pagtataguyod ng mga lokal na produkto kabilang na ang mga tinaguriang traditional industry ng lalawigan sa mga dumadayong turista. Tulad...
  • Tagalog news: Food festival sa Bauang, idinaos

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Mayo 2 (PIA) -- Idinaos ng Bauang Tourism Council (BTC) ang kanilang ikalawang food festival kamakailan kung saan tampok ang iba’t ibang pangdayuhan at lokal na pagkain. Ayon kay Joan P. Diaz, Bauang information and tourism staff, ang isang araw na pagdiriwang ay bahagi ng “Baggak Festival” ngayong tag-araw na siyang lalahukan ng 10 establisimyento na miyembro ng BTC. Ang nasabing selebrasyon na nagsimula noong Abril 20 hanggang Abril 28 ay taun-taong i...
  • P-Noy, binisita ang isinagawang Job and Livelihood Fair sa Tarlac

    LUNGSOD NG TARLAC, Mayo 1 (PIA) -- Binisita kahapon, Abril 30, ni Pangulong Benigno Aquino III ang isinagawang Job and Livelihood Fair sa St. Michael’s Park, Camp Servillano Aquino, Tarlac City kung saan may 40 libong local at overseas careers sa business process outsourcing, retail, service at manufacturing industries ang inialok. Naka-angkla sa temang “Manggagawang Pilipino: Handa sa Hamon ng Makabangong Panahon”, ang okasyon ay co-sponsored ng Department of Labor and Employment (DOLE),...
  • Tagalog news: 375 sundalo, makakatuwang ng pulisya sa pagtitiyak ng mapayapang Halalan 2013 sa Nueva Ecija

    LUNGSOD NG CABANATUAN, Nueva Ecija, Mayo 1 (PIA) -- Makakatuwang ng pulisya ang may 375 sundalo mula sa 3rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa pagtitiyak ng mapayapang Halalan 2013 sa lalawigan ng Nueva Ecija. Sinabi ni Provincial Police Director Senior Superintendent Crizaldo Nieves na makatutulong ang mga karagdagang kasundaluhan sa pagsasagawa ng mga checkpoint. Inilahad ni 3rd Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Col. Eugene Mata na 100 sundalo na mula sa kanilang hanay ang katu...
  • Tagalog news: Kahalagahan ng mais sa kalusugan, tinalakay

    LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan, Mayo 1 (PIA) -- Isinagawa kamakailan sa lalawigan ang "Trainers’ Training on Good Agricultural Practices for Corn & Promotion of Corn for Health and Corn Quality Standards" sa Hotel Fleuris. Ito ay dinaluhan ng mga municipal agriculture officers, agri pinoy technicians at mga pinunong magsasaka mula sa iba’t ibang munisipyo ng lalawigan. Layounin ng pagsasanay na ito na maipaunawa sa mga lumahok ang kahalagahan ng mais o white corn variety sa kalusugan ...
  • Tagalog news: PIA-13 nag-organisa ng rapid media reaction team

    LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 30 (PIA) -- Inorganisa ng panrehiyong tanggapan ng Philippine Information Agency sa Caraga ang “rapid media reaction team.” Ito ay binuo upang maayos na maikalat ang impormasyon sa publiko sa darating na midterm election ngayong May 13, 2013. Ayon kay PIA Northern and Northeastern Mindanao Information Cluster Head at Caraga Regional Director Abner Caga, ang konsepto ng nasabing media reaction team ay magsisilbing gabay sa mga mga kasapi ng media upang maipamahagi an...
  • Tagalog news: DOLE-North Cotabato, hinikayat ang mga mamamayan na makiisa sa gagawing jobs fair

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 30 (PIA) -- Nanawagan ang pamunuan ng Department of Labor and Employment na nakabase sa lalawigan ng North Cotabato sa mga mamamayan na samantalahin ang mangyayaring jobs fair sa lungsod ng Kidapawan bukas. Ayon kay DOLE-North Cotabato Field Office Labor Officer Edna Sales, katuwang nila sa aktibidad ang abot sa 17 mga lokal na kumpanya na maaaring pagtrabahuan ng mga aplikante mula sa nabanggit na lungsod at iba pang kalapit-bayan. Nabatid na malib...
  • Tagalog news: Pagbabantay ng mga pulis sa Kabacan, N. Cotabato pinalalakas

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 30 (PIA) -- Todo sa pagbabantay ngayon ang tropa ng mga pulis sa bayan ng Kabacan, North Cotabato upang tiyakin ang seguridad sa bawat sulok ng lugar. Ito ay matapos makapagtala ang pulisya ng mga krimen sa bayan at ang huli ay ang paghagis ng granada sa bahay ng isang konsehal. Ayon kay Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP, mahigpit na binabantayan ngayon ang Barangay Poblacion gayong dito kadalasang nangyayari ang krimen. Nabatid na ikinalat na sa...
  • Tagalog news: Mga batas na bubuo sa 2 bagong paaralan sa Unang Distrito ng North Cotabato, nilagdaan na ni PNoy

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 30 (PIA)--Pinirmahan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang batas na magtatatag ng dalawang bagong independent national high school sa unang distrito ng North Cotabato. Ang naturang batas ay bubuo sa Datu Dalandag High School sa bayan ng Pikit at Malamote National High School naman sa bayan ng Midsayap. Itinatakda ng Republic Act 10484 ang paghihiwalay ng Datu Dalandag Annex mula sa mother school nitong Pikit National High School at magiging Datu Dal...
  • Tagalog news: Pitong negosyo sa Gensan at Sultan Kudarat nabigyan ng ayudang P4.65 M ng DOST

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 30 (PIA) -- Pitong maliliit na negosyo sa General Santos City, Tacurong City at Sultan Kudarat ang nabigyan kamakailan ng ayuda ng Department of Science and Technology (DOST) - 12. Sinabi ni DOST 12 regional director Zenaida Laidan na abot sa P4.65 milyon ang kanilang inilabas na tulong sa mga micro, small and medium enterprises (MSME) nitong nakalipas na buwan. Kabilang sa mga nakinabang ang Aunt Ludi...
  • Tagalog news: 411 na indibidwal pasok sa trabaho sa Koronadal City jobs fair

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 30 (PIA) -- Umabot sa 411 na indibidwal ang agad nagkaroon ng trabaho sa isinagawang pre-Labor Day jobs fair sa isang mall sa Koronadal City kamakailan. Sa ulat na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) 12 kahapon, inihayag ni DOLE 12 labor communications officer Charmaine Dawn Sonsona na 335 ang pasok sa trabaho sa mga lokal na kompanya samantalang 76 ang magkakapagtrabaho sa ib...
  • Tagalog News: Apat na bayan ng Ifugao makararanas ng 4 na oras na brown-out sa Mayo 1

    MAYOYAO, Ifugao, April 30 (PIA) -- Apat na bayan ng Ifugao ang nakatakdang makakaranas ng apat na oras na brown-out sa Martes, Mayo 1, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Ipinahayag ni Lilibeth P. Gaydowen, Regional Corporate Communications and Public Affairs Officer ng NGCP North Luzon, na ang mga bayan ng Banaue, Hingyon, Hungduan at Mayaoyao ay mawawalan ng suplay ng kuryente bukas mula ika-8 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali. Aayusing ang Lagawe Subst...
  • Tagalog news: Bidding sa Lake Sebu-Maitum road pinamamadali ng RDC 12

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato Abril 30 (PIA) -- Hiniling ng Regional Development Council (RDC) 12 sa Department of Public Works and Highways na madaliin ang bidding at paggawad ng kontrata upang matapos na ang bahagi ng 75 kilometrong Lake Sebu-Maitum Ecology Road Development Project. Idinaan ng RDC 12 ang apela sa isang resolution na ipinadala nila sa DPWH Central Office na humihiling sa madaliang re-bidding ng matagal nang nakabinbing pr...
  • Tagalog news: Kidapawan City PNP, pinag-iingat ang mga may-ari ng sasakyan sa lungsod

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 30 (PIA) -- Nagpaalala ang pamunuan ng Kidapawan City PNP sa lalawigan ng North Cotabato sa mga may-ari ng sasakyan na magdoble ingat. Ito ay sa posibleng paglipana ng bukas-kotse gang sa lungsod. Kaugnay nito, kamakailan ay naaresto ng mga pulis ang isang suspek na sapilitang binuksan ang kotse ng isang appliance store manager at tinangkang pagnakawan ito. Narekober naman sa suspek ang ilang mga gamit tulad ng wire cutter, wrench, combination scre...
  • Tagalog news: Kabuuang bilang ng krimen sa Bikol, bumaba ng 6%

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 30 (PIA) -- Bumaba ng anim na porsyento ang bilang ng naitalang krimen sa rehiyong Bicol sa unang tatlong buwan ngayong 2013, ayon kay Bicol police regional spokesman P/Supt. Renato Bataller sa isang panayam sa kanya noong nakaraang linggo. Ayon kay Bataller, mula Enero hanggang Marso, mayroong naitalang 2,419 na bilang ng krimen sa buong rehiyon. Naitala ang 155 na insidente o katumbas ng anim na porsyento ang ibinaba nito mula sa 2,574 na insidenteng naitala noong En...
  • Tagalog news: DOH-ARMM nanawagan sa mga LGU na unahin ang kalinisan

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 30 (PIA) -- Matapos ang pagkalat ng iba't ibang sakit sa ilang bahagi ng ARMM, nanawagan ang isang opisyal na isulong ang kalinisan sa buong rehiyon. Sinabi ni Department of Health-ARMM Secretary Dr. Kadil Sinolinding Jr. na dapat maging prayoridad ng mga lokal na pamahalaan ang kalinisan at ang pagkakaroon ng malinis na mga palikuran. Ayon kay Sinolinding, dapat pagkakaroon ng ordinansa ang bawat bayan at barangay sa ARMM na humihikayat sa mga resi...
  • Tagalog news: Bagong gusaling pampaaralan sa Libungan N. Cot bubuksan ng KALAHI-CIDSS

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 30 (PIA) -- Gaganapin ngayong araw ang turn-over ceremony ng isang one-classroom highschool building sa Brgy. Montay, Libungan, North Cotabato. Ang proyekto ay ipinatupad ng Department of Social Welfare at Development (DSWD) sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery Social Services o Kalahi-CIDSS, isang community-driven project na naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang mga benipisyaryo na bigyan ng tugon ...
  • Tagalog news: 'Pandang-Gitab Mindoro' nananatiling nasa Top 10 ng ALIWAN Fiesta 2013

    CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 30 (PIA) -- Muling nagkamit ng parangal sa larangan ng turismo ang Pandang-Gitab Mindoro na nakakuha ng ikawalong pwesto sa "streetdancing competition" sa prestihiyosong Aliwan Fiesta na ginanap kamakailan lamang sa Lungsod na Maynila. Hinalaw mula sa mga salitang pandanggo at dagitab, ipinapakita sa naturang kapistahan ang kahalagahan ng ilaw na dala-dala ng mga maybahay habang inihahatid ang kanilang asawa patungo sa karagatan upang mamalakaya; ilaw na nagsi...
  • Tagalog news: ‘Pangkabuhayan Para sa Kapayapaan’ nananatiling matatag sa PPALMA

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 30 (PIA) -- Higit-kumulang 500 mga benipisyaryo ng "Pangkabuhayan para sa Kapayapaan" program mula sa iba't-ibang bahagi ng Unang Distrito ng North Cotabato ang dumalo sa isang asembliya na ginanap sa bayan ng Midsayap kamakailan. Partikular na tinalakay sa pagpupulong ang pagkakataon na makatuntong sa second level ang mga benepisyaryo kung sila ay makakapagbayad ng isandaang porsyento sa pondong ipinahiram sa kanila ng gobyerno. Nag-ulat din ang mga...
  • Tagalog news: PNoy, bibisita sa isasagawang Job and Livelihood Fair sa Tarlac ngayong araw

    LUNGSOD NG TARLAC, Abril 30 (PIA) -- Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Benigno Aquino III ang isasagawang Job and Livelihood Fair sa St. Michael’s Park, Camp Servillano Aquino, Tarlac City ngayong araw kung saan may 40 libong local at overseas careers sa business process outsourcing, retail, service at manufacturing industries ang iaalok. Naka-angkla sa temang “Manggagawang Pilipino: Handa sa Hamon ng Makabangong Panahon”, ang event ay co-sponsored ng Department of Labor and Employment ...
  • Tagalog news: DOLE 3 patuloy na inaanyayahan ang mga repatriates, nagtapos ng kolehiyo sa 2013 Labor Day job fairs

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Abril 30 (PIA) – Patuloy na inaanyayahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 3 ang lahat ng mga naghahanap ng trabaho partikular ung mga repatriated workers mula sa Middle East at fresh college graduates na dumalo sa mga isasagawang 111th Labor Day job fairs sa Gitnang Luzon bukas, Mayo Uno. Inilahad ni DOLE regional director Raymundo Agravante na libo-libong local at overseas careers sa business process outsourcing, retail, service at manufa...
  • Tagalog News: Kaso ng malaria sa Agusan del Norte bumaba ayon sa PHO

    BUTUAN CITY, Abril 30 (PIA) — Bahagyang bumaba ang kaso ng malaria sa probinsya ayon sa Agusan del Norte Provincial Health Office. May 42 kasong naitala ang Agusan del Norte Provincial Health Office noong 2010, 19 kaso sa 2011, apat sa 2012, at dalawang kaso ang naitala sa 1st quarter ng taong kasalukuyan na nagpapakita ng pagbaba ng trend, ayon kay Dr. Elizabeth Campado sa isang press briefing na ginanap sa selebrasyon ng World Malaria Day. Ang mga kaso ay karaniwang naitala sa mga baranga...
  • Tagalog News: Tauhan ng PIA-Caraga sumali sa Absentee Voting

    LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 30 (PIA) — Alinsunod sa ginawang paghahanda para sa midterm national and local elections, ang mga empleyado ng Philippine Information Agency (PIA), Caraga regional office ay nanguna sa lahat ng tanggapan ng PIA sa buong bansa sa pag-avail sa absentee voting. Sa pakikipagtulungan ng City Comission on Election (Comelec) ng lungsod, naganap sa PIA-Caraga regional office ang absentee voting noong Lunes kung saan lahat ng 11 na kawani ng PIA ay sinamantala ang pagkakataong...
  • Tagalog news: Siyam tiklo sa droga sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 30 (PIA) -- Siyam na pinaghihinalaang drug pushers ang inaresto ng mga kagawad ng pulisya sa Bulacan sa magkakahiwalay na operasyon. Sa ulat na nakarating kay Bulacan police director Senior Supt. Joel Sabio Orduña, anim na suspek ang nahuli sa Brgy. San Martin de Porres at isa sa Brgy. San Manuel matapos magbenta ng illegal na droga sa isang nagpanggap na buyer. Nakumpiska mula rito ang 13 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu at dru...
  • Tagalog news: Production workers, nangunguna pa rin sa listahan ng PESO

    GENERAL SANTOS CITY, Abr 29 (PIA) -- Ang General Santos City ay tahanan ng pitong malaking canneries kaya naman karaniwan sa bakanteng trabaho ay makikita sa mga establisyementong may kinalaman dito. Ayon sa listahan ng Public Employment Service Office (PESO), nasa 600 na mga production workers ang ngayo’y kailangan ng General Tuna Corporation. Kahit high school graduate at kahit wala pa umanong experience, pwedeng mag-apply. Hindi pa kasama dito ang mga fishing companies na hindi nagpasa ...
  • Tagalog news: Gusali para sa mga kooperatiba ng Daet itatayo

    DAET, Camarines Norte, Abril 29 (PIA) - Itatayo ang isang gusali para sa mga kooperatiba ng bayang ito upang makatulong na suportahan at mapaunlad ang ibat-ibang pangkabuhayang proyekto ng mga miyembro nito. Ito ang ipinahayag ni Mayor Tito Sarion sa isinagawang First Daet Cooperative Congress noong Biyernes (Abril 26) sa Heritage Center dito na dinaluhan ng opisyales at miyembro ng mga kooperatiba ng naturang bayan. Ayon sa kanya kinakailangang suportahan at panatilihin ang cooperativism sa b...
  • Tagalog news: Muscovado ng Sultan Kudarat province, patuloy ang pamamayagpag

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 29 (PIA) -- Tuluy-tuloy nang nakikilala ang produktong muscovado sa lalawigan ng Sultan Kudarat. Kamakailan isang exporter mula sa Manila, na nakilahok sa isang isinagawang market matching, ang naglagak ng paunang order na tatlong toneladang muscovado mula sa lokal na processor. Sinundan naman ito ng ilan pang exporters na interesadong bumili ng 10 tonelada bawat order, ayon kay Nelly Dillera, provincial director ng Department of Trade and Indus...
  • Tagalog news: NSO nagsasagawa ng senso ng establisimyento

    LUNGSOD NG LIPA, Abril 29 (PIA) -- Ngayong buwan ng Abril hanggang Hunyo, ang Pambansang Tanggapan ng Estadistika o National Statistics Office (NSO) ay nagsasagawa ng malawakang sarbey ng mga establisimyento na tinatawag na 2012 Census of Philippine Business and Industry (CPBI). Sinabi ni NSO-Calabarzon Regional Director Rosalinda P. Bautista, na ang sarbey ay naglalayong mangalap ng impormasyon tungkol sa lebel, istruktura at takbo (trend) ng ekonomiya na kabilang sa pormal na sektor ng ati...
  • Tagalog news: P2.5M sub-station ng BFP, pinasinayaan

    LUNGSOD NG BATANGAS, Abril 29 (PIA) -- Pinasinayaan kamakailan ang gusali ng ikalawang sub-station ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod na ito na nagkakahalaga ng P2.5 milyon. Matatagpuan sa Barangay Ambulong, ang naturang proyekto ay mula sa Public Private Partnership (PPP) for public safety at maituturing na pinaka-una sa buong Calabarzon at maging sa buong bansa. Sinabi ni Fire Marshall Rommel Tradio, hepe ng BFP sa lungsod, na ito ay isa sa maipagmamalaki nilang mga proyekto na na...
  • Tagalog news: Soccsksargen Region,di dapat isama sa rice importation ng NFA

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 29 (PIA) -- Huwag isama ang Rehiyon Dose sa mga lalawigan na paglalaanan ng iaangkat na bigas sa ibang bansa. Ito ngayon ang apela ng Regional Development Council (RDC) 12 sapagkat sobra-sobra ang suplay ng bigas sa nasasakupan nito, kabilang na ang mga lalawigan ng South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at North Cotabato at mga lungsod ng Heneral Santos, Koronadal, Tacurong, Kidapawan, at Cotabato. Batay sa mga datos, umabot sa 132,000 me...
  • Tagalog news: 8 bilanggo ng Camarines Norte Provincial Jail nakapasa sa Alternative Learning System

    DAET, Camarines Norte, Abril 29 (PIA) -- Walong bilanggo ng Camarines Norte Provincial Jail (CNPJ) ang nakapasa sa Alternative Learning System (ALS) kaugnay ng isinagawang pagsusulit sa elementarya at sekondarya noong buwan ng Disyembre ng nakaraang taon. Ayon kay acting provincial warden Reynaldo Pajarillo ng Provincial Custodial and Security Services Division (PCSSD) ng pamahalaang panlalawigan, sila ay tatanggap ng diploma sa ika-9 ng Mayo ngayong taon sa agro-sports center ng kapitolyo prob...
  • Tagalog news: Pagtatasa ng nutrition programs sa Palawan, pinangunahan ng NNC

    PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 29 (PIA) -- Nagsagawa ang Regional Evaluation Team sa pangunguna ng National Nutrition Council (NNC) ng evaluation ng mga programang pangnutrisyon sa lalawigan ng Palawan Ayon kay Provincial Nutrition Action Officer Rachel Paladan, ang isinagawang evaluation ng naturang grupo ay naganap noong Abril 22-26. Kabilang sa regional team ang mga representante mula sa Department of Health, Department of Interior and Local Government, Department of Agriculture, Phili...
  • Tagalog news: Mahigit 100 mga kabataan sa Kabacan, N. Cotabato, benepisyaryo ng libreng tuli

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 29 (PIA) -- Aabot sa mahigit 100 na mga kabataan na sa bayan ng Kabacan, North Cotabato ang nabenepisyuhan sa isinasagawang libreng tuli ngayong bakasyon. Ang nasabing aktibidad na siyang pinangunahan ng Rural Health Unit (RHU) ay ginanap sa iba’t ibang mga barangay sa naturang bayan. Ayon kay Municipal Disease Surveillance Officer Honey Joy Cabellon, sinuyod ng RHU ang barangay ng Pisan, Bangilan at Dagupan upang gawin ang libreng tuli. Samantala...
  • Tagalog news: PPP isinusulong ng RDC 12 sa pagtatayo ng 637 na gusaling pampaaralan

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 29 (PIA) -- Isunusulong ngayon ng Regional Development Council (RDC) 12 ang public-private partnership sa pagtatayo ng 637 sa gusaling pampaaralan. Ito ay dahil ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor ang nakikita ng RDC 12 na isa sa mga solusyon sa kakulangan sa silid-aralan sa buong rehiyon. Ani, General Santos City Mayor at RDC 12 chairperson Darlene Antonino-Custodio, ang naturang bilang ng karagdagang gusali ay ang nakatakdang ipatayo sa ...
  • Tagalog news: Comelec, mahigpit na tutukan, papanagutin ang sangkot sa vote-buying

    VIRAC, Catanduanes, Abril 29 (PIA) -- Muling pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) sa lalawigan ang publiko na ang pamimili ng boto o "vote-buying" ay matinding ipinagbabawal lalo na sa nalalapit na halalan sa Mayo 2013. Ayon kay Comelec provincial election supervisor Atty. Maria Aurea C. Bo-Bunao, ang vote-buying at vote-selling ay mahigpit na ipinagbabawal sa batas. Dagdag pa niya, ang sinumang mapapatunayang sangkot dito at maging sa iba pang election offense ay maaaring mapar...
  • Tagalog news: Papagayuhan Festival, matagumpay na idinaos sa ikalawang pagkakataon

    LUNGSOD NG BATANGAS, Abril 29 (PIA) -- Naging matagumpay ang taunang pagdiriwang ng "Papagayuhan Ala Eh Year 2" na isinagawa sa Playa Calatagan, Calatagan Batangas noong ika-23 ng Abril, 2012. Ang nasabing pagdiriwang ay proyekto ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas na naglalayong mapanatili ang kinaugaliang pagpapalipad ng saranggola na "papagayo" ang taal na tawag sa lalawigan. Layunin din nito muling ibalik sa isipan ng publiko ang sinaunang tradisyon at libangan na paggawa at pagpapali...
  • Tagalog news: 212 iskolar ng Batangas na nagtapos sa kolehiyo, pinarangalan

    LUNGSOD NG BATANGAS, Abril 29 (PIA) -- Binigyang pagkilala ng pamahalaang panlalawigan ang 212 mag-aaral na matagumpay nagtapos sa iba't ibang kurso sa nakaraang academic year 2012-2013 sa ilalim ng Batangas Province Scholarship Program (BPSP). Sa isinagawang recognition day sa provincial auditorium noong ika-22 ng Abril 2013, pinangunahan ni provincial engineer Nerio Ronquillo at provincial administrator Victor M.Reyes ang paggagawad ng medalya at certificate of recognition sa mga iskolar ng ...
  • Tagalog news: Provincial Blood Center ng Bulacan, kabilang sa mga itinalagang lead blood facility sa Gitnang Luzon

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 29 (PIA) -- Kabilang ang Bulacan Provincial Blood Center (BPBC) sa mga itinalaga kamakailan ng Department of Health bilang isa sa tatlong Lead Blood Service Facility sa Gitnang Luzon. Sinabi ni Provincial Public Health Office Chief Dra. Jocelyn Gomez na ang pagtatalaga sa BPBC at sa Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Nueva Ecija at Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa Pampanga ay naaayon sa bagong polisiya ng National Voluntary B...
  • Tagalog news: 2 preso ng Ifugao District Jail nakapasa sa A&E

    LAGAWE, Ifugao, April 29 (PIA) -- Dalawang preso ng Ifugao District Jail (IDJ) ang nakapasa sa nakaraang Accreditation and Equivalency (A&E) test. Ang nasabing mga preso ay kabilang sa 418 na pumasa mula sa 831 na kumuha ng pagsusulit na pinangasiwaan ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng Bureau of Alternative Learning System (BALS) program nito. Ayon kay Ifugao BALS Provincial Coordinator Arsenio Yongoyong, siyam na preso ng IDJ ang kumuha ng A&E at dalawa ang mapalad na nakapasa. ...
  • Tagalog news: Mall sa Bulacan, nagdaos ng Ecology Fair

    MARILAO, Bulacan, Abril 29 (PIA) -- Nagsagawa kamakailan ng “Ecology Fair” ang SM City Marilao bilang pakiki-isa sa pagdiriwang ng Earth Day. Tampok rito ang obra ng scrap designers na sina Ralph Santos, Marshey, Erik Fashionista, Maika Garcia, Sharmaine Verdadero, Reniel at Paulo Toralba kung saan ipinakita ang mga damit na gawa sa mga "junk" na materyales at maging mga coconut husks o bunot, tuyong dahon, diyaryo at garbage bags na ginawang cocktail dresses at accessories. May hinabi rin...
  • Tagalog news: Gagamiting official ballot sa eleksyon dumating na sa Sorsogon

    LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 29 (PIA) – Dumating na noong Biyernes ng umaga, Abril 26, sa probinsya ng Sorsogon ang kabuuang bilang ng mga opisyal na balota na gagamitin sa Mayo 13 lulan ng tatlong trak ng Air 21. Bantay-sarado naman ang mga tauhan ng Philippine Army at Sorsogon Police Provincial Office na nagbigay ng security convoy sa cargo truck upang masigurong mapapangalagaan ito. Ilalagak pansamantala sa Comelec Provincial Office ang mga balota at ibinigay naman ng Provincial Election ...
  • Tagalog news: 'Search for outstanding barangay nutrition scholars', patuloy

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 29 (PIA) -- Patuloy ang tanggapang pangrehiyon ng National Nutrition Council (NNC) sa Bicol sa pagpili ng 2012 outstanding Barangay Nutrition Scholar (BNS) sa rehiyong Bicol. Ayon kay Arlene Reario, regional coordinator ng NNC sa Bicol, ang BNS ay volunteer worker na itinalagang maghain ng mga makabuluhang proyektong pangkalusugan sa barangay at inaasahang ring magbigay ng mga kaalamang pangnutrisyon at mga serbisyong pangkalusugan sa barangay na kinabibilangan nito. ...
  • Tagalog news: GSIS, naglaan ng P16B bilang pamuhunan sa mga PPP Infra projects

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 27 (PIA) -- Naglaan ang Government Service Insurance System (GSIS) ng 16 bilyong piso para sa pagsusulong ng mga imprastrakturang itatayo sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP). Sa ginanap na diyalogo sa pagitan ng mga pensiyonado at iba pang sektor sa lungsod ng Malolos, sinabi ni GSIS President Robert Vergara na minabuti ng institusyon na paikutin ang bahagi ng pondo nito sa mga proyektong pang-imprastrakturang isasakatuparan ng administrasyong ...
  • Tagalog news: Child Protection Policy Orientation ng DepEd, isinagawa

    SAN JOSE, Occidental Mindoro, April 27 (PIA) -- Magkatuwang na isinagawa ng Department of Education (Dep Ed) at Plan International (PLAN) ang Child Protection Policy orientation ng 130 guro mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan kamakailan sa Sikatuna Beach Hotel, San Jose. Ayon kay Marilyn Eugenio, Education Program supervisor ng DepEd, tinipon ang mga bagong guro mula sa elementary at high school upang dagdagan ang kanilang kaalaman hinggil sa Child Protection Policy ng Dep Ed. Sa patakaran...
  • Tagalog news: TESDA inihayag ang suporta sa pagdiriwang ng Labor Day sa Caraga

    LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 27 (PIA) -- Inihayag ng Technical Education at Skills Development Authority o Tesda ang buong suporta sa gagawing pagdiriwang ng Araw ng Mangagawa o Labor Day ngayong Mayo 1, 2013. Sa ginawang press conference kamakailan sa isa sa mga lokal na mga hotel dito, sinabi ni Tesda Butuan City Agusan Del Norte Provincial Director Randy Devilla na bilang kasaping ahensya ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang Tesda ay isa sa mga kasaping ahensya ng DOLE na sumusupor...
  • Tagalog news: Forest protection committee paiigtingin ang anti-illegal logging campaign sa pamamagitan ng checkpoints

    BUTUAN CITY, Abril 27 (PIA) -- Paiigtingin pa lalo ng mga kasapi ng Regional Multi-Sectoral Forest Protection Committee (RMFPC) ang pagsasagawa ng checkpoint operations upang makontrol ang ilegal na pamumutol ng kahoy at mas lalong mamonitor ang paglabas-masok ng mga ilegal na troso sa siyudad. Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Regional Technical Director Maritess Ocampo, ang pagmumungkahi ng pagtatag ng checkpoint ay paraan upang makontrol ang pagdadala ng "illega...
  • Tagalog news: Pinalakas ng DSWD ang kampanyang 'Bawal ang Epal' sa mga miyembro ng 4Ps

    BOAC, Marinduque, April 26 (PIA) -- Pinalakas ng DSWD ang kampanya “BAWAL ANG EPAL DITO” sa pamamagitan ng pagpapakalat ng impormasyon sa programang PIA-MIMAROPA HOUR sa Radyo Natin-Boac, hinggil sa mga pulitiko na pumapapel sa mga 4Ps members. Ipinaliwanag ni Grace Manay, DSWD-Marinduque Grievance Officer ang mga panuntunan ng kampanya lalo’t higit para sa mga benepisyaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Sinabi niya na bilang miyembro ng 4Ps dapat alamin ang mga karapatan a...
  • Tagalog news: Daan-daang bikers dadalo sa TakBulacan ngayong Linggo

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, April 27 (PIA) -- Daan-daang bikers mula sa iba't ibang bahagi ng Luzon ang inaasahang dadagsa sa Bulacan ngayong Linggo para sa 2013 TakBulacan biking event na nagsusulong ng Honest, Orderly and Peaceful Elections (HOPE). Ang aktibidad, na kasamang itinataguyod ng Salika Foundation, Commission on Elections, Parish Pastoral Council for Responsible Voting at Philippine Councilor’s League, ay naglalayong isulong ang camaraderie ng lahat ng mga taga-Bulacan at mga t...
  • Tagalog news: Dating baon sa utang na PHLpost, kumita na ng P3.3 bilyon noong 2012

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 27 (PIA) -- Kumita ng ng 3.3 bilyong piso noong nakaraang taon ang dating paluging Philippine Postal Corporation (PHLPost) dahil sa mas pinarami at pinalawak nitong mga serbisyo. Sa isang panayam, sinabi ni Post Master General Josefina dela Cruz na kabilang sa kanilang mga bagong serbisyo na pinasimulan noong 2012 ay ang kanilang money transfer service kung saan inihahatid nila sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social ...
  • Tagalog news: Ekonomiya ng lungsod ng Cotabato, inaasahang lalago ngayong taon

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 26 (PIA)--Inaasahang lolobo ngayong taon ang ekonomiya ng lungsod ng Cotabato dahil sa nakatakdang pagpasok ng mga mamumuhunan sa lugar. Sinabi ni Cotabato City secretary to the mayor Anecito Rasalan, higit P400 milyong puhunan ang ilalagak ng tatlong kompanya ngayong taon. Aniya, hindi pa kasama dito ang iba pang negosyong inaasahang itatayo sa lungsod. Dagdag pa ng opisyal magandang senyales ito ng paglago ng Cotabato City dahil katumbas ng puhuna...
  • Tagalog news: Delegasyon mula sa Sri Lanka pinag-aralan ang pagpapatupad ng maliliit na negosyo sa Sarangani

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 26 (PIA) -- Binisita nitong linggo ng isang grupo mula sa Sri Lanka ang lalawigan ng Sarangani upang pag-aralan at makipagpalitan ng kaalaman sa mga lokal na pamahalaan patungkol sa pagpapatupad ng Rural Microenterprise Promotions Programme (RuMEPP). Sinabi ni Governor Migs Dominguez na dumating sa lalawigan ang dalawampu’t anim na miyembro ng Sri Lankan delegation noong Martes para sa tatlong araw na stud...
  • Tagalog news: Kabataan sa Maguindanao, magsisilbing mata sa pangangalaga ng kalikasan sa probinsya

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 26 (PIA) -- Inilunsad kamakailan sa lalawigan ng Maguindanao ang Environmental Youth Extension and Services o EYES program na humihikayat sa mga kabataan na tumulong sa pangagalaga ng kalikasan. Daan-daang kabataang Moro ang lumahok upang maging mga tagapagbantay ng kalikasan at maiwasan ang mga sakuna dulot ng pagkasira nito tulad na lamang ng pagbaha. Sinabi ni EYES-ARMM Convenor Raffi Abas, napapanahon na umanong magkaisa ang mga kabataan sa liman...
  • Tagalog news: 60 lokal at banyagang kumpanya lalahok sa 2013 Labor Day Job fair sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 26 (PIA) -- May 60 lokal at banyagang kumpanya ang inaasahang lalahok sa 2013 Labor Day Job Fairs sa Bulacan. Naka-angkla sa temang “Manggagawang Pilipino: Handa sa Hamon ng Makabagong Panahon” idaraos ang mga employment fests sa mga mall ng SM sa Baliwag at Marilao. Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Director Pedro Fernando Jr. na kabilang sa mga posisyong maaring aplayan ang accounting administration, engineering, information t...
  • Tagalog news: Pagpapalakas ng partisipasyon ng mga interfaith leaders sa komunidad, tinututukan sa Midsayap, N. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 26 (PIA)--Itinataguyod ngayon sa bayan ng Midsayap, North Cotabato ang pagpapalakas sa partisipasyon ng interfaith leaders (IFL) sa komunidad lalo na sa usapin sa pagpapanatili ng mga proyektong ipinatutupad. Kaugnay nito, abot sa 23 religious leaders mula sa sampung partner communities ng Southern Christian College (SCC) ang nakilahok sa Seminar Workshop on Community Organizing (CO) and Basic Group Facilitation Methods-Technology of Participation (TO...
  • Tagalog news: ‘Library in a box,’ ipinamahagi ng DOST sa Masbate

    LUNGSOD NG MASBATE, Abril 26 (PIA) -- Namahagi kumakalawa sa Masbate ang Department of Science and Technology ng digital science library, ang kasangkapan na makakatulong sa mga estudyante na matanggap sa science schools. May official name na STARBOOKS na ang katumbas ay Science and Technology Academic and Research-Based Openly Operated Kiosk Station, ang computer server na "nakahimuntada sa lectern" ay binansagan din ng mga opisyal ng DOST ng “library in a box” dahil kamukha nito ang isang...
  • Tagalog news: Political Forum para sa gobernador at bise gobernador, at 'Harapan' ng dalawang kandidatong Mayor sa Sorsogon inaabangan na

    LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 26 (PIA) -- Inaabangan at excited na ang mga Sorsoganon sa gagawing paghaharap ng mga tumatakbong kandidato sa pagka-gobernador at bise gobernador ng Sorsogon. Ito ay magaganap sa darating na Sabado, Abril 27, ika-siyam hanggang ika-11 ng umaga sa Laboure Hall ng St. Louise de Marillac College of Sorsogon. Tinaguriang “Meeting of Leaders: Changing Sorsogon” a Political Forum, layunin nitong pukawin ang kamalayan ng mga Sorsoganon at maipaabot ang mga platapormang...
  • Tagalog news: 30 bilanggo sa district jail, kumikita sa paggawa ng lubid

    PAGBILAO, Quezon, April 26 (PIA) -- Mahigit sa 30 residenteng bilanggo sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) District Jail sa Barangay Talipan ang nabigyan ng gawaing pangkabuhayan sa paggawa ng lubid mula sa bunot ng niyog o coco fiber. Sinabi ni Pablito Budoy, ng Department of Trade and Industry (DTI)-Quezon, dahil sa pakikipagtutulungan ng kanyang tanggapan sa BJMP at Coco Nuciferas Pacific Enterprise (CNPE), nagkaroon ng pagkakakitaan ang mga bilanggo at ngayon ay isa nang pang...
  • Tagalog news: P8 milyong supplemental budget, inaprubahan ng Kidapawan-SP

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 26 (PIA)--Aprubado na ng Sangguniang Panlungsod (SP) ng Kidapawan, North Cotabato ang abot sa P8 milyon na supplemental budget. Sa isinagawang sesyon kahapon ng SP, ang nabanggit na pondo ay gagamitin sa pagkumpuni ng slaughter house at Overland Terminal sa naturang lungsod. Nabatid na P1 milyon ang inilaan para sa slaughter house samantalang P300,000 naman ang para sa terminal. Ang natitirang halaga naman ay gagamitin para sa operation and maintena...
  • Tagalog news: Volunteers, sumailalim sa water search and rescue training

    LUNGSOD NG BATANGAS, Abril 26 (PIA) -- May 26 na volunteers ang sumailalim sa water search and rescue (WASAR) training dito sa lungsod. At sa 26 na ito, may anim na nakapasa sa tatlong araw na pagsasanay at ipinagpapasalamat ito ng mga kinauukulang ahensya dahil nadagdagan ang kanilang mga volunteers sa pamamagitan ng ganitong mga gawain. Ang anim na volunteers mula sa San Isidro, Libjo, Pallocan West at Gulod Labac ay tumanggap ng sertipiko noong ika-19 ng Abril mula sa kinatawan ng City Di...
  • Tagalog news: Makasaysayang Paseo del Congreso, nilagyan ng bagong aspalto

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 26 (PIA) -- Nilatagan na ng bagong aspalto ang makasaysayang Paseo del Congreso na magmumula sa panulukan ng Mac Arthur highway hanggang sa kabayanan ng Malolos. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isinailalim sa preventive maintenance ang nasabing lansangan mula nang unang latagan ng aspalto ito noong 1998, bilang paghahanda sa pambansang pagdiriwang ng Sentenaryo ng Kalayaan ng Pilipinas. Nagkakahalaga ng 22 milyong piso ang may walong pulgadang kapal ng...
  • Tagalog news: GSIS, naglaan ng P5B sa Pag-Ibig para mapalawak ang pautang sa pabahay ng mga kawani

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 26 (PIA) -- Naglaan ng kabuuang limang bilyong piso ang Government Service Insurance System (GSIS) sa Pag-Ibig Fund para mapalawak ang pautang sa pabahay para sa mga kawani ng pamahalaan. Sa isang panayam, sinabi ni GSIS President Robert Vergara na ang naturang halaga ay maaaring utangin base sa pamantayang itinakda ng Pag-Ibig na siya namang aprubado ng Housing and Urban Development Coordinationg Council (HUDCC). Base sa patakaran ng Pag-Ibig, maaring maka...
  • Tagalog news: South Cotabato at Sultan Kudarat napiling pilot site ng FAO-UN project

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 26 (PIA) -- Napili ng Food and Agriculture Organization (FAO) ng United Nations ang mga lalawigan ng South Cotabato at Sultan Kudarat bilang pilot site ng kanilang ipinatutupad ng proyektong “Regional Rice Initiative for Asia.” Inihayag ito ni Ludivina Dumaya, pinuno ng Regional Crop Protection Center (RCPC) ng DA 12 sa isang pulong ng mga provincial integrated pest management coordinators sa ...
  • Tagalog news: 140 kabataan nagsanay sa fire safety

    LUNGSOD NG BATANGAS, Abril 26 (PIA) -- May 140 na estudyante sa elementarya at high school mula sa ilang mga pampublikong paaralan sa lungsod ang lumahok kamakailan sa 2nd Junior Fire Marshall Camp na ginanap sa information and training team building facility sa Barangay Dumuclay dito. Magkakatulong na proyekto ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, Pilipinas Shell Foundation, Inc., Department of Education, Bureau of Fire Protection at ng pamahalaang lungsod, ang proyektong ito na naglalay...
  • Tagalog news: 10 bayan, patuloy na apektado ng peste sa niyog

    LUNGSOD NG BATANGAS, Abril 26 (PIA) -- May 10 bayan sa lalawigan ng Batangas ang patuloy ang pakikibaka upang labanan ang pesteng naninira sa mga niyog. Kabilang sa mga ito ang bayan ng Agoncillo,Tanauan, Malvar, Sto. Tomas, Talisay, Laurel, Cuenca, Balete, Calaca at Lemery na itinuturing na pinakagrabeng naapektuhan. Ayon sa pahayag ng provincial agriculture office (PAO), patuloy ang pagsasagawa nila ng pruning o pag-aalis ng mga palapa ng niyog na apektado ng mga peste. Sa mga bayan ng Mal...
  • Tagalog news: Mga natatanging rural at city health units sa Bulacan, paparangalan

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 26 (PIA) -- Bibigyang parangal ngayong araw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Public Health Office (PPHO) ang mga napili bilang natatanging Rural/City Health Unit at Best Health Practice para sa taong 2012 sa The Pavilion ng Hiyas ng Bulacan Convention Center. Ang naturang pagkilala ay ibibigay dahil sa naging kontribusyon ng mga municipal health unit gayundin ang layunin ng mga health worker at volunteer na mai-angat ang anta...
  • Tagalog news: Mahigit 1.7 milyong bata sa day care, mabebenepisyuhan ng DSWD feeding program

    AGUSAN DEL SUR, Abril 26 (PIA) -- Sinabi ni Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman na 1,755,034 na mga bata mula sa 45,389 na day-care centers sa buong bansa ang mabebenepisyuhan mula sa Supplementary Feeding Program (SFP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa taong pasukan 2013-2014. Para sa taong 2013 na budget, ang DSWD ay naglaan ng mahigit P2.9 bilyon para sa naturang programa na sasakop sa lahat ng 17 rehiyon, kasali na ang Autonomous Region in Muslim M...
  • Tagalog news: Aquino at iba pang pununo ng ASEAN nangakong muli na gagawing nuclear weapon-free ang rehiyon Timog Silangang Asya

    AGUSAN DEL SUR, Abril 26 (PIA) -- Si Presidente Benigno S. Aquino III at iba pang pinuno ng Southeast Asian na bansa ay nangakong muli na ilayo ang rehiyon mula sa armas nuclear at iba pang armas na malaki ang magagawang pinsala. Sa kanyang pahayag sa pagtatapos ng ika 22 Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) summit sa Bandar, Seri Begawan, Brunei, sinabi ni Chairman Sultan Haji Hassanal Bolkiah inaasahan niyang malalagdaan ng walang pag-aalinlangan at sa lalong madaling panahon ang pr...
  • Tagalog news: DOLE-Caraga, mga ahensya mangunguna sa Jobs Fair ngayong May 1

    LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 27 (PIA) -- Pangungunahan ng Dept. of Labor and Employment (DOLE)-Caraga at ilan sa mga lokal na kumpanya at overseas recruitment agencies ang gagawing job fair bilang bahagi ng pagdiriwang ng Labor Day dito. Sinabi ni Agusan del Sur Provincial Dir. Naomilyn Abellana, 30 porsiyento sa kabuuang rehistradong mga aplikante ang tiyak na maha-hire sa nasabing job fair na gaganapin sa AMA Computer Learning Center dito. Samantala, gaganapin ang misa sa St. Joseph Cathedral 5:...
  • Tagalog news: Kahit abala sa eleksyon, Masbate police pokus pa rin sa anti-drug drive; P880-libong halaga ng shabu, nasamsam

    LUNGSOD NG MASBATE, Abril 26 (PIA) -- Naaresto kahapon ang isang dating barangay captain sa isang raid na isinagawa sa lungsod na ito kung saan nasamsam ng mga pulis ang shabu na nagkakahalaga ng halos isang milyong piso. Sa ulat ng hepe ng Masbate City Police na si Supt. Rodolfo Abella, kinilala ang suspek na residente ng barangay Centro. Ang dating kapitan ng barangay ay kabilang sa prominenteng angkan sa Masbate at nagsilbing sa kanyang barangay noong dekada 90s. Nasamsam ng mga pulis na...
  • Tagalog news: Kauna-unahang CT Scan ng Bulacan Medical Center, sinagot na ng DOH

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 26 (PIA) -- Buong-buo nang pinondohan ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang CT Scan ng Bulacan Medical Center (BMC). Ayon kay Health Assistant Secretary Gerardo Bayugo, sinagot na ng ahensiya ang pagbili ng 25 milyong pisong kagamitan na iaangkat pa mula Germany. Base sa orihinal na usapan ng DOH at pamahalaang panlalawigan, 10 milyong piso sana ang dapat sasagutin ng DOH habang bahala na ang pamahalaang panlalawigan sa 15 milyong piso na kamakaila...
  • Tagalog news: P6.9B na utang ng mga guro ng DepEd sa GSIS, sinagot na ng DBM

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 26 (PIA) -- Makakahinga na nang maluwag ang mga guro ng Department of Education (DepEd) na nagkaroon ng utang sa compulsory premium contributions sa Government Service Insurance System (GSIS) dahil inako na ito ng Department of Budget and Management (DBM). Sa ginanap na diyalogo sa mga pensiyonado sa lungsod ng Malolos, ipinaliwanag ni GSIS President Robert Vergara na naayos ang rekord ng mga benepisyo at hulog ng may halos 800 na libong guro sa pampublikong p...
  • Tagalog News: Monthly stipend ng SEF teachers sa Ifugao tinaasan

    TINOC, Ifugao, Abril 25 (PIA) -- Tinaasan ng Ifugao Provincial School Board (PSB) ang monthly stipend ng mga Special Education Fund (SEF) teachers na itatalaga sa iba't ibang bayan ng lalawigan para sa school-year 2013-2014. Ang 50 porsiyentong pagtaas ay inaprubahan ni Governor Eugene Balitang, chairman ng PSB. Mula sa P10,000 ang mga SEF teachers ay nakatakdang tumanggap ng P15,000 na buwanang suweldo sa susunod na pasukan. Ayon kay Governor Balitang, tama lang na taasan ang suweldo ...
  • Tagalog news: Kooperatiba magtuturo ng pagmamaneho sa mga benepisyaryo ng 4Ps

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 25 (PIA 12) -- Balak ng isang kooperatibang pang-transportasyon na nakabase sa Koronadal City na magturo ng pagmamaneho sa mga interesadong miyembro ng pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Sa isang pulong ng Regional Development Council (RDC) 12 kasama ang kinatawan ng pribadong sektor kamakailan, inihayag Nestor Lumawig, lider ng United Transport Operators and Drivers Servicing Cooper...
  • Tagalog news: Pagbisita sa mga piitan sa Camarines Norte, isinagawa

    DAET, Camarines Norte, Abril 25 (PIA) -- Isinagawa ngayon sa lalawigan ng Camarines Norte ang pagbisita sa mga piitan o bilangguan kung saan unang binisita dito ang provincial jail. Ayon kay PSupt. Reynaldo Periabras, Human Rights officer ng Philippine National Police Region V, ang pagbisita sa mga piitan ay upang malaman ang kalagayan ng mga nakabilanggo dito at magkaroon ng magandang balita na ipararating sa mataas na pamunuan ng PNP. Aniya, malalaman din sa mga bilangguan kung mayroong pagl...
  • Tagalog news: 31 bilanggo nakapagtapos ng 'Therapeutic Modality Program' sa Camarines Norte

    DAET, Camarines Norte, Abril 25 (PIA) -- May kabuuang 31 bilanggo ang nakapagtapos ng Therapeutic Modality Program noong ika-15 ng Abril ngayong taon sa Camarines Norte Provincial Jail sa Kapitolyo ng probinsiya. Ayon kay Therapeutic Community Coordinator Randy A. Sayno ng Provincial Custodial and Security Services Division ng pamahalaang panlalawigan, sa anim na buwang pagtuturo at pagsasanay ng naturang programa, 19 ang nakapagtapos sa unang bahagi sa pamamagitan ng “Oryentasyon” upang ma...
  • Tagalog news: DSWD, Albay lumagda ng MOA sa proyektong tugon sa kahirapan

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 25 (PIA) -- Nilagdaan kahapon, Abril 24, dito ang memorandum of agreement (MOA) sa pagsubok ng estratehiyang Community-Driven Development (CDD) upang mapalawak pa ang pagpapatupad ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS). Nanguna sa paglagda sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon “Dinky” Soliman at Albay Governor Jose “Joey” Salceda kasama si Department of Inter...
  • Tagalog news: Pamahalaang lokal binigyang parangal ang mga bayaning Albayano

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Apr 25 (PIA) -- Pinangunahan kamakalawa ng pamahalaang lalawigan ng Albay ang pag-alala at pagbigay parangal sa kanilang mga bayani sa idinaos na Memorial Day for Albayano Heroes of National Liberation sa lalawigang ito bilang bahagi ng pagdiriwang ng Magayon Festival 2013. Ayon kay Albay governor Joey Salceda ang nasabing paggunita na kasalukuyan ay nasa ikalawang taon na ay taunan nang isasagawa upang bigyang pugay ang pamana ng mga matatapang na kalalakihan at kababaihan...
  • Tagalog news: 2 kutsarang kanin na nasasayang araw-araw, kayang pakainin ang 2M Pinoy sa iang taon -- DA

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 25 (PIA) -- Kung nakasanayan nating magtapon ang sobrang kanin, panahon na para pag-isipan at baguhin ang nakaugaliang ito. Inilahad ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) ang natuklasan kamakailan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa isang pag-aaral na ang bawat Pilipino ay nagsasayang ng dalawang kutsara ng kanin o siyam na gramong bigas bawat araw na sapat upang makakain ang dalawang milyong Pilipino sa loob ng isang taon. Ayon kay DA Information Offic...
  • Tagalog news: Higit 24,000 bakanteng trabaho sa Calabarzon itatampok sa job fair

    LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, Abril 25 (PIA) -- Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) -Calabarzon na may 24,694 bakanteng lokal na trabaho at 5,800 sa ibang bansa na maaaring aplayan ng mga naghahanap ng trabaho sa gaganaping job fair sa Mayo 1. Sinabi ni Milagros DR Mata, DOLE-Laguna provincial director at kasalukuyang officer in charge ng DOLE regional office na may 380 kumpanya na ang nagpalista sa kanila upang lumahok sa idaraos na job fair bilang tampok sa pagdiriwang ng Labo...
  • Tagalog news: Kandidato ng Camarines Norte hindi suportado ang RH Law, divorce at same sex marriage

    DAET, Camarines Norte, April 25 (PIA) -- Hindi suportado ng lahat ng siyam na kandidato sa pagkakongresista, gubernador at bise gubernador ang Reproductive Health Law at hangad nila itong maamyendahan at hindi rin bibigyan ng suporta ang pagpapatupad nito. Bukod dito tutol rin sila sa diborsiyo at same sex marriage samantalang sa anti-political dynasty bill ay pabor dito at ang iba naman ay kinakailangan na tukuyin kung anong degree at masusi pang pag-aralan. Ito ang mga isyung napag-usapan sa...
  • Tagalog news: Firearms registration ng PNP-Bato, matagumpay

    LUNGSOD NG NAGA, Abril 25 (PIA) -- Halos 90 porsyento ng mga may-ari ng baril sa bayan ng Bato, Camarines Sur ang nagparehistro ng baril sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP) simula pa ng ipatupad ang proyektong Stricker Gun Control Measures para sa paparating na 2013 midterm elections. Ayon kay Police Chief Inspector Amado Montaña, hepe ng pulisya sa nasabing bayan, na naging masigasig ang kanilang ginawang kampanya para sa pagpaparehistro ng armas na naglalayong mabawasan ang anu...
  • Tagalog news: Sorsogon Bay nananatiling ligtas sa lason ng red tide

    LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 25 (PIA) -- Patuloy pa ring mapapakinabangan ng mga taga Sorsogon at maging ng mga dadayo rito ang biyaya ng mga lamang dagat partikular ang seashell na mula sa look ng Sorsogon. Ito ay matapos na ipalabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pinakahuling resulta ng kanilang laboratory test na nagsasabing negatibo pa rin sa paralytic shellfish poisoning o sa kontaminasyon ng red tide ang Sorsogon Bay. Maliban sa Sorsogon Bay, negatibo din sa nakala...
  • Tagalog news: Mega job fair sa Labor Day gaganapin sa Naga City

    LUNGSOD NG NAGA, Abril 25 (PIA) -- Pangungunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa rehiyong Bicol ang taunang Mega Job Fair na gaganapin sa SM-City Naga sa darating na Mayo 1. Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Manggagawa sa buong bansa. Ayon kay Raymond P. Escalante, opisyal na tagapagsalita ng DOLE Bicol, dalawang malalaking aktibidad ang magaganap dito sa lungsod at sa lungsod ng Legazpi sa Mayo 1 at 2 - ang Mega Job Fair at Fun Run na may temang “Obrerong Bicolano, ...
  • Tagalog news: Pagpapatuloy ng ayuda sa mga benepisyaryo ng DSWD hiniling ng DSWD

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 25 (PIA) -- Siguraduhin na magpapatuloy ang tulong para sa mga pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps) kahit na matapos na ang pambansang programa. Ito ang binigyang diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) assistant regional director Gemma Rivera kasabay ng isinagawang Municipal Transition Planning na pinamunuan ng ahensiya kamakailan. Ani Rivera, dapat isama na ng mga ...
  • Tagalog news: Candidate’s Forum ginanap sa lungsod ng Butuan

    LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 24 (PIA) -- Ginanap kamakailan ang Candidates’ Forum na pinamunuan ng Policy Center ng Father Saturnino Urios University (FSUU). Layunin nito na maslalong makilala ng taong bayan ang mga nagsipaktakbo sa lokal na posisyon dito sa siyudad at malaman na rin ang kani-kanilang inilatag na plataporma. Sa kaniyang pambungad na pananalita, binigyang halaga ni FSUU Policy Center Executive Director Josefe Sorrera-TY ang kapaligiran, mabuting pamumuno at ang pagpapanatili ng ...
  • Tagalog news: Daan-daang kabataan mula sa N. Cotabato makikiisa sa malawakang tree planting sa Compostela Valley

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 25 (PIA) -- Tinatayang aabot sa 500 na mga kabataang kasapi ng Tulong Kabataan Volunteers (TKV) -North Cotabato Chapter ang tutulak patungong Compostela Valley upang makilahok sa malawakang pagtatanim sa Abril 28. Ayon sa pamunuan ng TKV-North Cotabato, kasamang makikiisa ng mga miyembro ng nasabing grupo ang iba pang mga kabataan sa Mindanao. Nabatid na maliban sa Barangay Nga-an sa ComVal ay tutungo din ang mga kabataan sa Davao Oriental para sa k...
  • Tagalog news: COMELEC handang-handa na para sa eleksyon

    VIRAC, Catanduanes, Abril 25 (PIA) -- Handang-handa na ang tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa lalawigan kaugnay ng isasagawang halalan sa Mayo, 2013. Ito ang ipinahayag ni Comelec provincial election supervisor Atty. Ma. Aurea C. Bo-Bunao sa isinagawang pagpupulong ng tanggapan at iba pang ahensya ng pamahalaan noong Abril 19, 2013. Ayon kay Bo-Bunao, lahat umanong ahensya at tanggapan na may gagampanang tungkulin ay handa nang gampanan ang kani-kanilang tungkulin. Dagdag pa ni...
  • Tagalog news: DOLE, kinunsulta ang Masbate hinggil sa Batas Kasambahay

    LUNGSOD NG MASBATE, Abril 25 (PIA) -- Tinipon nitong Abril 24 ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga katugunan ng Masbate sa paghahanda ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Republic Act 10361 o ang Batas Kasambahay. Ayon kay DOLE Provincial Officer Carlos Onding, layunin ng konsultasyon na maitaas ang kamalayan sa mga probisyon ng batas na hinabi upang maprotektahan ang kapakanan at kaligtasan ng mga katulong sa bahay. Kabilang sa mga nakinig at nagbigay ng "inpu...
  • Tagalog news: Panlilinlang ng ilang pulitiko sa benepisyaryo ng 4Ps tinalakay sa Masbate media forum

    LUNGSOD NG MASBATE, Abril 25 (PIA) -- Kaugnay ng pagsisikap ng Department of Social Welfare and Development na maprotektahan ang integridad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, isang media forum na tumatalakay sa umano’y panlilinlang ng ilang pulitiko ang idinaos kahapon sa Masbate kasabay ng paglunsad ng kampanyang “Bawal ang Epal.” Ang anti-epal campaign ay dahil sa mga ulat na may incumbent mayor at iba pang mga pulitiko at mga grupo na nagbabantang tanggalin ang mga taong nakikina...
  • Tagalog news: Bicol, pangunahing producer ng organikong palay sa bansa noong 2012

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 25 (PIA) -- Ang rehiyong Bicol ang pagunahing producer ng organikong palay sa bansa sa kabuuang kontribusyon nito na 74 porsyento simula Enero hanggang Setyembre sa taong 2012, ayon sa Kagawaran ng Agrikultura (DA). Inihayag din ni DA Information Officer Jayson Gonzales sa isang panayam sa programa sa radyo na “Aramon Ta Daw” ng Philippine Information Agency (PIA) Bicol na galing pa rin sa rehiyon Bicol ang 44 na porsyento sa kabuuang organic crop production ng ba...
  • Tagalog news: Dating mambabatas ng Sorsogon, pumanaw na

    LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 25 (PIA) -- Pumanaw kumakalawa ang dating kongresista ng ikalawang distrito ng Sorsogon Jose “Joey” Guyala Solis na kumakandidato sana sa kaparehong posisyon para sa darating na halalan sa Mayo. Ayon sa ulat na nakarating sa PIA Sorsogon, cardiac arrest ang naging dahilan ng pagpanaw nito habang ginagamot ito sa Estevez Hospital sa lungsod ng Legazpi sanhi ng sakit sa bato. Makailang ulit na ring naoospital ang dating kongresista at sumasailalim sa dialysis dahil ...
  • Tagalog feature: Barangay Silonay, benepisyaryo ng programang pangkabuhayan

    Walang hindi makakaya kung sama-sama. Ito ngayon ang bukam-bibig ng mga taga-Barangay Silonay na benepisyaryo ng iba’t ibang programang pangkabuhayan na kaloob ng pinagsamang pwersa ng Strategic Intervention Community-focused Action Towards Development (SICAD), Conservation International (CI) at Provincial Tourism Investment and Enterprise Development Office (PTIEDO). Ito rin ang malimit maging laman ng mga pahayag ni Gob. Alfonso V. Umali Jr. sa tuwing binibigyan niya ng pag-asa ang mga ma...
  • Tagalog news: 3rd Indigenous People’s Visual Art Exhibition, matutunghayan sa Kapitolyo ng Palawan

    PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 25 (PIA) -- Matutunghayan sa bulwagan ng gusaling lehislatura sa Palawan Provinvial Capitol Compound hanggang sa Abril 26, ang 3rd Indigenoue People’s Visual Arts Exhibition. Ang nasabing eksibit ay proyekto ng Kalinawa Art Foundation sa pakikipagtulungan ng Collective Artists for the Environmenet (CAFÉ) at ng Provincial Culture and Arts Division. Layunin ng Kalinawa Art Foundation na maitaguyod, mapayaman at matangkilik ang katutubong sining. Para sa Kalina...
  • Tagalog news: Ilang bahagi ng Aurora at Nueva Ecija, makakaranas ng pagkawala ng kuryente ngayong Biyernes

    BALER, Aurora, Abril 25 (PIA) -- Makakaranas ng hanggang sa tatlong oras na pagkawala ng kuryente ang ilang bahagi ng Aurora at Nueva Ecija ngayong Biyernes, ika-26 ng Abril. Sinabi ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) North Luzon Corporate Communications and Public Affairs Officer Lilibeth Gaydowen na nakatakda ang brownout mula alas otso ng umaga hanggang alas diyes ng umaga at alas kwatro ng hapon hanggang alas singko ng hapon. Apektado rito ang mga konsyumer ng NEECO II A...
  • Tagalog news: Koronadal LGU patuloy ang paghahanap ng mga magsasakang sasali sa Tree-Growing Festival

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 24 (PIA) -- Patuloy ang panghihikayat ng pamahalaang panglungsod ng Koronadal sa mga magsasaka, partikular sa Roxas at Quezon Mountain Ranges na makilahok sa Tree-Growing Festival sa Hunyo 29. Sa isang panayam, sinabi ni city environment officer Augustus Bretaña na bagama’t may mahigit 60 lugar na silang natukoy na isama sa taunang malawakang pagtatanim ng punong kahoy ng lungsod, kailangan pa r...
  • Tagalog news: DOLE, nagsagawa ng pagsasanay sa Palawan

    PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 23 (PIA) -- Nagsagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng isang pagsasanay hinggil sa Project Proposal Development Appraisal and Evaluation. Ang pagsasanay ay sa pakikipagtulungan ng Provincial Public Employment Service Office (PESO) at ito ay isinagawa noong Abril 17-19 sa Skylight Hotel. Dinaluhan ito ng mga kawani ng Provincial PESO, City PESO, Municipal PESO Managers kasama ang tig-dalawang kinatawan ng mga assosayon sa mga munisipyo at mga ka...
  • Tagalog news: RDC 12 hiniling sa DBM ang P37.5 M para sa Halal Laboratory ng Rehiyon Dose

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 24 (PIA) -- Hinihiling ngayon ng Regional Development Council (RDC) 12 sa Department of Budget and Management (DBM) and pagpapalabas ng P37.5 milyon na pondo para makumpleto na ang pagtatayo ng Philippine National Halal Laboratory sa lungsod ng Koronadal. Inihayag ni RDC 12 chair at General Santos City Mayor Darlene Antonino-Custodio, na kinabibilangan ito ng P23 milyon na pondong inilaan noong 2012 at ngayong 2013 at karagdagang P14.5 milyon para...
  • Tagalog news: Ganap na pagiging Mimaropa government center ng lungsod ng Calapan, ikinakasa na

    LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 24 (PIA) -- Ikinakasa na ngayon ng pamahalaang panlalawigan na ang lungsod ng Calapan ay maging tunay at ganap nang government center ng rehiyong Mimaropa upang maging mas epektibo at produktibo pa ang mga serbisyong pampubliko rito. Dahil dito, nakikipag-ugnayan na si Gob. Alfonso V. Umali Jr. sa National Economic and Development Authority (NEDA) at sa mga kinauukulang ahensya at tanggapan upang tuluyan nang mailipat sa lungsod ang iba't ibang regio...
  • Tagalog news: Pag-aayos ng lock up cell ng Kidapawan City Police Station, natapos na

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 24 (PIA) -- Natapos na kamakailan ang pagkukumpuni ng depektibong lock up cell ng police station sa lungsod ng Kidapawan, North Cotabato. Ang hakbang na ito ay bilang tugon sa insidente kung saan dalawang bilanggo ang nakapuslit noong unang linggo nitong buwan lamang. Nanguna sa pagsasaayos sa naturang pasilidad ang Kidapawan City Engineering Office. Partikular na pinalitan ang sirang kisame sa lock up cell no. 3 at nilagyan ng bagong mga bakal upan...
  • Tagalog news: Asosasyon ng livestock technicians at bull handlers sa ilang mga bayan sa N. Cotatabato, palalakasin

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 24 (PIA) -- Itinataguyod ngayon sa ilang mga bayan sa North Cotabato ang pagpapalakas sa asosasyon ng livestock technicians at bull handlers. Kabilang sa mga bayan na ito ang Pikit, Pigcawayan, Aleosan, Libungan, Midsayap at Alamada o ang tinatawag na P-PALMA Area. Sa isinagawang pagpupulong kamakailan, binigyang-diin ng pamunuan ng unang distrito ng North Cotabato na ang hakbang na ito ay upang maisulong ang maunlad na livestock industry hindi laman...
  • Tagalog news: Mga iskolar ng pamahalaan ng Rizal, tumaas sa loob ng limang taon

    LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Abril 24 (PIA) -- Tumaas ang bilang ng mga iskolar ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal sa pinakamataas na antas sa loob ng limang taon. Sa ulat ng scholarship office kamakailan, may kabuuang 14,593 mga iskolar ang naitala sa buong lalawigan. Sa bilang na nabanggit, may 1,592 nito o 11 porsyento ang nakatanggap ng full scholarship habang ang 13,001 o 89 porsyento naman ay nakatanggap ng student assistance. Sinimulan noong 1996 sa ilalim ng Rizal College Scholarship ...
  • Tagalog news: Pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato, pinalalakas ang ekonomiya ng probinsiya

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 23 (PIA) -- Itinataguyod ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato ang pagpapalakas ng ekonomiya ng probinsiya. Kaugnay nito, sinimulan na ang pagkakaroon ng abot sa 3,000 ektaryang taniman ng pinya sa bayan ng Banisilan at ang pagkakaroon ng kumpanyang Del Monte Philippines sa bayan ng Tulunan. Bukod pa rito, malapit na ring matapos ang itinatayong Gaisano Mall sa lungsod ng Kidapawan. Ayon sa pamunuan ng pamahalaang panlalawigan, layuni...
  • Tagalog news: 3rd rabies at animalandia quiz show, ginanap sa Agusan del Norte

    LUNGSOD NG CABADBARAN, Abril 23 (PIA) -- Sa pagsusumikap na ikalat ang impormasyon para sa publiko sa pagtaas ng zoonotic disease rabies, pinangungunahan ng lokal na pamahalaan ng Agusan del Norte ang 3rd Province Wide Rabies at Animalindia Quiz Show na ginanap sa Alson’s, dito sa siyudad. Lumahok ang iba't ibang hayskul sa nasabing quiz show ng lalawigan. Sa paligsahan naman ng poster making, lumahok din ang iba't ibang paaralan sa elementarya, kasabay ng isinagawang quiz bowl. “Ang tauna...
  • Tagalog news: Red Cross- Butuan inihayag ang nagawang reports sa buwan ng Pebrero at Marso

    LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 23 (PIA) -- Inihayag kamakailan ng Philippine Red Cross (PRC) Agusan del Norte - Butuan City Chapter ang kanilang ulat ukol sa Basic Disaster Management sa buwan ng Pebrero at Marso sa Con Con Hall, Balanghai Hotel Convention Center. Ayon sa ulat, serye ng pagsasanay ang naisagawa ng chapter tulad ng walong klase ng Standard First Aid at Basic Life Support Healthcare Providers Training Course, tatlong klase ng Tailored First Aid at Basic Life Support Adult Lay Rescuer T...
  • Tagaglog news: LTO, PNP nagsagawa ng 'deputation training'

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 23 (PIA) -- Ang Police Regional Office 5 (PRO5) at Land Transportation Office (LTO) regional office dito ay nagsasagawa ng pagsasanay sa Land Transportation at Traffic Enforcement Deputation na isinagawa sa Camp Gen. Simeon A. Ola. Ayon kay PO2 John Barbonio, regional deputy information officer, hindi bababa sa 50 ang dumalo sa dalawang araw na training kasama ang mga sibilyang empleyado mula sa mga ahensya ng pamahalaan at mga pulisya mula sa iba’t ibang sangay ng...
  • Tagalog news: Serbisyo ng Post Office sa Sorsogon magpapatuloy pa rin

    LUNGSOD NG SORSOGON, April 23 (PIA) -- Sa kabila ng pagbawas ng bilang ng mga koreo sa Sorsogon at kakaunting bilang ng tauhan nito, sinisikap pa rin umano ng Philippine Postal Corporation Sorsogon Service Office na makakaabot pa rin sa mga kinauukulan ang mga padala o sulat mula sa mga nagpapadala nito. Ito ang inihayag ng isang opisyal ng koreo kung saan inamin nitong anim na koreo sa buong Sorsogon ang isinara na nila dahil sa pagbaba ng bilang ng mga nagpapadala at tumatangkilik dito. Wala...
  • Tagalog news: Lungsod ng Sorsogon negatibo sa rabis

    LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 23 (PIA) -- Walang naitatalang nagpositibo sa rabis na mga hayop na nakakagat ng tao partikular ang mga pusa at aso dahil sa pinaigting na kampanya ng Sorsogon ukol sa rabis. Ayon kay Health Surveillance Team Head Registered Nurse Socorro Dimaano ng Sorsogon City Health Office, 265 na ang naitala nilang insidente ng pangangagat ng pusa at aso dito sa lungsod ng Sorsogon, subalit ni isa ay wala umanong nagpositibo sa rabis. Aniya, hindi na nila ikagugulat kung tumaas ...
  • Tagalog news: Paghahanda sa eleksiyon at voters education tampok sa 'Talakayan sa PIA' Cam Norte

    DAET, Camarines Norte, Abril 23 (PIA) -- Naging tampok ang paghahanda sa halalan sa Mayo at voters education sa isinagawang “Talakayan sa PIA” ng Philippine Information Agency (PIA) ng Camarines Norte noong Huwebes (Abril 18) dito. Ayon kay provincial election supervisor Atty. Romeo Serrano ng Commission on Elections nakapagsagawa na sila ng mga pagsasanay para sa mga guro bilang mga Board Election Inspectors (BEI) at sa mga Technicians at Supervisors para sa PCOS machine. Aniya ang mga gu...
  • Tagalog news: Listahan ng mga bagong DOST scholars, inilabas na

    SAN JOSE, Occidental Mindoro, Abril 23 (PIA) -- Inilabas na ng Department of Science and Technology (DOST) ang listahan ng mga pumasa sa isinagawa nilang Scholarship Exam para sa mga estudyante ng high school noong November 18, 2012. Ang naitalang pumasa ay 3,597 at 10 dito ay mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan. Ang mga ito ay sina Deseree Carinan Carzon ng Cabacao National High School sa bayan ng Abra de Ilog, Sheena Mariz Batolio Jimenez at Nelson Capillar Jr. ng Calintaan National Hi...
  • Tagalog news: Kasanayan sa sining, pag-arte, pinangunahan ng pamahalaang panlalawigan ng Cam Norte

    DAET, Camarines Norte, Abril 23 (PIA) -- Pinangunahan ng pamahalaang panlalawigan ang isang "Summer Workshop" upang mahubog ang kakayahan at kasanayan ng mga kabataan sa iba't ibang talento sa sining at pag-arte. Ayon kay Abel Icatlo, tagapangasiwa ng programa, ang Summer Workshop ay taon taon ng ginagawa para sa mga kabataan upang magamit naman nila nang makabuluhan ang kanilang panahon ngayong bakasyon. Kabilang sa mga naituro na simula pa sa unang araw ng Abril ang aerodance, folkdance, flu...
  • Tagalog News: Freedom Run sa Butuan ginanap

    LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 23 (PIA) -- Ang People Power Volunteers for Reform – Caraga, Inc. at ang Friedrich Naumann Foundation (FnF) ay pinangunahan ang kauna-unahang 5K Freedom Run noong abril 20. Ang takbo ay naglalayong magbigay pansin sa pakikilahok ng mga pinuno ng pamahalaan at mga kawani, ang civil society at ang mga kabataan upang taasan ang kamalayan at sa huli ay maitanim sa isip ang halaga ng pag-aalaga sa kapaligiran, malinis na eleksyon at ang kalayaan sa katiwalian. Mahigit ...
  • Tagalog news: CHED scholarship program, bukas na para sa SY 2013- 2014

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 23 (PIA) -- Ang Commission on Higher Education o CHED sa Bicol ay muling nanghikayat ng mga mag-aaral na magkokolehiyo na kumuha ng tatlong klaseng tulong pinansiyal sa ilalim ng Student Financial Assistance Program (StuFAP) ngayong 2013-2014. Ayon kay Education Program Specialist Cyril Badiola, ang scholarship na buong merit (Full Merit) ay para sa mahihirap pero karapat-dapat na estudyanteng may General Weighted Average (GWA) na 90% pataas. Ang benepisyaryo ay maari...
  • Tagalog news: CSC: May mga bakanteng trabaho sa Masbate

    LUNGSOD NG MASBATE, Abril 22 (PIA) -- Inihayag ng tanggapan dito ng Civil Service Commission na may 39 na bakante sa hanay ng mga nagtuturo sa Department of Education Masbate. Ayon sa patalastas na ipinakita nung nakaraang Biyernes sa Facebook page ng CSC’s field office, ang mga bakante ay para sa mga guro, school principal, guidance counselor at librarian. Ang teacher I ay may 24 na bakante; guidance counselor, 11; head teacher, tatlo; teacher III, isa; school principal I, dalawa; school pr...
  • Tagalog news: Paligsahan ng sanayang pangkaligtasan isinasagawa sa Cam Norte

    DAET, Camarines Norte, Abril 23 (PIA) -- Sinimulan ngayon araw na ito ang apat na araw na paligsahan ng sanayang pangkaligtasan upang maihanda ang mga volunteers sa iba't ibang kasanayan sa pagtugon sa panahon ng kalamidad at sakuna. Ito ay sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction/Climate Change Adaptation Skills Olympics. Ayon kay Carlos Galvez, tagapangasiwa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) dito, ang mga kalahok sa paligsahan ay mga piling kab...
  • Tagalog news: Pagluluwas ng mga produkto sa Malungon, Sarangani masmabilis na

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 23 (PIA) -- Masmabilis na ngayong mailuluwas ng mga magsasaka sa mga liblib na barangay ng Malungon sa Sarangani ang kanilang mga produkto matapos na naisaayos ang kalsada sa kanilang lugar. Kamakailan, natapos na ang “gravelling” at pagsasaayos ng halos walong kilometrong kalsada na bahagi ng Poblacion Junction Pangyan to Kalonbarak farm-to-market road. Nagkakakahalaga ang nasabing daan ng P14 milyon at ipinatupad ito sa ilalim ng Rural Infr...
  • Tagalog news: P56M proyekto para sa mga barangay, sinisimulan na

    CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 23 (PIA) -- Sinisimulan na ngayon ng pamahalaang panlalawigan ang implementasyon ng proyektong pagkokongkreto ng kalsada dito na nagkakahalaga ng P56 milyon. Ito ay magkatuwang na ipinatutupad ng pamahalaang lokal at ng Department of Agriculture (DA). Ayon kay Provincial Engineer Elmer V. Dilay, sa P56 milyon pondo, P30 milyon ang mula sa DA at P26 milyon naman ang nagmula sa 20 porsiyentong Development Fund ng kapitolyo. Ipinaliwanag pa niya na 56 na barangay...
  • Tagalog news: Konsultasyon, isinagawa ukol sa pagtatayo ng LNG import terminal sa lungsod

    LUNGSOD NG BATANGAS, Abril 23 (PIA) -- Nagsagawa ng public consultation sa ikatlong pagkakataon ang Pilipinas Shell Petroleum Corporation (PSPC) noong Abril 1 hinggil sa environmental impact ng Liquefied Natural Gas (LNG) import terminal project na nakatakdang itayo sa 2016. Ang konsultasyon na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga barangay ng Tabangao, Ambulong, Libjo, Ilijan at Mabacong (TALIM), akademya, lokal na pamahalaan at non-government organizations ay naglalayong higit na mabigyang l...
  • Tagalog news: Isang lungsod at apat na bayan sa Bulacan, binabantayan ng pulisya para sa nalalapit na halalan

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 23 (PIA) -- Isang lungsod at apat na bayan sa lalawigan ng Bulacan ang tinututukan ngayon ng pulisya upang matiyak na magiging maayos at tahimik ang isasagawang halalan roon sa ika-13 ng Mayo. Inilahad ni Bulacan Provincial Police Office Operations Branch chief P/Supt. Fitz Macariola na binabantayan ng kanilang hanay ang siyudad ng San Jose del Monte at mga bayan ng Doña Remedios Trinidad, San Ildefonso, San Rafael at San Miguel dahil sa mainit na tunggalian ...
  • Tagalog news: Provincial Vet Office at PHO patuloy sa pagbibigay ng libreng bakuna kontra rabis para sa hayop at tao

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 23 (PIA) -- Patuloy ang pagbibigay ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan, sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office (PVO) at Provincial Health Office (PHO), ng libreng bakuna kontra sa rabis. Base sa tala ng PVO, mula Enero hanggang Abril ngayong taon, nakapagbakuna na sila ng 35,356 na mga aso, nakahuli ng 316 na mga asong gala at may 197 na mga aso din ang isinailalim sa euthanasia. Nakapagtala din ang tanggapan ng 17 na mga asong K9 at isang pusa na...
  • Tagalog news: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa ikalawang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Abril 23 (PIA) -- Tumatanggap na ng mga aplikasyon ang Civil Service Commission (CSC) Regional Office 3 para sa ikalawang Career Service Professional at Subprofessional Paper and Pencil Tests ngayong taon na idaraos sa ika-13 ng Oktubre. Ayon kay CSC Central Luzon information officer Diana Henson, ang mga pagsusulit ay bukas sa lahat ng Pilipino edad 18 pataas na may good moral character, hindi nahatulan ng guilty sa kahit anong kaso o di kaya ay natanggal sa ...
  • Tagalog news: Malawakang paglilinis sa Mlang, North Cotabato, isinagawa

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 22 (PIA) -- Isinagawa noong nakaraang linggo ang isang malawakang paglilinis sa dalawang barangay sa bayan ng Mlang, North Cotabato. Ang "clean up drive" na pinangunahan ng mga kawani ng Rural Health Unit (RHU) ng nasabing bayan ay ginanap sa Barangay Poblacion A at B. Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Glecerio Sotea, ito ay bahagi ng kanilang kampanya kontra sa sakit na dengue at may layuning mailayo sa nakamamatay na sakit ang mga mamamayan sa ...
  • Tagalog news: Butuan Youth Dev’t Council nagsagawa ng pagsasanay sa 'Public Speaking'

    LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 22 (PIA) -- Nagsagawa ang Local Youth Development Council (LYDC) ng pagsasanay sa "Public Speaking" kasama ang mga miyembro ng Regional Youth Advisory Council (RYAC) mula sa iba't ibang ahensiya ng pamahalaan na ginanap sa Almont Hotel’s Inland Resort sa lungsod na ito. Ito ay may pinamagatang: “Communication Skills Workshop: A training on Public Speaking Workshop.” Sa nasabing pagsasanay, pinangunahan ng lokal na pamahalaan at ilan pang mga kasamahan ang Toastma...
  • Tagalog news: Kumakalat ng pekeng pera sa lungsod ng Kidapawan, North Cotabato, tinututukan ng PNP

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 22 (PIA) -- Nakasentro ngayon ang pagbabantay ng pulisya sa lungsod ng Kidapawan, North Cotabato sa naglipanang mga pekeng pera sa lugar. Kamakailan ay isang truck driver ang dumulog sa tanggapan ng Kidapawan City PNP matapos makatanggap ng pekeng perang P200. Samantala, noong nakaraang linggo, ilang maliliit na negosyante din ang nabiktima ng pekeng pera at nagreklamo sa pulisya. Madalas mabiktima sa nabanggit na lungsod ang mga tindahang walang mo...
  • Tagalog news: Techvoc training inihahanda ng TESDA 12 para sa mga benepisyaryo ng 4Ps

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 22 (PIA) -- Pinaghahandaan ngayon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) 12 ang pagsasagawa ng mga technical vocational training para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Ito ay sa layuning mabigyan ng pagkakakitaan at trabaho ang mga mahihirap na pamilya sa Rehiyon 12. Inihayag ni TESDA 12 Regional Director Zeus Ampuyas na limang bayan sa buong rehiyon ang una nilang tutulungan. Kinilala n...
  • Tagalog news: Usapin sa Batas Kasambahay, inilahad sa talakayan sa Sorsogon

    LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 22 (PIA) -- Aktibo ang naging diskusyon sa isinagawang consultation workshop ukol sa Implementing Rules and Regulations ng “Batas Kasambahay” o ang RA 10361 noong Martes, Abril 16, sa Mango Grill, lungsod ng Sorsogon. Dinaluhan ng mga kinatawan ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng PhilHealth, Social Security System, Philippine Information Agency, Department of Education, Philippine National Police; mga opisyal ng Public Employment Service System at Liga ng Barang...
  • Tagalog news: Higit 10,500 trabaho handog ng DOLE 12 sa Araw ng mga Manggagawa

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 22 (PIA) -- Mahigit 10,500 na trabaho ang maaaring aplayan ng mga naghahanap ng trabaho sa Labor Day job fairs sa iba’t ibang bahagi ng Rehiyon Dose, ayon sa Department of Labor and Employment 12. Inihayag ni DOLE 12 Director Ofelia Domingo na sa mismong Araw ng mga Mangagawa sa Mayo 1, may nakahandang job fair sa South Seas Mall sa lungsod ng Cotabato; Kidapawan City Gym sa lungsod ng Kidapawan sa North Cotabato at Tacurong City Gym sa lungsod ng...
  • Tagalog news: Lungsod ng Butuan pinarangalan ng DILG-13

    LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 22 (PIA) -- Pinarangalan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lokal na pamahalaan ng Butuan na nanalo sa pangrehiyong antas ng Local Legislative Award (LLA) sa mataas na kategorya at pati na rin ang Brgy. San Vicente bilang nanalo sa rehiyon ng Lupong Tagamapayapa Incentives Awards (LTIA). Iginawad ang parangal pagkatapos maghatid ng mensahe si Butuan City Mayor Ferdinand M. Amante Jr. sa city hall grounds kamakailan. Nakatangga...
  • Tagalog news: 'Operation Baklas' pinangunahan ng DENR katuwang ang MFPC

    LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 22 (PIA) -- Nagsasagawa ngayong araw ng "Operation Baklas" ang mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources – Provincial Environment and Natural Resources Office (DENR-PENRO) katuwang ang Multi-Sectoral Forest Protection Council (MFPC) sa mga bayan sa unang distrito ng Sorsogon. Ito ay dahil sa kabila ng panawagang ginagawa ng mga ahensya ng pamahalaan at iba pang mga environment concerned group, makikita pa rin sa mga punong nakatanim sa kahabaan ...
  • Tagalog news: Bagong ‘warehouse’pinasinayan ng DSWD sa bayan ng Bauang

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Abril 22 (PIA) -- Pinasinayaan kamakailan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang bagong warehouse na imbakan ng mga relief food packs sa barangay Urayong sa bayan ng Bauang. Ayon kay Allan O. Lulu, DSWD information officer rito, ang warehouse, na nagkakahalaga ng mahigit P2.5 milyon, ay magsisilbing imbakan ng mga pagkain na siyang gagamitin para sa operasyon tuwing may kalamidad. Ang ahensiya ay naglagak rin ng mga indibidwal na siyang mangan...
  • Tagalog news: BIR La Union nagbukas ng libreng pasilidad para sa mga ‘taxpayers’

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Abril 22 (PIA) -- Naglunsad kamakailan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) District Office III dito ng pasilidad para maging masmabilis at madaling transaksyon ng mga nagbabayad ng buwis sa mga serbisyo ng BIR. Tinagurian itong E-Lounge at ang pasilidad ay isang pampublikong silid na may kompyuter at internet, gaya ng karaniwang internet café, na kung saan libreng gamitin ng mga nagbabayad ng buwis upang magamit ang mga serbisyo ng BIR sa internet. Ang e-lounge kios...
  • Tagalog news: 303 estudyante, benepisyaryo ng employment program sa Palawan

    PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 22 (PIA) -- Umabot sa 303 mga estudyante sa lalawigan ang naging benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) ngayong taon. Ang SPES ay pinangangasiwaan ng Public Employment Service Office (PESO) ng pamahalaang panlalawigan. Ayon kay Richard P. Rebote, manager ng Provincial PESO, nagsimula nang magtrabaho ang mga estudyante noong Lunes (Abril 15). Itinalaga ang mga ito sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan at sa mga munisip...
  • Tagalog news: Development plan ng Provincial Cooperative Development Council, aprubado na

    LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Abril 22 (PIA) -- Inaprubahan na ng mga miyembro ng Provincial Cooperative Development Council (PCDC) ang kanilang development plan para sa 2013-2015. Ito ay isinagawa sa kauna-unahang pagpupulong ng PCDC para sa taong kasalukuyan na ginanap kamakailan sa Victoriano J. Rodriguez Hall ng gusaling Kapitolyo. Ang naturang quarterly meeting ay dinaluhan ng iba’t ibang miyembro ng PCDC na kinabibilangan ng mga Municipal Cooperative Development Officers...
  • Tagalog news: Patimpalak sa isang rice variety sa Occ Min, nagsimula na

    SAN JOSE, Occidental Mindoro, Abril 22 (PIA) -- Sinimulan na ng SL Agritech Corporation (SLAC) ang paghahanap sa may pinakamalaking produksyon ng palay gamit ang Super Hybrid Rice Seeds (SL8-H) variety. Ito ay isang patimpalak kung saan ang mga mananalong magsasaka ay tatanggap ng pera bilang premyo. Ang SLAC ay isa sa nangungunang kumpanya sa pagsasaliksik at paglinang ng superior hybrid rice sa bansa. Ang naturang kumpanya ay isang sangay ng Sterling Paper Group of Companies na napukaw an...
  • Tagalog news: Lupong Tagapamayapa ng munisipyo sa Agusan del Norte kakatawan sa Caraga para sa Nat’l Lupon Awards

    LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 22 (PIA) -- Ang lupon ng Barangay Macalang, Buenavista, Agusan del Norte ang magiging kinatawan hindi lamang sa lalawigan ng Agusan del Norte kundi sa buong rehiyon ng Caraga para sa National Lupong Tagapamayapa Incentives Award. Ayon sa Lupong Tagapamayapa Incentives Award (LTIA) Regional Awards Committee (RAC) Region XIII, tinalo ng Barangay Macalang ang ibang nominado sa LTIA sa 1st to 3rd Class Municipality Category. Makakatunggali rin ng barangay na ito ang iba’...
  • Tagalog news: DOLE 3 inaanyayahan ang mga repatriates, fresh college grads na dumalo sa mga 2013 Labor Day job fairs

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga Abril 22 (PIA) -- Inaanyayahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Rehiyon 3 ang lahat ng mga naghahanap ng trabaho partikular ang mga repatriated workers mula sa Middle East at katatapos lamang sa kolehiyo na dumalo sa mga isasagawang 111th Labor Day job fairs sa Gitnang Luzon sa Mayo Uno. Inilahad ni DOLE Regional Director Raymundo Agravante na libu-libong local at overseas careers sa business process outsourcing, retail, service at manufacturing ...
  • Tagalog news: Mga Novo Ecijano at Zambalenyo, nakinabang sa mga community relations activities ng Balikatan ‘13

    CAMP AQUINO, Tarlac, April 21 (PIA) -- Libu-libong Novo Ecijano at Zambalenyo ang nakinabang sa mga isinagawang Community Relations activities ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo na lumahok sa Balikatan 2013. Sa isang pahayag, sinabi ng Northern Luzon Command na nagsagawa ang mga sundalo ng symposium patungkol sa alternative medicine at basic life support para sa mga health workers at opisyal ng barangay Rabanes sa bayan ng San Marcelino sa Zambales habang nagkaroon naman ng basketball frien...
  • Tagalog news: Mga barangay sa Nueva Ecija at Zambales, nakinabang sa mga proyektong pang-imprastraktura ng Balikatan ‘13

    CAMP AQUINO, Tarlac, April 21 (PIA) -- Ilang barangay sa mga lalawigan ng Nueva Ecija at Zambales ang nakinabang sa mga proyektong pang imprastraktura ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo na lumahok sa Balikatan 2013. Sa isang pahayag, sinabi ng Northern Luzon Command na ang mga barangay na nabiyayaan sa ilalim ng Engineering Civic Action Program (ENCAP) ay ang Soledad at Liwayway sa bayan ng Sta. Rosa sa Nueva Ecija; Liwan at Rabanes sa bayan ng San Marcelino, Umaya sa San Narciso at Looc sa...
  • Tagalog news: Mga mamamahayag ng Nueva Vizcaya, sasailalim sa Tobacco Control Seminar

    BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Abril 20 (PIA) -- Sasailalim sa isang seminar hinggil sa Tobacco Control ang mga mamahayag sa lalawigang ito. Mapapalawak nito ang kanilang kaalaman sa nasabing programa at magamit ang nasabing kaalaman para sa pagpapanatili ng “Smoke-Free Program" sa Nueva Vizcaya. Ayon kay Virginia Galapon, Smoke-Free coordinator, ang nasabing seminar ay isasagawa ng Journalism For Nation Building Foundation sa lungsod ng Baguio sa Abril 27, sa Camp John Hay. “Layunin ng semina...
  • Tagalog news: Political forum, isasagawa sa Nueva Vizcaya

    BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Abril 20 (PIA) -- Magsasagawa ng political forum ang isang civil society organization (CSO) sa lalawigan bukas upang mailahad sa mga mamamayan ang mga programa ng mga tatakbong political candidates para sa lalawigan. Ayon kay Fr. Vicente Tiam, chairman ng Alyansa ng Nagkakaisang Novo Vizcayano para sa Kalikasan (ANNVIK), ang candidates’ forum ay gaganapin sa People’s Stage, provincial capitol, Bayombong, Nueva Vizcaya. Imbitado ng ANNVIK ang mga kandidato mula sa ...
  • Tagalog news: Pulisya, itinataguyod ang ronda system sa Kabacan, North Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 19 (PIA) -- Isinusulong ngayon ng pulisya sa bayan ng Kabacan, North Cotabato ang pagpapatupad ng ronda system sa mga barangay sa bayan. Ito ay upang lubos na mabantayan ang mga lugar upang maiwasan ang anumang krimen. Ayon kay Kabacan PNP chiesf Supt. Leo Ajero, ang nasabing hakbang ay bahagi rin ng kanilang kampanya kontra sa talamak na nakawan ng motorsiklo sa bayan. Kaugnay nito, bubuo ang hanay ng PNP ng isang task force na siyang tututok sa mg...
  • Tagalog news: BI binigyan ng kagamitang biometrics ng Estados Unidos

    AGUSAN DEL SUR, Abril 19 (PIA) -- Ibinigay bilang donasyon ng Estados Unidos sa Bureau of Immigration (BI) ang makabagong biometrics para tulungang mapalakas ang kapabilidad ng ahensiya na makahuli ng mga dayuhang may pananagutan sa batas at iba pang mga illegal na dayuhan. Pormal nang tinanggap ni BI Commissioner Ricardo David Jr. mula kay Ambassador Harry Thomas ng America ang mga naturang kagamitan sa isang simpleng seremonya sa mismong embahada ng Amerika sa Maynila noong Huwebes. Pinasal...
  • Tagalog news: Kakayahan ng mga BFT sa Rehiyon Dose maspinalalakas

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 19 (PIA) -- Sa layuning matulungan na lumago ang kani-kanilang negosyo, pinalalakas ng Department of Agriculture (DA) 12 ang kakayahan ng mga Barangay Food Terminal sa rehiyon na pamahalaan ang kanilang operasyon. Nitong nalalipas na linggo, sumailalim sa re-orientation ang mga BFT operators, kabilang ang mga opisyal ang barangay at munisipyo. Sumailalim din sila sa pagsasanay sa pagpaplano para sa kani-kanilang mga negosyo. Upang matulu...
  • Tagalog news: Pagpapalakas ng mga field office, tututukan ng bagong DOLE 12 regional director

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 19 (PIA) 12 -- Pagtutuunan niya ng pansin ang pagpapalakas ng mga field office ng ahensiya sa iba’t ibang bahagi ng Rehiyon Dose. Ito ay ayon kay Gng. Ofelia B. Domingo, bagong regional director ng Department of Labor and Employment (DOLE) 12. Noong Miyerkules, pormal nang umupo bilang DOLE 12 director si Domingo kapalit ni Director Chona Mantilla na inilipat naman sa kaparehong posisyon sa Central Visayas o Rehiyon 7. Sa kanyang kau...
  • Tagalog news: Pagtatanim ng kamoteng kahoy isinusulong ng DA 12 at San Miguel Corp

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 19 (PIA) -- Magkatuwang na isinusulong ngayon ng Department of Agriculture 12 at San Miguel Corporation ang paghihikayat sa mga magsasaka na magtanim ng kamoteng kahoy. Kamakailan nagsagawa ng pagsasanay ang DA sa mga magsasaka ng South Cotabato patungkol sa pag-aalaga ng kamoteng kahoy, pati na ang post-harvest processing technology. Ani Edgar Labor, regional cassava focal person ng DA 12, isinusulong nila ang produksyon ng naturang pananim dah...
  • Tagalog news: La Union Arts workshop inilunsad ngayong bakasyon

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Abril 19 (PIA) -- Isang workshop ukol sa sining ang inilunsad ngayong bakasyon ng Artists Guild of La Union at panlalawigang pamahalaan rito para sa mga bata, kabataan at may edad na upang mapagbuti pa ang kanilang talento at kasanayan. Ayon kay Justin Paul Marbella ng Provincial Information and Tourism Office, ang workshop ay may layunin ding itaguyod ang ‘Silid ti Adal ken Laing ti La Union’ o La Union Art Gallery kung saan tampok ang maraming malikhaing gawa ng m...
  • Tagalog news: Comelec nagbabala sa mga pampublikong sasakyan sa pagkakabit ng ‘campaign posters’

    LUNGSOD NG LAOAG, Abril 19 (PIA) -- Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga may-ari ng pampublikong sasakyan sa posibleng paglabag sa batas bunsod ng paglalagay ng mga "campaign materials" ng mga pulitiko. Ayon kay Atty. Joel Gines, nakatalagang Comelec officer sa Ilocos Norte, maaaring bawian ng prangkisa ang sasakyan na mahuhuling nagpapagamit sa mga pulitiko bilang sabitan ng mga campaign posters para sa nalalapit na eleksyon. “Alinmang pampublikong lugar, maliban sa ...
  • Tagalog news: DOH Bicol may libreng bakuna para sa mga nakatatanda

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 19 (PIA) -- Nagbigay ang Center for Health Development ng Department of Health (DOH-CHD) sa rehiyong Bicol ng libreng bakuna panlaban sa pulmonya at trangkaso sa mahihirap na matatanda dito sa lungsod. Ayon kay Dr. Gloria J. Balboa, DOH Bicol regional director, ang programang pagbabakuna ng kagawaran sa buong rehiyon ay upang palakasin ang resistensiya ng mga nakatatanda laban sa pulmonya. Inihayag ni Balboa na ang DOH Bicol ay nagtalaga ng 95,000 na mahihirap na ma...
  • Tagalog news: DOLE, kinunsulta ang Masbate hinggil sa Batas Kasambahay

    LUNGSOD NG MASBATE, Abril 19 (PIA) -- Tinipon kahapon ng Department of Labor and Employment ang feedback o mga katugunan ng Masbate sa paghahanda ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa Republic Act 10363 o ang Batas Kasambahay. Ayon kay DOLE Provincial Officer Carlos Onding, layunin ng konsultasyon na maitaas ang kamalayan sa mga probisyon ng batas na hinabi upang maprotektahan ang kapakanan at kaligtasan ng mga katulong sa bahay. Kabilang sa mga nakinig at nagbigay ng inputs o ...
  • Tagalog news: Global competetiveness assessment tool, inilunsad sa apat na eskuwelahan

    LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Abril 19 (PIA) -- Magkatuwang na inilunsad kamakailan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon at ng Business Processing Association of the Philippines (BPAP) sa apat na paraalan sa lalawigan ng Quezon ang Global Competitiveness Assessment Tool (GCAT). Ang GCAT ay programang idinesenyo upang linangin ang "cognitive ability," "english proficiency," "computer literacy," "perceptual speed and accuracy" at "service orientation" ng mga mag-aaral. Layunin din nito na manga...
  • Tagalog news: P16 M Rice processing complex, sisimulan nang itayo sa North Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 19 (PIA) -- Aprubado na ang Rice Processing Complex na itatayo sa Barangay Sinawingan sa bayan ng Libungan, North Cotabato. Ito ang mensaheng ipinaabot ni Midsayap-Pigcawayan-Libungan-Northern Kabuntalan o MPLK Federation of Irrigators’ Associations President Dante Cudal sa mga kapwa nito magsasaka sa isinagawang Farmers’ Forum kahapon sa Kapayapaan Hall dito sa bayan. Kaugnay nito ay ihahatid na sa mismong project site ang anim na culvert na kin...
  • Tagalog news: 17 barangay sa Rehiyon Dose, makikinabang sa programang PAMANA

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 19 (PIA) -- Tinatayang 17 mahihirap na barangay sa piling mga munisipyo sa buong Soccsksargen Region ang nakatakdang makinabang sa PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) Program ng gobyerno. Ayon kay DA 12 regional executive director Amalia Jayag-Datukan ang mga barangay na ito mahihirap at apektado ng kaguluhan subalit di pa nakatatanggap na ayuda mula sa programa. Aniya kinilala ang mga komuni...
  • Tagalog news: On-site accreditation ng mga establisyementong pangturismo sa Coron, isasagawa

    LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 19 (PIA) -- Magsasagawa ng on-site accreditation ang Department of Tourism (DOT) para sa lahat ng mga establisyementong pangturismo sa Calamianes area sa bahaging norte ng lalawigan. Ito ay isasagawa sa Abril 21-24 sa Pamahalaang Bayan ng Coron sa pakikipagtulungan ng Provincial Tourism Office (PTO). Sa unang araw gagawin ang oryentasyon at sa ikalawang araw ang pag-proseso ng aplikasyon bago ang gagawing ebalwasyon at inspeksiyon ng mga establisimie...
  • Tagalog news: 60 pamilya na biktima ng bagyo, natulungan ng 'core shelter program' sa Ilokos

    LUNGSOD NG VIGAN Abril 19 (PIA) -- Mahigpit na tinututukan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatayo ng bahay para sa mga biktima ng kalamidad sa pamamagitan ng Core Shelter Program. Ito ang binigyang-diin ni Social Welfare Sec. Dinky Soliman nang ipinagkaloob niya ang Certificates of Occupancy sa 60 pamilya na nawalan ng tahanan sa barangay Pasungol, isa sa mga pinakaliblib at pinakamahirap na pook dito, sa naganap na seremonya sa Santa Municipal Hall kamakailan. ...
  • Tagalog news: Konstruksyon ng Calumpit pocket dike, sinimulan na

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 19 (PIA) -- Sinimulan na ngayong tag-araw ang konstruksyon ng P160 milyong pocket dike ng Calumpit na magsasalba sa kabayanan ng bayan mula sa matinding pagbaha. Ayon kay Mayor James de Jesus, ang proyekto ay bahagi ng ipinangako ni Pangulong Aquino nang pamunuan niya ang joint meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at Regional Development Council noong 2011 sa Bulacan matapos ang hagupit ng mga bagyong Pedring at Quiel sa lalawigan...
  • Tagalog news: Alcantara, kaunaunahang Bikolanang manlalaro ng Pilipinas sa Universiade

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 18 (PIA) – Itinanghal si Arianne Armi Alcantara, mula sa Bicol University (BU), na kaunaunahang Bikolanang mapapasama sa Philippine team para sa 27th Summer Universiade, na tinagurian ring World University Games, na gaganapin sa Kazan, Russia sa darating na Hulyo 6-17, ngayong taon. Napili si Alcantara ng Federation of School Sports Associations of the Philippines (FESSAP) upang maging isa sa mga kalahok ng Pilipinas sa swimming competition. Siya ay makikipagtungga...
  • Tagalog news: Isang barangay sa Tupi, S. Cotabato, isinusulong ang kampanya sa tamang pamamahala ng basura

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 18 (PIA) -- Lubos na itinataguyod ngayon ng pamunuan ng Barangay Poblacion sa bayan ng Tupi, South Cotabato ang kampanya sa tama at maayos na pamamahala ng mga basura sa lugar. Kaugnay nito, nagsagawa kamakalawa ang mga mamamayan at ilang stakeholders ng isang malawakang paglilinis. Samantala, magkakaroon naman ng pagpupulong ang mga lider sa iba’t-ibang mga purok kasama ang mga may-ari ng mga establisimiyento sa barangay bukas. Ito ay upang talak...
  • Tagalog news: Kampanyang 'Ako Responsable Huwaran!' ilulunsad

    LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 18 (PIA) -- Inilunsad kahapon ng dalawang magkatuwang na non-government organization (NGO) dito sa Sorsogon ang kampanyang “Ako Responsable Huwaran!” Ito ay sa ilalim ng programang Adolescent Reproductive Health (ARH) ng Federation of Associations for Communities and Children’s Empowerment Incorporated (FACE) at ng Child Fund Philippines. Ayon kay Chit F. Novela, community mobilizer ng FACE sa Bicol, ang paglulunsad ng kampanyang “Ako Responsable Huwaran!” ...
  • Tagalog news: Biyahe ng eroplano sa Marinduque, pansamantalang titigil mula Mayo 10

    BOAC, Marinduque, Abril 18 (PIA) -- Inanunsiyo ni Marinduque Domestic Airport General Manager Kerwin Laudit na hanggang Mayo 10 na lamang ang biyahe ng Zest Air Philippines sa paliparan ng Marinduque. Dati ay tatlong unit ng MA60 aircraft an bumabiyahe dito subalit sa ngayon iisa na lamang MA60 ang ginagamit ng Zest Air sa paliparan ng lalawigan. Ayon din kay Laudit, ang huling MA60 ay malapit nang i-phase out at palitan ng mas makabagong airbus, subalit ang ganitong aircraft ay hindi maarin...
  • Tagalog news: Isa na namang school-based PESO, itinatag ng DOLE sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 18 (PIA) -- Itinatag ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 3 ang pinakahuli nitong school-based Public Employment Service Office o PESO sa Holy Family International College sa lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan. Ayon kay DOLE regional information officer Jerry Borja, layunin ng mga school-based PESO na matulungan ang mga estudyante na makahanap ng maayos na trabaho pagkatapos ng kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng career information, pre-emp...
  • Tagalog news: PNP sa Ilocos handa na sa eleksyon sa May

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Abril 18 (PIA) -- Handang-handa na ang mga pulisya sa rehiyon uno para sa pagtitiyak ng katiwasayan at seguridad sa komunidad sa darating na halalan, ayon sa isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) dito. Ani Senior Supt. Angelito Dumangeng, chief for regional operations sila’y nakapagsagawa na ng mga pagpupulong kasama ang Arm Forces of the Philippines (AFP) at pagsasanay upang matukoy kung saan dapat ilalagay ang kanilang mga kawani sa eleksiyon g...
  • Tagalog news: TESDA, naglaan ng P3B para sa Training for Work Scholarship

    LUNGSOD NG OLONGAPO, Abril 18 (PIA) -- Asahan nang masmarami pang kabataan ang mabibiyayaan ng Training for Work Scholarship kasunod ng paglalaan ni Pangulong Benigno Aquino III ng P3 bilyon para sa programang ito ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Sa isang press conference sa lungsod ng Olongapo, sinabi ni TESDA Secretary Joel Villanueva na layunin ng program na mapalaki ang oportunidad ng maraming magsisipagtapos na makakuha ng disenteng trabaho. Partikular sa...
  • Tagalog news: Mga nars na gustong magtrabaho sa Japan, sasanayin ng TESDA

    LUNGSOD NG OLONGAPO, Abril 18 (PIA) -- Sasanayin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga lisensyadong nars na gustong magtrabaho sa Japan. Sa isang press conference sa lungsod ng Olongapo kamakailan, sinabi ni TESDA Secretary Joel Villanueva na sinasanay nila sa kanilang punong tanggapan sa lungsod ng Taguig ang mga nars na kukuha ng licensure exam ng Japan pati na ang pagsasalita ng nihonggo ayon sa kondisyon ng JPEPA. Ang JPEPA ay ang Japan-Philippine Economic...
  • Tagalog news: Mga produkto mula sa Pilipinas namayagpag sa Natural and Organic Expo sa London

    AGUSAN DEL SUR, Abril 17 (PIA) -- Matagumpay na naging bahagi ng 2013 Natural & Organic Products Europe expo ang Pilipinas. Ito ang nangungunang pagtatanghal ng mga natural at organikong produkto tulad ng pagkain, produktong pangkalusugan at pampaganda, sa London. Libu-libo ang bumisita sa itinanghal ng Pilipinas sa at marami ang naitalang order para sa maraming bagay na naka eksibit sa buong panahon ng pagtatanghal mula Abril 7–8, 2013. Kabilang sa mga sumaling nagsipagtanghal mula sa Pili...
  • Tagalog news: PhilHealth nagsasagawa ng 'validation' at 'mapping' ng mga kasapi nito

    LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 17 (PIA) -- Kaugnay ng ipinatutupad na universal coverage ng Philhealth at ng pamahalaang nasyunal, umiikot at bumibisita ngayon sa mga tanggapan at mga "business establishment" ang mga kinatawan ng Philhealth Sorsogon upang magsagawa ng "validation" at "mapping" ng mga kasapi ng PhilHealth. Ayon kay PhilHealth Sorsogon SIO1 Vic Ardales, nais umanong makamit ng PhilHealth ang target nilang mai-enrol ang lahat ng mga kuwalipikadong Pilipino sa tinatawag na "Universal C...
  • Tagalog news: Pagpili ng natatanging mamamayan ng Quezon, sinimulan na

    LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Abril 17 (PIA) -- Sinimulan na ngayong linggong ito ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang paghahanap ng mga natatanging mamamayan o indibidwal sa lalawigan. Ito ay para maging mga nominado sa ika-21 Quezon Medalya ng Karangalan (QMK) para sa taong 2013, ang isa sa pinakaprestihiyosong parangal na maaaring matangap ng isang taga-Quezon. Ang paghahanap ay gagawin sa pamamgitan ng Provincial Gender And Development (PGAD) Office na tumatayong QMK Secretariat sa pak...
  • Tagalog news: Mga iligal na troso nakumpiska sa Kabacan, N. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 17 (PIA) -- Narekober kamakailan ang mga iligal na troso sa bayan ng Kabacan, North Cotabato partikular sa watershed area sa Barangay Pisan. Ayon kay Brgy. Kapitan Remegio Alejo, ang nasabing mga kahoy ay pinutol sa iba’t-ibang haba at sukat at nakahimpil sa gilid ng daan ng madatnan ng tropa ng mga pulis at militar. Nanguna sa pagkumpiska sa mga illegally-cut logs ang pamunuan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at ang mg...
  • Tagalog news: Mga turista sa Rodeo Festival, hinimok na magsilbing ambasador ng Masbate

    LUNGSOD NG MASBATE, Abril 17 (PIA) -- Dahil naranasan ng mga panauhin sa katatapos na Rodeo Festival ang masayang buhay sa Masbate, hinimok ng isang alkalde ang cowboys at cowgirls na magsilbing ambassador ng Masbate sa kanilang mga lalawigan. Sa piging na idinaos bago magtapos ang rodeo national finals, sinabi ni Masbate City Mayor Socrates Tuason na pinakamagaling na tagahatid ng magandang balita sa Masbate ang mga cowboy at cowgirl dahil personal na nalasap nila ang kagandahang loob ng mga M...
  • Tagalog news: Halos 1,000 mga bata, nakinabang sa ‘Operation Tuli’ sa Mlang, North Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 17 (PIA) -- Umabot na sa halos 1,000 mga bata sa bayan ng Mlang, North Cotabato ang napagserbisyuhan ng programang "Operation Tuli" ng nabanggit na bayan. Ayon kay M’lang Municipal Health Officer Dr. Glecerio Sotea, ngayong bakasyon ay lalo pang pinaiigting ng kanilang pamunuan ang naturang programa upang tuluyan nang mawala ang tradisyunal o makalumang pamamaraan ng pagtuli gayong maaaring hindi ito makabubuti sa kalusugan. Aniya, halos napuntaha...
  • Tagalog news: 'Employment program' para sa mga estudyante ng OrMin, nagsimula na

    CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 17 (PIA) -- Nagsimula na ang 136 na kabataang mag-aaral na kuwalipikado para sa Special Program for Employment of Students (SPES) sa lalawigan noong Abril 25. Ang SPES program ay nakatakdang matapos sa Mayo 16 at ito ay may kabuuang 22 working days. Ang SPES ay isang programa ng pamahalaan para sa mga kabataan na naglalayong umagapay sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng halagang kanilang matatanggap kapalit ng paglilingkod sa mga pangunahing tanggapan ng p...
  • Tgalog news: Unang Bullet Train ng Pilipinas, target ng Metro Pacific

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 17 (PIA) -- Nagpakita ng interes ang Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) na pondohan ang kauna-unahang bullet train ng Pilipinas na kokonekta sa mga paliparan ng Ninoy Aquino sa Maynila at Clark. Sa isang panayam sa ginanap na business forum sa Bulacan, sinabi ni MPIC Chairman Manuel Pangilinan na buo na ang plano para sa pagtatayo ng isang High-Speed Railways. Nagkakahalaga ang proyekto ng $3 bilyon na gagastusan ng pribadong sektor sa pamamagitan ...
  • Tagalog news: 2 bayan sa South Cotabato makikinabang sa PAMANA-ARA

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, April, 17 (PIA) -- Dalawang munisipyo sa South Cotabato ang napiling makinabang sa programang Payapa at Masaganang Pamayanan –Agrarian Reform Areas (PAMANA-ARA). Kinilala ni Regina S. De Leon, chief agrarian reform program officer for support services ng Department of Agrarian Reform – South Cotabato ang mga ito na ang mga bayan ng Polomolok at Tupi. Ani de Leon, layon ng nasabing programa ang makamit ang pangmatagalang ...
  • Tagalog news: DOLE 12 may bagong regional director

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 17 (PIA) -- May bagong director na ang Department of Labor and Employment (DOLE) 12. Alas dos y media ngayong hapon, nakatakdang isalin ni Director Chona Mantilla ang pamamahala sa DOLE 12 sa bagong regional director na si Ofelia Domingo. Gagawin ang turn over ceremony sa Cinco Ninas, Barangay Morales, Koronadal City. Bago ang assignment bilang regional director ng DOLE 12, si Domingo ay nagsilbi...
  • Tagalog news: Pagpapatibay ng tatlong dam sa Bulacan, nakalinya na sa 2014

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 17 (PIA) -- Inilinya na ng pambansang pamahalaan sa susunod na taon ang pagpapatibay sa tatlong dam ng Bulacan- Angat, Bustos, at Bulo. Sa isang panayam, sinabi ni Gobernador Wilhelmino Sy-Alvarado na unang patitibayin ang Angat na siyang nagsusuplay ng 95 porsyento ng tubig at kuryente sa kalakhang Maynila. Matatandaan na nirekomenda ng Tonkin & Taylor na kinakailangan nang maspatatagin at mas tumibay pa ang istraktura dahil ito ay nakatayo sa gilid ng West...
  • Tagalog news: Ifugao electric coop, pinasalamatan sa itatayong substation office

    LAGAWE, Ifugao, Abril 17 (PIA) -- Pinuri ng lokal na pamahalaan ng Alfonso Lista ang Ifugao Electric Cooperative (Ifelco) dahil sa itatayong bagong substation office para sa kapakanan ng mga electric consumers ng nasabing lugar. Ang Ifelco ay magpapapatayo ng 5 MVA-substation at 69 KV line na popondohan ng the Department of Energy sa halagang P19.405 million. Sinabi ni Mayor Glenn Prudenciano na ang nasabing proyekto ay makakatulong sa pang ekonomiyang gawain at mag-aambag rin sa pag-unlad n...
  • Tagalog news: Panatilihin ang magandang estado ng pangungutang - BSP

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Abril 17 (PIA) -- Pinapayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga tao na panatilihin ang magandang estado ng pangungutang na napapanahon sa selebrasyon ng Credit Consciousness Week ngayong Abril 24 hanggang 30. May tema na “Sa Tamang Paggamit ng Pautang, Bayan ang Makikinabang” masisiguro na mabibigyang kaalaman ang publiko kung paano makakatulong ang magandang estado ng utang na mapabilis ang transaksyon sa pangungutang. Halimbawa, masmabilis ang pagpropr...
  • Tagalog news: Ika-93 pagkakatatag ng Camarines Norte, Bantayog Festival binuksan kahapon

    DAET, Camarines Norte, Abril 16 (PIA) -- Pormal nang binuksan kahapon (Abril 15) ang mga gawain kaugnay ng pagdiriwang ng ika-93 pagkakatatag ng lalawigan ng Camarines Norte at ganon din ang ika-9 na Bantayog Festival ng pamahalaang panlalawigan. Ang pagdiriwang ay sinimulan sa umaga sa pamamagitan ng isang misa ng pasasalamat at sinundan ng isang pagtataas ng bandila sa pangunguna ni Gobernador Edgardo Tallado kasama ang mga bokal at mga alkalde ng mga bayan ng lalawigan na ginanap sa harapan ...
  • Tagalog news: Otoridad at citizen groups, nagharap sa dialogue ng 'Caritas Dialogue'

    LUNGSOD NG MASBATE, Abril 16 (PIA) -- Nagharap ang mga otoridad sa eleksyon at mga lider ng citizen groups sa ginanap na Caritas Dialogue sa lungsod ng Masbate kahapon (Abril 15). Para sa panig ng pamahalaan, lumahok sa dialogue sina Acting Assistant Regional Director Noriel Badiola ng Commission on Elections, Police Regional Director Chief Supt. Clarence Guinto, Armed Forces Southern Luzon commander Major General Caesar Ronnie Ordoyo, 9th Infantry Division commander Major General Romeo Calizo,...
  • Tagalog news: COMELEC mahigpit na ipapatupad ang 'Fair Election Act' sa Sorsogon

    LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 16 (PIA) -- Seryoso ang Comelec na ipatupad ang mga patakarang nakasaad sa Republic Act 9006 o Fair Election Act kaugnay ng gagawing halalan sa Mayo 13, 2013. Ito ang naging pahayag ni Provincial Election Supervisor Calixto Aquino sa ginawang paglulunsad ng “Bawal ang Epal Dito” campaign ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Huwebes sa Sorsogon. Aniya, hinintay lamang nilang matapos ang ginagawa nilang pagsasanay ng mga Board of Election In...
  • Tagalog news: Bayarin sa kuryente sa South Cotabato, aasahang tataas

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 16 (PIA) -- Aasahang tataas ng mula 40 hanggang 70 sentimo kada kilowatt hour ang singil sa kuryente simula sa Agosto kung matutuloy ang balak ng South Cotabato 1 Electric Cooperative (Socoteco 1) na umupa ng isang modular power generator. Ang pagrenta ng isang modular genset ang nakikita ng Socoteco 1 na solusyon sa nakaambang mahabang brownout simula sa Agosto dahil babawasan ng National Power Cor...
  • Tagalog news: Paglago ng mga taniman punongkahoy sa Bicol siniguro ng DENR

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 16 (PIA) -- Naglaan ng 10 toneladang abono ang Department of Environment and National Resources (DENR) para sa rehiyong Bicol upang masiguro ang mataas na porsyento ng paglago ng mga punong-kahoy na itatanim para sa kanilang National Greening Program. Ito ang binigyang-diin ni DENR Bicol Regional Executive Director Gilbert Gonzales matapos ang pagsiguro ng Ecosystem Research and Development Bureau (ERDB) na makalilikom sila sa ngayong semestrr ng 155 toneladang abono ...
  • Tagalog news: Energy supply contract nilagdaan sa pagitan ng Cotelco P-PALMA at Aboitiz Power

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 16 (PIA) -- Nilagdaan kamakailan ang isang energy supply contract (ESC) sa pagitan ng Cotabato Electric Cooperative (Cotelco) sa P-Palma Area at Therma South, Inc. (TSI) ng Aboitiz Power. Ito ay may kaugnayan sa ginagawang coal-fired power plant sa Toril Davao City. Sa ilalim ng kontrata, bibili ang Cotelco P-PALMA ng 5MW na kuryente mula sa 300-MW circulating-fluidized bed (CFB) sa coal plant ng Toril district. Ayon kay Felix Canja, general manage...
  • Tagalog news: Kidapawan City PNP, hiniling ang suporta ng publiko sa kampanya kontra kriminalidad sa lungsod

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 16 (PIA)-- Hiniling ng pamunuan ng Kidapawan City PNP sa North Cotabato sa mga mamamayan sa lungsod na patuloy na suportahan ang kanilang kampanya sa paglaban sa kriminalidad na nangyayari sa lungsod. Ito ay dahil sa patuloy na pagdami ng mga insidente ng panghoholdap at nakawan na naitala sa lugar. Ayon kay Kidapawan City PNP Police Director Joseph Semillano, nadaragdagan ang bilang ng mga nabanggit na krimen at partikular na biktima nito ay mga es...
  • Tagalog news: IPHO-Maguindanao, naalarma sa pagtaas ng bilang ng TB cases sa lalawigan

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 16 (PIA) -- Nagpahayag ng pagkabahala ang isang opisyal ng Integrated Public Health Office o IPHO Maguindanao sa pagdami ng bilang ng mga residenteng mayroong tuberculosis o TB sa probinsya. Sinabi ni IPHO-Maguindanao Chief Tahir Sulaik, nakapagtala sila ng higit 50 na panibagong kaso ng TB sa iba’t-ibang bahagi ng Maguindanao. Ayon pa kay Dr. Sulaik, matagal na silang humiling ng mga anti-TB drugs sa Department of Health central office subalit h...
  • Tagalog news: Nalin Flood Control Project, inaasahang maipatutupad pagkatapos ng eleksyon sa Mayo

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 15 (PIA) -- Umaaasa ang mga residente ng Barangay Nalin sa Midsayap, North Cotabato na masisimulan na ang Nalin Flood Control Project pagkatapos ng gaganaping eleksyon ngayong Mayo a-13. Kaugnay ng mas lumalalang pagguho ng pampang ng Libungan River sa bahagi ng nabanggit na barangay ay gumawa na ng kaukulang aksyon ang Department of Public Works and Highways o DPWH Cotabato Second Engineering District. Nagsumite na ng kaukulang dokumento ang opisina...
  • Tagalog news: Masinsinang minomonitor ng pamahalaan ang mga pangyayari sa Korea Peninsula ayon sa palasyo

    AGUSAN DEL SUR, Abril 16 (PIA) -- Patuloy na minomonitor ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga kaganapan sa Korean Peninsula partikular na ang plano ng North Korea para sa kanilang paglulunsad ng missile, ayon sa Malakanang noong Martes. Sa ginanap na press conference sa Malacañang, sinabi ni Secretary Raicky Carandang ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) na naalarma ang palasyo sa panong paglulunsad ng missile. “Kami ay nababahala sa mapanghamong a...
  • Tagalog news: Election reporting training ng NUJP ginanap sa lungsod ng Kidapawan, N. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 15 (PIA) -- Isinagawa kamakailan ang election reporting training sa lungsod ng Kidapawan sa North Cotabato na pinangunahan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP). Ang pagsasanay ay dinaluhan ng mga mamamahayag sa buong South at Central Mindanao partikular sa lungsod ng Cotabato, lungsod ng Tacurong sa Sultan Kudarat, lungsod ng Kidapawan at mga bayan ng Kabacan at Midsayap naman sa North Cotabato. Kabilang sa mga naging tagapagsal...
  • Tagalog news: DOST, magsasagawa ng Regional SME Tech Congress

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Abril 16 (PIA) -- Inaanyayahan ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga Small and Medium Enterprises sa Gitnang Luzon na dumalo sa isasagawang Regional SETUP (Small Enterprise Technology Upgrading Program) Congress. Ito ay gaganapin bukas, ika-17 ng Abril sa Ephatha Development Center sa Maimpis, lungsod ng San Fernando, Pampanga. Ang SETUP ay pambansang istratehiya na humihikayat at umaalalay sa mga SMEs sa pag-adopt ng mga technology innovatio...
  • Tagalog news: JICA, popondohan ang pagtatayo ng MRT 7

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 16 (PIA) -- Popondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang $1.23 bilyong MRT Line 7 na tatahak mula lungsod ng San Jose Del Monte sa Bulacan hanggang SM North EDSA. Sa isang press conference kamakailan, sinabi ni San Miguel Corporation (SMC) Chief Executive Officer Ramon Ang na dahil sa pagpopondong ito ng JICA ay tuloy-tuloy na ang konstruksyon ng tren na magbibigay ng ginhawa sa mga estudyante at nagtatrabaho. Noong taong 2008 pa ipinagkalo...
  • Tagalog news: Zero backlog sa classroom, target ng Bulacan sa Hunyo 2013

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 16 (PIA) -- Target ng pamahalaang panlalawigan at Department of Education (DepEd) ang zero backlog sa mga silid-aralan pagsapit ng Hunyo ngayong taon sa pamamagitan ng pagtatayo ng 1,942 silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa Bulacan. Mismong si Education Secretary Armin Luistro ang nag-anunsyo na ginugugol na ngayon ang halagang P800 milyong pondo para sa pagtatayo ng may 971 na mga silid-aralan sa lalawigan. Ang nasabing bilang ay nagsisilbing count...
  • Tagalog news: BIR, mga bangko inaasahang dadagsain sa huling araw ng paghahain ng ITR

    VIRAC, Catanduanes, Abril 15 (PIA)- Daan-daang taxpayer mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ang inaasahang dadagsa ngayon, Abril 15, sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa huling araw ng paghahain ng Income Tax Return (ITR). Ayon kay Virac Revenue District Officer Maria Noemi Pison, masmaiging humabol sa huling araw ng filing ng ITR at magbayad ng tamang buwis upang makaiwas sa penalties at surcharge. Dagdag pa niya, maaari umanong makasuhan ng "criminal charge of tax ev...
  • Tagalog news: DOLE, matagumpay na naresolba ang claim ng pamilya ng isang namayapang empleyado sa pamamagitan ng SENA

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Abril 15 (PIA) -- Matagumpay na naresolba ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang may P90,000 tulong pinansiyal para sa pamilya ng namayapang empleyadong si Hector Tribiana. Ani DOLE regional information officer Jerry Borja, si Tribiana na nagtatrabaho bilang isang lineman ng JoyCytel Inc na subcontractor ng isang kilalang telecommunications company ay namatay ng makuryente habang nag-i-install ng cable wire. Orihinal na naggawad ang kumpanya ng P80,...
  • Tagalog news: 70,000 trabaho inaasahang malilikha oras na magbukas ang NLEX-SLEX connector road

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 15 (PIA) -- Aabot ng hanggang sa 70,000 bagong trabaho ang inaasahang malilikha oras na magbukas ang Skyway na magdurugtong sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX). Ito ang sinabi ni Metro Pacific Investments Corporation (MPIC) President Ramoncito Fernandez sa ginanap na press conference sa Bulacan. Dagdag pa niya na layunin ng proyekto na mapabilis ang daloy ng mga produkto at maging maginhawa ang pagbibiyahe ng mga namamasahero at ...
  • Tagalog news: 15,715 estudyante sa Gitnang Luzon makakakuha ng SPES jobs ngayong taon

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Abril 15 (PIA) -- Nasa kabuuang 15,715 mahihirap ngunit karapatdapat na college at vocational students sa Gitnang Luzon ang mabibigyan ng oportunidad na magtrabaho sa mga pribadong kumpanya at lokal na pamahalaan ngayong taon sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES) ng gobyerno. Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Director Raymundo Agravante na Tarlac ang makakakuha ng pinakamaraming SPES slots na aabot sa 5,5...
  • Tagalog news: BPAT sa lungsod ng Kidapawan, N. Cotabato, umaasang matutugunan ang hiling na mga kagamitan

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 15 (PIA) -- Umaasa ang pamunuan Barangay Peace-keeping Action Team (BPAT) sa lungsod ng Kidapawan, North Cotabato na maibibigay na sa kanilang hanay ang mga hiniling na kagamitan tulad ng base at hand held radios. Ayon kay BPAT Federation President Danny Ahoc, importante ang naturang mga gamit upang mapabilis ang komunikasyon lalo na sa mga hindi inaasahang pagkakataon. Aniya, mas lalong kailangan ang mga kagamitan upang masawata ang mga panghohold...
  • Tagalog news: Occ Min kabilang sa pinalawak na Sikat Saka Program ng DA

    SAN JOSE, Occidental Mindoro, April 14 (PIA) -- Maspinalawak ng Department of Agriculture (DA) at Land Bank of the Philippines (LBP) ang sakop ng programang "Sikat Saka" sa buong bansa kung saan karagdagang 20 mga lalawigan pa ang mabebenipisyuhan kabilang ang Kanlurang Mindoro. Ito ay dahil sa naging matagumpay ang Sikat Saka sa unang apat na probinsyang binigyan ng aktibidad na ito o pilot provinces. Ang mga ito ay ang Isabela, North Cotabato, Iloilo at Nueva Ecija. Ang Sikat Saka ay tumatay...
  • Tagalog news: Charitable arm ng Katoliko sa Masbate, hinihiling sa citizen groups na magsanib pwersa laban sa political violence

    LUNGSOD NG MASBATE, Abril 13 (PIA) -- Nanawagan ang charitable arm ng Simbahang Katoliko sa Masbate ng pagsasanib pwersa ng grupo ng mamamayan para itaguyod ang kapayapaan sa panahon ng kampanya at botohan sa Mayo 13. Ayon sa executive director ng Caritas Masbate Foundation na si Msgr. Claro Caluya III, kailangan nagkakaisa ang "citizen groups" sa pagsuporta sa mga naatasang magsagawa ng halalan sa Mayo upang mangibabaw ang kapayapaan sa Masbate na ginulantang ng serye ng pamamaslang sa ilang k...
  • Pinakamahabang tulay sa Ilocos Sur naitayo

    LUNGSOD NG CANDON, Abril 13 (PIA) -- Pagkalipas ng 36 taon, natupad na rin ang matagal na pinapangarap ng mga katutubo sa pagbubukas na ng Aluling Bridge sa makasaysayang bayan ng Cervantes na itinuturing na pinakamahabang tulay sa Ilocos Sur. Ayon kay District Engineer Ray Elaydo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng ikalawang distrito, ang modernong tulay ay may habang 180 linear meters at 7.33 metro na laki o width na nagkakahalaga ng P191 milyon sa anim na phases mula noong 1...
  • Tagalog news: DepEd-ARMM, isinusulong ang dekalidad na edukasyon sa autonomous region

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 12 (PIA) -- Itinataguyod ng pamunuan ng Department of Education sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (DepEd-ARMM) ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga kabataan sa nabanggit na rehiyon. Kaugnay nito, apat na silid-aralan ang ibinigay kamakailan ng DepEd-ARMM sa isang elementary school sa Datu Unsay, Maguindanao. Ayon kay Maguindanao 1 Schools Division Supt. Meriam Kawit, labis ang pasasalamat ng mga estudyanteng Teduray sa nabanggit na p...
  • Tagalog news: Interbensyon ng DA 12 hiniling ng kalipunan ng mga magsasaka sa N. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 12 (PIA) -- Naglabas ng resolusyon ang Midsayap-Pigcawayan-Libungan-Northern Kabuntalan o MPLK Federation of Irrigators Association na humihiling sa Department of Agriculture Regional Office 12 na magsagawa ng interbensyon sa panahon ng rehabilitasyon. Nakasaad sa kahilingan ng mga magsasaka na mabigyan ng "alternative crops" tulad ng mais at buto ng mga gulay na maari nilang itanim. Isinumite ng MPLK ang resolusyon sa opisina ni North Cotabato 1st ...
  • Tagalog news: Araw ng Kagitingan pinangunahan ng PNP Sorsogon

    LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 12 (PIA) -- Pinangunahan ng Philippine National Police (PNP) Sorsogon Police Provincial Office Police Community Relations ang isang simpleng aktibidad bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan noong Abril 9. Alas otso nang simulan ang panalangin na sinundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang, ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Si Governor Raul R. Lee ang nagbigay ng welcome remarks habang naatasan namang magbigay ng closing remarks si Col. Joselito E. Kakilala, ang Brigade C...
  • Tagalog news: Mga natatanging indibidwal at IAs sa Rehiyon Dose pararangalan ng NIA 12

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 12 (PIA) -- Gagawaran ngayong araw ng National Irrigation Administration (NIA-Region 12) ang mga natatanging indibiwal at irrigators’ associations (IAs ) na may malaking kontribusyon sa pagsusulong ng gawain ng naturang tanggapan. Kabilang sa mga pararangalan ay ang Bulacanon IA ng Makilala, North Cotabato bilang Outstanding Communal Irrigation System (CIS) sa rehiyon. Tatanggapin naman ng Napal-Conel Road IA mula sa Lagao, General Santos City ang ...
  • Tagalog news: Mahigit 100 baril, nakumpiska sa Camarines Sur bunsod gun ban

    LUNGSOD NG NAGA, Abril 12 (PIA) -- Mahigit isang daang baril ang nasa pag-iingat na ngayon ng Philippine National Police (PNP) sa Camarines kaugnay ng mahigpit na pagpapatupad nito ng gun ban sa lalawigan. Kahapon, humarap sa media si PNP Camarines Sur officer-in-charge PSSupt. Ramir Bausa, kasama ang namumuno ng Scene of the Crime Operation (SOCO) ng PNP Crime Laboratory na si PCInsp. Ariel Ayusip at ipinakita ang mga nasabing nakumpiskang baril sa mga miyembro ng lokal na media dito. Ayon...
  • Tagalog news: Bilang ng turista sa lungsod ng Naga, inaasahan tataas

    LUNGSOD NG NAGA, Abril 12 (PIA) -- Inaasahang tataas ang bilang ng mga turista na dadagsa na naman dito ngayong Abril at sa mga susunod pang buwan ngayong taon dahil sa mga bagong eco-tourism sites katulad ng mga paliguang dagat at bukal, theme park at iba pa. Ayon kay Alec Santos, hepe ng Arts Culture and Tourism Office (ACTO) dito, humigit kumulang sa 200,000 lokal at dayuhang turista ang kanilang inaasahang dadagsa at mamamasyal sa lungsod. Kabilang sa mga listahan ng mga paboritong destin...
  • Tagalog news: Suporta sa ma CICL pinalalakas ng DSWD at JJWC

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 12 (PIA) -- Maspinatitibay ng Department of Social Welfare and Development Field Office 12 at ng Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC) ang kapasidad ng mga ahensiya at institusyon na sangkot sa pangangalaga ng kapakanan ng mga kabataang nagkakasala sa batas o CICL. Kamakailan, tinipon ng DSWD 12 at JJWC ang mga social worker, opisyal ng korte, lokal na opisyal at tagapangasiwa ng pangasiwa ng piitan para sa tatlong araw na sesyon na nakalaan...
  • Tagalog news: Bataan scholars, tatanggap ng dagdag P4,000

    LUNGSOD NG BALANGA, Bataan, Abril 12 (PIA) -- Mas magiging abot-kaya na ang kalidad na edukasyon sa Bataan matapos kumpirmahin ng mga matataas na opisyal dito na tataas ang scholarship grant mula P6,000 hanggang P10,000 taun-taon. Sa Iskolar ng Bataan program, libu-libong mag-aaral mula sa Ikalawang Distrito ng lalawigan ang tatanggap ng dagdag na P4,000 sa mga susunod na buwan kahit tapos na ang school year ngayon, ani Gobernador Enrique “Tet” Garcia Jr. Nilinaw din na hindi kabilang dito...
  • Tagalog news: Pagtasa at ebalwasyon sa katatapos na ‘Mt. Apo Summer Climb’, gagawin ng MENRO-Makilala

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 12 (PIA) -- Magsasagawa ng post climb assessment and evaluation ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Makilala, North Cotabato sa katatapos lamang na Mt. Apo Summer Climb. Ayon kay Makilala MENRO Engr. Walter Ruizo, ito ay upang malaman kung may mga paglabag na ginawa ang mga mountaineers. Sinabi ni Ruizo na sa mga nakalipas na Mt. Apo climb, maraming paglabag na namonitor ang MENRO partikular sa New Israel at Malumpini ...
  • Tagalog news: Brownout mararanasan ngayong araw sa ilang bahagi ng Tarlac at N. Ecija

    BALER, Aurora, Abril 12 (PIA) -- Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang nakatakdang pansamantalang pagsasara ng ilang pasilidad nito sa ilang bahagi ng Tarlac at Nueva Ecija ngayong araw, ika-12 ng Abril mula ika-8 nu hanggang ika-5 nh. Sinabi ni Lilibeth P. Gaydowen, ang North Luzon CorpComm & Public Affairs Officer ng NGCP na ang apektadong distribution utility ay ang Tarlac Electric, Inc. (TEI) at ang Tarlac Electric Cooperative 1 (Tarelco). Aniya, ang mga apek...
  • Tagalog news: Libo-libong Zambalenyo, nakinabang sa Medical at Dental Mission ng Balikatan 2013

    CAMP AQUINO, Tarlac, Abril 12 (PIA) -- May 3,000 Zambalenyo ang nakinabang kamakailan sa isinagawang Medical and Dental Civic Action Program (MEDCAP) ng mga Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Amerika bilang bahagi ng isinasagawang Balikatan 2013. Sa isang pahayag, inilahad ng Northern Luzon Command (Nolcom) na isinagawa ito sa South Central Elementary School sa barangay Lipay sa bayan ng Sta. Cruz, Inhobol Elementary School sa bayan ng Masinloc at Amungan Elementary School sa bayan ng Ib...
  • Tagalog news: Tax information campaign puspusang isinasagawa ng pamahalaan ng Palawan

    PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 12 (PIA) -- Puspusan ang isinasagawang tax information campaign ng pamahalaang panlalawigan upang mapataas ang koleksiyon ng buwis ngayon 2013. Sinimulan na sa bayan ng Narra noong Abril 10 ang serye ng kampanya ng Tanggapan ng Panlalawigang Ingat Yaman kaugnay sa pangangalap ng buwis para sa mga ari-ariang di natitinag. Ayon kay Provincial Treasurer Elino Mondragon, umabot sa 210 ang dumalo sa ipinatawag nilang pagtitipon sa bayan ng Narra. Ilan sa mga dumalo ...
  • Tagalog news: 72 most wanted arestado ng Bulacan PNP

    CAMP GENERAL ALEJO S. SANTOS, Bulacan, Abril 12 (PIA) -- May kabuuang 72 "most wanted persons" ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) sa loob lamang ng buwan ng Marso. Sinabi ni BPPO Officer-In-Charge PSUPT. Joel Orduña na ang serye ng mga operasyon ay bahagi ng kanilang patuloy na pagtugis sa mga most wanted persons upang mapababa ang crime rate sa probinsya at mabigyan ng hustisya ang mga biktima. Sa tala ng pulisya, nanguna ang San Jose del M...
  • Tagalog news: 200 estudyante tutulungan ng lungsod ng Tabuk sa pamamagitan ng SPES

    LUNGSOD NG TABUK, Kalinga, April 12 (PIA) -- May 200 na mag-aaral ang tutulungan ng pamahalaang lungsod ng Tabuk ngayong bakasyon sa pamamagitan ng Special Program for Employment of Students (SPES) program ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ayon kay Tabuk City Public Employment Service Office (PESO) Manager Loyda Saboy, may ibinigay na 102 slots ang DOLE sa lungsod ng Tabuk para sa kanilang counterpart scheme. Upang mas makatulong pa ng masmaraming mag-aaral, nagdagdag aniya ang lu...
  • Tagalog news: 1,803 Bulakenyo, benepisyaryo ng Gamot Para sa Kapwa-Medical Mission

    MARILAO, Bulacan, Abril 12 (PIA) -- Mahigit sa 1,800 Bulakenyo ang nabibiyayaan ng libreng serbisyong medikal handog ng SM Foundation sa ginanap na “Gamot Para sa Kapwa-Medical Mission Mall Caravan sa SM City Marilao kamakailan. Sa pamamagitan ng mobile clinic, sinuri ang mga benepisyaryo at dumaan sa mga eksaminasyon sa laboratoryo tulad ng electro cardiograph (ECG), x-ray tests, urinalysis, bone density scan, blood pressure at libreng eksaminasyon sa mata. Namahagi rin ng iba’t ibang kl...
  • Tagalog news: 30 paaralan kinilala sa natatanging pangangalaga sa kapaligiran

    LUNGSOD NG BATANGAS, Abril 11 (PIA) -- Pinarangalan kamakailan ng Batangas city solid waste management board (BCSWMB) ang 30 paaralan sa lungsod dahil sa kanilang natatanging pangangalaga sa kapaligiran. Sinabi ni Dr. Rommel Bautista city schools superintendent na malaking bagay ang pagkakaroon ng mataas na pagkakaunawa ng mga estudyante sa pangangalaga sa kapaligiran. Sumailalim sa masusing ebalwasyon ng technical working committee (TWC) ng BCSWMB ang ilan sa mga paaralang ginawaran ng pagki...
  • Tagalog news: Biyaheng eroplano ng Puerto Princesa - Coron muling ibabalik

    LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 11 (PIA) -- Muli nang magkakaroon ng permanenteng biyahe ng eroplano mula lungsod ng Puerto Princesa patungong Coron sa bahaging norte ng lalawigan. Ito ay ayon kay Maribel Buni, Chief Tourism Operation officer ng pamahalaang panlalawigan. Ani Buni, mula sa Mayo 17 ay ibabalik muli ng Air Philippines ang naturang ruta at ikokonekta ito sa Visayas partikular sa Bacolod at Caticlan. Sa pamamagitan nito ay malaki ang inaasahang pagtaas ng bilang ng mga ...
  • Tagalog news: Mamamahayag, maaari ng magpa-akredit sa COMELEC ng Camarines Norte

    DAET, Camarines Norte, Abril 11 (PIA) -- Maaari ng magsadya ngayon sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) dito ang mga mamamahayag mula sa istasyon ng radyo, mga pahayagan at lokal na telebisyon sa lalawigan ng Camarines Norte. Ito ay para sa pagsusumite ng Media Accreditation para sa isasagawang halalan sa darating na Mayo 13 ngayong taon. Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Romeo G. Serrano, ang huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon ay hanggang Abril 15 lamang sa tang...
  • Tagalog news: Babaeng OFWs sa Bicol dumarami– OWWA

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 11 (PIA) -- Dumarami ang bilang ng mga kababaihang nagtatrabaho sa ibang bansa kumpara sa bilang ng mga kalalakihan, ayon sa tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa rehiyong Bicol. “Naitala namin ang patuloy na pagdami ng kababaihang overseas Filipino Workers (OFWs) at karamihan sa kanila ay domestic helpers sa ibang bayan,” ito ang sinabi ni OWWA Bicol Regional Director Jocelyn Hapal sa isang panayam sa programa sa radio na “Aramon Ta Daw...
  • Tagalog news: 25% load dispatch, hiniling ng mga grupo ng kababaihan sa N. Cotabato sa DoE

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 11 (PIA) -- Nanawagan sa Department of Energy (DoE) ang isang grupo ng mga kababaihan na nakabase sa North Cotabato na ipagkaloob sa probinsya ang 25 porsiyentong emergency load dispatch na nagmumula sa dalawang geothermal power plants sa Bundok Apo. Ito ay dahil pa rin sa nararanasang rotational brown-out sa lalawigan na umaabot sa anim hanggang walong oras kada araw. Kaugnay nito, isinusulong din ng Kidapawan City-Local Council of Women (KC-LCW) an...
  • Tagalog news: Mga political billboards mahigpit na ipinapatupad

    LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 11 (PIA) -- Mahigpit ang kautusang ipinalabas ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Romeo S. Momo sa mga regional director ng DPWH ukol sa pagtanggal ng mga political billboard na malapit sa mga proyekto ng DPWH. Ayon kay DPWH Asst. Regional Director Engr. Jesus E. Salmo, napakarami nang mga reklamo ang natatanggap ng DPWH Central Office na nagkalat ang mga political billboard na inilalagay ng mga kandidato at taga-suporta nito malapit sa mg...
  • Tagalog news: Aplikasyon sa iskolarship sa lungsod ng Koronadal, S. Cotabato, nagpapatuloy

    LUNGSOD NG KORONDAL, South Cotabato, Abril 11 (PIA) -- Patuloy pa ring tumatanggap ng aplikasyon para maging "Iskolar ng Koronadal" (ISKO) ang pamahalaang panlungsod ng Koronadal sa lalawigan ng South Cotabato. Ito ang kinumpirma ni ISKO Secretariat Jean Sunga. Kaugnay nito, sinabi ni Sunga na sa kasalukuyan, aabot na sa 97 kabataan sa nabanggit na lungsod ang nakapag-apply para maging iskolar ng city government. Dagdag pa niya, magpapatuloy ang kanilang pagtanggap ng mga aplikasyon hanggang ...
  • Tagalog news: Gubernador ng Tarlac pinangunahan ang seremonya ng 'Paggunita sa Capas'

    CAPAS, Tarlac, Abril 11 (PIA) -- Pinangunahan kahapon, Abril 10, ni Tarlac Governor Victor Yap ang remembrance ceremony para sa mga Pilipino at Amerikanong sundalo na naging bahagi ng 1942 Death March sa Capas National Shrine, Tarlac. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Yap na ang Paggunita sa Capas ay selebrasyon ng demokrasya at pagpapasalamat sa kagitingan ng mga sundalong piniling mamamatay para sa bayan. Iniialay aniya nila ang kanilang mga buhay bilang kabayaran sa kalayaan ng minamahal na b...
  • Tagalog news: Nananatiling walang red tide ang Gitnang Luzon

    BALER, Aurora, Abril 11 (PIA) -- Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na walang red tide ang Region 3. Sa ipinalabas na bulletin noong ika-3 ng Abril, sinabi ng ahensiya na ang mga lalawigan ng Bulacan, Bataan, at Zambales ay patuloy na walang nakalalasong red tide. Ang mga baybaying tubig ng Bulacan at Bataan sa mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Orani, Abucay, Samal at ang Lungsod ng Balanga at Masinloc Bay sa Zambales ay nananatiling walang nakalalasong red...
  • Tagalog news: Groundbreaking ng access road para sa P362-M na sanitary landfill sa Gensan gagawin ngayong araw

    LUNGSOD NG HENERAL SANTOS, Abril 11 (PIA) -- Gagawin ngayong araw ang groundbreaking ng apat na kilometrong access road para sa 362 milyong pisong sanitary landfill sa Barangay Sinawal dito lungsod kasabay din ng ribbon cutting ceremony para sa iba pang mga pasilidad. Ayon kay Engr. Nael Cruspero, hepe ng City Planning and Development Office (CPDO) ang proyekto ay pinondohan sa pamamagitan ng “soft loan” mula sa World Bank (WB) at inaasahang sasagot sa problema sa basura ng lumalagong lungs...
  • Tagalog news: PNP magsasagawa ng Security Sector and Civil Society Forum

    LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 11 (PIA) -- Isang talakayan sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at ng mga lider at kinatawan ng Civil Society Organization at non-partisan group ang nakatakdang pangunahan ng Sorsogon Police Provincial Office ngayong araw, Abril 11, sa Villa Isabel, lungsod ng Sorsogon. Sa ipinadalang impormasyon sa tanggapan ng PIA Sorsogon, layunin ng aktibidad na tinagurian nilang “Security Sector and Civil Society Forum” na mapaigting at masustinihan ang pagpapatupa...
  • Tagalog news: Citizen’s Satisfaction Center Seal of Excellence Award, iginawad sa DTI Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 11 (PIA) -- Ginawaran kamailan ng Civil Service Commission (CSC) ang Department of Trade and Industry (DTI) Bulacan provincial office ng Citizen’s Satisfaction Center Seal of Excellence Award matapos makapagtala ng mataas na marka ng pagbibigay serbisyo sa publiko. Ayon sa Report Card Survey (RCS) ng CSC, nakapagtala ang DTI Bulacan ng markang 95.75 puntos kasama ng 27 iba pang ahensiya ng pamahalaan na may gradong 90 hanggang 100. May kabuuang 305 governme...
  • Tagalog news: NSO-Quezon nagsasagawa ng census of Philippine business and industry

    LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Abril 11 (PIA) -- Sinimulan na ng National Statistics Office (NSO) ang pagsasagawa ng Census of Philippine Business and Industry (CPBI) ngayong Abril na matatapos sa Hulyo 31, 2013. Layunin nito na makakolekta at makapangalap ng mga datos o impormasyon tungkol sa kalagayan, antas, at direksiyon o galaw ng ekonomiya sa buong bansa. Ang survey ay isasagawa sa pamamagitan ng pagbisita sa mga business establishments upang sagutin ang mga tanong na nakalagay sa question...
  • Tagalog news: DSWD Municipal Convergence Caravan isinasagawa sa bayan ng Pto. Diaz

    LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 11 (PIA) -- Isang convergence caravan ang ginaganap ngayon sa bayan ng Pto Diaz sa pangunguna ng Pantawid Pamilya Program (4Ps), Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive Integrated Delivery of Social Service (Kalahi-CIDDS) at Self-Employment Assistance – Kaunlaran (SEA-K) ng DSWD. Ito ay kasabay ng isinasagawang panlalawigang paglulunsad ng kampanyang “Bawal ang Epal Dito” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw sa lungsod ng ...
  • Tagalog news: Upper Valley Community Hospital matatapos na sa Hunyo

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 10 (PIA) -- Nakatakdang matapos sa buwan Hunyo ang pagtatayo ng Upper Valley Community Hospital sa bayan ng Surallah, South Cotabato. Kinumpirma ni Gov. Arthur Y. Pingoy Jr. na ceiling at paglalagay ng tiles na lang ang tinatatapos para makumpleto na ang pagtatayo ng nasabing pampublikong pagamutan. Aniya maipagmamalaki ng sinuman ang naturang ospital dahil naiiba ang pagkakagawa nito sa mga karaniwang ospital ng pamahalaan. Pinondohan ...
  • Tagalog news: Barangay health workers ng Tabuk nagsanay para sa pangkabuhayan

    LUNGSOD NG TABUK, Kalinga, Abril 10 (PIA) -– Nagsanay kamakailan ang may 59 Barangay Health Workers (BHWs) ng Tabuk City sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Tabuk City Municipal Health Office na pinangungunahan ni Dr. Henrietta Bagayao. Ayon kay Tabuk City Public Employment Service Office (PESO) Manager Loyda Saboy, sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagsasanay para sa pangkabuhayan, nais matulungan ng pamahalaang lungsod ang kanilang mga BHWs na magkaroo...
  • Tagalog news: Qualified senior citizens ng Antipolo tumanggap ng quarterly pension

    LUNSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Abril 10 -- Tinanggap ng mga nakatatandang mamamayan sa lungsod ng Antipolo ang kanilang quarterly pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Office, Office of Senior Citizens Affair (OSCA) at Antipolo Federation of Senior Citizens, Inc. (AFSCI). Binati din ni Antipolo City Mayor Nilo Leyble ang mga Senior Citizens na may edad 77 at pataas na kabilang sa mahihirap na mamamayan sa lung...
  • Tagalog news: Kawani ng gobyerno sa Ifugao nakiisa sa pagbigkas ng Panatang Makapalay

    LAGAWE, Ifugao, Abril 10 (PIA) -- Mahigit 100 kawani ng gobyerno dito ang nakiisa sa pagbigkas ng “Panatang Makapalay” kamakailan bilang tanda ng suporta sa adhikaing pagkamit ng sapat na bigas sa bansa. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng National Food Authority (NFA) dito sa probinsiya na dinaluhan ng iba't ibang nasyunal at lokal na opisina sa capitol compound ng Lagawe, Ifugao. Ayon sa panatang makapalay, bilang isang mamamayang Pilipino ay nakikiisa na huwag magsayang ng kanin a...
  • Taglog news: Operation libreng tuli handog ng Antipolo CHO

    LUNSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Abril 10 -- Isinagawa kamakailan ng Antipolo City Health Office (CHO) ang “Operation Libreng Tuli” para sa mga mahihirap na kabataan sa lungsod ng Antipolo. Ginaganap ng CHO ang programang tuwing bakasyon taon-taon para sa mga kabataang lalaki mula siyam hanggang 15 taon. Ayon kay Dr. Antonio Reillo Jr., City Health Officer, malaking tulong ito sa mga kabataang taga Antipolo, lalo na sa mga mahihirap na mamamayan na nais magpatuli nang ligtas at maayos. “Panah...
  • Tagalog news: Likhang Sining ng mga Bulakenyo, gagawing pang-akit sa mga turista

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 10 (PIA) -- Gagamiting atraksyon sa mga turistang nais bumisita sa Bulacan ang mga obrang likha ng mga lokal na pintor. Sa ginanap na pulong ng Bulacan Tourism Convention & Visitors Board (BTCVB), isang samahan ng mga nagtataguyod at mamumuhunan sa industriya ng turismo, binigyang diin na malaki ang magiging bahagi ng mga likhang sining sa pagpapalakas ng turismo sa probinsya. Sinabi ni BTCVB President Jose Clemente na magiging matagumpay ang pagpapakilala ...
  • Tagalog news: Mga atleta mula sa lungsod ng Cotabato, todo sa pagsasanay para sa Palarong Pambansa

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 10 (PIA) -- Puspusan ngayon ang pag-eensayo ng mga atleta mula sa lungsod ng Cotabato bilang paghahanda sa nalalapit na Palarong Pambansa 2013. Kaugnay nito, kasalukyang nagsasanay sa lungsod ng Koronadal sa South Cotabato ang 15 mga atleta ng lungsod ng Cotabato kasama ang iba pang mga atleta sa buong Rehiyon Dose na nanalo sa Cotabato Regional Athletic Association (CRAA) kamakailan. Samantala, kumpiyansa naman si Cotabato City schools division Spor...
  • Tagalog news: Pagpapasigla sa Balagtasan, sentro ng ika-225 taon ni Francisco Balagtas

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 10 (PIA) -- Ipinagdiwang ang ika-225 taong Kaarawan ni Gat Francisco Balagtas Baltazar sa pamamagitan ng pagpapasigla sa Balagtasan na ginanap sa kanyang tahanan sa Panginay, Balagtas, na dati ay tinatawag na Bigaa. Sa pasimula ng programa, nagpakitang gilas sa larangan ng Balagtasan ang piling mag-aaral ng Francisco Balagtas Memorial School na nagtatalakay ng kahalagahan ng tradisyon sa makabagong pamamaraan ng pagbabalagtasan. Sumentro ang nasabing Balagta...
  • Tagalog news: Scholarship ng Koronadal City LGU, tumatanggap na ng aplikante

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 10 (PIA) -- Bukas na para sa mga aplikante ang "Iskolar ng Koronadal" o ISKO Scholarship program ng pamahalaang panglungsod ng Koronadal. Sa isang panayam sinabi ni Jean Sunga na namamamahala sa ISKO program, 50 bagong scholars ang kanilang hinahanap ngayong taon para makapag-aral ng kolehiyo. Bukas ang ISKO program sa mga binata o dalagang residente ng Koronadal na may edad 30 taong gulang pababa at napapabilang sa mahihirap na pamilya, walang g...
  • Tagalog news: COTELCO-PPALMA Management humingi ng paumanhin sa mga konsumidores

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 10 (PIA) -- Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco-Ppalma sa mga konsumidores nito dahil sa nararanasang "rotational brownout." Ipinahayagag ni Cotelco-Ppalma OIC Manager Felix Canja ang "sincere apologies" ng kooperatiba dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente para sa distrito uno ng North Cotabato. Sa layunin umano nilang makapagbigay ng dekalidad na serbisyo ay hindi nila ito magawa dahil sa lumalaking kawal...
  • Tagalog news: Voters education campaign at political forum pinangunahan ng Simbahan

    LUNGSOD NG NAGA, Abril 10 (PIA) -- Papangunahan ng Archdiocese of Caceres dito sa lungsod ng Naga ang pagsasagawa ng intensive voters education o ang tinatawag na Caceres Catholic Vote ngayong parating na halalan sa Mayo 13, 2013. Ayon kay Fr. Louie Occiano, director ng Caceres Commission on Communications (CCCom), makakatuwang ng simbahan sa voters education campaign ang mga seminarians ng Holy Rosary Major Seminary. Bibisita ang mga ito sa barangay na binubuo ng 64 na parokya ng Archdiocese n...
  • Tagalog news: Mga sanggol sa Kabacan, N. Cotabato, isasailalim sa Garantisadong Pambata Program ng DOH

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 10 (PIA) -- Isasailalim sa taunang Garantisadong Pambata (GP) Program ng Department of Health (DOH) ang mga 17 buwang sanggol pababa sa bayan ng Kabacan, North Cotabato. Sinabi ni Municipal Health Emergency Management staff Honey Joy Cabellon, na nakatakdang gawin sa Abril 15 hanggang sa Mayo 22 ang aktibidad. Sa ilalim nito, magkakaroon ng pagtitimbang, pagbibigay ng libreng Vitamin A at deworming. Dagdag pa rito, bibigyan din ang mga buntis at mga...
  • Tagalog news: Talakayan ng mga magsasaka at mangingisda isasagawa sa Camarines Norte

    DAET, Camarines Norte, Abril 10 (PIA) -- Isasagawa ngayong araw ang talakayan ng samahan ng mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng “Farmers and Fisherfolks Forum” sa agro-sports center ng kapitolyo probinsiya. Pangungunahan ito ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) katuwang ang mga tanggapan ng Regional Field Unit V ng Department of Agriulculture (DA RFU V), National Irrigation Administration (NIA)...
  • Tagalog news: Gubernador ng Tarlac pangungunahan ang seremonya ng 'Paggunita sa Capas'

    CAPAS, Tarlac, Abril 10 (PIA) -- Pangungunahan ngayong araw ni Tarlac Governor Victor Yap ang remembrance ceremony para sa mga Pilipino at Amerikanong sundalo na naging bahagi 1942 Death March sa Capas National Shrine, Tarlac. Mag-aalay si Yap ng bulaklak sa dambana at maglalaan din ng sandaling katahimikan habang pinatutunog ang kampana ng isang beterano ng World War II at isang estudyante ng high school. Ito ay susundan ng paggawad ng medalyon, plake at sertipiko ng pagkilala sa mga bayani n...
  • Tagalog news: P-Noy, pangungunahan ang ika-71 paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong araw

    PILAR, Bataan Abril 9 (PIA) -- Pangungunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang ika-71 paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong araw sa Dambana ng Kagitingan, Pilar, Bataan. Mag-aalay ng bulaklak ang punong ehekutibo sa dambana at pagkatapos ay maglalaan ng maikling sandali ng katahimikan. Matapos nito ay magbibigay ng mga mensahe sina Japanese Ambassador Toshinao Urabe at United States Ambassador Harry Thomas at kasunod nito ang pangunahing mensahe ng Pangulo. Ginugunita tuwing Araw ng Kagit...
  • DOLE Job Fair Pre-registration, nagsimula na

    BALIWAG, Bulacan Abril 9 (PIA) - Magandang balita para sa mga naghahanap ng bagong trabaho. Sinimulan kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipagtulungan ng Municipal Public Employment Service Office (PESO) ang maagang pagpapatala para sa mga jobseekers o naghahanap ng trabaho kaugnay ng nalalapit na Labor Day Job Fair sa Mayo 1 sa SM City Baliwag. Ang pagsasagawa ng pre-registration para sa mga aplikante ay magpapabilis ng proseso ng kanilang aplikasyon sa mismong araw ...
  • Tagalog news: NGCP nagpa-alala na iwasang magpalipad ng saranggola malapit sa transmission lines at tore

    LUNGSOD NG LUCENA, Abril 9 (PIA) -- Nagbabala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pamamagitan ni Nelson Bautista, Regional Communications officer ng NGCP, south Luzon region sa mga taga Quezon at karatig lalawigan nito partikular yaong malapit sa transmission lines na maging maingat ngayong bakasyon. Sa panayam ng mga mamamahayag ng Quezon, sinabi ni Bautista na kapag bakasyon, maraming kabataan ang nagpapalipad ng saranggola malapit sa mga tower at transmission lines n...
  • Tagalog news: Babala ng DTI, pag re-fill ng LPG sa butane canister, delikado

    LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, April 9 (PIA) --Nagbigay babala kahapon ang Department of Trade and Industry (DTI)-Quezon provincial office sa lahat ng mga mamimili sa lalawigan ng Quezon na huwag mag refill ng liquefied pertroleum gas (LPG) sa butane canisters sapagkat ito ay delikado. Sinabi ni Pablito Budoy ng DTI-Quezon na ang butane canisters ay yari sa lata at hindi ito refillable. "Ang maaari lamang ilagay sa canister ay butane gas, hindi LPG. Kapag LPG ang inilagay ay maaari itong s...
  • Tagalog news: Kandidato ng La Union lumagda ng peace covenant

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Abril 9 (PIA) -- Muling naghayag ng kani-kanilang pangako ang mga kandidato sa La Union nuung Linggo sa St. William the Hermit para sa malinis, tapat, responsible, makabuluhan at ligtas na eleksiyon. Sa covenant signing, sinabi ni Senior Supt. Ramon L. Rafael, La Union Provincial Police Office director na ito’y may layong maipakita ang kanilang hangaring magkaroon ng payapa at maayos na halalan sa Mayo. “Hindi lamang tayo naririto upang magsalita at pumi...
  • Tagalog news: iTAX System, inilunsad sa ilang bayan ng OrMin

    CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 9 (PIA) -- Inilunsad kamakailan ang Integrated Tax o iTAX Management System sa mga bayan ng Socorro, Pinamalayan at Bongabong. Ito ay makabagong sistema ng real property assessment, collection, billing at iba pang may kaugnayang gawain gamit ang modernong teknolohiya ng computer. Layunin ng nasabing sistema ang mapabilis at mapadali ang pagtatasa, pagbubuwis at pagmamantina ng mga mahahalagang dokumentong may kaugnayan sa mga ari-aring di-natitinag sa lalawigan...
  • Tagalog news: Provincial government ng Ifugao naghire ng 55 SPES beneficiaries

    LAGAWE, Ifugao, April 8 (PIA) -- May 55 na mag-aaral ang binigyan ng provincial local government unit (PLGU) ng pagkakataon na magtrabaho ngayong bakasyon sa ilalim ng Special Program for Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ang mga nasabing mag-aaral ay mga napili sa 357 na aplikante sa buong lalawigan kung saan sila ay dumaan sa interbyu at pagsusulit upang matukoy kung sino ang karapat-dapat na SPES beneficiaries. Ayon kay Claire Calingayan ng Provinci...
  • Tagalog news: Pigcawayan, N.Cotabato tumanggap ng daan- daang coffee seedlings

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 8 (PIA) -- Aabot sa 600 mga coffee seedlings ang tinanggap noong nakaraang Huwebes ng mga mamamayan mula sa dalawang barangay sa bulubunduking bahagi ng Pigcawayan, North Cotabato. Ipinamahagi sa Barangay New Culasi ang 300 robusta coffee seedlings na tinanggap ni Brgy. Captain Antonio Rafael. Samantala, tumanggap rin ng kaparehong bilang na pananim na kape ang Barangay Molok na kasalukuyang pinamumunuan ni Brgy. Captain Mary Ann Vicencio. Kapwa nag...
  • Tagalog news: Mga guro at estudyanteng Muslim sa Gensan sumailaim sa Digital Arabic Inscription training

    LUNGSOD NG GENERAL SANTOS, Abril 8 (PIA) -- Halos 100 estudyante at mga gurong Muslim ang sumailalim kamakailan sa “Digital Arabic Inscription training” na isinagawa ng SHEEP-Computer Literacy Program (CLP) ng pamahalaang lokal. Ayon sa hepe ng SHEEP-CLP na si Percival Pasuelo ang mga lumahok ay binubuo ng 52 na mga mag-aaral ng Madaris, 48 na mga “asatidz” o mga gurong Muslim at mga estudyante mula sa programang Arabic Language and Islamic Values Education (ALIVE). Ani Pasuelo, layuni...
  • Tagalog news: Tourism investment conference pinaghahandaan ng AVLDA

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 8 (PIA) -- Ngayon pa lang, pinaghahandaan na ng Allay Valley Landscape Development Alliance (AVLDA) ang South Mindanao Tourism Investment Conference (Tourism iCon) na nakatakda sa Setyembre 16 hanggang 18 ng taong kasalukuyan. Nakatuon ang naturang pagpupulong na gaganapin sa lungsod ng General Santos sa paghihikayat sa masmarami pang mga mamumuhunan, kalakalan at palitan ng mga kaalaman tungkol sa turismo, lalung lalo na sa Timog Mindanao at...
  • Tagalog news: Para maitaguyod ang turismo at ekonomya, modernong convention center ang itinatayo para sa Ilocos Sur

    LUNGSOD NG VIGAN, Abril 8 (PIA) -- Kasalukuyang itinatayo ang modernong Convention Center sa Ilocos Sur na may limang palapag at 10,500 sitting capacity na magsisilbing venue ng mga lokal, nasyunal at internasyunal na kumbensyon para maitaguyod ang turismo at ekonomya sa probinsya. Ayon kay Provincial Engineer Virgilio Llanes, nasimulan na ang malaking proyektong ito noong nakaraang taon sa bakanteng lote na pag-aari ng pamahalaan sa Barangay Tamag, malapit sa University of Northern Philippine...
  • Tagalog news: 8 paaralan sa Ifugao, tumanggap ng computer dahil sa mahusay na pagpapatupad ng Gulayan

    LAGAWE, Ifugao, Abril 8 (PIA) -- Walong pampublikong paaralan sa Ifugao ang tumanggap ng computer sets dahil sa mahusay na pagpapatupad ng Gulayan sa Paaralan program ng Department of Education (DepEd). Ang mga nabatid na pampublikong paaralan ay tinanghal bilang “best implementors” ng proyektong Gulayan sa Paaralan sa ilalim ng plot at container categories na ipinatupad ng DepEd sa lalawigan. Sa plot category, ang Baguinge at Bolog elementary schools ng Kiangan; Ngileb Elementary School ...
  • Tagalog news: NSO, sinimulan na ang business performance survey sa Ilokos

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Abril 8 (PIA) -- Sinimulan na ng Pambansang Tanggapan ng Estadistika o National Statistics Office (NSO) sa Ilokos ang isang senso upang malaman ang kalagayan ng rehiyon sa larangan ng pagnenegosyo at ekonomiya sa taong 2012. Ang 2012 Census of Philippine Business and Industry o CPBI ay nagsimula na noong Abril 1 na may layong makapangolekta ng datos sa empleyo at pasahod, kita at gastos, yaman, at capital ng establisyimento sa rehiyon. Ayon kay Socrates Ramor...
  • Tagalog news: Kampanyang 'Bawal ang Epal Dito' inilunsad ng DSWD sa Camarines Norte

    DAET, Camarines Norte, Abril 8 (PIA) -- Inilunsad noong Biyernes, Abril 5, ang “Bawal ang Epal Dito” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang bigyan ng kamalayan ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na huwag magpagamit sa mga pulitiko kaugnay ng paparating na halalan sa ika-13 ng Mayo ngayong taon. Ayon kay DSWD Regional Director Arnel B. Garcia, may mga ulat na nakarating sa kanilang tanggapan kung saan di umano’y ang mga benepisyaryo ng 4...
  • Tagalog news: PCOS, 'tamper proof' – DOST

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 8 (PIA) -- Pinawi ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga maling balita at pagdududa na pwedeng dayain o manipulahin ang makinang Precinct Count Optical Scanner (PCOS). “Eksakto at maasahan ang mga PCOS na nagbibigay sa atin ng kasiguruhan ng isang mapagtitiwalaan at makatotohanang eleksyon,” sabi ni DOST Regional Director Tomas Brinas sa programang “Hatol ng Bayan” na isinahimpapawid ng PTV-8 Legaspi ngayong linggo. Sa pagtugon sa mga tanong n...
  • Tagalog news: South Cotabato naghahanda na National Nutrition Honor Award

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 8 (PIA) -- Nais ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato na makamit ang National Nutrition Honor Award, ang pinakamataas na parangal sa larangan ng nutrisyon sa buong Pilipinas. Dahil dito, ayon kay provincial nutrition officer Ma. Ana Uy, lubos ang kanilang mga paghahanda para sa paparating na national nutrition evaluation ng National Nutrition Council. Kampante naman si Uy na malaki ang tsansa n...
  • Tagalog news: IPHO-North Cotabato, nananawagan sa publiko na pabakunahan ang kanilang alagang aso

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 8 (PIA) -- Maspinaigting ang panawagan ngayon ng pamunuan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng lalawigan ng North Cotabato sa mga mamamayan na pabakunahan ang kanilang mga alagang aso. Ito ay matapos naitalang apat katao ang namatay dahil sa aso sa loob ng unang tatlong buwan ng 2013. Ayon kay Cotabato Provincial Health Officer Dr. Dovia Tabugo, ang mga nasawi dahil sa kagat ng aso ay mula sa mga bayan ng Carmen, Kabacan, Matalam at Alama...
  • Tagalog news: Inhinyero, nars hinihikayat pumasok sa Air Force

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 8 (PIA) - Mas palalakasin ng Philippine Air Force (PAF) ang hanay nito sa pagpapahayag ng serye ng pagsusulit para sa mga interesado maging kasapi nito sa itinakdang mga lugar sa buong bansa. “Ang mga nagnanais maging kasapi ay maaring manggaling sa hanay ng mga nagsipagtapos sa kolehiyo gaya ng mga enhinyero at mga nars,” ito ang sinabi ni Colonel Pedro Francisco III, PAF Group Commander ng Tactical Operations Group (TOG) 5 na nakabase sa Albay sa isang panayam sa...
  • Tagalog news: Cotelco, bibili ng 5MW-generation set upang madagdagan ang suplay ng kuryente sa North Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 8 (PIA) -- Nakatakdang bumili ng 5MW-generation set ang Cotabato Electric Cooperative (Cotelco) upang madagdagan ang suplay ng kuryente at mabawasan ang "rotational brown-out" sa lalawigan ng North Cotabato. Ayon kay Cotelco spokesman Vincent Baguio nakipag-usap na ang kanilang pamunuan sa dalawang independent power producers (IPPs) sa Mindanao kung saan maaaring makabili ng generation set. Aniya, sa ngayon ay nasa "finalization stage" na sila ng pro...
  • Tagalog news: ERC dininig ang P185-M na mga panukalang proyekto ng SOCOTECO II

    LUNGSOD NG GENERAL SANTOS, Abril 8 (PIA) -- Matagumpay ang naging public hearing ng South Cotabato Electric Cooperative (Socoteco II) para sa ilang panukalang proyekto ng kooperatiba na nagkakahalaga ng P185,108,186. Iprinisinta ng Socoteco II and proyekto sa mga representante ng Energy Regulatory Commission na pinangungunahan ni Commissioner Gloria Victoria Yap-Taruc bilang hearing officer noong Miyerkules, Abril 3, na ginanap sa Conference Room nito. Ang naturang proyekto ay binubuo ng dala...
  • Tagalog news: Pansamantalang pagsasara ng irigasyon sa unang distrito ng N. Cotabato, ipinaliwanag ng NIA-LibRIS

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 8 (PIA) -- Inihayag ng pamunuan ng National Irrigation Administration- Libungan River Irrigation System (NIA-LibRIS) na nagkakaroon ng mga pansamantalang pagsasara ng mga irigasyon sa unang distrito ng North Cotabato dahil sa mga isinasagawang pagsesemento sa mga gilid ng kanal. Ito ay upang hindi mabahala ang mga magsasaka sa pagbabago ng "cropping calendar" partikular sa mga lugar na siniserbisyuhan ng naturang sistema ng patubig. Sinabi ni Bulacao...
  • Tagalog news: Apat na bayan sa South Cotabato wala nang bagong kaso ng malaria

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 8 (PIA) -- Apat na bayan sa South Cotabato ang nadagdag kamakailan sa mga lugar na wala ng kaso ng malaria, ayon sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) Sa isinagawang pulong kamakailan ng Global Fund – Malaria Project, na isa sa pinakamasigasig na katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa naturang programa, kinilala ang mga lugar na wala nang panibagong kaso ng malaria ay ang mga bayan ng Surallah, Banga, Polomolok at ang lungsod ng Koronadal...
  • Tagalog news: Comelec muling nagpaala sa mga kandidato at taga-suporta na maging responsable

    LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 8 (PIA) -- Sa pagpasok ng unang linggo ng kampanya para sa mga lokal na kandidato, muling nagpaalala ang Commission on Election (Comelec) Sorsogon ukol sa tamang paglalagay ng mga election propaganda tulad ng poster, streamer at iba pa, alinsunod sa itinatakda ng RA 9006 o Fair Election Act. Hindi lamang umano mga indibidwal na mga kandidato ang nasasaklawan ng patakarang ito kundi maging ang mga kumakandidatong partylist kasama na rin ang mga taga-suporta ng kandidat...
  • Tagalog news: Pakikipagkontrata ng Socoteco 1 sa mga malalaking mall, hindi matutuloy

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 8 (PIA) -- Hindi na itutuloy ang balak ng South Cotabato 1 Electric Cooperative (Socoteco I) na bumuo ng kasunduan at makipagkontrata sa malalaking mall sa lungsod ng Koronadal para sa karagdagan suplay ng kuryente. Nitong nakalipas na taon sinimulan ng pamunuan ng Socoteco 1 ang pakikipag-ugnayan sa mga mall owners sa posibilidad ng pagsuplay ng kuryente sa ilalim ng Interruptible Load Program upang mabawasan ang mahahabang rotating brownout sa na...
  • Tagalog news: Grupo ng mga Ilokano, pinalakas, laban sa kahirapan at climate change

    LUNGSOD NG VIGAN, Abril 8 (PIA) -- Lalo pang pinalakas ang samahang binuo ng mga Ilokano, upang magsilbing puwersa at kabalikat ng pamahalaan para labanan ang kahirapan at ang pagbabago ng panahon o "climate change." Ang “Salinong ti Ilokandia” na nabuo pa noong nakaraang taon ay mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad ng mga maliliit na negosyante, magsasaka at mangingisda. Ayon kay Meynard Tumacdang, pangulo ng grupo, nabuo ang “Salinong” ay salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay ...
  • Tagalog news: Land Resources Assessment and Fertility Mapping, isinasagawa sa Palawan

    PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 8 (PIA) -- Isinasagawa sa buong lalawigan ang "Land Resources Assessment and Fertility Mapping" na itinataguyod ng pamahalaang panlalawigan. Ito ay sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) at Department of Agriculture Region IVB (DA-4B) sa pakikipagtulungan ng Bureau of Soils and Water Management. Layunin ng assessment & fertility mapping na matulungan ang mga magsasaka na pumili ng kanilang itatanim na naangkop sa uri ng lupa na mayroon sa...
  • Tagalog news: RDC, inaprubahan ang 2014 budget proposal ng mga State Universities and Colleges sa Gitnang Luzon

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Abril 8 (PIA) -- Ipinasa kamakailan ng Regional Development Council (RDC) ang resolusyon na nag-eendorso sa 2014 budget proposal ng 12 state universities and colleges (SUCs) sa Gitnang Luzon. Ang mga inaprubahang pondo ay ang Aurora State College of Technology (ASCOT) – 92.1 milyong piso, Bulacan Agricultural State College (BASC) – 97.5 milyong piso, Bataan Peninsula State University (BPSU) - 473.1 milyong piso, Bulacan State University (BULSU) – 573.9 m...
  • Tagalog news: RDC, inaprubahan ang pagsama sa Central Bulacan Tourism Loop sa convergence program ng DOT at DPWH

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Abril 8 (PIA) -- Inaprubahan kamakailan ng Regional Development Council (RDC) ang resolusyon na nag-eendorso sa pagsama sa panukalang Central Bulacan Tourism Loop Project sa Convergence Program for Enhancing Tourism Access ng Department of Tourism at Department of Public Works and Highways. Sinabi ni RDC Vice Chairman at National Economic and Development Authority (NEDA) Regional Director Severino Santos na ang 2.4 bilyong pisong proyekto ay binubuo ng pag-upg...
  • Tagalog news: Mga bagong sasakyang wala pang plaka kasama sa number coding

    QUEZON CITY, Abril 7 (PIA) -- Nagpahayag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kasama na sa number coding ang mga bagong sasakyang wala pang plaka pero may "conduction stickers." Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na ito ay malinaw na nakasaad sa Memorandum Circular Number 06 Series of 2013 na kaniyang pinirmahan kamakalawa. Ang memorandum ay nagpapalawak ng coverage ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding at kasama na rito ang mga bagong ...
  • Tagalog news: National Dam Safety Management Bill, isusulong ng Bulacan sa ika-16 Kongreso

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 7 (PIA) -- Isusulong ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa darating na ika-16 na Kongreso ang pagpasa ng panukala na magbibigay katiyakan na mapapangalagaan ang istraktura ng mga dam sa Pilipinas. Sa ginanap na forum patungkol sa kalagayan ng 50 taong Angat Dam, sinabi ni Governor Wilhelmino Sy-Alvarado na ang National Dam Safety Management bill ay magsusulong ng nag-iisang ahensya ng pamahalaan na siyang mangagasiwa sa lahat ng dam sa buong bansa at siyan...
  • Tagalog news: Road Board, naglaan ng P10M para sa footbridge sa tapat ng BulSU

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 7 (PIA) -- Tuloy na tuloy na ang pagtatayo ng footbridge sa tapat ng Bulacan State University (BulSU) na nasa kahabaan ng Mac Arthur Highway sa lungsod ng Malolos. Ito’y matapos makasiguro si Mayor Christian Natividad ng sampung milyong pisong pondo mula sa Road Board upang tuluyan nang maisakatuparan ang proyekto. Sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) 1st Engineering district Chief Ruel Angeles bukod sa BulSu, lalagyan din ng footbridge...
  • Tagalog news: Konstruksyon ng Bulacan Bulk Water Project, ipapasubasta na ni PNoy

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 7 (PIA) -- Mismong ang administrasyong Aquino na ang mamamahala sa pagpapatupad sa matagal nang isinusulong na Bulacan Bulk Water Supply Project (BBWSP). Ito’y matapos aprubahan ng Project Development and Monitoring Facility (PDMF) ng Public-Private Partnership (PPP) Center ang proyekto. Sinabi ni PPP Center Executive Director Cossette Canilao na ang kanyang tanggapan na ang mamamahala sa pag-aaral ng ginawang feasibility study ng BBWSP, at proseso sa gaga...
  • Tagalog news: Konstruksyon ng NLEX-SLEX Connector Road Link sisimulan na

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 6 (PIA) -- Natuloy na ngayong Abril ang konstruksiyon ng isang Skyway na magdudugtong sa dalawang pangunahing expressway ng bansa, ang North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX). Kasunod ito ng desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na ipatuloy ang proyekto na literal na magkakabit sa hilaga at katimugang bahagi ng Luzon na hindi na maiipit sa masikip na daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila. Matatandaan na inaprubahan ang konsepto ng...
  • Tagalog news: North Food Exchange Cloverleaf interchange, tinatapos na ng DPWH

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 6 (PIA) -- Puspusan na ang ginagawang pagkukumpleto ng konstruksyon ng isang 'cloverleaf interchange' sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng Balagtas. Magsisilbi itong gateway ng mga produktong agrikultural sa itinatayo ring North Food Exchange (NFEX). Ang NFEX ay isang mekanismo ng makabagong sistema ng kalakalan kung saan kasalukuyang itinatayo sa gilid ng NLEX sa bahagi ng Balagtas. Nagsimula ito bilang proyekto ng pamahalaang panlala...
  • Tagalog news: 400 kababaihan, dumalo sa women's month celebration sa Or Min

    CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 6 (PIA) -- Mahigit sa 400 mga kababaihan mula sa iba't ibang panig ng lalawigan ang nagtipon kaugnay ng Provincial Women's Month Celebration kamakailan sa bayan ng Socorro. Sumentro sa temang "Kababaihan: Gabay sa pagtahak sa tuwid na daan," at pinangasiwaan ang gawain ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), sa pangunguna ni Provincial social Welfare Officer Teresita Umbao, kasama ang mga kawani ng PSWDO, sa pangunguna ni Social Welfare Offi...
  • Tagalog news: Fisheries Law Enforcement Training isinagawa sa Balabac, Palawan

    PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 6 (PIA) -- Sumailalim kamakailan sa Fisheries Law Enforcement Training ang mga nagpapatupad ng batas sa bayan ng Balabac. Ang pagsasanay ay isinagawa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Provincial Fisheries Office (BFAR-PFO) sa pakikipagtulungan ng Pacific Rim Innovation and Management Exponents, Inc. (PRIMEX). Ipinaliwanag ni Asst. Provincial Agriculturist Dr. Romeo Cabungcal na ang naturang pag...
  • Tagalog news: Anti-epal campaign ng DSWD ilulunsad sa Camarines Norte

    DAET, Camarines Norte, Abril 5 (PIA) -- Ilulunsad ngayong araw sa lalawigan ng Camarines Norte ang “Bawal Ang Epal Dito Campaign” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isasagawa sa Wiltan Hotel sa bayan ng Daet. Pangunahing dadalo dito ang mga parent leaders o dalawang kinatawan sa bawat bayan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ang print at broadcastl media dito para sa isasagawang press conference. Kasama rin ang Provincial Advisory Committee ng 4Ps ng Cam...
  • Tagalog news: 'Child Labor Free Barangays' ilulunsad sa bayan ng Paracale

    DAET, Camarines Norte, Abril 5 (PIA) -- Ilulunsad ngayong araw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng Camarines Norte ang Child Labor Free Barangays sa bayan ng Paracale na mayroong child laborers. Isasagawa ito sa El Minero Restaurant dito sa pangunguna ng DOLE katuwang ang lokal na pamahalaan, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at ang Philippine National Police (PNP). Sa bahagi ng programa, isasagawa ang presentasyon sa mga ordinansa ng barangay kaugnay sa pagku...
  • Tagalog news: Proyektong magpapalawak ng kakayahan ng kabataan sa sining, ilulunsad

    LUNGSOD NG SORSOGON, April 5 (PIA) -- Ilulunsad ng Kurit Lagting ang proyektong tinaguriang “KURITon Series: A Community Arts Project” sa darating na Abril 6 hanggang 7, 2013 sa main campus ng Sorsogon State College, lungsod ng Sorsogon. Ang Kurit Lagting ay isang grupo ng mga Sorsoganong may angking galing sa larangan ng sining. Ayon kay Geri Matthew Carretero, officer-in-charge ng Kurit Lagting, ang proyektong ito ay isang alternatibong art education program na maglilibot sa iba’t iban...
  • Tagalog news: Kamalayan ng Bikolandia sa kanser sa mga bata, pinupukaw ng DOH ngayong Abril

    LUNGSOD NG MASBATE, Abril 5 (PIA) -- Hangad ng Department of Health sa Bicol na pukawin ang kamalayan ng mga taga-Bicol ukol sa kanser sa mga bata at upang matupad ang hangaring ito, inimbitahan sa isang panayam sa radyo ng Philippine Information Agency nitong Huwebes, Abril 4, ang isang DOH official. Sa "Aramon Ta Daw" radio program, sinabi ni Dr. Evy Sarmiento na idineklara ng DOH ang Abril bilang Cancer in Children Awareness Month upang mabatid ng madla ang napaka-di-pangkaraniwang sakit na ...
  • Tagalog news: RHU sa bayan ng Mlang, North Cotabato, patuloy sa pagbibigay serbisyo

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 5 (PIA) -- Ipinagpapatuloy ng pamunuan ng Rural Health Unit (RHU) sa bayan ng Mlang, North Cotabato ang pagsasagawa ng iba’t-ibang mga aktibidad bilang pagseserbisyo sa mga mamamayan. Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Glecerio Sotea, patuloy pa rin ang isinasagawang bloodletting activity sa bayan sa layuning makapag-impok ng dugo sa bloodbank na siyang makatutulong sa mga nangangailangan. Kaugnay nito, magkakaroon ng serye ng bloodletting activ...
  • Tagalog news: Puregold sa Calapan, nagbukas na

    LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 5 (PIA) -- Kamakailan ay nagbukas ang Puregold Supermarket sa lungsod ng Calapan at tinatayang malaki ang maiaambag sa pag-unlad ng ekonomiya dito. Ang Puregold chain of supermarkets ay kinikilala ngayon bilang "The 2nd Largest Supermaket Chain" sa bansa. Sinimulan ang konstruksiyon ng supermarket sa lungsod noong Mayo 2012 sa barangay Camilmil. Naglalaman ito ng iba’t ibang klase ng produkto tulad ng groceries, mga damit, sapatos, kagamitang pamba...
  • Tagalog news: Publiko pinaalalahanang mag-file na ng ITR

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 5 (PIA) -- Muli’t-muling nagpapaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa publiko na sa Abril 15 na ang huling araw ng pag-file ng Income Tax Return (ITR). Sinabi ni Revenue District Office 111 District Officer Bagru Saransamun, na puspusan ngayon ang kanilang pag-iikot sa sampung bayan at isang lungsod sa South Cotabato upang paalalahanan ang publiko na magbayad na ng kanilang buwis. Bukod pa ri...
  • Tagalog news: PO1 Roel Armecin ng South Cotabato inuulan ng papuri

    LUNGSOD NG KORONADAL CITY, South Cotabato, Abril 5 (PIA) -- Matapos ang kanyang matapang na pakikipagsagupaan sa 15 rebeldeng New People’s Army na sumalakay sa Community Police Assistance Center sa Barangay Sinilon sa T’boli, South Cotabato noong Marso 20, tuloy-tuloy ngayon ang buhos ng gantimpala at pagkilala kay Police Officer 1 Roel Armecin. Noong Martes, mismong si PNP Chief Director General ang kumilala sa tapang ni Armecin sa isang ser...
  • Tagalog news: Di kailangan ang 'Permit to campaign': Malayang makakangampanya ang mga kandidato sa mga liblib na pook – Army

    LUNGSOD NG VIGAN, April 5 (PIA) -- Walang dapat katakutan ang mga kandidato sa pangangampanya sa mga kabundukan at iba pang liblib na pook sa Ilocos Sur, na kabilang sa 15 priority provinces ng bansa, dahil walang problema sa insurhensya sa lalawigan. Ito ang binigyang-diin ni Col. Desiderio Alava, commanding officer ng 81st Infantry Battalion ng Philippine Army na naka-base sa Narvacan, sa pakikipanayam ng media sa naganap na Provincial Peace and Order Council (PPOC) sa Baluarte sa Heritage Ci...
  • Tagalog news: Mga Lumad tiwalang mabibigyang-pansin sa bubuuing Bangsamoro Basic Law

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 5 (PIA) -- Kumpiyansa ang mga Lumad na mapagtutuunan na ng kaukulang atensyon ang kanilang kalagayan sa ilalim ng binubuong Bangsamoro Basic Law. Ayon kay Froilyn Mendoza, isang Teduray mula South Upi sa lalawigan ng Maguindanao at miyembro ng Transition Commission, matagal nang ipinaglalaban ng mga Lumad ang kanilang karapatan sa ancestral domain at pagsasarili. Nabatid na ang mga Teduray, Lambangian at maging ang mga Dulangan Manobo ay matagal nang...
  • Tagalog news: DOLE at SPES ng Marinduque, magkalaloob ng summer Jobs sa mga kabataan

    BOAC, Marinduque Abril 5 (PIA) -- Ang Department of Labor and Employment (DOLE) Marinduque ay magpapapatuloy sa nakagawiang pagbibigay ng trabaho sa mga mag-aaral tuwing summer vacation. Bawat munisipyo ay mayroong summer jobs na iginagawad ng Special Project for Employment of Students (SPES). Ang Buenavista ay may 50 estudyante; ang Gasan ay may 28; ang Boac ay may 100; ang Mogpog ay may 25; ang Sta. Cruz ay may 37 at ang Torrijjos ay may 22. Ang mga aplikante ay dapat na mula sa Mataas na Pa...
  • Tagalog news: Kampanya kontra dengue, inilunsad sa lalawigan ng Batangas

    LUNGSOD NG BATANGAS, Abril 5 (PIA) -- Inilunsad ng Kagawaran ng Kalusugan at tanggapan ng provincial health office ang kampanya kontra dengue sa Brgy. Balagtas sa lungsod na ito. Ang programa na may temang Stop, Look and Listen! Aksyon Barangay Kontra Dengue, Pagtibayin! ay pinangunahan ni Health Assistant Secretary Dr. Enrique Tayag at mga opisyal ng lokal na pamahalaan. Layunin nitong muling buhayin ang kinagawiang 4-o'clock habit na isang istratehiya upang puksain ang mga lamok na nagdadala...
  • Tagalog news: Kooperatiba sa Banga tumanggap ng P1.76 M na tulong mula sa DAR SoCot

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 5 (PIA) -- Nabiyayaan kamakailan ang Maguad Farmers Irrigators Multi-Purpose Cooperative sa Brgy. Kusan sa Banga, South Cotabato ng P1.763 milyon na halaga ng makinarya mula sa Department of Agrarian Reform South Cotabato. Sa ulat ng DAR-South Cotabato, nakapaloob sa nasabing ayuda ang apat na hand tractors, tatlong power cultivators at anim na threshers na magagamit ng grupo sa kanilang operasyon upang magkaroon ng karagdagang mapagkakitaan ang koo...
  • Tagalog news: Paggunita ng semana santa sa Bicol mapayapang naidaos –PNP

    ni Sally A. Atento LUNGSOD NG LEGAZPI, Abril 5 (PIA) -- Mapayapang naidaos ang paggunita ng Semana Santa sa rehiyon ng Bicol ayon kay Police Supt. Renato Bataller, tagapagsalita ng Philippine National Police sa rehiyong ito. “Sa pangkalahatan, naging mapayapa ang paggunita ng Semana Santa sa ating rehiyon. Ang aming tanggapan ay wala namang naitala na malaking insidente maliban na lamang sa mga naitalang kaso ng banggaan, pamamaril at pagkalunod,” ani Bataller. Ayon sa ulat ng Office of...
  • Tagalog news: Cloud-seeding hindi pa kailangan, ayon sa OPAg – South Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 5 (PIA) -- Sa ngayon hindi pa prayoridad ang pagsasagawa ng cloud-seeding sa lalawigan ng South Cotabato, ayon kay provincial agriculturist Reynaldo Legaste. Sinabi ng opisyal na bagamat nakararanas ang lalawigan ng matinding tag-init, may nararanasan pa ring pag-uulan sa ilang bahagi ng lalawigan. Bukod pa rito, dahil sa naabisuhan na ang mga magsasaka sa Upper Valley area patungkol sa pagsasara ng mga dam sa Allah Valley River Irrigation Sy...
  • Tagalog news: Problema sa mga buyo-buyo tutugunan ng DENR

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 4 (PIA) -- Isang proyekto na magbibigay lunas sa suliranin sa tanim na “buyo-buyo” ang ipatutupad ng Department of Environment and Natural Resources sa South Cotabato. Ang buyo-buyo ay puno na kalakip sa mga tinatawag na “invasive alien species.” Paliwanag ni DENR 12 Executive Director Tungko Saikol, ang mga invasive alien species ay mga tanim o hayop na itinatanim o inaalagaan sa lugar kung saan hindi sila katutubo. Kalimitan, nakakapagd...
  • Tagalog news: HL pinuri ng pandaigdigang komunidad sa mahalagang ginampanan sa Historic Global Agreement

    AGUSAN DEL SUR, Abril 5 (PIA) -- Matagumpay na naisagawa ng United Nations Commission on Status of Women (CSW) ang ika-57 na pagtitipon na may temang “Violence against Women and Girls.” Ang taunang pagtitipon na ginanap mula Marso 4 hanggang 15 sa headquarters ng United Nations (UN) sa New York ay may naitalang mataas na bilang ng mga dumalo kung saan 133 estados ang nagbigay ng pahayag. Mahigit 6,000 mula sa civil society organizations ang nagpatala bago pa dumating ang dalawang linggo n...
  • Tagalog news: Mga PWD's sasailalim sa cellphone repair training

    BAUAN, Batangas, Abril 4 (PIA) -- Sasailalim sa isang pagsasanay kaugnay ng paggawa ng cellphone ang mga persons with disability (PWDs) sa bayang ito na magsisimula sa Abril 8. Ang programa ay bunga ng assessment sa mga PWDs at malugod naman na sinuportahan ng lokal na pamahalaan. Layunin ng naturang programa na matulungan ang mga may kapansanan na may kakayahan upang matuto at magkaroon ng sariling hanapbuhay. Isang paraan ito upang mabigyang halaga ang mga may kapansanan at maiwasang maging ...
  • Tagalog news: Gubat, Sorsogon kinagigiliwang pasyalan ng mga surfers

    LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 4 (PIA) -- Kung sikat ang surfing sa bansang Hawaii, sa bayan naman ng Gubat, Sorsogon ay mayroon na ring lugar kung saan sinisimulan nang dayuhin ng mga lokal o turista ng mga surfers na wiling-wiling maglaro ng nasabing hobby. Ayon sa isang residente ng Buenavista, Gubat, nadiskubre ng mga lokal na surfer ang kakaibang kasiyahang hatid ng surfing sa malalaking alon ng Buenavista, Gubat kung kaya’t nagpasiya silang bumuo ng isang grupo ng apat na kalalakihan upang ...
  • Tagalog news: Pagdiriwang ng Semana Santa pangkalahatang naging mapayapa

    VIRAC, Catanduanes, Abril 4 (PIA) -- Pangkalahatang naging mapayapa ang paggunita ng Semana Santa sa lalawigan ng Catanduanes. Ayon kay Philippine National Police Provincial Director Eduardo G. Chavez, maliban sa insidente ng pamamaril sa bayan ng San Miguel noong Biyernes Santo, wala umanong naitalang ibang karahasan kaugnay ng pagdiriwang ng Semana Santa. Kaugnay nito, mariing kinondena ng pamilya ng biktima na kinilalang si Jerome Bernal, 28, ng barangay Siay,San Miguel ang pangyayari. Ay...
  • Tagalog news: Summer Peace Kids Camp sa Arakan, North Cotabato, nagsimula na

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 4 (PIA) -- Pormal nang nagbukas ngayong araw ang Summer Peace Kids Camp sa bayan ng Arakan, North Cotabato. Ang tatlong araw na aktibidad ay dinaluhan ng abot sa humigit-kumulang 2,000 mga grade 5 pupils sa iba’t-ibang elementaryang paaralan sa nabanggit na bayan. Sa ilalim ng peace camp, magkakaroon ng leadership skills training at pagtuturo ng pangunang lunas at survival techniques. Layunin din ng programang ito na maturuan ang mga kabataan ng m...
  • Tagalog news: Kampanya ng mga lokal na kandidato, pormal nang nagsimula

    VIRAC, Catanduanes, Abril 4 (PIA) -- Pormal nang nagsimula ang pangangampanya ng mga lokal na kandidato sa lalawigan. Sa isang motorcade na isinagawa sa downtown Virac, inumpisahan ng mga miyembro ng Liberal Party sa lalawigan ang kanilang kampanya sa pangunguna ni Governor Joseph C. Cua at Congressman Cesar Sarmiento. Isang proclamation rally din ang isinagawa ng naturang partido sa Plaza Rizal na dinaluhan ng kanilang mga supporters mula sa iba’t ibang sulok ng probinsya. Samantala ang pa...
  • Tagalog news: PNP nagdagdag ng pwersa sa Masbate dahil sa tensyon sa lalawigan

    LUNGSOD NG MASBATE, Abril 4 (PIA) -- Nagdagdag ang Philippine Natonal Police ng pwersa sa lalawigan ng Masbate upang mapangalagaan ang mamamayan at mga pulitiko laban sa mga nagnanais manggulo kaugnay ng papalapit na eleksyon sa Mayo. Ang lalawigan ay may mahabang kasaysayan ng karahasan sa panahon ng halalan na nagsimula pa sa mga taon ng martial law sa bansa. Dumating kamakalawa sa lungsod ng Masbate ang 126 na pulis na may special training umano sa pagtugis sa mga hitmen o hired killers na ...
  • Tagalog news: Upper Katungal sa lungsod ng Tacurong kakatawanin ang R-12 sa Lupong Tagapamayapa Incentives and Awards

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 4 -- Napili ng Department of the Interior and Local Government ang barangay ng Upper Katungal sa lungsod ng Tacurong bilang kinatawan ng Rehiyon Dose sa 2013 National Lupong Tagpamayapa Incentives and Awards (LTIA)-Component City Category. Isinagawa ng LTIA Regional Evaluation Committee and evaluation sa nasabing barangay bago ang Semana Santa. Sa pagbisita ng komite sa lugar, ipinagmalaki ni Upper Katungal Chairman Hernane Fermo ang kanilang bar...
  • Tagalog news: Kidapawan City PNP, mahigpit na binabantayan ang serye ng panghoholdap sa lungsod

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 4 (PIA) -- Mahigpit na nakaalerto ngayon ang pulisya sa lungsod ng Kidapawan, North Cotabato upang masugpo ang sunud-sunod na kaso ng panghoholdap sa lugar. Ayon kay Police Director Supt. Joseph Semillano, kamakailan ay tatlong business establishment ang nabiktima ng masamang gawain. Hinala ng opisyal na iisang grupo lamang ang salarin dahil sa magkapareho ang istilo ng panghoholdap. Ang mga suspek ay riding in tandem gamit ang motorsiklong walang p...
  • Tagalog news: 163 na estudyante sa Ilocos kabilang sa ‘2013 science scholars’

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Abril 4 (PIA) -- May kabuuang 163 na nagtapos ng sekondarya dito sa rehiyon ang matagumpay na pumasa sa eksaminasyon hinggil sa 2013 Science and Technology (S&T) scholarship noong Nobyembre 18. Ayon sa Department of Science and Technology (DOST) rito nitong Miyerkules, mayroong 3,597 mag-aaral ang pasado base sa 25,696 na kumuha sa buong bansa. Sa rehiyon uno, may 147 ang makikinabang sa Science and Technology Scholarship Program na siyang nasa ilalim ng Rep...
  • Tagalog news: Dupax del Norte, dineklarang Gawad Kalinga zone

    DUPAX DEL NORTE, Nueva Vizcaya, Abril 4 (PIA) -- Idineklara ng mga lokal na mambabatas kamakailan ang bayang ito bilang isang Gawad Kalinga zone dahil sa magandang ibinunga ng pagtutulungan ng mga mamamayan na makagawa ng mga proyekto para sa mga mahihirap. Ayon kay mayor Clarita Egmin-Epi, nagpasa ng isang ordinansa ang sanggunaing bayan ng pamahalaang lokal ditto kamakailan upang ideklara ang bayan bilang isang lugar ng mga Gawad Kalinga projects at sentro ng bayanihan o pagtutulungan ng mga ...
  • Tagalog news: DENR-La Union magkakaroon na ng sariling gusali

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Abril 4 (PIA) -- Magkakaroon ng ng sariling gusali ang City at Provincial Environment and Natural Resources Office sa loob ng government center dito. Ayon kay Filipina Atabay, information officer ng Penro, ang 424 metro kwadrado na pagpapatayuan ng gusali ay iginawad ng pamahaalaang probinsiyal sa ilalim ng kasunduan na kung saan ang ahensiya ay magbabayad ng P1 kada taon. “Ang panukalang gusali ay nasa lugar kung saan naroon ang karamihan ng ahensiya ng go...
  • Tagalog news:Lakas na 5.4 Magnitude na lindol naranasan sa Aurora ngayong araw

    BALER, Aurora, April 4 (PIA) -- Isang pagyanig ang naramdaman ng mamamayan sa Baler ngayong araw. Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC)/Opcen Advisory, tinatayang may 5.4 Magnitude ang lakas ng lindol na may epicenter malapit sa Casiguran, dito ang nangyari ng mga ika-10:26 n.u. at tinatayang may 3.0 Magnitude sa Metro Manila. Nabuo malapit sa dagat ng Baler ang sentro nang lindol na may lakas na 5.3 Magnitude. Sa mga natanggap na ulat, nadama ang lindol ng hangg...
  • Tagalog news: Teacher upgrading program, ipapatupad ng Bambang, Nueva Vizcaya

    BAMBANG, Nueva Vizcaya, Abril 4 (PIA) -- Magpapatupad ng isang programang mag-aangat sa antas ng mga guro ang pamahalaang lokal ng bayang ito upang maitaas ang kalidad ng edukasyon sa mga mag-aaral. Ayon kay Mayor Flaviano Balgos, ang Teacher Upgrading Program (TUP) ang magsisilbing gabay ng mga guro sa pampublikong paaralan sa elementarya upang mahasa ng husto ang kanilang kakayahan at galling sa pagtuturo. “Ito ay magiging daan upang maiangat ang kakayahan at abilidad ng mga gurong nagtut...
  • Tagalog news: Screening ng ‘Edukasyon para sa Kapayapaan’ iskolars sa unang distrito ng N. Cotabato nagsimula na

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 4 (PIA)--Nagsimula nang tumanggap ng aplikante ang tanggapan ng unang distrito ng North Cotabato upang maging iskolar sa ilalim ng programang ‘Edukasyon para sa Kapayapaan.’ Kabilang sa mga kakailanganin upang mapabilang sa mga iskolar ay ang resulta ng entrance exam mula sa University of Southern Mindanao (USM), Form 137, Letter of Intent, Certificate of Good Moral Character, at isang ID picture. Pinaalalahanan naman ng pamunuan ng unang distrit...
  • Tagalog news: Dalawang anak ng OFW sa ARMM, bagong iskolar ng OWWA

    LUNGSOD NG COTABATO, Abril 4 (PIA) -- Dalawang anak ng OFW mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ang mapalad na napabilang sa mga bagong iskolar ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA. Sina Ahmed Razlie M. Sahibul at si Harlene Joie J. Sawadjaan mula sa Sulu National High School sa Jolo, Sulu ay nakapasa sa ginawang qualifying exams para sa Congressional Migrant Workers Scholarship Program (CMWSP) noong nakaraang Nobyembre 2012. Ang mga bagong iskolar ay maaaring kumuha ng s...
  • Tagalog news: DTI muling nagbabala hinggil sa mga pekeng ICC stickers

    SAN JOSE, Occidental Mindoro, Abril 4 (PIA) -- Muling nagbigay babala kamakailan ang Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa pagbebenta, pagbili o paggamit ng mga motorcycle helmets na may pekeng Import Commodity Clearance (ICC) sticker. Ayon sa kagawaran, patuloy ang pagbisita nila sa mga tindahan sa buong lalawigan upang masiguro na walang magbebenta ng mga helmet na may mababang kalidad at may pekeng ICC sticker. Base sa Republic Act. (R.A.) 4109, R.A. 10054, DTI DAO 02:2007, DTI ...
  • Tagalog news: Delegado ng Palawan dumalo sa 14th Regional Cooperative Congress

    PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 4 (PIA) -- 41 mga opisyales at miyembro ng iba’t ibang kooperatiba sa lalawigan ang dumalo sa 14th Regional Cooperative Congress na isinagawa kamakailan sa Batangas Convention Center sa lungsod ng Batangas. Ang aktibidad ay may temang “Kooperatiba at Kasapi ang may Kumikitang Kabuhayan ng Timog Katagalugan.” Layunin ng taunang cooperative congress ang maitaas ang kaalaman at kakayahan ng mga kooperatiba sa pamamahala ng kanilang mga negosyo para sa patul...
  • Tagalog news: Kaso ng dengue sa Soccksargen Region umabot na sa mahigit 1,500

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato , Abril 3 (PIA) -- Umabot na sa 1,528 ang kaso ng dengue sa buong Rehoyon Dose sa unang tatlong buwan ng taon, ayon sa Department of Health (DOH) – 12. Sa March 30 ulat ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng DOH 12, inihayag na ang kasalukuyang bilang ng nabiktima ng dengue ay 156 na porsiyentong mas marami kung ikukumpara sa kaso mula Enero 1 hanggang Marso 30 ng nakalipas na taon. Pinakamarami na...
  • Tagalog news: Bagong computer laboratory pinasinayaan sa Lucena

    LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Abril 3 (PIA) --Pormal na pinasinayaan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang Serbisyong Suarez Computer Literacy Program Computer Laboratory sa Gulang-Gulang National High School sa lungsod na ito noong Abril 1. Sinabi ni Quezon governor David Suarez na siyang nanguna sa pagpapasinaya na napakahalaga sa mga mag-aaral ang nasabing programa dahil aniya sa modernong panahon ay kinakailangan ang may sapat na kaalaman tungkol sa computer ang mga kabataang mag-aaral. ...
  • Tagalog news: Pribadong pamumuhunan tumaas, pangangalakal bumaba sa Ilokos

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Abril 3 (PIA) – Tumaas ang pribadong pamumuhunan at turismo habang ang panlabas na kalakal o export ng rehiyon ay bumaba sa taong 2012 kumpara noong 2011, ayon sa National Economic and Development Authority o NEDA sa Ilokos. Ayon kay Juan Ngalob, direktor ng NEDA Ilokos, ang mga pribadong pamumuhunan ay tumaas mula P4.22 bilyon sa P5.83 bilyon noong nakaraang taon o 38.4 porsiyentong paglago nito. Ang pamumuhunan sa mga prayoridad na industriya ay tumaas di...
  • COMELEC umapelang muli sa mga kandidato sa Gitnang Luzon para sa patakaran sa poster

    BALER, Aurora, Abril 3 (PIA) -- Sa pagsisimula ng pangangampanya para sa mga posiyong lokal, muling ipinaalala ng Commission on Elections (COMELEC) ang panawagan nito sa lahat ng mga kandidato sa Gitnang Luzon na sumunod sa mga patakaran nito sa paggamit ng mga poster. Sinabi ni COMELEC Regional Director Rafael Olaño na sa ilalim ng Republic Act No. 9006 o kilala bilang Fair Elections Act, ang mga kandidatong may mga partidong politikal ay maaaring gumamit ng mga poster na may sukat na 12x16 p...
  • Tagalog news: Organic Agriculture - Local Government Unit Awards binuksan ng DA

    LUNGSOD NG KORONADAL CITY, South Cotabato, Abril 3 (PIA) -- Isa pang patimpalak na kikilala sa natatanging nagawa ng mga lokal na pamahalaan ang binuksan kamakailan ng Department of Agriculture. Ayon kay Enriqueto Natividad, Regional Technical Director for Research and Regulations at organic agriculture focal person ng rehiyon, ang patimpalak ay tinatawag na Organic Agriculture-Local Government Unit Awards na nakatuon sa pagpaparangal sa lalawigan, lungsod at b...
  • Tagalog news: Libu-libong mga fingerlings, ipinimahagi sa N. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 3 (PIA) -- Libu-libong mga fingerlings ang ipinagkaloob sa mga mangingisda sa lalawigan ng North Cotabato sa loob ng tatlong buwan ngayon taon na pinamunuan naman ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG). Ayon kay Fishery Division Chief Magdalena Gasang ang fingerlings dispersal ay bahagi ng Aquaculture Support Services ng kanilang tanggapan. Nabatid na may kabuuang 261,000 tilapia fingerlings ang naipamahagi sa 318 fishpond operators, samant...
  • Tagalog news: Pamamahagi ng salamin tuluy-tuloy pa rin sa unang distrito ng N. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 3 (PIA) -- Patuloy pa ring ipinatutupad sa unang distrito ng North Cotabato ang programang ‘Liwanag para sa Kapayapaan’ kung saan ipinamamahagi ang mga libreng salamin sa mga mamamayan. Kaugnay nito, isasagawa sa Huwebes ang libreng eye examination sa Barangay New Culasi, Pigcawayan. Nabatid na nitong nakalipas na buwan, aabot na sa higit 6,000 ang kabuuang bilang ng naipamahaging salamin sa iba’t- ibang barangay ng Distrito Uno. Humigit-kumul...
  • Tagalog news: Dahil sa tobacco excise tax, Ilocos Sur, hindi nahuhuli sa pag-unlad

    LUNGSOD NG VIGAN, Apr. 2 (PIA) -- Hindi nahuhuli sa pag-unlad ang Ilocos Sur dahil unti-unti na ring tinatamasa ng mga naninirahan sa mga pinakaliblib na pook sa kabundukan ang dulot ng progreso sa tulong ng pamahalaan. Ito ang binigyang-diin ni Congressman Ryan Singson, bunsong anak ni Gob. Luis “Chavit” Singson, sa naganap na press conference sa Baluarte sa Heritage City noong nakaraang Linggo. “May mga kritiko ng gobyerno na nanlilinlang sa mga kababayan na sinasabi nilang ang lalawi...
  • Tagalog news: PPALMA One Rice Mill Association, isinusulong sa North Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 2 (PIA) -- Nagsagawa ng inisyal na hakbang ang Project Management Office ng PALMA-PB Alliance of Municipalities kaugnay ng iminumungkahing solusyon sa krisis ng kuryente. Ayon kay PALMA-PB Project Manager Orly Maraingan, may ginawa na silang ‘mapping’ ng malalaki at maliliit na rice millers sa buong distrito. Dagdag ni Maraingan, layunin umano ng PPALMA Alliance na magkaroon ng isang lehitimong asosasyon ng mga rice millers sa unang distrito ng N...
  • Tagalog news: Tumaas na kaso ng dengue sa Kidapawan, N. Cotabato, inaksyunan

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 2 (PIA) -- Binigyan ng kaukulang aksyon ng pamunuan ng City Health Office (CHO) ng lungsod ng Kidapawan, North Cotabato ang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa ilang mga lugar sa naturang lungsod. Kaugnay nito, kahapon ay nagsimula nang magbomba ng kemikal ang mga kawani ng CHO sa isang barangay kung saan naitala ang maraming kaso ng nabanggit na sakit. Ayon kay Luningning Alqueza, midwife ng Barangay Sibawan, target ng pagbobomba ng kemikal ay...
  • Tagalog news: Kampanya laban sa droga mas paiigtingin ng PDEA 12

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 2 (PIA) -- Mas pinapaigting ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 12 ang kanilang kampanya laban sa droga. Inaasahan na kasi ng pamunuan ang pagdagsa ng iligal na droga sa iba’t ibang bahagi ng Rehiyon Dose ngayong nasa bakasyon ang mga kabataan at karamihan sa kanila ay walang ginagawa. Maari umano itong samantalahin ng ilang masasamang grupo dahil tumataas din sa mga panahon na it...
  • Tagalog news: 21 elementarya at sekondaryang paaralan sa N. Cot. patatayuan ng palikuran at hand washing area

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 2 (PIA) -- Nakatakdang patayuan ng palikuran at hand washing area ang aabot sa 21 mga paaralan sa elementary at sekundarya sa lalawigan ng North Cotabato. Kaugnay nito, ngayong araw ay gaganapin ang Water and Sanitation (WatSan) Project Pre-Construction Conference sa opisina ng Kagawaran ng Edukasyon sa naturang probinsya. Ang gaganaping aktibidad na dadaluhan ng 21 school heads mula sa mga benepisyaryong paaralan ay magtatalakay sa pagsasakatuparan ...
  • Tagalog news: 68 na midwife itatalaga ng DOH-ARMM sa mga barangay sa Lanao del Sur

    LUNGSOD NG KORONADAL , South Cotabato, Abril 2 -- Nakatakdang italaga ng Department of Health sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (DOH-ARMM) ngayong buwan ang abot sa 68 na mga midwife sa malalayong kumunidad sa Lanao del Sur. Ayon kay ARMM health secretary Dr. Kadil Sinolinding Jr. kabahagi ang naturang deployment ng nagpapatuloy na Midwives in Every Community in ARMM (MECA) project ng ahensiya. Layon ng MECA na mailapit sa mamamayan ang mas s...
  • Tagalog news: Mga sakahang tinulungang ihanda ng DA 12 sa ComVal mas lumawak pa

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 2 (PIA) -- Mas lumawak pa ang mga sakahan at mas dumami ang bilang nga magsasakang natulungan ng Task Force Alayon ng Department of Agriculture 12 sa lalawigan ng Compostela Valley para muli silang bumangon sa pagkalugmok dahil sa bagyong Pablo. Sa pinakahuling ulat ng Task Force Alayon, umabot na sa 750 ektarya ang lupaing libre nilang inararo at hinanda upang muling mataniman ng mga magsasaka. A...
  • Tagalog news: 'Rodeo parade', inabangan ng libu-libong tao sa Masbate City

    LUNGSOD NG MASBATE, Abril 2 (PIA) - Nagsiksikan ang madla na nag-abang sa mga tabing kalsada upang masaksihan ang parada kahapon na naghudyat sa pagsisimula ng "Rodeo Festival 2013". Bakas ang pagkatuwa at paghanga ng madla sa mahabang parada ng floats at mga nakabihis cowboys at cowgirls na umikot sa mga pangunahing kalsada sa lungsod ng Masbate. Pagsapul ng parada sa Rodeo Arena, ginanap ang fireworks display na minsan sa isang taon lamang nasasaksihan sa lalawigan. Kas...
  • Tagalog news: Pedya Kamp para sa mga 'special children' isasagawa sa bayan ng Daet

    DAET, Camarines Norte, Abril 2 (PIA) -- Isasagawa sa bayan ng Daet ang Pedya Kamp, isang pagtitipon ng mga batang may mga pangangailangan o "special children" sa pangunguna ng God’s Special Children, Inc. sa ika-4 hanggang 13 ngayong buwan ng Abril. Ayon kay Redentor Bobot Gecijo, Asst. Kamp Director ang pagsasagawa ng Pedya Kamp sa Daet ay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ni Mayor Tito Sarion kung saan hinikayat sila na ngayong taon ay dito isagawa aktibidad para sa mga batang may pangang...
  • Tagalog news: Zoological Park sa Calapan, bukas na sa publiko

    LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 2 (PIA) - Bukas na sa publiko ang Calapan Recreational and Zoological Park na matatagpuan sa Barangay Bulusan, lungsod ng Calapan. May layong humigit-kumulang sa tatlong kilometro mula sa Calapan City Public Market, tiyak na darayuhin na rin ang nasabing lugar at magiging kahanay ng mga tourist destination ng Oriental Mindoro. Pormal itong binuksan sa pangunguna nina City Mayor Salvador Leachon at City Vice Mayor Jojo Perez kasama ang iba pang opis...
  • Tagalog news: Produkto sa bunot ng niyog, makapagbibigay trabaho sa may 20 libong katao

    LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Abril 2 (PIA) - May 20,000 katao sa bansa, kasama ang lalawigan ng Quezon, ang matutulungang magkaroon ng trabaho bago man sumapit o pagsapit ng taong 2016 sa pamamagitan ng paggawa ng mga produkto mula sa bunot ng niyog. Sinabi ni Merly M. Cruz, undersecretary for regional operations and development group ng Department of Trade and Industry (DTI) sa ginanap na press conference sa Queen Margarette Hotel kamakailan na malaking tulong ito sa mga bayan sa lalawigan na...
  • Tagalog news: Matataba sa Metro Manila dumarami

    QUEZON CITY, Abril 2 (PIA) - - Dumarami ang sobra sa timbang o matataba sa National Capital Region (NCR). Ito ay ayon sa 2011 Updating Survey on the Nutritional Status of Filipinos na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI). Lumabas sa nasabing survey na sa buong kapuluan, ang (NCR) ang may pinakamaraming insidente ng mga lumalagpas sa tamang timbang mula bata hanggang matatanda. Sa kanilang datos, abot walo sa bawat 100 bata edad 0-5 ang sobra sa timbang o matataba. S...
  • Tagalog News: Kulminasyon ng Fire Prevention Month sa Ifugao sa Abril 3

    LAGAWE, Ifugao, Abril 2 (PIA) --Ang Ifugao Provincial Disaster and Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ay magsasagawa bukas ng ibat-ibang aktibidad bilang kulminasyon ng Fire Prevention Month. Ang mga aktibidad gaya ng assessment forum, demonstrations at return demonstrations sa paglaban sa sunog, volleyball at basketball ay isasagawa sa capitol plaza na dadaluhan ng ibat-ibang member agencies ng PDRRMC. Ayon kay Governor Eugene Balitang, chairman ng PDRRMC, ang layunin ng assessment...
  • Tagalog news: Bagong Municipal Health Dentist, itinalaga sa bayan ng San Fernando

    SAN FERNANDO, Romblon, Abril 2 (PIA) - Sa halos tatlong taon na pagkakabakante ng posisyon ng Municipal Health Dentist, sa wakas ay itinalaga si Dr. Fermin M. Renion ng alkalde ng San Fernando, Romblon na manilbihang dentista sa kanyang mga kababayan. Ang inisyatibong pang-ehekutibo ay ginawa ni Mayor Dindo C. Rios upang punuan ang nabakanteng posisyon na iniwan ni Dra. Remedios M. Pascual noong 2011 na nagresign upang sumunod at manirahan kasama ang kanyang mister sa bansang Canada. Pangunahi...
  • Tagalog news: 36 bahay naitayo sa Camarines Norte kaugnay ng Bayani Challenge 2013

    DAET, Camarines Norte, Abril 2 (PIA) -- Umabot sa 36 na bahay ang naitayo sa Gawad Kalinga (GK) Friendship Village, Brgy. Laniton, bayan ng San Lorenzo Ruiz dito kaugnay ng isinagawang Bayani Challenge 2013 noong ika- 23-27 ng Marso ngayong taon na may temang “Isang Bayan, Isang Bayanihan”. Ayon kay GK Provincial Coordinator Honorio Estravez sa 36 bahay, 30 dito ay hanggang biga na at malapit ng mabubungan samantalang ang 6 ay nasimulan na ring maitayo. Aniya ito ay pagtutulungan na tapusi...
  • Tagalog news: Bulacan, muling nasungkit ang overall championship sa CLRAA

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Abril 2 (PIA) -- Nasungkit sa ika-22 pagkakataon ng lalawigan ng Bulacan ang overall championship sa Central Luzon Regional Athletics Association (CLRAA) meet. Nakakuha ang probinsya ng kabuuang 562.17 puntos sa 2013 edisyon ng kumpetisyon na isinagawa sa lungsod ng Tarlac. Pumangalawa rito ang Pampanga na may 333.67 puntos, pangatlo ang Bataan na may 290.17, lungsod ng Tarlac na may 247.17, at lungsod ng Olongapo na may 208.67. Naiuwi ng 399 Bulakenyong manlalaro...
  • Tagalog news: PNP Walk for Peace isinagawa sa Masbate para sa payapa at malinis na eleksyon

    LUNGSOD NG MASBATE, Abril 2 (PIA) -- Naniniwala ang pamunuan ngpulisya sa Masbate na hindi malayong makamit ang patas, matiwasay at payapang eleksyon sa lalawigan ng Masbate matapos na idaos noong Linggo ang tinawag nilang “Walk for Peace” and “Music for Peace.” Maliban sa suportang ipinamalas ng PNP Masbate sa nasabing kaganapan maraming sektor din ang sumali at sumuporta kabilang na ang mga kawani ng pamahalaang nasyunal at lokal, negosyo, relihiyon, NGOs, mga lokal na kandidato, at i...
  • Tagalog news: Paggunita ng Semana Santa sa Camarines Norte payapa at maayos

    DAET, Camarines Norte, Abril 2 (PIA) -- Naging maayos at mapayapa ang paggunita ng Semana Santa sa lalawigan ng Camarines Norte ayon kay Provincial Director PSSupt. Moises Pagaduan ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO). Sinabi niya na naging alerto ang pamunuan ng CNPPO sa panahon ng Semana Santa at patuloy pa rin para sa kanilang balak sa Summer Vacation o SUMVAC kung saan nagtalaga ng mga pulisya sa iba't ibang bahagi ng lalawigan. Aniya, kasama rin sa SUMVAC ang paghahanda sa ...
  • Tagalog news: San Fernando City nagpatupad ng apat na araw ng pagtratrabaho sa Abril, Mayo

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Abril 2 (PIA) -- Muling nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Fernando ng apat na araw ng pagtratrabaho simula ngayong Abril at Mayo. Ayon kay Pablo C. Ortega, alkalde ng lungsod, ito may layuning bigyan ng pagkakataon ang mga kawani ng mas maraming oras upang makasama ang kani-kanilang pamilya ngayong bakasyon. Base sa direktiba, simula Lunes hanggang Huwebes ang mga manggagawa ay kinakailangang pumasok ng alas siyete ng umaga at umuwi ng alas...
  • Tagalog news: NE, magsisilbing host ng kauna-unahang National Hybrid Rice Congress

    SCIENCE CITY OF MUNOZ, Nueva Ecija, Abril 2 (PIA) -- May 3,500 magsasaka ng palay, kawani ng pamahalaan, mga pribadong seed company executives, siyentipiko, at propesor mula Luzon, Visayas at Mindanao ang magtitipon sa Science City of Muñoz sa Nueva Ecija ngayong linggo para sa kauna-unahang National Hybrid Rice Congress (NHRC). Sinabi ng isa sa mga organizers na si Dr. Eduardo Jimmy Quilang na layunin ng Abril 3-5 na pagtitipon, na naka-angkla sa temang “Bigas na Sapat, Binhing Hybrid ang K...
  • Tagalog news: Magsaysay, OccMin tagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan

    SAN JOSE, Occidental Mindoro, April 1 (PIA) -- Nagsagawa ng pagdiriwang para sa Buwan ng mga Kababaihan ang bayan ng Magsaysay kamakailan. Sinimulan ng isang parada sa umaga kung saan dinaluhan ng may humigit kumulang 1,000 miyembro ng Kalipunan ng mga Liping Pilipina (Kalipi), na siyang nag organisa ng naturang aktibidad bilang pagpapakita ng kakayanan at galing ng mga kababaihan. Naging bahagi din ng programa ang pagtalakay sa ilang programa ng Philhealth gayundin ang Magna Carta for Women...
  • Tagalog news: ‘Lingap Kalusugan sa Barangay,’ kinilala ng Galing Pook Award

    LUNGSOD NG LUCENA CITY, Quezon, Abril 1 (PIA) --Ipinagmalaki ng pamahalaang panglalawigan ng Quezon ang pagiging ‘finalist’ nito sa Galing Pook award na proyekto ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Galing Pook Foundation. Pormal na tinanggap ni Quezon Gov. David Suarez mula kina DILG Secretary Mar Roxas III, Galing Pook Foundation Vice-Chairperson Ma. Lourdes Fernando, at Land Bank of the Philippines president Gilda Pico ang tropeo ng pagkilala sa programang “Linga...
  • Tagalog news: Rodeo Festival 2013, ilulunsad sa Masbate City ngayong April 1

    LUNGSOD NG MASBATE, Abril 1 (PIA) -- Ngayong April Fool’s Day ilulunsad ang Rodeo Festival 2013 sa lungsod na ito. Isang mahabang parada ng floats at mga nakabihis cowboys at cowgirls na iikot sa mga pangunahing kalsada sa lungsod ang hudyat ng pasimula ng ng piyesta. Pagkatapos ng parada sa Rodeo Arena, gaganapin naman ang fireworks display. Mamayang hapon din kasunod ng opening program, bubuksan sa mg turista at publiko ang horseback rides, calesa rides at rodeo saloo...
  • Tagalog news: Libreng IT training para sa mga OFW at kamag-anak, handog ng OWWA-12

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, April 1 (PIA) -- Hinihikayat ng Overseas Workers Welfare Administration –12 ang mga OFW at kanilang kamag-anak sa Soccsksargen Region na gawing makabuluhan ang bakasyon sa pamamagitan ng pagenroll sa libreng computer training ng OWWA. Malaking tulong ang libreng computer training na ito lalo na sa mga OFW upang mabigyan sila ng karagdagang kaalaman sa larangan ng Information Technology o IT na isa sa mga kinakailangan sa paghahanap ng trabaho ngayon. Ang...
  • Tagalog news: Presyo ng kuryente per kilowatt sa OrMin, nakaambang tumaas

    CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 1 (PIA) -- Posibleng tumaas ngayon ang presyo ng kuryente kada kilowatt hour sa probinsya ayon sa Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO). Bagama’t matagal nang usapin ang pagbabayad ng malaking utang diumano ng National Power Corporation (NAPOCOR), nito pa lamang nakaraang buwan ng Marso ay aktuwal na sinimulang pasanin ng mga consumer ang kanilang pagbabayad kung saan apektado ang mga kasapi ng kooperatiba. Isa lamang ito sa mga natalakay sa ginan...
  • Tagalog news: 25 establisyimento kinilala dahil sa tamang pagbabayad ng buwis

    MARILAO, Bulacan, April 1 (PIA) -- Dalawamput limang negosyo ang pinarangalan ng pamahalang bayan ng Marilao dahil sa pagtugon nito sa maagap at tamang pagbabayad ng buwis. Sa ginanap na “Gabi ng Pasasalamat sa mga Taxpayer”, binigyan ng pagkilala ng lokal na pamahalaan ang mga kumpanya sa pagbabayad ng tamang buwis na naging dahilan naman ng pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mamamayan. Sa mga establisyimento na binigyan ng pagkilala, nanguna ang SM City Marilao bilang highest taxpayers...
  • Tagalog news: DepEd-Cotabato Province nananawagang makiisa sa gagawing Brigada Eskwela

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 1 (PIA) -- Nagsimula nang manawagan ngayon sa mga mamamayan partikular sa mga estudyante, guro at mga magulang ang pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon sa lalawigan ng North Cotabato na makilahok sa taunang Brigada Eskwela. Ito ay sa layuning magkaroon ng malinis at maayos na mga silid aralan para sa pagbubukas ng eskwela ngayong taon. Nabatid na magsisimula ang Brigada Eskwela sa Mayo a-20 hanggang a-25. Ayon kay DepEd OIC Regional Director at OIC Sc...
  • Tagalog news: Agriculture Office, nagkaloob ng makinang pambukid sa limang bayan sa Batangas

    LUNGSOD NG BATANGAS, Abril 1 (PIA) --Nagkaloob ang pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Agricultures Office (PAO) ng mga makinang pambukid sa limang bayan noong Marso 26. May limang organisasyon ng mga magsasaka mula sa limang bayan sa lalawigan ang napagkalooban ng mga makina. Kabilang dito ang Sangguniang Barangay ng Bagong Pook, Rosario - 1 unit ng hand tractor at 1 unit ng rice thresher; Sangguniang Barangay ng Sampiro, San Juan -1 unit ng hand tractor; Municipal Agricult...
  • Tagalog news: DAR nagkaloob ng common service facilities sa Padre Garcia

    PADRE GARCIA, Batangas, Abril 1 (PIA) --Nagkaloob ng iba't ibang common service facilities para sa mga magsasaka ng Barangay Quilo Quilo South ng bayang ito ang Department of Agrarian Reform (DAR). Ang mga kagamitang tulad ng rice tresher, hand tractor at ang itatayong flatbed dryer ay ipinagkaloob sa pagdiriwang kamakailan ng Farmers Day na may temang "Magsasaka...Buhay na Bayani at Kaagapay sa Patuloy na Pag-unlad ng Agrikultura." Sinabi ni provincial agrarian reform officer Felixberto Kaga...
  • Tagalog news: Pagdiriwang ng Kuwaresma sa North Cotabato naging maayos

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 1 (PIA) -- Naging matiwasay ang paggunita ng mga mamamayan ng lalawigan ng North Cotabato sa Semana Santa. Ayon kay Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta, sa kabuuan, naging maayos ang sitwasyon ng lalawigan sa loob ng apat na araw na bakasyon maliban lamang sa ilang mga naitalang petty crimes. Aniya, wala namang mga nangyaring malalaking insidente sa probinsiya partikular sa mga lugar na kadalasang pinangyayarihan ng krimen maliban na lamang sa...
  • Tagalog news: Seguridad sa South Cotabato provincial jail hinigpitan

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Abril 1 (PIA) -- Nilinaw ni acting jail warden Felicito Gumapac na hindi sinuspende ang karapatan ng mga preso ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center sa Barangay GPS, Koronadal City na tumanggap ng bisita. Gayunman, kinumpirma ng opisyal na mas hinigpitan nila ngayon ang seguridad sa lugar. Mas hinigpitan din ang pagpasok ng pagkain, kagamitan at anumang bagay lalung lalo na ang inihahatid sa mga...
  • Tagalog news: Boluntaryong pakikiisa ng mga Mindoreño, hinikayat

    CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Abril 1 (PIA) -- Hinihikayat ngayon ng pamahalaang panlalawigan ang mga mamamayan dito na makiisa sa anumang proyektong pangkaunlaran ng pamahalaan at pribadong sektor. Puspusan ang ginagawang pakikipagtuwang ng pamunuan ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. sa mga pribado at pansibikong samahan upang mapagtulungang maiangat ang kalagayan ng mga mahihirap. Matatandaan na kamakailan lamang ay lumagda si Umali sa isang memorandum of agreement hinggil sa sama-samang pagtu...
  • Tagalog news: Pondong P15M, gagamitin sa proyektong pangkabuhayan para sa mahihirap

    BAMBANG, Nueva Vizcaya, April 1 (PIA) -- May nakalaang P15 milyon ang ipapamigay ng pamahalaang bayan dito upang matulungan ang mga mahihirap na mabigyan ng hanapbuhay at maibaba ang bilang ng mga walang trabaho. Ayon kay Mayor Flaviano Balgos, ang P15 milyong pondo ay ibabahagi sa mga mahihirap para sa kani-kanilang mapipiling pagkakakitaang proyekto. “Ang mga mahihirap ang pipili sa kanilang magiging hanapbuhay at ito ay popondohan ng nasabing pondo. Sa pamamagitan nito, matutulungan silan...
  • Tagalog news: 15 bahay para sa mahihirap, ipapatayo sa Bambang, Nueva Vizcaya

    BAMBANG, Nueva Vizcaya, April 1 (PIA) -- Puspusan ang ginagawang pag-aaral ng mga opisyal ng bayang ito upang maipatupad ng maaga ang mga libreng bahay para sa mahihrap na pamilya. Ayon kay Mayor Flaviano Balgos, may nakalaang pondo na ang pamunuang bayan sa pakikipag-ugnayan nito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang ipatayo ang mga core shelters sa barangay San Antonio North ng bayang ito. Ang bawat isang bahay, dagdag ni Balgos ay nagkakahalaga ng P70,000 kung saan i...
  • Tagalog news: DTI Nueva Ecija, nakamit ang pinakamataas na marka sa kasaysayan ng CSC Seal of Excellence Award

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Abril 1 (PIA) -- Muli nanamang gumawa ng kasaysayan ang isang tanggapan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Gitnang Luzon matapos nitong makamit ang pinakamataas na marka sa kasaysayan ng Citizen’s Satisfaction Center Seal of Excellence Award ng Civil Service Commission (CSC). Nakamit ng DTI Nueva Ecija ang iskor na 98 na tinalo ang 95.08 na rekord na naitala ng Regional Office III noong nakaraang taon. Personal na iginawad nila CSC Chairman Franci...
  • Tagalog news: DENR, naka-alerto sa mga posibleng wildfires sa mga kagubatan ng Gitnang Luzon ngayong tag-araw

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Abril 1 (PIA) -- Naka-alerto na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa posibleng widlfires sa mga kagubatan ng Gitnang Luzon kasabay ng pagdedeklara ng pagsisimula ng tag-araw. Sinabi ni DENR Regional Executive Director Maximo Dichoso na lampas dalawang libong forest and fire protection officers at upland farmers na aktibong miyembro ng mga people’s organizations ang nakahanda upang sugpuin ang banta ng wildfire sa malawak na damuhan n...
  • Tagalog news: Recycled na materyales, tampok sa selebrasyon ng Earth Hour

    BALIUAG, Bulacan, Abril 1 (PIA) -- Nagsilbing liwanag ang may 100 replica ng fireflies o alitaptap na gawa sa recycled na sisidlan ng softdrinks at solar energy matapos sabay-sabay na nai-switch off ng mga Bulakenyo ang ordinaryong ilaw kaugnay ng taunang Earth Hour sa SM City Baliuag kamakailan. Ang nasabing gawain ay bilang pakikiisa sa paggamit ng green and renewable energy at maiwasan ang pagkasira ng mundo. Sabi ni Beverly Cruz, public relations officer ng nasabing establisyimento, ang so...
  • Tagalog news: Pagtaguyod sa tradisyonal na industriya layunin sa Ilocos Sur

    LUNGSOD NG VIGAN, March 31 (PIA) -- Inilunsad ng pamahalaang probinsya ang pagtataguyod at pagpreserba sa mga ipinagmamalaki at makasaysayang tradisyonal na industriya hindi lamang para umangat ang ekonomiya sa Ilocos Sur kundi “para magsilbing gabay ng mga susunod na salin-lahi.” Ayon kay Bise Gobernador Deogracias Victor “DV” Savellano, ang pangunahing layunin ng taunang “Kannawidan Festival” na nagaganap sa unang lingo ng Pebrero ay upang maitaguyod ang mga lokal na produkt...
  • Tagalog news: “Year of Rice” hindi magugutom ang mga Ilokano – NFA

    LUNGSOD NG VIGAN, Marso 31 (PIA) -- Hindi kukulanging sa kanin ang probinsya, dahil sobra-sobra ang supply ng bigas na nakaimbak sa mga bodega ng National Food Authority (NFA) sa Ilocos Sur. Ayon kay Provincial Manager Fortunato Bulao ng NFA, may 18,000 bags ng bigas sa mga warehouse ng ahensya sa Bantay, Cabugao, Narvacan at iba pang bayan maliban pa sa 300,000 sako ng palay sa buwan ng Marso. Sinabi ni Bulao na mapaparami pa ang mga stock ng bigas sa mga bodega ng NFA habang ipagpatuloy...
  • Tagalog news: "Dapat ma-audit, hindi ma-abolish ang pork barrel”- Cynthia Villar

    LUNGSOD NG VIGAN , Marso 31 (PIA) --Alinsunod sa itinakda ng batas at tumutugma sa ‘Matuwid na Daan’ na adhikain ni Presidente Benigno Aquino III, dapat lang na ma-audit ang mga pork barrel ng mga mambabatas ngunit hindi dapat maalis ang pondong ito dahil malaki ring tulong sa sambayanan lalo na ang mga mahihirap na kababayan. Ito ang binigyang-diin ni dating Congresswoman Cynthia Villar, kandidatong Senador ng Team Pinoy, sa pakikipanayam ng media nang bumisita siya sa Heritage City kam...
  • Tagalog news: 19 na taga-Romblon pumasa bilang mga DOST Scholars

    ROMBLON, Romblon, Marso 28 (PIA) -- Labing-walong RA 7687 scholars at isang Merit scholar slot ang mapalad na napunta sa mga mag-aaral na taga-Romblon kung saan naipasa ng mga ito ang qualifying exam ng Department of Science and Technology (DOST) para sa 2013. Batay sa inilabas na resulta ng DOST-Science Education Institute (SEI), 19 sa mga pumasa ay galing sa lalawigan ng Romblon. Ang mga bagong iskolar ng DOST ay maaaring mag-enrol at mag-aral ng kursong prayoridad ang agham at teknolohiy...
  • Tagalog news: Search for municipal green banner award sa Ifugao, sisimulan na

    TINOC, Ifugao, Marso 27 (PIA) -- Ang Provincial Nutrition Council (PNC) ay nakatakdang magsasagawa ng search for Green Banner Award (GBA) simula sa ikalawang Linggo ng Abril. Ayon kay Dr. Mary Josephine Dulawan, Provincial Nutrition Action Officer (PNAO), ang kasapi ng PNC technical working group (TWG) ay mag-umpisang maglibot sa ibat- ibang bayan ng Ifugao sa Abril 12 para sa 2012 municipal evaluation of local program initiatives (MELPI) o Green Banner Award (GBA). Ang MELPI ay isinasa...
  • Tagalog news: LDRRMC naka-Blue Alert, “Lakbay Alalay” 2013 ipinatutupad

    LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 27 (PIA) -- Nakablue alert status simula pa noong Lunes ang tauhan ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDDRMC) sa lalawigan kasama na ang Emergency Response at Search and Rescue Services Team ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (SPDRRMO) bilang paghahanda sa anumang mga emerhensya ngayong Semana Santa. Ito ay nangangahulugang naka-standby o nakahanda mula Marso 25 hanggang Abril 1 ang iba’t-ibang mga Disaster...
  • Tagalog news: Seguridad sa paggunita ng Semana Santa sa Camarines Norte siniguro ng mga kaugnay na ahensiya ng pamahalaan

    DAET, Camarines Norte, Marso 27 (PIA) -- Siniguro ng mga kaugnay na ahensiya ng pamahalaan ang seguridad sa paggunita ng Semana Santa sa lalawigan ng Camarines Norte na kinabibilangan ng Daet Central Fire Station ng Bureau of Fire Protection, 49th Infantry Battalion ng Philippine Army, Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ayon sa Daet Central Fire Station ng Bureau of Fire Protection dito, sinabi ni Central Fire Marshal Insp. Sa...
  • Tagalog news: Kampanya laban sa kriminaliad at lahat ng uri ng ilegal na gawain pinalakas ng pulisya

    LUNGSOD NG MASBATE, Marso 27 (PIA) -- Nagbigay ng kautusan ang commander ng Regional Special Task Group na si Sr. Supt. Arnold Albis na mobilisahin ang lahat ng unit ng RSOTG at Philippine National Police sa Masbate para lalo pang mapalakas ang pagtugon sa lahat ng uri ng kriminalidad at ilegal na gawain sa lalawigan. Partikular na nakapaloob sa kautusan ang pagtugis sa Private Armed Groups, organisadong grupong kriminal, gangs, ilegal na operasyon ng sugal, mga taong pinaghahanap ng batas at a...
  • Tagalog news: Provincial Agriculturist ng Or Min, pinarangalan ng DA

    CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Marso 27 (PIA) -- Isang parangal ang natamo ni Provincial Agriculturist Petronilo ng Romblon mula sa Department of Agriculture (DA) bilang natatanging Agricultural Extension Worker Dimailig kamakailan. Ang parangal ay iginawad kay Dimailig nina Agriculture Secretary Proceso J. Alcala at National Rice Program Coordinator Dante S. Delima noong sa Philippine International Convention Center (PICC) sa lungsod ng Pasay. Bukod sa tropeyo, nakatanggap din si Dimailig n...
  • Tagalog news: Ilocos Sur Health Office, pinapaalala ang madaliang paghugas sa nakagat ng aso at ibang hayop

    Lungsod ng Vigan, Marso 27 (PIA) -- Daliing hugasang mabuti ng sabon at tubig ang parteng kinagat ng aso o ano mang hayop para maalis ang bayrus, paalala ng Provincial Health Office (PHO) ng Ilocos Sur sa mga residente ngayong Rabies Prevention Month ng Marso. Maari ding paduguin ang sugat. At pagkatapos mahugasan ng mabuti, lagyan ng povidone iodine. Itali o ikulong ang aso upang ito ay maobserbahan. Komonsulta kaagad sa pinakamalapit na beterinaryo at doctor. Ang pagpunta sa doctor sa p...
  • Tagalog News: Ifugao PDRRMOC bukas ngayong Holy Week

    LAGAWE, Ifugao, Marso 27 (PIA) -- Ipinag-utos kahapon ang activation ng Ifugao Provincial Disaster and Risk Reduction Management Operation Center (PDRRMOC) ngayong Semana Santa. Sa kanyang memorandum, sinabi ni Governor Eugene Balitang na ang PDRRMOC ay magbubukas mula Marso 26 hanggang Marso 31 para matulungan ang mga bisita na mamamasyal sa Ifugao. "The operation center will be manned 24 hours to coordinate preparedness and prevention/mitigation measures on hazards and risk,” sabi ni Bal...
  • Tagalog news: Siyam na tourism road projects balak ipatupad ng South Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 27 (PIA) -- Siyam na proyektong magsasaayos sa mga kalsada sa mga lugar na may malaking potensyal sa turismo ang balak ipatupad ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato simula ngayon taon. Sa isinagawang pulong kamakailan, inindorso ng Provincial Development Council (PDC) ng South Cotabato ang road project proposals na nakatuon sa rehabilitasyon at pagsesemento ng mga kalsada sa Lake Sebu, T’boli, Tup...
  • Tagalog news: Mahusay na pakikipag-ugnayan sa media, kailangan ng PNP -- PSSupt. Delfin

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 27 (PIA) -- Mahalaga na may alam at husay sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang media ng komunikasyon ang kapulisan kung nais nitong magtagumpay. Ito ang binigyang-diin ni PSSupt. Randolph Delfin, bagong regional chief directorial staff ng Police Regional Office (PRO) – 12 sa pagtatapos ng limang araw na pagsasanay ng sampung pulis sa Rehiyon 12 at ARMM sa media relations. Ani Delfin dapat marunong ang...
  • Tagalog news: Mga pulis sa Region 12, ARMM sinanay ng US sa pakikisalamuha sa media

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 27 (PIA) -- Sampung mga pulis sa Soccsksargen Region at bahagi ng Autonomous Region in Muslim Mindanao ang sinanay ng ilang tauhan ng US Department of State kung paano makikisalamuha sa media nitong nakalipas na linggo. Isinagawa ang limang araw ng training na ipinatupad sa ilalim ng Anti-Terrorism Assistance (ATA) Program ng US Department of State sa Police Regional Office (PRO) 12 Training Facility sa Barangay Tambl...
  • Tagalog News: 'War of our Fathers Exhibit' sa Gensan layong parangalan ang sakripisyo ng mga WWII veterans sa lugar

    LUNGSOD NG HENERAL SANTOS, Marso 27 (PIA) -- Binuksan nitong Martes, Marso 26, sa publiko ang “War of Our Fathers Exhibit” dito sa lungsod upang parangalan ang sakrispisyo ng mga beteranong Pilipino sa lugar na nakipag-away at namatay noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ayon kay Miguel Angelo Villa-Real, bise-presidente ng Philippine Veterans Bank (PVB) layunin ng eksibit na maipaalam sa mga manonood lalung-lalo na sa mga kabataan ang katapangan at kabayanihan na ipinamalas ng mga tinagur...
  • Tagalog news: PNP Romblon puspusan ng pangangalaga ng seguridad ngayong Semana Santa

    ROMBLON, Romblon, Marso 27 (PIA) -- Sinimulan noong Marso 25 ng PNP Romblon ang mahigpit na pagbabantay sa mga daungan ng barko o pier at mga terminal ng pampublikong sasakyan bilang pagtiyak sa kaligtasan ng mga mamamayan ngayong Semana Santa. Kaugnay sa paggunita ng mahal na araw ngayong taon, naglabas ng Letter of Instructions Summer Vacation “SUMVAC” 2013 ang tanggapan ni PNP Romblon Provincial Director PSSupt. Danilo M. Abadiano upang bigyan ng instruksyon ang lahat ng mga hepe ng puli...
  • Tagalog news: Pagbabantay sa kapayapaan at kaayusan sa Kabacan, N. Cotabato mas pinaiigting

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 27 (PIA)--Lalo pang pinalalakas ngayon ang pagsisiguro sa kapayapaan at kaayusan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato. Ito ay upang maiwasan ang anumang kriminalidad sa lugar ngayong papalapit na ang eleksyon. Layon din nito na tiyaking maayos, payapa at tahimik ang mga gagawing pangangampanya ng mga kandidato. Kaugnay nito, nagpadala ng karagdagang pulis personnel ang Regional Public Safety Battalion buhat sa Police Regional Office 12 para tumutok s...
  • Tagalog News: Regional information officers ng DA nagtipon sa Gensan

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 27 (PIA) -- Nagtipon nitong nakalipas na linggo sa lungsod ng General Santos ang lahat na regional information officer (RIO) ng Department of Agriculture sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa. Pinangunahan ng Agriculture and Fishery Information Service (AFIS) ng DA ang first quarter national meeting ng mga RIO kung saan tinalakay ang mga updates ng mga Agri-Pinoy program pati na ang mas pinalawak...
  • Tagalog news: Comelec magsasagawa ng PCOS Machine Orientation Seminar sa mga guro na magsisibi sa eleksyon 2013

    ni Francisco B. Tumalad LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 27 (PIA) -- Bilang paghahanda sa nalalapit na National Election sa Mayo 13, 2013 ay inihahanda na rin ng Commission on Election (Comelec) ang mga gurong itatalaga sa mga voting precinct sa pamamagitan ng pagbibigay oryentasyon sa mga ito. Kahapon ay isinagawa ang PCOS Orientation Seminar Vera Mariz sa Bayan ng Gubat, Sorsogon upang ituro sa mga guro ang tamang paggamit at operasyon ng PCOS Machine. Ayon kay Comelec Sorsogon Provincial Electio...
  • Tagalog news: Paglabag sa Gun Ban muling naitala sa Sorsogon

    LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 27 (PIA) -- Apat na kalalakihan ang inaresto ng mga awtoridad matapos na mapatunayang lumabag ito sa Comelec Resoulution No. 9561-A o pagdadala ng baril nang walang pahintulot at inamit pang panakot sa panahong ipinatutupad ang gun ban. Sa ulat ng Sorsogon Police Provincial Office, agad na rumesponde ang mga awtoridad matapos na matanggap ang ulat na isang Jail Officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakabase sa Brgy Balogo, lungsod ng Sorsogon, nu...
  • Tagalog news: Ikalawang pagsasanay sa community based monitoring system dinaluhan ng PPDO Occ Min

    MAMBURAO, Occidental Mindoro, Marso 27 (PIA) -- Ibinahagi ni Provincial Planning and Development Coordinator Gladys Barile kamakailan ang pagdalo ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) staff sa ikalawang yugto ng pagsasanay ng Community Based Monitoring System (CBMS) sa Camelot Hotel, Quezon City kamakailan. Ayon kay Barile, mahalaga ang CBMS dahil malaking tulong ito sa mga programa, plano at kahandaan ng local government unit (LGU) sa iba’t ibang sitwasyon. Ibinigay na hali...
  • Tagalog news: Resulta ng pag-aaral sa limang barangay sa Sorsogon City inilatag ng Coastal CORE, Inc.

    LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 27 (PIA) -- Iprinisinta kahapon ng Coastal Community Resources (CORE) and Livelihood Development, Inc. sa kanilang mga partner at iba pang mga stakeholder ang resulta ng kanilang mga isinagawang pag-aaral sa mga barangay ng Caricaran, Bogna, Bato, Salvacion at Gatbo sa distrito ng Bacon, lungsod ng Sorsogon sa ilalim ng Convenio Project. Sa paliwanag ni Coastal CORE Executive Director Shirley Bolanos, inilatag nila sa kanilang mga partner at iba pang stakeholder ang r...
  • Tagalog news: PPA, nakahanda sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa

    LUNGOSD NG BATANGAS, Marso 27 (PIA) --Nakahanda ang pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA) sa pagdagsa ng mga pasahero sa pantalan ng Batangas na magtutungo sa kani-kanilang probinsiya upang gunitain ang Semana Santa. Sinabi ni port services division manager Massie Banuelos na katulad ng mga nakaraang panahon, parehas lamang ang kanilang paghahanda kung saan pinapaigting ang seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero. Kaugnay nito, may itinalagang public assistance center (P...
  • Tagalog news: Registration para sa Summer Sports Clinic sa Bulacan, bukas na

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 27 (PIA) -- Bukas na ang pagpapapatala para sa taunang Summer Sports Clinic na itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports, Employment, Arts, Culture & Tourism Office katuwang ang Bulacan Sports Council Federation. Ang mga interesadong kabataang may edad lima pataas ay maaaring magpatala at sumali sa alin mang 12 sports events gaya ng Arnis, Aikido, No Gi Jui Jitsui, badminton, Scientific Basketball Clini...
  • Tagalog news: Mga kabataang Bulakenyo, nakikilahok sa Bayani Challenge 2013

    CABIAO, Nueva Ecija, Marso 27 (PIA) - Muling nagpakita ng kabayanihan ang mga kabataang Bulakenyo sa pamamagitan ng boluntaryong pagtulong sa paglilinis ng ilog at kapaligiran ng bayan ng Cabiao sa lalawigan ng Nueva Ecija sa ginaganap na Bayani Challenge 2013. Sina Ma. Vina Pilapil at Julia Sese na mula sa Youth Empowerment and Advancement (YEA ang ilang lamang sa mga na nakikilahok sa limang na araw na aktibidad. Ani ng dalawa, bagamat sa kasalukuyan ay wala silang trabaho, hindi dapat masa...
  • Lathalain: Diabetics, mas marupok ang buto - FNRI

    Higit na matibay ang buto ng mga taong walang diabetes kumpara sa mga may diabetes. Ayon sa pag-aaral sa pangunguna nina Dr. Celeste C. Tanchoco, Ms. Milagros F. Villadolid, at Ms. Mina Grace C. Aquino ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST), mas mababa ang bone mineral density (BMD) ng mga may diabetes kumpara sa mga walang diabetes. Dahil dito higit na matibay ang buto ng mga taong walang diyabetis kumpara sa mga may diabetes. Ang BMD a...
  • Lathalain: Wastong pagplano ng pagkain, mahalaga

    Malimit na katanungan ng mga mommy o nanay ay “ano na naman kaya ang lulutuin ko?” o kaya’y “ano kaya ang kakainin ng mga anak ko?” Kung mayroong plano kung ano ang lulutuin o iyong tinatawag na meal planning, maiiwasan ang problema sa kung ano ang ipapakain sa ating pamilya. Ang meal planning ay ang proseso ng pag-iisip o pagpaplano nang advance o nang mas maaga kung anong pagkain ang ihahanda para sa ating pamilya. Kung may plano, malaking bagay din ang ating matitipid sa oras at...
  • Lathalain: Breastfeeding, ikalawang mensahe pa rin sa 2012 Nutritional Guidelines for Filipinos

    Pamilyar na tayo sa katagang ”Breast-feed infants exclusively from birth to six months, and then, give appropriate food while continuing breast-feeding” Hindi na bago sa pandinig natin ang katagang ito dahil ito ang ikalawang mensahe na nakasaad sa 2000 Nutritional Guidelines for Filipinos (NGF). Nitong 2012, ang bagong NGF na ginawa ng Technical Working sa pamumuno ng Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology (FNRI-DOST) ay ganoon din ang ikalawang me...
  • Tagalog news: San Juan summer sisimulan sa isang fun run

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Marso 26 (PIA) -- Sisimulan ng mga tagapag-oraganisa ng Summer Break, ang isang taunang pagdiriwang sa turismo, sa pamamagitan ng isang "fun run" ngayong Marso 28 sa kapakinabangan ng Philippine Red Cross o PRC. Ang San Juan Beach Resorts Association o SJBRASS, ang nag-organisa ng pagdiriwang ay nahikayat sa matagumpay na "Million Voluteer Run" ng PRC kamakailan kaya sisimulan ang pagdiriwang ng Summer Break ng isang fun run. Ayon kay Rodolfo Yabes, president...
  • Tagalog news: Kaso ng pang-aabuso sa kababaihan bumaba sa Camarines Norte

    DAET, Camarines Norte, Marso 25 (PIA) -- Bumaba ng lima o kabuuang 56 ang naitalang kaso ng paglabag sa Republic Act 9262 o "Anti-Violence Against Women and their Children Act" ang naisampa sa korte sa taong 2012 kumpara sa 61 kaso ng nakaraang 2011 sa lalawigang ito. Ito ang ipinahayag ni P/Insp. Ana Rose A. Domingo, hepe ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) sa isinagawang “Talakayan sa PIA” ng Philippine Information Agenc...
  • Tagalog news: Buhay ng bawat pamilyang walang bahay ay aasenso ayon sa benepisyaryo ng GK

    DAET, Camarines Norte, Marso 26 (PIA) – “Ang buhay ng bawat pamilyang walang bahay ay aasenso sa pamamagitan ng Gawad Kalinga (GK) Bayani Challenge 2013,” ayon kay Zarena Bacerdo, 21 taong gulang ng Purok 2, Daculang Bolo ng bayan ng San Lorenzo Ruiz. Si Zarena ay nagdadalantao para sa kanyang unang anak at isa sa benepisyaryo ng bahay sa GK Friendship Village, Barangay Laniton, San Lorenzo Ruiz sa lalawigan para sa ika-8 Bayani Challenge na nagsimula noong ika-23 hanggang 27 ng Marso nga...
  • Tagalog news: Seguridad para sa mga deboto at bakasyunista sa Sorsogon, pinaigting

    LUNGSOD NG SORSOGON, Mar. 26 (PIA) -- Sa pagpasok ng Semana Santa, higit pang pinahigpit ng mga awtoridad sa Sorsogon ang seguridad upang mabigyang proteksyon at manatiling ligtas ang mga deboto at mga bakasyunista sa lalawigan. Sa koordinasyon ng Land Transportation Office, Philippine National Police (PNP) at mga lokal na pamahalaan, muling ilalagay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang motorist assistance team sa Dona Pepita Park sa Brgy. Bucalbucalan, lungsod ng Sors...
  • Tagalog news: PhilHealth audio-visual ipinapalabas sa mga bus

    LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Mar. 26 (PIA) -- Tinanggap kamakailan ng PhilHealth-4A ang go-signal sa Del Monte Land Transport Bus Company na ipalabas ang PhilHealth’s bus advertisement campaign sa kanilang mga pampasaherong bus. Pagkatapos ng ilang buwang negosasyon, ibinigay na rin ni DLTBCo General Manager James Olayvar ang kanyang approval upang masimulan ang partnership sa pagitan ng PhilHealth at DLTBCo sa isang pulong kasama si RVP Alberto C. Manduriao ng PRO IVA. Napagkasunduan sa nasabi...
  • Tagalog news: Tulong pinansiyal at 'carpentry kits', ipinagkaloob sa 50 pamilya

    LUNGSOD NG BATANGAS, Marso 26 (PIA) -- Pinagkalooban ng tulong pinansiyal at "carpentry kits" ng Pamahalaang Panalalawigan ng Batangas ang may 50 pamilya mula sa mga bayan ng Balete at Mataas na Kahoy kamakailan. Sa ilalim ng Balay Project na ipinapatupad ng provincial social welfare and development office (PSWDO), pinangunahan ni Gov. Vilma Santos Recto ang pamamahagi ng financial grants na nagkakahalaga ng P50,000 kada pamilya upang makatulong sa pagsasagawa at pagsasayos at relokasyon ng kan...
  • Tagalog news: Tampakan tumanggap ng ambulansiya mula sa South Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 26 (PIA) -- Sa wakas, ayon kay Tampakan Mayor Leonardo Escobillo Sr., mababawasan na ang biyahe ng ambulansiya ng pamahalaang bayan ng Tampakan. Ito matapos tinanggap kahapon ni Mayor Escobillo ang susi para sa isa pang ambulansiya na bigay ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato. Sa turnover ceremony kahapon, inihayag ni Gov. Arthur Y. Pingoy Jr., naayon ang pamimigay ng ambulansya sa prayoridad ng pamahalaa...
  • Tagalog News: “OPLAN: Semana Santa Lakbay Alalay”, kasado na sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 26 (PIA) - Inilatag na ng lokal na pamahalaan ng Bulacan ang “Oplan: Seman Santa, Lakbay Alalay upang siguruhin ang kaligtasan ng mga motorista na nagbyabyahe pauwi ng lalawigan ngayon panahon ng Mahal na Araw. Sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction & Management Office (PDRRMO) kasama ang kanilang Bulacan Rescue Team at mga katuwang na local government rescue team, sisimulan bukas, Marso 27 hanggang sa 30 ang pagbabantay upang maiwasan ang abe...
  • Tagalog news: 'Farmer's enhancement productivity program', inilunsad sa Quezon

    LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Mar. 26 (PIA) -- Inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon noong nakaraang linggo ang Farmer’s Enhancement Productivity Program (FEPP) sa lungsod na ito. Unang mabibiyayaan ng nasabing programa ang distrito ng Bondoc Peninsula, kung saan may mahigit sa dalawang daan na mga magsasaka ang makikinabang. Ang pagsasanay na ito ay gagawin sa tulong ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor, at umaasa ang gobernador ng Quezon na si Gov. David Suarez na makakatulong ...
  • Tagalog news: MOA nilagdaan sa pagbubukas ng Bayani Challenge sa Camarines Norte

    DAET, Camarines Norte, Mar. 26 (PIA) -- Nilagdaan ang memorandum of agreement (MOA) noong Sabado, Marso 23, sa Barangay Laniton sa bayan ng San Lorenzo Ruiz kaugnay sa pagbubukas ng Gawad Kalinga Bayani Challenge 2013. Ito ay sa pamamagitan nina Gobernador Edgardo A. Tallado, Board Member Romeo Marmol, Mayor Tito Sarion ng bayan ng Daet, Mayor Nelson delos Santos ng bayan ng San Lorenzo Ruiz at Punong Barangay Eduardo Cabaña ng Laniton at si Provincial Coordinator Honorio Estravez ng Gawad Kal...
  • Tagalog news: 'WOMB system' sa Or Min, itinataguyod ng DOH

    LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar. 26 (PIA) -- Sa programang "Watching Over Mothers and Babies" o WOMB ng Department of Health (DOH), gagamit ngayon ng makabagong teknolohiya ng computer, android tablets at cellular phones ang pamahalaan. Ayon sa DOH, magiging mas madali at mas mabilis ngayon ang pagmo-monitor ng mga health worker sa kalagayang pangkalusugan ng mga buntis at mga batang kanilang isisilang. Sa nabanggit na programa, gagamitin ang midwife at iba pang health workers ng m...
  • Tagalog news: Bolunterismo, nagpapanalo ng laban ng mga mahihirap sa kahirapan

    CABIAO, Nueva Ecija, Marso 26 (PIA) -- Nakakatawid na sa kahirapan ang mga pamilyang naging benepisyaryo ng kusang pakikiisa at pakikipagtulugan o bolunterismo. Patunay dito si Alma Lapuz, 30 taong gulang, isa sa mga nagkaroon ng sariling tahanan dahil sa bolunterismo. “Kami mismo ang nagtayo sa bahay na ipinagkaloob sa amin ng Gawad Kalinga kaya talagang sobrang pinapahalagahan namin ang tahanang ito dahil naging bahagi kami sa pagtatayo. Iminulat sa amin na kung gusto nating magkaroon ng...
  • Tagalog news: Kampanya iwas sunog pinaigting ng PNP sa Masbate

    LUNGSOD NG MASBATE, Marso 26 (PIA) -- Maspinaigting pa ng Masbate Police Provincial Office ang kampanya kontra sunog na madalas mangyari sa panahon ng tag-init. Sa ulat ng pulisya, may isang insidente ng pagkasunog ng sasakyan na nagaganap noong Marso 20, kung saan isang pampasaherong van ang nagliyab sa tapat ng Masbate City Bus and Jeepney Terminal. Sa kabutihang palad nakababa ang mga pasahero bago naganap ang sunog sa nasabing pampasaherong van na biyaheng lungsod ng Masbate patungong ba...
  • Tagalog news: Mga proyekto ng Kalahi-CIDSS pinuri ng RDC 12

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 26 (PIA) -- Mahusay ang pagkakagawa ng mga proyektong ipinatutupad ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) Project, ayon sa ulat ng Regional Development Council (RDC) 12. Kamakailan, ininspeksyon ng Regional Project Monitoring Committee ng RDC 12 ilang mga proyektong pangkaunlaran sa Soccsksargen Region, kabilang na ang mga proyekto ng Department of Socia...
  • Tagalog news: ‘Waste to Energy technology’ nakikitang solusyon sa krisis ng kuryente

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mar. 26 (PIA) -- Naglatag ng solusyon kahapon sa isinagawang Power Crisis Forum ang isang pribadong organisasyon kaugnay ng nararanasang power crisis ngayon sa Mindanao partikular sa unang distrito ng North Cotabato. Sa pamamagitan umano ng ‘waste to energy’ technology ay makakapag- generate ng karagdagang suplay ng kuryente gamit lamang ang mga organic agricultural waste. Ayon kay Atty. Gao Pronove ng Eco Marketing Solutions, iipunin ang mga rice husk...
  • Tagalog news: PNP, Army pinaigting ang seguridad para sa Semana Santa

    VIRAC, Catanduanes, March 26 (PIA) -- Pinaigting ng pulisya sa lalawigan ang seguridad sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga lokal at iba pang turista ngayong panahon ng Semana Santa. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Provincial Director Senior Superintendent Eduardo G. Chavez, nakataas ang alerto ng buong kapulisan sa 11 bayan ng lalawigan. Magtatalaga rin umano ng checkpoint sa mga piling lugar sa probinsya upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista at masiguro ang kaayusan sa...
  • Tagalog news: Oryentasyon sa Gender and Development isinagawa sa mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan

    DAET, Camarines Norte, Marso 26 (PIA) -- Isinagawa ngayong araw sa Audio Visual Room ng kapitolyo probinsiya ang oryentasyon sa Gender and Development (GAD) kabilang na ang Magna Carta of Women provisions on Reproductive Rights at Gender Based-Violence para sa GAD Focal Point System. Pinangunahan ito ng Provincial Social Welfare and Development Office kung saan dinaluhan ito ng mga empleyado mula sa bawat tanggapan ng pamahalaang panlalawigan. Naunang tinalakay ang konsepto ng GAD at ang gende...
  • Tagalog news: Occ Min Peace Covenant itinakda

    SAN JOSE, Occidental Mindoro, March 26 (PIA) -- Isang peace covenant ang isinagawa ng Commission on Elections (Comelec), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa mga kandidato ng lalawigan. Ang nasabing peace covenant ay naganap noong March 22, alas-tres ng hapon sa Camp Sibley Ebersole, bayan ng San Jose. Ayon kay Atty. John Mark Tambasacan, provincial election supervisor, kinailangang magsama-samang muli ang tatlong ahensya ng pamahalaan upang bigyang...
  • Tagalog news: CSWDO ng Cotabato, patuloy ang pangangampanya kontra pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 26 (PIA) -- Walang patid ang ginagawang kampanya ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa lungsod ng Cotabato laban sa mga pang-aabuso sa mga kababaihan at maging sa mga kabataan. Ayon kay CSWDO Assistant Head Veranda Samson, nagsasagawa ang kanilang tanggapan ng mga oryentasyon tungkol sa Violence Against Women and Children (VAWC) Act sa iba’t ibang mga barangay sa naturang lungsod. Tiwala si Samson na napakahalagang mabigyan ng sa...
  • Tagalog news: Pagpreserba sa tahanan ng bayaning si Mariano Ponce, popondohan sa 2014

    BALIWAG, Bulacan, Marso 26 (PIA) -- Maaagapan na nang tuluyan ang pagkabulok ng makasaysayang tahanan ng bayaning si Mariano Ponce kasunod ng pagtitiyak ni Senate President Juan Ponce Enrile na maglalaan sa kanyang Priority Development Assistance Fund sa susunod na taon para sa proyekto. Panauhing pandangal si Enrile at si Senador Loren Legarda sa pagsisimula ng isang taong paggunita ng ika-150 kaarawan ni Ponce sa bayan ng Baliwag. Tumatayong apo sa pinsan ang Senate President ni Mariano Po...
  • Tagalog news: Apat na bagong trak ng PDRRMO binasbasan

    LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan, Mar. 25 (PIA) -- Binasbasan kamakailan ang apat na bagong trak ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) para sa operasyon nito. Ayon kay Atty. Winston Gonzales, hepe ng PDRRMO, ang mga bagong trak ay nabili mula sa bahagi ng Local Government Support Fund na ipinagkaloob ng pamahalaang nasyunal sa mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Aniya, ang pondong ito ay ipinagka...
  • Tagalog news: Komunidad sa Gensan ikinatuwa ang proyektong “SHEEP mobile laboratory”

    LUNGSOD NG HENERAL SANTOS, Marso 25 (PIA) -- Ikinatuwa ng isang komunidad sa lungsod ang planong pagbili ng lokal na gobyerno ng isang trak na tatawaging “SHEEP mobile laboratory” kung saan ilalagay ang mga kompyuter sa likod nito at bibisita sa mga malalayong barangay upang makapagsagawa ng libreng pagsasanay tungkol sa pag gamit ng kompyuter. Ayon sa Kapitan ng Barangay Mabuhay na si Wilfredo Parreñas malaking tulong umano ang nasabing proyekto lalung-lalo na sa mga residente ng mga mala...
  • Tagalog news: SHEEP-CLP naglagay ng 58 na “computer lab” sa iba’t-ibang lugar sa Gensan

    LUNGSOD NG HENERAL SANTOS, Marso 25 (PIA) -- Umabot na sa 58 na “speech and computer laboratory” ang itinayo ng SHEEP-Computer Literacy Program (CLP) ng gobyernong lokal sa iba’t-ibang barangay sa lugar upang mabigyan ng oportunidad ang mga ordinaryong mamamayan na matutong gumamit ng kompyuter. Ayon sa hepe ng SHEEP-CLP na si Percival Pasuelo, sa nasabing bilang 26 nito ang nasa mga pampublikong eskwelahan sa hayskul sa iba’t-ibang barangay sa syudad, 28 sa mga pampublikong elementarya...
  • Tagalog News: Pamahalaan ipatupad ang dagliang paraan upang matugunan ang kakulangan ng koryente sa Mindanao

    AGUSAN DEL SUR, Mar. 24 (PIA) - Ipapatupad ng pamahalaan ang madaliang paraan upang matugunan ang kakulangan ng koryente sa Mindanao. Sinabi noong Hwebes ni Pang. BenIgno Aquino III na ipapakita ng Department of Energy (DOE) ang madaliang paraan para matugunan ang suliranain ng kakulangan ng koryente para guminhawa ang mga negosyante sa palaging kawalan ng koryente. Naiulat na tumawag ang mga negosyanteng taga Mindanao sa Pangulo na gamitin ang kanyang pang emehensiyang kapangyarihan para mabi...
  • Tagalog news: 'Fun Run' ng BJMP matagumpay na idinaos sa Odiongan

    ODIONGAN, Romblon, Mar. 25 (PIA) -- Muling nagkaisa ang pamayanan sa bayang ito para sa isang "Fun Run" na inorganisa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na may temang “Takbo para sa Kalusugan ng mga Bilanggo 2013” na idinaos kamakailan. Bilang tugon sa panawagan ng mga tauhan ng BJMP na makakalap ng pondo na gagamitin upang ipagpatuloy ang proyektong pagpapatayo ng klinika na magsisilbing pagamutan sa pandistritong piitan sa bayan ng Odiongan. Tinatayang umabot sa 1,258 kat...
  • Tagalog news: 500 na kabataan makikinabang sa SPES sa South Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 25 (PIA) -- Limang daang mahihirap na kabataan ang inaasahang makikinabang sa Special Program for Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Employment (DOLE) at pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato. Aabot sa mahigit P1.085 milyon ang pondong inilaan ang South Cotabato LGU para sa SPES ngayong taon. Pambayad ang naturang pondo sa 60 porsiyento sa arawang sahod ng mga SPES beneficiaries ...
  • Tagalog news: Humigit-kumulang 262 student leaders sa N. Cotabato, lumahok sa leadership training

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 25 (PIA) -- Aabot sa humigit-kumulang 262 na mga student leaders sa lalawigan ng North Cotabato ang lumahok sa Leadership Peace Camp na nagsimula ngayong araw at magtatapos naman sa Miyerkules. Ang mga estudyante ay nagmula pa sa iba’t-ibang mga pribado at pampublikong paaralan sa naturang lalawigan. Layon ng pagsasanay na lalo pang mapalakas at madagdagan ang karunungan ng mga student leaders sa pamamahala sa loob ng paaralan. Nabatid na isasail...
  • Tagalog news: Cotabato City PNP, suportado ang sektor ng mga kababaihan sa lungsod

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 25 (PIA) -- Todo sa pagkatig ang pamunuan ng Cotabato City PNP sa sektor ng mga kababaihan sa lungsod sa paniniwalang ang mga ito ay may kakayahan sa pagsulong ng kaunlaran ng lipunan. Kaugnay nito, sinabi ni Cotabato City PNP deputy police chief Supt. Noel Kinazo na patuloy ang kanilang ginagawang adbokasiya upang maitaas ang antas ng kamalayan ng publiko sa papel na ginagampanan ng mga kababaihan. Dagdag pa ng opisyal, mayroong children and women...
  • Tagalog News: DENR naglaan ng P5M para sa rehab ng 12 heritage sites sa Ifugao

    Tagalog News: DENR naglaan ng P5M para sa rehab ng 12 heritage sites sa Ifugao By Marcelo B. Lihgawon MAYOYAO, Ifugao, March 25 (PIA) - - Naglaan ng limang milyong piso ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa rehabilitasyon ng labindalawang heritage sites sa lalawigan ng Ifugao. Ang pondo na idinaan sa pamamagitan ng United Nations Educational, Scientific at Cultural Organization (UNESCO), National Commission (NatCom) sa Manila ay naglalayong maisaayos ang 8,42...
  • Tagalog news: Mamamayan ng Kabacan, N. Cotabato, nakiisa sa ginanap na bloodletting activity

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 25 (PIA)—Lumahok ang ilang mga mamamayan ng Kabacan, North Cotabato sa ginanap na bloodletting activity sa bayan kahapon. Kabilang sa mga nakiisa ay ang mga kawani ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), 7th Infantry Battalion (IB), mga estudyante ng at propesor ng University of Southern Mindanao (USM) at Lumayong Highschool, Barangay Health Workers (BHW) at maging ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng naturang ba...
  • Tagalog news: Dating police provincial director, pinarangalan ng South Cotabato LGU

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 25 (PIA) -- Isang programa ang inialay kaninang umaga ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato para kay dating police provincial director PSSupt. Randolph Delfin Kamakailan, na-promote si Col. Delfin bilang Regional Chief Directorial Staff sa Police Regional Office 12 na nakabase sa General Santos City. Nagsilbi siya bilang director ng South Cotabato Police Provincial Office ng 17 buwan at 12 araw. ...
  • Tagalog news: Justice on Wheels nakarating na sa Sorsogon

    LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 25 (PIA) -- Mahigpit ang seguridad ng Sorsogon Provincial Command at City Police Station sa paligid ng Kapitolyo Probinsyal at sa Bulwagan ng Katarungan simula 6 n.u, kanina, lunes. Ito ay kaugnay sa Justice on Wheels Program kasama si Supreme Court Justice Ma. Lourdes Sereno at mga kasamahan nito na lumilibot sa buong kapuluan. Sa impormasyong nakalap ng PIA Sorsogon, ngayong araw nakatakdang ilunsad sa Sorsogon ang, “Justice on Wheels Increasing Access to the Poo...
  • Tagalog news: 500 upland farmers sa Gitnang Luzon nakatakdang makinabang sa bamboo project ng DENR at PCAARRD

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Marso 25 (PIA) -- May 500 upland farmers sa Gitnang Luzon ang nakatakdang makinabang sa limang milyong pisong bamboo project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development (PCAARRD). Sinabi ni DENR Regional Executive Director Maximo Dichoso na ang dalawang taong cash-for-work na proyekto ay naglalayong makapagtatag ng paunangl 40 ektaryang bamboo plantatio...
  • Tagalog news:Tatlong provincial offices ng DTI sa Gitnang Luzon, gagawaran ng Seal of Excellence Award ng CSC ngayong araw

    LUNGSOD NG ANGELES, Pampanga Marso 25 (PIA) -- Muli na namang guguhit ng kasaysayan ang Department of Trade and Industry (DTI) Central Luzon ngayong araw dahil ang mga provincial offices nito sa Pampanga, Nueva Ecija, at Bulacan ay gagawaran ng Citizen’s Satisfaction Center Seal of Excellence Award ng Civil Service Commission (CSC). Personal na ipagkakaloob nila CSC Chairman Francisco Duque III at DTI Secretary Gregory Domingo ang mga pagkilala at cash rewards sa mga opisyal at empleyado ng m...
  • Tagalog news: Buwan ng Kababaihan, ipinagdiwang sa lalawigan ng Batangas

    LUNGOSD NG BATANGAS, Marso 23 (PIA) --Pinangunahan ni Governor Vilma Santos Recto ang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan na may temang “Kababaihan, Kaagapay sa Pagtahak sa Tuwid na Daan” kasama ang mga kinatawan mula sa Provincial Women’s Coordinating Council (PWCC), Kalipunan ng Lipi ng Pilipina (KALIPI) at iba pang samahan mula sa iba’t ibang bayan sa Provincial Auditorium noong March 20, 2013. Sa kanyang mensahe ay ipinahayag ng Gobernadora ang kanyang pagsaludo sa mga samahang pan...
  • Tagalog news: TB warriors sa lalawigan, binigyang pagkilala

    LUNGSOD NG BATANGAS, Marso 23 (PIA) --Bilang pagpapakita ng sama-samang pagharap upang labanan ang nakamamatay na Tuberculosis, ginunita at ipinagdiwang ng lalawigan ng Batangas ang World TB Day Celebration na may temang “ Stop TB! Makialam” para sa taong 2013. Pinangunahan ni Batangas Governor Vilma Santos Recto ang pagdiriwang laban sa TB kasama ang mga aktibong miyembro na tinaguriang TB warriors na binubuo ng mga opisyal mula sa Provincial Health Office, Center For Health and Devel...
  • Tagalog news: Police visibility mas pa-iigtingin pa ngayong bakasyon

    LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Marso 23 (PIA) --Mas paiigtingin ngayon ang gagawing pagbabantay ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) sa ilalim ng pamumuno ni PSSupt Dionardo B Carlos sa mga matataong lugar sa Quezon sa darating na bakasyon kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa mga tourist spots ng Quezon at iba pang mga lugar na dinarayo kapag bakasyon. Bilang paghahanda, noong ika-20 ng Marso 2013, ipinatawag PD Carlos ang ilang hepe ng kapulisan, kabilang ang Lucban, Dolores, T...
  • Tagalog News: “Gotad Ad Ifugao” working committees binuo

    LAGAWE, Ifugao, Marso 23 (PIA) -- Pormal nang binuo ng provincial government ang 2013 Gotad working committees upang mapaghandaan ang nalalapit na anibersaryo ng probinsiya. Ito ay alinsunod sa kautusan ni Governor Eugene Balitang bilang maagang paghahanda para sa ikapagtatagumpay ng selebrasyon ng ika-47 na anibersaryo ng Ifugao. Ayon kay Governor Balitang, ang mga working committees ang tuwirang magsasagawa ng plano at magsasagawa sa ibat-ibang aktibidad at iba pang gawain na may kaugnayan s...
  • Tagalog news: Ilang bahagi ng NE, Aurora makakaranas ng tig-30 minutong pagkawala ng kuryente ngayong araw

    BALER, Aurora, Marso 23 (PIA) -- Makakaranas ang ilang bahagi ng Aurora at Nueva Ecija ng tig-30 minutong pagkawala ng kuryente ngayong araw. Sinabi ni National Grid Corporation of the Philippines North Luzon Corporate Communications and Public Affairs Officer Lilibeth Gaydowen na ang mga customers ng NEECO I, CELCOR and NEECO II Area 2 ay makakaranas ng brown out mula 5:30AM hanggang 6AM. Ang mga apektadong lugar ay ang mga lungsod ng Cabanatuan at Gapan, at mga bayan ng San Isidro, Cabiao, ...
  • Tagalog news: Bagong ruta ng barkong 2Go sa Odiongan, magpapalakas ng turismo sa Romblon

    ODIONGAN, Romblon, Marso 23 (PIA) -- Ang pagkaroon ng bagong ruta sa Odiongan ng barkong pag-aari ng kumpaniyang 2GO Travel ay isang magandang oportunidad dahil ito ay makakatulong sa pag-angat ng industriya ng turismo ng lalawigan. Sinabi ni Mayor Baltazar “Boy” Ll. Firmalo magandang pagkakataon ito para sa programa ng turismo hindi lamang sa bayan ng Odiongan kundi maging sa probinsya ng Romblon sa kabuuan na dapat pagtuunan ng pansin upang makapagbigay ng dagdag na trabaho sa mga mamama...
  • Tagalog news: Presidente ng Kabalikat Civicom darating sa Sorsogon para sa isang Grand Eyeball

    LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 22 (PIA) -- Para sa mas epektibong serbisyo publiko at mabilis na pagtugon sa pangangailangang emerhensiyang pangkomunidad sa probinsya ng Sorsogon, bibisita si Gil De La Torre, National President at Founder ng Kabalikat Civicom. Ang Kabalikat Provincial Council ang nag-organisa ng nasabing pagtitipon sa pangunguna ni Provincial Chairman Jasper Ian Ubaldo. Sinabi ni KB 515 President Roel Atutubo na nakatakdang dumating si De La Torre sa Sorsogon sa ika-23 ng Marso ng...
  • Tagalog news: Agricultural extension workers nagsasanay sa organic production sa Odiongan

    ODIONGAN, Romblon, Marso 22 (PIA) -- Isang pagsasanay ang isinagawa kamakailan sa bayan ng Odiongan hinggil sa Organic Production Technology para sa mga Agricultural Extension Workers ng lalawigan ng Romblon. Sinabi ni Ginoong Geishler F. Fadri, provincial agriculturist ng Romblon, ang pagsasanay at mga pagtuturo ay alinsunod sa R. A. No. 10068 na naglalayong mabigyan ng dagdag kaalaman at mga paraan upang mapaigting ang produksyon pang-agrikultura sa pamamagitan ng Organic Farming. Ang pagsu...
  • Tagalog news: Occ Min Peace Covenant itinakda

    SAN JOSE, Occidental Mindoro, Marso 21 (PIA) -- Itinakda ng Commission on Elections (Comelec), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang pagdaraos ng isang Peace Covenant para sa mga kandidato ng lalawigan sa darating na Biyernes, Marso 22, sa Camp Sibley Ebersole bayan ng San Jose. Ayon kay Atty. John Mark Tambasacan, Provincial Election supervisor, kinailangang magsama samang muli ng tatlong ahensya ng pamahalaan upang bigyang daan ang napapanahong aktibida...
  • Tagalog news: Marinduque Expo 2013 at Pasalubong Village, babasbasan at pasisinayahang muli

    BOAC, Marinduque, Marso 22 (PIA) -- Ang taunang Marinduque Expo at Pasalubong Village ay babasbasan at pasisinayaang muli para sa taong ito sa Marso 25 ng ika-10 ng umaga sa Boac River Bed, San Miguel. Ang proyektong ito ay mula sa pamahalaang panlalawigan ng Marinduque sa pakikipagtulungan sa pamahalaang bayan ng Boac, Department of Trade and Industry, Marinduque State College, Marinduque Chamber of Commerce and Industry at mga small and Medium Enterprise (SMEs). Ang Marinduque Expo at Pasalu...
  • Tagalog news: Pagsasanay para sa census ng mangangalakal isinagawa ng NSO Romblon

    ROMBLON, Romblon, Marso 22 (PIA) -- Matagumpay na idinaos ng NSO Romblon ang tatlong araw na pagsasanay sa 3rd Level Census of Philippine Business and Industry na ginanap noong ika-19 hanggang ika-20 ng Marso 2013. Sinabi ni Abraham Fabicon, Provincial Statistics officer, na ang pagsasanay na kanilang ginawa ay kaugnay sa nakatakdang 2012 Census of Philippine Business and Industry o CPBI na isasagawa ngayong darating na Abril ng NSO Romblon sa lalawigan ng Romblon. Aniya, pangunahing layunin...
  • Tagalog news: Papel ng kababaihan sa lipunan, patuloy na isinusulong sa Rehiyon Dose

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 22 (PIA) -- Patuloy na isinusulong sa Rehiyon Dose ang kahalagahan ng kababaihan sa lipunan. Ito ay bilang aksyon upang labanan ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga babae at bilang pakikiisa na rin sa selebrasyon ng Women’s Month ngayong buwan. Sa isinagawang press conference kahapon hinggil sa Magna Carta of Women at Gender Development, binigyang-diin ni Officer –In-Charge Atty. Ranibai Dilangalen ng Public Attorney’s Office (PAO) ng Maguinda...
  • Tagalog news: 382nd Founding Job Fair inilunsad sa bayan ng Romblon

    ROMBLON, Romblon, Marso 22 (PIA) -- Kaugnay ng selebrasyon ngayong taon ng ika-382 na pagkakatatag ng munisipyo ng Romblon tuwing Marso 19, isang job fair ang sinimulan ng lokal na pamahalaan ng Romblon sa pakikipagtulungan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Department of Labor and Employment (DOLE) Romblon at Public Employment Service Office (PESO). Ang job fair ay kasalukuyan pa ring ginaganap sa lobby ng Romblon Municipal building na pinangasiwaan ng tanggapan ni Mayor ...
  • Tagalog news: Pamahalaan ng Malaysia pumayag nang mabisita ang mga nahuling tauhan ng Sultanato ng Sulu

    MANILA, Marso 22 (PIA) -- Pumayag na ang pamahalaan ng Malaysia na bisitahin ng mga tauhan ng Philippine Embassy ang mga nahuling Pilipino na tauhan umano ng Sultanato ng Sulu. Ayon kay DFA Spokesperson Raul Hernandez, nagpapadala na ng note verbale ang Malaysian Foreign Ministry sa Philippine Embassy sa Malaysia kung saan nakasaad ang pahintulot na mabisita ng kawani ng embahada ang mga nahuling Pilipino. Gayunpaman, hindi naman sinabi roon kung kailan sila mabibisita at kung ilan ang eksakt...
  • Tagalog news: P.4 million na tulong kabuhayan ipanagkaloob sa bayan ng Ifugao

    AGUINALDO, Ifugao Marso 22 (PIA) -- Nakatanggap kamakailan ang lokal na pamahalaan dito ng P400,000 bilang tulong pangkabuhayan mula sa SN Aboitiz Power Magat, Inc (SNAP-Magat Inc.) Ang nasabing halaga na magsisilbing pondo ng para sa produksyon ng tubo ng munisipalidad ay pormal na ipinagkaloob sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ni Mayor Clemente Talusig. Ayon kay Talusig, ang ibinigay na halaga ay karagdagan pondo ng Comprehensive Livelihood Enterprise and Marketing Development Program (...
  • Tagalog news: Balitandaan ng ABS-CBN isinagawa sa Sibuyan

    SAN FERNANDO, Romblon, March 22 (PIA) -- Matagumpay na ginanap ang makasaysayang paglalagay ng "marker" o "landmark" na Balitandaan bilang bahagi ng ika-25 taong anibersaryo ng ABS-CBN sa Sitio Cabitangahan, Barangay Taclobo, San Fernando Romblon kamakailan bilang pag-alala sa lahat ng biktima ng lumubog na barkong MV Princess of the Star. “Balitandaan is a historical landmark in memorial of the victims of the ill-fated tragedy when the MV Princess of the Star capsized on June 21, 2008 at si...
  • Tagalog news: Bilang ng kriminalidad sa Sorsogon malaki ang ibinaba – SPPO

    Ni FB Tumalad LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 22 (PIA) -- Malaki ang ibinaba ng kriminalidad sa probinsya ng Sorsogon ayon sa istatistika ng Sorsogon Police Provincial Office-Provincial Investigation and Detective Management Branch (PIDMB) sa pamumuno ni PSI Armando Lopez. Ayon sa record ng PIDMB, mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2012 ang bilang ng krimen ng Index Crime (CI) at Non-Index Crime (NIC) na naitala sa Sorsogon ay umabot ng 572 insidente o 34 na porsyento, masmababa kung ikukumpara no...
  • Tagalog news: 60 Masbateños, lalahok sa Bayani challenge sa Cam Norte

    LUNGSOD NG MASBATE, Marso 22 (PIA) -- Animnapung Masbateño ang tutulak ngayong araw sa Camarines Norte upang makibahagi sa Bayani Challenge ng Gawad Kalinga (GK) na magsisimula bukas. Sa pangunguna ni trial court Judge Igmedio Emilio Camposano, bubuo ang 60 ng apat na teams na tutulong sa 2,000 volunteers sa pagtayo ng 44 bahay sa Barangay Laniton sa bayan ng San Lorenzo. Ang GK Bayani Challenge ay limang-araw na pagsubok sa tibay ng loob, pagkamatatag at pagmamahal sa bayan na itinatanghal n...
  • Tagalog news: IP community sa Midsayap, N. Cotabato tumanggap ng mga pananim

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 22 (PIA) -- Aabot sa 150 na punla ng kalamansi at 150 na punla ng lanzones ang malugod na tinanggap ng mga residente ng Barangay Milaya sa bayan ng Midsayap, North Cotabato. Layunin ng pamimigay ng fruit tree seedling ang makatulong sa mitigasyon ng nararamdamang epekto ng pagbabago ng panahon. Ang mga nasabing binhi ay tinanggap ng mga residente sa pangunguna ni Milaya Barangay Captain Edilberto Lampaog. Nabatid na karamihan sa naninirahan sa bara...
  • Tagalog News: Navy, DELTACOM lumagda ng kasunduaan para mapagtibay ang operasyon tuwing may kalamidad

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Marso 22 (PIA) -- Isang kasunduan ang nilagdaan ng Naval Forces Northern Luzon (NFNL) at Disaster Emergencies Land Traffic Assistance Communicators Philippines Inc. (DELTACOM) upang lalong mapagtibay at mapagbuti ang kanilang operasyon tuwing may kalamidad sa hilagang Luzon. Ayon kay Commodore Nodolfo V. Tejada, commander ng NFNL, ang kasunduaan ay magsisilbing mahalagang hakbang tungo sa pagsasakatuparan ng adhikaing makapagbigay ng responsable at mahusay na...
  • Tagalog news: Kahalagahan ng moral at espirituwal na katangian ng mga empleyado, isnusulong sa lungsod ng Cotabato

    LUNGSOOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 22 (PIA) -- Itinataguyod ngayon sa lungsod ng Cotabato lalung-lalo na sa pamahalaang panlungsod ang kahalagahan ng moral at espirituwal na katangian ng mga empleyado. Kaugnay nito, hinikayat ang mga kawani ng city government na sumunod sa kani-kanilang mga moral at espirituwal na tungkulin sa kabila ng pagkakaiba ng relihiyon. Sa isang memorandum na ipinalabas ni City Mayor Japal Guiani Jr., nakasaad na striktong ipinatutupad ng pamahalaan ang pagsu...
  • Tagalog news: Serbisyo ng gobyerno patuloy na ipinaabot sa komunidad ng mga Bangsamoro sa Pikit, N. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 22 (PIA) -- Nagpapatuloy pa rin ang pagsasagawa ng malawakang eye check up sa buong Unang Distrito ng North Cotabato. Nagsagawa ngayong linggo ng puspusang pagsusuri sa mata ang mga eye specialists sa apat na Bangsamoro communities sa bayan ng Pikit dito sa lalawigan. Kabilang dito ng mga barangay ng Buliok, Raja Muda, Bagu- Inged, at Inug- ug na pawang nabibilang sa mga identified conflict affected areas sa nabanggit na bayan. Higit 300 mga indibid...
  • Tagalog news: Koronadal nananawagan ng tulong para sa 'Tree Growing Festival'

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 21 (PIA) -- Humiling ng tulong ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Koronadal sa publiko dahil aabot sa kalahating milyong seedlings ang kakailanganin para sa Tree-Growing Festival. Partikular na kailangan ng pamahalaang panglungsod, ayon kay City Environment and Natural Resources Officer Augustus Bretaña, ang mga taong tutulong sa bagging ng mga semilyang puno sa itinayong nursery sa likod ng city hall. Mula sa nursery na ito, inaasahan ng City E...
  • Tagalog news: FAB forum, hiniling ng asosasyon ng mga drayber sa Midsayap, N. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 21 (PIA) -- Ninanais ng pamunuan ng Midsayap Transport Federation (MidTrans) sa lalawigan ng North Cotabato na mabigyan din sila ng pagkakataong mapaliwanagan tungkol sa Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB). Gusto umano ng mga kasapi ng MidTrans na maslalo pang maintindihan ang napapaloob sa FAB upang madagdagan pa ang kaalaman ng sektor ng transportasyon sa napag-uusapan ng pamahalaang nasyunal at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ayon...
  • Tagalog news: OCD, nagsagawa ng pagsasanay ukol sa 'Incident Command System'

    ROMBLON, Romblon, Marso 21 (PIA) -- Nagsagawa ang Office of Civil Defense (OCD)-Mimaropa ng "Basic Incident Command System" seminar sa lungsod ng Tagaytay na nilahukan ng humigit kumulang 46 na katao mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan sa lalawigan ng Romblon kamakailan. Sinabi ni Assistant Director Joel Viloria, ang inisyatibong ito ay bunsod na rin ng katatapos na Mimaropa Regional Atlethic Asssociation 2013, na kung saan matagumpay na napanatili ang katahimikan at kaayusan sa buong kal...
  • Tagalog news: 'Tuna Tonelada Festival' ng Mamburao simula na

    MAMBURAO, Occidental Mindoro, Marso 21 (PIA) -- Sinimulan na ang pagdiriwang ng Tuna Tonelada Festival sa bayan ng Mamburao sa pamamagitan ng isang "Street Dancing Competition" noong Martes, Marso 19. Ayon kay Jonie Mulingbayan ng Municipal Planning and Development Office (MPDO), isa ito sa pinakakaabangan ng mga taga-Mamburao kung saan pinagsama-sama ang ilang mga barangay upang makabuo ng kanilang kalahok sa kompetisyon. Lima ang grupong nabuo at nagpaligsahan upang makamit ang unang pwesto ...
  • Tagalog news: DOST nagsasagawa ng 'Technopreneurship Bootcamp' sa Palawan

    LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Marso 21 (PIA) -- Nagsasagawa ang Department of Science and Technology (DOST) ng isang "Technopreneurship Bootcamp" para sa mga kuwalipikadong nagpapatakbo ng maliliit na negosyo sa Palawan State University (PSU) mula Marso 21 hanggang Mayo 31. Ayon kay May Lacao, Provincial Economic Enterprise and Development Officer ng pamahalaang panlalawigan, ang gawaing ito ay isang pagsasanay para sa "Micro, Small and Medium Enterprises" (MSME) na nagbibigay tugon sa kahalagaha...
  • Tagalog news: 'Adopt-A-Child' sa Occ Min muling pinasimulan

    MAMBURAO, Occidental Mindoro, Marso 21 (PIA) -- Muling pinasimulan ng Provincial Nutrition Office (PNO) ang programang "Adopt-A-Child" kamakailan upang mabigyan ng tulong ang mga "severely malnourished" na mga bata sa lalawigan. Ito ay isang programa ng pamahalaang panlalawigan kung saan humahanap ang PNO ng mga sponsors, maaring indibidwal o isang grupo, na makapagbibigay ng 10 piso araw-araw sa loob ng 120 days. Gagamitin ang perang ito upang makapagpakain ng itlog at iba pang rekado nito tuw...
  • Tagalog news: Kahalagahan ng media sa pagpapatupad ng 'gender equality', tinalakay

    LUNGSOD NG BATANGAS, Marso 21 (PIA) -- Isinagawa ng Batangas State University (BSU) ang isang talakayan na may titulong "Forum on Media Responsibility, Depiction of Filipino Women in Nurturing Gender Equality" sa BSU Amphiteater kamakailan. Ang naturang talakayan na nilahukan ng iba't ibang mga mag-aaral, guro at miyembro ng media sa Batangas na may layuning mabigyang diin ang kahalagahan ng media sa pagpapatupad ng gender equality para sa lahat. Ayon kay Dr. Nora Magnaye, presidente ng BSU, a...
  • Tagalog news: Seminar ukol sa 'Anti-illegal recruitment at anti-trafficking in persons,' tampok sa Buwan ng Kababaihan

    LUNGSOD NG BATANGAS, Marso 21 (PIA) -- Isang seminar ukol sa anti-illegal recruitment at anti-trafficking in persons ang isinagawa sa Boy scouts of the Philippines (BSP) sa lungsod na ito kamakailan bilang bahagi ng pagdiriwang ng buwan ng kababaihan. Ang naturang seminar ay layuning magbigay ng tama at sapat na kaalaman upang maiwasang maging biktima ng mga illegal recruiter at trafficker na karaniwang nambibiktima sa mga Pilipinong nagnanais maghanapbuhay sa ibang bansa. Sa isang panayam kay...
  • Tagalog news: Kalahating milyong puno itatanim sa Koronadal sa Hunyo 29

    LUNGSOD NG KORONADAL, Marso 21 (PIA) -- Aabot sa kalahating milyong puno ang balak itanim ng pamahalaang panglungsod ng Koronadal sa ikatlong Tree-Growing Festival ng lungsod sa Hunyo 29. Inihayag ni City Environment Officer Augustus Bretaña na sasakupin ng Tree-Growing Festival 3 ang may 2,000 ektaryang lupain sa Roxas Mountain Range at Quezon Mountain Range na sinakop ng pagtatanim ng kahoy ng LGU noong 2011 at 2012. Bilang paghahanda nauna nang nagtatayo ng seedling nursery ang city LG...
  • Tagalog news: Mahigit 5,000 trabaho para sa mga mag-aaral, nag-aantay ngayong bakasyon

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Marso 21 (PIA) -- Mahigit 5,000 trabaho ang naghihintay na papasukan ng mga mag-aaral sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students o SPES sa rehiyon ng Ilocos ngayong bakasyon. Ayon kay Arly Sta. Ana Valdez, information officer ng Kagawaran ng Empleyo at Paggawa o DOLE, layon ng programa na tulungan ang mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay sakanila ng trabaho habang si...
  • Tagalog news: Travel Agencies bumisita sa Ilocos Norte bilang paghahanda sa pagdagsa ng turista

    LUNGSOD NG LAOAG, Marso 21 (PIA) -- Nasa 112 na travel agencies ang bumisita kamakailan sa lalawigan ng Ilocos Norte para magsagawa ng familiarization o “FAM” tour bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga turista dito. Ayon kay Milagros Gonzales ng Department of Tourism sa Ilocos Norte, ang FAM tour na naganap ay para sa pagpapaigting ng kampanya ng probinsya sa turismo ng probinsya. “Makatutulong ang pagsasagawa ng mga travel agencies ng FAM tour sa ating lalawigan dahil sila ang magiging b...
  • Tagalog news: Konsehal ng Tacurong isa sa 10 natatanging konsehal sa bansa

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 21 (PIA) -- Kinumpirma ng information office ng Tacurong City LGU ang pagkakatanghal kay Councilor Psyche Sucaldito bilang isa sa Ten Outstanding Councilors of the Philippines (TOCP) for 2012. Sa isang kalatas inihayag ng Tacurong City Information Office na tinanggap ni Councilor Sucaldito ang parangal noong Marso 7 sa isang seremonya sa SMX Convention Center, Mall of Asia sa lungsod ng Pasay. Iginagawad ang TOCP ng Junior Chamber International Phi...
  • Tagalog news: Col. Delfin pormal nang umupo bilang Regional Chief Directorial Staff ng PRO 12

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 21 (PIA) -- Kinumpirma kahapon ni PSSupt. Randolph R. Delfin ang kanyang pormal na pag-upo bilang Regional Chief Directorial Staff (RCDS) sa Police Regional Office (PRO) 12 nitong linggo. Ang RCDS ay ika-apat na pinakamataas na posisyon ng pulisya sa rehiyon. Isinagawa ang simpleng seremonya na pinangunahan ni Police Regional Director PCSupt. Charles Calima sa loob ng conference room ng PRO 12 headquarters sa Barangay Tambler, sa General San...
  • Tagalog news: May 2,500 Bulakenyo, nakinabang sa Lakbay Buhay Kalusugan caravan

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 21 (PIA) -- May 2,500 Bulakenyo sa Northville, bayan ng Calumpit, ang nakinabang sa isinagawang Lakbay Buhay Kalusugan (LBK) caravan. Sa pangunguna na pamahalaang panlalawigan at ng Department of Health (DOH), layunin nitong maitaas ang antas ng kaalaman ng mga Bulakenyo ukol sa maternal and child health care. Ayon kay Dra. Jocelyn Gomez, pinuno ng provincial health office, tampok sa nasabing caravan ang isang bus na magsisilbing clinic para sa konsultasyon a...
  • Tagalog news: Magagaling na motocross riders magpapasiklaban sa lungsod ng Puerto Princesa

    LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 20 (PIA) -- Magpapasiklaban muli sa Puerto Princesa ang mga magagaling na motocross riders sa Asya sa taunang Federation Internationale de Motocyclisme (FIM) Asia Motocross Championship na idadaos sa ika-sampung pagkakataon sa lunsod na ito sa Marso 21-24. Matutunghayan sa kaganapang ito ang defending champion na si Arnon “Turbo” Theplib ng Thailand, ang kanyang palagiang katunggali na si Tomoya “Kamikaze” Suzuki ng Japan at si Kenneth San Andr...
  • Tagalog news: Natatanging mga Batangueña, pinarangalan

    LUNGSOD NG BATANGAS, Marso 20 (PIA) -- Binigyang parangal ang mga kababaihan sa lungsod na ito sa pagdiriwang ng International Womens Day kamakailan. Ito ay bilang pagbibigay pugay sa kanilang mahalagang papel na ginagampanan hindi lamang sa kanilang pamilya kundi maging sa komunidad. Sa Night of dance and Music awarding of Outstanding Batangueña na inihanda ng City Social Welfare and Development Office at cultural affairs Committee, iba't ibang grupo ang nagtanghal kung saan dinakila ang mga...
  • Tagalog news: Mga gumagamit ng motorsiklo, tinuruan ng mga hakbang pangkaligtasan

    LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 20 (PIA) -- Sa patuloy na pagdami ng mga gumagamit ng motorsiklo para sa kanilang transportasyon, minabuti ng Pink Tie Management (PTM), Inc. sa pakikipagtulungan sa Motorcycle Development Participants Program Association (MDPPA), Inc. na magsagawa ng Motorcycle safety Caravan kamakailan dito sa lungsod ng Sorsogon. Ayon kay PCInsp Nonito F, Marquez, isa sa mga dumalo sa nasabing caravan nais matiyak ng mga organizer ng aktibidad na maisulong ang ligtas na pagsakay sa...
  • Tagalog news: 'Gender Sensitivity Training' isasagawa sa mga empleyado ng DENR bukas

    DAET, Camarines Norte, Marso 20 (PIA) -- Magsasagawa bukas, Marso 21, ng isang pagsasanay o Gender Sensitivity Training para sa mga empleyado ng Department of Environment and Natural Resources Office (DENR) sa kanilang tanggapan dito. Sinabi ni Marizon Vega, forester at GAD focal person na ito ay bahagi ng kanilang gawain sa pagsusulong ng Gender and Development (GAD) at ganon din sa pagdiriwang ng buwan ng kababaihan na may pambansang tema “Kababaihan: Gabay sa pagtahak sa tuwid na daan.” ...
  • Tagalog news: Nasirang makina ng TMI, dahilan ng mahabang oras ng ‘brown-out’ sa N. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 20 (PIA) -- Tinukoy na dahilan ng madalas at mahabang oras ng ‘brown-out’ sa lalawigan ng North Cotabato ang nasirang makina ng Therma Marine, Inc. (TMI) sa Maco, Compostela Valley. Ito ang inihayag ni Cotabato Electric Cooperative (Cotelco) spokesperson Vicente Baguio matapos magreklamo ang mga mamamayan sa nararanasang pagkawala ng kuryente. Ani Baguio, nasira ang isa sa mga makina ng TMI dahil sa matagal na umano itong ginagamit. Kaugnay nito...
  • Tagalog news: 47 benepisaryo, nabiyayaan sa ilalim ng cattle-fattening project

    LUNGSOD NG BATANGAS, Marso 20 (PIA) -- May 47 benepisaryo ang nabigyan ng mga alagang baka sa ilalim ng cattle-fattening project na ipinatutupad ng City Planning and Development Office (CPDO) sa lungsod na ito. Ang bawat isa ay tumanggap ng P20,000 halaga ng pambili ng baka kasama ang kinatawan ng nasabing opisina. Sa halagang ito rin kasama ang gastos sa pagproseso ng mga dokumento at transportasyon ng nabiling baka. Ayon kay city Planning and Development Officer Januario Godoy, mahigit na 30...
  • Tagalog news: Masmadami ang trabaho kaysa aplikante sa La Union Mega Job Fair 2013

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, March 20 (PIA) -- Masmadaming trabaho kaysa sa dumagsang aplikante noong nakaraang job fair na isinagawa ng lokal na pamahalaan ng La Union na nagpapahiwatig ng positibong kalagayan ng empleyo sa bansa. Ayon kay Charito Dator, manager ng public employment service office o PESO sa La Union, ang tumbasan ng mga aplikante at sa bakanteng trabaho ay nangangahulugan na madaming trabaho rito. “Ang pagkakaroon ng mas madaming trabaho kaysa sa mga aplikante ay tre...
  • Tagalog news: Araw ng Kababaihan, ipinagdiwang sa lungsod ng Batangas

    LUNGSOD NG BATANGAS, Marso 20 (PIA) -- May 3,000 miyembro ng 20 grupo ng kababaihan sa lungsod ang nakilahok sa pagdiriwang ng buwan ng mga kababaihan kamakailan. Sinimulan ang pagdiriwang sa isang banal na misa sa Basilica ng Immaculada Concepcion kasunod ng parada patungong Batangas city sports coliseum kung saan isang programa ang inihanda ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Sa mensahe ni Mayor Vilma Abaya Dimacuha, sinabi nito na bilang babae at ina ng lungsod, dapat lam...
  • Tagalog news: Isang barangay sa Midsayap, N. Cotabato may bagong bahay-pamahalaan

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 20 (PIA)--Itinurn-over na kamakalawa sa pamunuan ng Barangay Poblacion 3 sa Midsayap, North Cotabato ang itinayong bagong bahay-pamahalaan. Opisyal na tinanggap ni Barangay Captain Franklin Laviña ang ‘key of responsibility’ sa natukoy na proyekto. Ayon sa opisyal, malaking tulong umano ito sa pagpapatupad ng mga proyekto at programang itinataguyod ng pamahalaang barangay. Ang itinayong bahay-pamahalaan ay may halagang P1 milyon na ipinatupad s...
  • Tagalog news: Bulacan, wagi bilang Agri-Pinoy Rice Achiever

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 20 (PIA) -- Muling umani ng parangal ang Bulacan matapos kilalanin ito bilang isa sa 10 pinaka-nangungunang lalawigan pagdating sa pag-ani ng palay sa ginanap na ikalawang Agri-Pinoy Rice Achievers Awards ng Department of Agriculture (DA). Iniabot ni Agriculture Secretary Proceso Alcala kay Gubernador Wilhelmino Sy-Alvarado ang plake at apat na milyong pisong halaga ng mga proyektong pang-agrikultura sa seremonyang idinaos ang Philippine International Conventi...
  • Tagalog news: Alcala, dadalo sa pagbubukas ng ika-15 National Mango Congress sa Zambales ngayong araw

    IBA, Zambales, Marso 20 (PIA) -- Nakatakdang dumalo ngayong araw si Agriculture Secretary Proceso Alcala sa pagbubukas ng ika-15 National Mango Congress sa Iba, Zambales. May 500 mango producers, farmers, marketers, scientists, at enthusiasts mula Luzon, Visayas at Mindanao ang inaasahang dadalo sa tatlong araw na confab na nakasentro sa temang “Increasing mango farmers’ income by stabilizing domestic prices through mango tourism, synchronized mango production, and efficient handling syste...
  • Tagalog news: Anti-epal campaign inilunsad ng DSWD

    LUNGSOD NG QUEZON, Marso 20 (PIA) -- Kasabay ng kampanya para sa mid-term elections na gaganapin sa Mayo, nag-lunsad din ng “Bawal ang Epal Dito” campaign ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ngayon ay pinapalaganap na sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa. Ayon kay DSWD-NCR Regional Director Ma. Alicia S. Bonoan, layunin ng kampanyang ito na maproteksyunan ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program laban sa ilang mga pulitikong ginagamit ang naturang prog...
  • Tagalog news: 'REGATA Conference' gaganapin sa Sorsogon

    LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 20 (PIA) -- Gaganapin ngayong araw dito sa Sorsogon ang pagpupulong ng mga kasapi ng Regional Association of Treasurers and Assessors (Regata) sa buong rehiyon ng Bicol para sa unang kwarter ngayong taon. Sa impormasyong nakalap ng PIA Sorsogon, sisimulan mamayang hapon ang pormal na pagbubukas ng pulong na magtatagal hanggang sa Marso 23, 2013 sa Vicenta Hall, Sorsogon City. Nakatutok sa temang “Local Treasurers and Assessors Toward the Rightful Path of Economic G...
  • Tagalog news: ‘Fire safety awareness campaign’ sa Tupi, S. Cotabato, pinalalakas

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 19 (PIA) -- Pinatatatag ngayon sa bayan ng Tupi, South Cotabato sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang "fire safety awareness campaign." Ito ay bahagi pa rin ng Fire Prevention Month alinsunod sa Presidential Proclamation No. 115-A. Kaugnay nito, patuloy pa rin ang isinasagawang malawakang pagbibigay impormasyon at pamimigay ng mga "educational materials" sa mga kabahayan sa nabanggit na munisipyo. Maliban dito, nagsasagawa din ang BFP...
  • Tagalog news: DOST nakapasa sa 2nd surveillance audit sa ISO 9001:2008

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 19 (PIA) -- Sa ikalawang pagkakataon, naipasa ng Department of Science and Technology (DOST) 12 ang surveillance audit para sa International Organization for Standardization (ISO) 9001:2008. Sa ilalim ng ISO 9001:2008, kailangang ipakita ng isang tanggapan sa kanilang Quality Management System and kakayayahang makapagbigay ng produkto at serbisyong na makakatugon sa pangangailangan ng mga costumer at angkop na mga regulatory at statutory standards. ...
  • Tagalog news: '2012 Census of Philippine Business and Industry' isasagawa ng NSO Mimaropa

    LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, March 19 (PIA) -- Nakatakdang isagawa ng National Statistics Office (NSO) ngayong darating na buwan ng Abril ang Census of Philippine Business and Industry o CPBI sa rehiyon ng Mimaropa. Ayon kay NSO Regional Director Flordeliza J. Monteclaro, pangunahing layunin ng CPBI ang makakuha ng datos ng ekonomiya ng bansa mula sa formal sector sa taong 2012. Aniya, ang nasabing datos ay magiging basehan upang maikumpara ang ekonomiya ng bawat rehiyon sa bansa. “...
  • Tagalog news: 'Responsible environment tourism' isinulong sa Tourism Summit

    SAN NICOLAS, Batangas, Marso 19 (PIA) -- Buong pusong tinanggap ng Bayan ng San Nicolas ang mga panauhin mula sa lungsod ng Tagaytay na dumalo sa kauna unahang Tagaytay City-San Nicolas Tourism Council Meeting kamakailan. Layunin ng pagtitipong ito na kinabibilangan ng mga opisyal ng San Nicolas-Tagaytay City Tourism Council ang pagpapalago ng institusyon ng turismo sa pamamagitan ng Mutual Development Exchange ng mga planong pagpapaunlad at turismo na nasasaad sa nilagdaang sisterhood agreeme...
  • Tagalog news: Antipolo CEWMO, SM City Masinag nagkaisa sa idaraos na Earth Hour 2013

    LUNGSOD NG ANTIPOLO, Marso 19 (PIA) -- Nagkaisa ang Antipolo City Environment and Waste Management Office (CEWMO) at SM City Masinag sa paghahanda sa idaraos na Earth Hour 2013 sa Marso 23 mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi sa mall open ground. “Isang magandang pangyayari ang pagkakaisa ng CEWMO at SM City Masinag para sa pagdaraos ng Earth Hour kung saan ipinapakita natin ang ating malasakit sa ating kalikasan dahil hindi lamang ito para sa atin kundi para na rin sa susunod na henerasyon na sa ...
  • Tagalog news: Halos 2,000 magsasaka naabot ng Usapang Palay ng DA 12

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 19 (PIA) -- Halos 2,000 magsasaka ang naabot at aktibong nakilahok sa Usapang Palay ng Department of Agriculture (DA-12). Ang Usapang Palay na inisyatibo ng pamunuan ni DA-12 Director Amalia Jayag-Datukan ay nagpapadala ng mga eksperto mula sa kagawaran sa mismong mga komunidad kung saan nakatira ang mga magsasaka ng palay. Layunin ng mga eksperto ang makipagdiyalogo sa mga magsasaka upang mapalaganap ang mga angkop at makabagong teknolohiya na maa...
  • Tagalog news: Kampanya laban sa TB sa Quezon, patuloy

    LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Marso 19 (PIA) -- Inihayag dito ni Dr. Erlinda Plotria ng Provincial Chest Clinic na patuloy ang programa ng kanilang tanggapan upang tuluyang masugpo ang sakit na tuberculosis o TB sa buong lalawigan ng Quezon. Ang pahayag ni Plotria ay ginawa kaugnay sa pagdiriwang ng World TB Day at pangalawang taon ng Quezon Provincial Chest Center- Public-Private Mix DOTS Foundation. Sinabi pa ni Plotria na patuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan ng kanilang tanggapan sa iba’...
  • Tagalog news: ‘Anti-rabies campaign’ suportado ng mga mamamayan sa lungsod ng Kidapawan, N. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 19 (PIA) -- Nagkakaisang itinataguyod ng mga mamamayan sa lungsod ng Kidapawan, North Cotabato ang kampanya kontra sa ‘rabies’ o kamandag ng aso. Ayon kay city veterinarian Dr. Eugene Gornez, isang kaso rabies lamang ang naitala nitong nakalipas na taon dahil nagiging responsible na ang mga mamamayan sa pag-aalaga ng kanilang mga aso. Nabatid na maliban sa "door-to-door campaign," sinabi ni Gornez na bukas ang kanilang opisina sa mga nais magpaba...
  • Tagalog news: Provincial Health Office, ospital sa Tsina nagsagawa ng symposium

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 19 (PIA) -- Nagsagawa kamakailan ng symposium ang Provincial Public Health Office at Guangzhou Modern Cancer Hospital ng Tsina ng libreng Health Symposium patungkol sa mga makabagong teknolohiya na gagamot sa sakit na kanser. Sinabi ni Guangzhou Modern Cancer Hospital Oncology Department chief Peng Xiaochi na ang kanser na batid bilang nakamamatay at hindi nagagamot na sakit ay may lunas na ngayon. Sa tulong aniya ng makabagong teknolohiya, 95 porsyento ng mg...
  • Tagalog news: Heritage City ng Vigan, pinaigting ang kampanya laban sa kahirapan

    LUNGSOD NG VIGAN, Marso 19 (PIA) -- Pinaigting ng pamahalaang lungsod ang kampanya laban sa kagutoman at kawalan ng hanap-buhay bilang tugon sa adhikain ng “Millennium Developmenmt Goals” (MDG’s) ng United Nations na labanan ang kahirapan. Ayon kay Mayora Eva Medina, inilunsad ang “Raniag ti Masakbayan” (Ilaw ng Kinabukasan) program para matulungan ang mga taga-Vigan na walang hanap-buhay na nagmula sa mga itinuturing na “poorest of the poor” para mapaunlad ang kanilang pamumuha...
  • Tagalog news: Reforestation ng 70 ektaryang sa South Cotabato at Sultan Kudarat tututukan ng AVLADA

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 18 (PIA) -- Aabot sa 70 ektaryang lupain sa dalawang lugar sa South Cotabato at Sultan Kudarat sa reforestation program ng Allah Valley Landscape Development Alliance (AVLADA) ngayong taon. Sa pulong ng AVLADA Board of Directors na pinamumunuan ni Gov Arthur Pingoy Jr., kamakailan, inihayag ni Roger Acosta, project manager for Sultan Kudarat na partikular nilang tututukan ang pagpapanumbalik sa kagubatan ...
  • Tagalog news: Environmental code ng Romblon, aprubado na ng Sanggunian Panlalawigan

    ROMBLON, Romblon, Marso 18 (PIA) -- Pasado na sa Sangguniang Panlalawigan ang matagal nang nakabinbin na Environmental Code (EC) ng probinsya sa kanilang ika-anim na regular sesyon ngayong taon na ginanap sa SP Session Hall, Romblon Capitol Building kamakailan. Matapos ang mahabang palitan ng mga opinyon at deliberasyon sa plenary ng SP sa kapitolyo ng mga proponent at kasapi ng Sangguniang panlalawigan, sa wakas ay naipasa na rin ang pangkalikasang kodigo ng Romblon sa ikatlong pagdinig nito a...
  • Tagalog news: 8 bayan ng Ifugao makararanas ng 4 na oras na brown-out sa Marso 19

    HUNGDUAN, Ifugao, Marso 18 (PIA) -- Walong bayan ng Ifugao ang nakatakdang makararanas ng apat na oras na brown-out sa Martes, Marso 19, pahayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Ayon kay Lilibeth P. Gaydowen, Regional Corporate Communications and Public Affairs Officer ng NGCP North Luzon, ang mga bayan ng Asipulo Banaue, Hingyon, Hunduan, Kiangan, Lagawe, Lamut at Mayoyao ay maaapektuhan ng pagkawala ng suplay ng kuryente bukas mula ika-1 ng hapon hanggang ika-5 ng hapon...
  • Tagalog news: Selebrasyon ng Women's Month sa Romblon, tagumpay

    ROMBLON, Romblon, Marso 18 (PIA) -- Naging matagumpay ang ginanap na taunang provincial convention ng Progressive Womens League of Romblon (PWLR) bilang pagdiriwang sa buwan ng kababaihan sa covered court sa bayan ng Looc, Romblon noong Marso 16- 17. Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Kababaihan: Gabay sa Pagtahak sa Tuwid na Daan.” Ayon kay Nelly M. Taupo, PWLR provincial president, tinalakay sa nasabing kombensiyon ang kahalagahan at partisipasyon ng mga kababaihan sa pagtahak sa...
  • Tagalog news: Lokal na pamahalaan ng Tupi, S. Cotabato, suportado ang grupo ng mga kababaihan sa bayan

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 17 (PIA) -- Todo suporta ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Tupi, South Cotabato sa asosasyon ng mga kababaihan sa naturang bayan sa layuning labanan ang anumang problemang kinakaharap ng bawat babae sa lipunan. Sa isinagawang pagdiriwang ng Women’s Month kamakailan, binigyang-diin ni Mayor Reynaldo Tamayo, Jr., na malaki ang ginagampanang papel ng mga kababaihan sa pagsusulong ng kaunlaran. Kaugnay nito, inihayag ng alkalde na ilang mga programa ...
  • Tagalog news: South Cotabato napiling pilot site ng PRDP

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 18 (PIA) -- Ikinatuwa ni Gov. Arthur Y. Pingoy Jr. ang pagkakapili ng South Cotabato bilang pilot site sa pagpapatupad ng Philippine Rural Development Program (PRDP) ng Department of Agriculture. Ang PRDP ay mas pinalawak na bersyon ng Mindanao Rural Development Program (MRDP) na ipinatupad sa mahigit dalawang daang munisipyo sa lahat ng lalawigan sa anim na Rehiyon sa buong Mindanao. Ani Gov. Pingoy napiling mo...
  • Tagalog news: Karapatan ng kababaihan at karahasan sa tahanan, tinalakay ng PSWDO- Marinduque

    BOAC, Marinduque, Marso 18 (PIA) -- Tinalakay kamakailan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang ang mga karapatan ng mga babae at ang mga nilalaman ng batas sa Violence Against Women o Republic Act 9262. Ang nasabing pagpupulong ay isinagawa bilang pakikiisa ng lalawigan sa pagdiriwang ng National Women’s Month sa taong ito na may temang “Kababaihan, Gabay sa Pagtahak sa Tuwid na Daan.” Naganap ito sa Marinduque Disaster Risk Reduction Management Center, Capitol...
  • Tagalog news: Pagamutan at programang pangkalusugan ng Palawan, pinarangalan

    LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 18 (PIA) -- Kinilala ng iba’t ibang award-giving bodies ang inisyatibo at mahusay na pagpapatupad ng mga programang isinusulong ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO). Para sa taong kasalukuyan, ginawaran ng Center for Health Development ng Department of Health Region IV-B (CHD-DOH 4B) ng Special Award ang Northern Palawan Provincial Hospital (NPPH) bilang Breast Feeding Champion sa ilalim ng programang Infant an...
  • Tagalog news: Limang 4-H Club-Palawan, tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa DA-ATI

    LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 18 (PIA) -- Limang 4-H Club mula sa iba’t ibang munisipyo sa lalawigan ang tumanggap ng tulong pinansiyal bilang puhunang pangkabuhayan mula sa Department of Agriculture-Agricultural Training Institute (DA-ATI) kamkailan. Ang mga tumanggap ng tulong puhunan ay ang Balabac 4-H Club na kinatawan ni Isaac Saballero na nabiyayaan ng P102,630 at Taytay Municipal 4-H Club sa pamamagitan ni John Carlo Heredero na tumanggap ng P87,500 para sa kanilang pro...
  • Tagalog news: Cotabato Light, nananawagan sa mga mamamayan na makiisa sa gagawing Earth Hour

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 18 (PIA) -- Hinihikayat ngayon ng pamunuan ng Cotabato Light ang mga mamamayan na makiisa sa gaganaping Earth Hour sa Marso 23. Kaugnay nito, patuloy na isinusulong ng kumpanya ang responsableng paggamit ng enerhiya bilang parte ng pangangalaga sa kalikasan. Nabatid na sa nabanggit na petsa, magkakaroon ng sabay-sabay na ‘switching-off’ ng mga ilaw at iba pang de-kuryenteng mga kagamitan. Sinabi ni Cotabato Light vice-president at resident manag...
  • Tagalog news: Kampanya sa Income Tax Filing pinanguhan ng BIR sa Camarines Sur

    LUNGSOD NG NAGA, Marso 18 (PIA) -- Pinangunahan ng Kawanihan ng Rentas Internas o ng BIR Revenue District Office No. 65 dito sa Lungsod ng Naga ang Tax Education Campaign kasabay ng paglulunsad ng 2013 Income Tax Filing Season. Ito ay ginanap sa Event Center ng SM City-Naga nitong Marso 14. Naging panauhing si BIR Bicol Assistant Regional Director Janette R. Cruz sa pagtitipon bilang resource person. Inihayag ni Cruz na ang mga tanggapan ng BIR sa buong bansa ay nangangampanya para sa maagan...
  • Tagalog news: Bagong Gawad Kalinga Site itatayo sa bayan ng San Lorenzo Ruiz sa Camarines Norte

    DAET, Camarines Norte, Marso 18 (PIA) -- Nakatakdang isagawa sa ika-23 hanggang 27 ng Marso ang pagtatayo ng bagong Gawad Kalinga Site sa barangay Laniton sa bayan ng San Lorenzo Ruiz sa pamamagitan ng Gawad Kalinga Bayani Challenge 2013. Ito ay itataguyod ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte at lokal na pamahalaan ng bayan ng Daet at San Lorenzo Ruiz. Ang Camarines Norte ay isa sa 34 na probinsiya na sabay-sabay na magsasagawa ng naturang aktibidad kung saan 44 na bahay dito ang mai...
  • Tagalog news: Ika-112 kaarawan ng Masbate sa Marso 18, idineklarang ‘Special Non-Working Day’ ng Malacañang

    LUNGSOD NG MASBATE, Marso 18 (PIA) -- Isang mahabang weekend ang matatamasa ng mga manggagawa sa Masbate kasunod ng deklarasyon ng Malacañang na ang araw na ito, Lunes, Marso 18, bilang “Special Non-Working Day” sa lalawigang upang maipagdiwang ng Masbate ang kanyang ika-112 kaarawan. Ang holiday ngayong Lunes ay opisyal na inihayag sa Proclamation 547 na inilabas ng Malacañang nung nakaraang Pebrero 8 na nalathala sa Official Gazette. Layunin ng Proclamation 547 na mabigyan ang mga ma...
  • Tagalog news: PEMO chief ng South Cotabato, pararangalan bilang 'Outstanding Environment Officer'

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 18 (PIA) -- Nakatakdang tanggapin ni Engr. Siegfred Flaviano, officer-in- charge ng Provincial Environment Management Office ng South Cotabato ang isang national award bilang Most Outstanding Environment Officer. Tatanggapin ni Engr. Flaviano mula sa Press Media Affair Center (PMAC), isang government-registered media organization na nakabase sa Metro Manila. Gagawin ang awarding sa Gallery Hall ng Manila Hotel ...
  • Tagalog news: P104.3M inilaan ng DOTC sa 2 Palawan airport

    PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Marso 18 (PIA) -- Dalawang paliparan sa hilagang Palawan ang paglalaanan ng P104.3 milyon ng Department of Transportation and Communications (DOTC) upang madaling maabot ang mga bayan dito sa dumadaming turista at biyahero. Kabilang sa paliparan ang Cesar L. Rodriguez Airport o Taytay airport na kamakailan ay binuksan ng DOTC ang pag-bibid sa proyektong nagkakahalaga ng P48.2 milyon na gagamitin sa pagsemento sa runway na may sukat na 1,100 metro ang haba at 18 ...
  • Tagalog news: 721 kababaihan natuto ng ilang kaalaman

    LUNGSOD NG BATANGAS, Marso 18 (PIA) -May 721 kababaihan ang nagtapos sa long season barangay-based livelihood training/seminar ng home extension division ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) kamakailan. Sila ay sumailalim sa iba't-ibang pagsasanay tulad ng meat processing, paggawa ng sabon at pabango, cosmetology, pananahi, pagluluto, at pagpreserba ng pagkain. Sinabi ni Sarah Alea, isa sa mga nagtapos sa food preservation training, na malaki ang kanyang pasasalam...
  • Tagalog news: Pagtugis sa suspek sa massacre sa Masbate pinaigting ng pulisya

    LUNGSOD NG MASBATE, Marso 18 (PIA) -- Maspinaigting pa ang paghahanap sa suspek sa nangyaring massacre sa Sitio Malamag, Bgry. Poblacion, Pio V. Corpuz sa lalawigang ng Masbate kamakailan. Ito ay base sa ibinigay na utos ni Police Provincial Director Heriberto Olitoquit sa Pio V. Corpuz Municipal Police Station, Regional Special Operations Task Group at Masbate Police Provincial Office. Base sa imbestigasyon ang massacre ay naganap noong ika-7 ng Marso taong kasalukuyan, bandang alas onse ng g...
  • Tagalog news: Erap, anim na iba pa pararangalan ng Phl Carabao Center

    SCIENCE CITY OF MUNOZ, Nueva Ecija, Marso 18 (PIA) -- Pararangalan ngayong Miyerkules ng Philippine Carabao Center (PCC) si dating Pangulo Joseph Ejercito Estrada at anim na iba pa dahil sa mga kontribusyon nila sa paghubog sa institusyon bilang lider sa livestock biotechnology research and development. Ang seremonya ay isasagawa kaalinsabay ng ika-20 anibersaryo ng PCC. Ayon kay PCC Information Officer Rowena Galang-Bumanlag, si Erap ang kinikilalang ama ng center dahil siya ang principal sen...
  • Tagalog news: Mga LGUs ng Nueva Vizcaya nagtayo ng grupo kontra sa ilegal na pagtotroso

    BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, March 17 (PIA) -- Organisado na ang Anti–Illegal Logging Task Force (AILTF) sa mga bayan ng Nueva Vizcaya kung kaya’t masmaigting na ang ginagawang pagpapatupad ng batas upang maprotektahan ang kagubatan at kabundukan ng lalawigan. Ayon kay Forester Constante Espiritu, Community Environment and Natural Resources Officer (CENRO) ng bayang ito, ang AILTF ay nabuo pa noong nakaraang taon upang magsilbing tulong ng kanilang ahensiya sa paghuli sa mga lumalapastangan sa...
  • Tagalog news: Mahigit 1,000 mag-aaral, nagtapos sa ilalim ng DARE program

    LUNGSOD NG BATANGAS, Marso 16 (PIA) --May 1,653 mag-aaral mula sa walong bayan sa lalawigan ang sumailalim sa pagtatapos sa Drug Abuse Resistance Education (DARE) program sa magkakahiwalay na araw, kamakailan. Ang DARE ay isang programang inilunsad sa lalawigan sa pangunguna ng Philippine National Police (PNP) at Dangerous Drugs Board (DDB) na layong maiiwas sa bisyo ng ilegal na droga ang mga kabataang nasa Grade 5 at 6. Ayon kay PInsp. Alberto Fabregas, DARE supervisor sa lalawigan, maraming...
  • Tagalog news: Mga kawani ng lunsod, nakiisa sa physical fitness program

    LUNGSOD NG SAN PABLO, Laguna, Marso 16 (PIA) -- May 550 regular at casual employees ang dumalo sa isinagawang paglulunsad ng physical fitness program na tinaguriang “Fitness Hour” ng pamahalaang panglunsod kamakailan. Ang physical fitness program na para sa lahat ng kawani ng gobyerno ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 8 s. 2011 ng Civil Service Commission (CSC). Ito ay naglalayong magkaroon ng masigla at malusog na pangangatawan ang bawat kawani upang mas lalo pang makapagbigay ng se...
  • Tagalog news: Northern Palawan Airport Development Project sa Taytay, may pondong 48M

    LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 16 (PIA) -- Kasama sa inilabas na listahan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang Northern Palawan Airport na matatagpuan sa bayan ng Taytay sa mga paliparang isasaayos ng kagawaran. Batay sa datos mula sa DOTC, ang isasagawang pag-kongkreto ng runway ay may sukat na 1,100 meters ang haba at 18m ang lapad. Ang kabuoang sukat ng runway markings ay 1,904 square meters. Ang aprubadong pondo na iniliaan ng DOTC para sa Northern Pa...
  • Tagalog news: Mga isyung pangkapayapaan, tinalakay sa ikalawang good governance summit

    LUNGSOD NG LIPA, Batangas, Marso 16 (PIA) --Idinaos kamakailan sa archbishop's residence sa lungsod na ito ang ikalawang good governance summit na tinalakay ang mga isyung may kinalaman sa kapayapaan. Nagsilbing panauhing tagapagsalita sa programa si Batangas police provincial director Atty. Rosauro Acio na nag-ulat ukol sa sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. Sinabi ni Acio na nais niyang burahin ang pangalan ng lalawigan sa listahan ng mga itinuturing na 18 hotspot areas kaugna...
  • Tagalog news: 112th Foundation at 68th Liberation Anniversary ipagdiriwang ng Romblon

    ROMBLON, Romblon, Marso 16 (PIA) -- Nakatakdang ipagdiwang ng probinsiya ng Romblon sa Marso 18 ang kanyang ika-112 na pagkakatatag at ika-68 na pagkakalaya nito noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig. Sa bisa ng inilabas na Memorandum Order No. M03-017, s. 2013 ng tanggapan ni Governor Eduardo C. Firmalo na may petsang March 11, 2013, idineklarang provincial holiday ang ika-16 at ika-18 ng Marso kaya walang pasok sa lahat ng opisina at antas ng mga eskwelahan sa buong lalawigan sa ar...
  • Tagalog news: 10 GK houses sa Aritao, Nueva Vizcaya, ipapatayo ng PLGU

    ARITAO, Nueva Vizcaya, March 16 (PIA) -- May 10 bahay ang ipapatayo ng provincial government at mga beneficiaries nito sa susunod na linggo sa ilalim ng programang BAYANI CHALLENGE 2013 ng pamahalaan sa barangay Beti sa bayang ito. Ayon kay Wlfred Ross Delizo, executive assistant on housing ng provincial government, ang mga materyales para sa mga ipapatayong bahay ay pinondohan ng pamahalaang panlalawigan upang ilaan sa mga mahihirap na pamilya. Ang lugar sa barangay Beti ay tinaguriang komuni...
  • Tagalog news: PIA at Comelec pinulong ang tri-media sa Sorsogon

    LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 15 (PIA) -- Binigyang-linaw ni Commission on Election (Comelec) Provincial Election Supervisor Atty. Calixto Aquino ang ilang mahahalagang probisyon kaugnay ng darating na halalan sa Mayo, noong Martes, Marso 5. Sa pangunguna ng Philippine Information Agency (PIA) Sorsogon, pinulong ang mga kasapi ng media na mga radio at TV station manager at ang mga publisher at editor ng lokal na pahayagan. Tampok sa naging talakayan ang Local Absentee Voting (LAV) at ilang mga i...
  • Tagalog news: Maagang paglutas sa pamamaslang sa 2 kandidato sa Masbate, iniatas sa special task group

    LUNGSOD NG MASBATE, Marso 15 (PIA) -- Isang special investigation task group ang binuo ng pulisya upang mapabilis ang paglutas sa pamamaslang sa dalawang kandidato sa lalawigan ng Masbate na naganap sa loob lamang ng 24 oras nang nakaraang Linggo. Inihayag ng spokesperson ng Masbate police na si Haidelyn Pimentel na kumikilos na ang pinakamahuhusay na imbestigador ng task group para agad na makilala at maaresto ang dapat managot sa pamamaril na ikinasawi ng isang kapitan ng barangay at ng isan...
  • Tagalog news: Mga aktibidad na kumikilala sa mga kababaihan tungo sa tuwid na daan, isinagawa

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Marso 15 (PIA) -- Ipinagdiwang ng Regional Advocates for Gender Equality o RAGE sa Ilocos and selebrasyon ng "Buwan ng Kababaihan" sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aktibidad bilang pagkilala sa mga kababaihan na daan tungo sa matuwid na daan. Sa temang: "Kababaihan: Gabay sa Pagtahak sa Tuwid na Daan," ipinapahayag ang kahalagahan at partisipasyon ng kababaihan sa pamumuno tungo sa antas ng pagkakapantay pantay ng kasarian at sa pagtataguyod ng tuwid na da...
  • Tagalog news: S. Kudarat isa sa mga lugar na isasailalim sa Sub-national Security and Development Studies

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 15 (PIA) -- Kasali ang lalawigan ng Sultan Kudarat sa mga probinsya sa Mindanao na isasailalim sa sub-national security and development studies na siya namang pangangasiwaan ng mga estudyante ng National Defense College of the Philippines (NDCP). Layon ng naturang pag-aaral na matulungan ang mga nasyunal at maging ang mga lokal na lider sa pagsusuri ng kasalukuyang kalagayan ng kani-kanilang lugar sa aspeto ng ekonomiya, pulitika, at maging sa kaayusa...
  • Tagalog news: Buwanang sahod ng mga kasambahay sa Lake Sebu at T’boli magiging P2,000

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 15 (PIA) -- Sa panahong tuluyan nang maipatutupad ng Republic Act 10361 o Batas Kasambahay, obligado na ang mga amo sa mga bayan ng T’boli at Lake Sebu ng South Cotabato na bayaran ng buwanang sahod na P2,000 pataas ang kanilang mga katulong o kasambahay. Ganito rin ang magiging sahod ng mga kasambahay sa lungsod ng Koronadal, at sa mga bayan ng Banga, Surallah, Polomolok, at Tupi. Batay kasi sa probisyon ...
  • Tagalog news: Tuloy ang pagpapatupad ng Batas Kasambahay, ayon sa DOLE

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 15 (PIA) -- Wala nang atrasan sa pagpapatupad ng Republic Act 10361 o “Domestic Worker Act” o “Batas Kasambahay” ayon sa Department of Labor ang Employment (DOLE) – 12. Sa isang panayam, inihayag ni DOLE 12 regional director Chona Mantilla na bagama’t may kahirapan ang pagpapatupad ng Batas Kasambahay, aasahan na ang implementasyon nito ngayong taon. Maliban sa matagal na itong hinihintay ng mga...
  • Tagalog news: Kampanya laban sa rabies higit na pinaigting, rabies-free Sorsogon target na maabot

    LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 15 (PIA) -- Sa kabila ng magandang record ng Sorsogon kaugnay ng kampanya sa rabis, patuloy pa rin ang lokal na pamahalaan ng Sorsogon sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office (PVO) sa pagpapaigting pa ng kanilang kampanya laban sa rabis. Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Enrique Espiritu, sa pakikipagkawing sa Global Alliance for Rabies Control (GARC), target nilang maging rabies-free ang lalawigan ng Sorsogon kung kaya’t higit pa nilang pinaigting ang kan...
  • Tagalog news: Naga-X ilulusad ng Naga City Tourism Office

    LUNGSOD NG NAGA, Marso 15 (PIA) -- Nakatakdang ilunsad ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga sa pamamagitan ng Tourism office ang Naga-X o Naga City Excursion Tourism Package sa darating na Marso 22 na dadaluhan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Ramon R. Jimenez Jr. Ayon kay Naga City Tourism Officer Alec Santos, kabilang sa tourism package ang tatlong araw at dalawang gabing pagbisita sa mga magagandang resorts sa loob ng lungsod at karatig na mga bayan o mga munisipyong nasasakupa...
  • Tagalog news: Kahalagahan ng Organikong Agrikultura, tinalakay

    DAET, Camarines Norte, Marso 15 (PIA) -- Tinalakay noong Martes, Marso 12, sa little theater ng kapitolyo dito sa probinsiya ang kahalagahan ng paggamit ng organikong agrikultura sa pamamagitan ng Consumer Awareness on Organic Agriculture. Isinagawa ito sa samahan ng mga magsasaka sa lalawigan ng Camarines Norte para sa unang grupo sa apat na bayan ng Daet, Talisay, Basud at Vinzons sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ng pamahalaang panlalawigan. Ayon kay OPAg Acting...
  • Tagalog news: Bayanihan Team patuloy sa Camarines Norte

    DAET, Camarines Norte, Marso 15 (PIA) -- Patuloy ang isinasagawang “Bayanihan Team” ng 49th Infantry (Good Samaritans) Battalion ng Philippine Army sa lalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno ni Lt. Col. Michael M. Buhat, commanding officer ng naturang pamunuan. Isinasagawa ito ngayon sa limang barangay ng bayan ng Sta. Elena at apat na barangay sa bayan ng Labo upang alamin ang mga pangunahing problema at mga isyu sa naturang lugar. Ayon kay Lt. Col. Buhat, ito ay ipinararating sa mga tam...
  • Tagalog news: Suspek sa massacre ng isang pamilya sa Masbate tinutugis ng pulisya

    LUNGSOD NG MASBATE, Marso 15 (PIA) -- Tinutugis na ng pulisya ang sangkot sa pagpaslang sa apat na miyembro ng isang pamilya ang nsa Sitio Malamag, Brgy. Poblacion sa bayan ng Pio V. Corpuz, Masbate noong noong nakaraang Biyernes, Marso 8, batay sa report ni Police Provincial Director Heriberto Olitoquit. Ayon sa otoridad dakong alas sais ng umaga ng i-report ng isang concerned citizen sa Pio V. Corpuz Municipal Police Station na may isang babaeng duguan at wala nang buhay na natagpuan sa labas...
  • Tagalog news: Mga mamamahayag maaari nang mag-aplay ng Local Media Accreditation para sa Halalan 2013

    Ni Francisco B. Tumalad LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 15 (PIA) -- Muling nakipag-ugnayan sa Philippine Information Agency (PIA) Sorsogon si Provincial Election Supervisor Atty. Calixto Aquino Jr. upang matulungan ang Comelec Sorsogon para sa aplikasyon ng akreditasyon ng mga lokal na mamamahayag. Ito ay matapos ang pag-uusap at pagbibigay paliwanag sa mga media ng Sorsogon noong Pebrero 19, 2013 tungkol sa Local Absentee Voting (LAV) at ilan pang mahahalagang impormasyon kaugnay ng darating na h...
  • Tagalog news: Local capacities for peace seminar-workshop, isinasagawa sa Midsayap, N. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 15 (PIA) -- Kasalukuyang isinasagawa ang huling araw ng Local Capacities for Peace (LCP) seminar-workshop sa bayan ng Midsayap, North Cotabato. Ang aktibidad na nagsimula noong Miyerkules ay dinaluhan ng mga relihiyosong lider mula sa sampung kaagapay na komunidad ng Southern Christian College (SCC) sa naturang bayan. Layon nito na ipakilala ang LCP framework bilang instrumento sa pag-aanalisa ng kaugnayan sa pagitan ng proyekto at gusot upang maiwas...
  • Tagalog news: Suplay ng tubig mula sa SCWD, sapat

    Ni FB Tumalad LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 15 (PIA) -- Kung magpapatuloy ang pagbuhos ng ulan ngayong Marso inaasahang hindi magkakaroon ng paghina ng suplay ng tubig kahit pa ang mga nakatira sa matataas na lugar sa lungsod ng Sorsogon. Ito ang inihayag ng pamunuan ng Sorsogon City Water District (SCWD) sa ipinadalang impormasyon nito sa mga kumukonsumo ng tubig sa lungsod. Ayon dito, ang pinagkukunan ng inuming tubig ng lungsod ng Sorsogon ay nanggagaling sa malalim na bukal at deepwell na may...
  • Tagalog news: Isang suspek sa pagpaslang sa kandidatong bise-alkalde sa Masbate, kinasuhan na ng pulisya

    LUNGSOD NG MASBATE, Marso 15 (PIA) -- Isang kagawad sa barangay na umano’y sangkot sa pagpaslang sa isang kandidato sa pagka-bise-alkalde sa Mobo ang sinampahan na ng kasong murder. Ayon kay Police Provincial Director Heriberto Olitoquit, kanyang isinampa ang kaso kahapon, Marso 14 sa Provincial Prosecutor’s Office laban sa kagawad ng Barangay Mandali, Mobo. Sinabi ni Olitoquit na ginamit nilang ebidensya ang deklarasyon na ibinigay sa pulisya ng biktima bago ito nalagutan ng hininga. ...
  • Tagalog news: P1.5M inilaan ng DA sa Camarines Norte para sa gusali ng mga produktong agrikultura

    DAET, Camarines Norte, Marso 15 (PIA) -- Naglaan ng P1.5 milyon pondo ang Regional Field Unit 5 ng Department of Agriculture (DA-RFU 5) para sa itatayong gusali sa mga produktong pang-agrikultura ng lalawigan ng Camarines Norte. Ito ang Organic Trading Post Facility and Equipment kung saan bahagi naman ng pamahalaang panlalawigan ang pagtatayuan ng lugar nito. Nakatakdang itayo ang naturang gusali sa katabing bahagi ng Camarines Norte Government Workers Multi-Purpose Cooperative ng kapitolyo p...
  • Tagalog news: ‘Liwanag Para Sa Kapayapaan’ pakikinabangan ng Bangsamoro communities sa Midsayap, North Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mar.15 (PIA) -- Upang ilapit sa malalayong komunidad ang kaukulang serbisyong medikal, nakatakdang magsagawa ng isang outreach activity sa Bangsamoro communities na nasasakop ng bayan ng Midsayap, North Cotabato. Pangungunahan ito ng 1st Congressional District Office kasama ang mga optical clinics na magsasagawa ng aktwal pagsusuri sa mata ng mga residenteng Bangsamoro. Kabilang dito ay ang libreng eye- check up para sa mga indibidwal na magiging benepisya...
  • Tagalog news: Mga pulis sa Rehiyon Dose sinanay sa tamang paggamit ng Glock 17 calibre 9 mm

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 15 (PIA) -- Sumailalim sa isang seminar sa safety at proper handling ng Glock 17 (Generation 4) calibre 9 mm nitong Miyerkules ang may 56 na pulis sa Police Regional Office 12. Ito ayon kay PSInsp. Benjamin Mauricio Jr., hepe ng Regional Public Information Office ng Police Regional Office- 12, ay naglalayong ihanda ang mga nasabing pulis sa paggamit ng naturang baril. Bago kasi magtatapos ang buwan inaasahan ng PNP 12...
  • Tagalog news: OrMin magbibigay ng 10% diskwento sa maagang magbabayad ng buwis

    LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Marso 15 (PIA) -- Ipinababatid ngayon sa publiko ng Provincial Treasurer’s Office sa lahat ng "real property tax owners" ang pagbibigay ng 10 porsyento diskwento a mga maagang magbabayad ng kanilang mga buwis. Aniya, kung hindi makakayang bayaran ang buwis ng buo, maaari itong bayaran ng apat na hulog na walang interes sa mga sumusunod na itinakdang petsa: unang hulog, bago sumapit o sa petsang Marso 31; ikalawang hulog, bago sumapit o sa Hunyo 30; ikat...
  • Tagalog news: Pakikipagpartner sa pribadong sektor, tuluy-tuloy para sa kaunlaran

    LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Marso 15 (PIA) -- Tuluy-tuloy ngayon ang pakikipagpartner ng pamahalaang panlalawigan sa pribadong sektor para sa kaunlaran ng lalawigan. Isa sa naging katuwang ng pamahalaan sa pagtataguyod ng mga programa ay ang mag-asawang s Jo A.M. at Taurus Schoorlemmer mula sa Al Heetens, Holland. Noong nakaraang buwan ay halos isang linggong namahagi ang mga ito ng mga gamit, damit at mga laruan sa mga natukoy nilang benepisyaryo mula sa mga bayan ng San Teodoro, B...
  • Tagalog news: Kauna-unahang Palawan Forum on Sand and Gravel Quarry Operations isasagawa

    LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 14 (PIA) -- Isasagawa sa Marso 15 ang kauna-unahang Palawan Forum on Sand and Gravel Quarry Operations na gaganapin sa A&A Plaza Hotel, dito sa lungsod mula alas otso ng umaga hanggang alas sais ng gabi. Pangungunahan ito ng Provincial Mining and Regulatory Board (PMRB) at may temang “Advancing Knowledgeable, Responsible and Ecologically-Balanced Management of Quarry Operations in Palawan.” Ayon kay Raymundo G. Padrones Jr., board secretary ng P...
  • Tagalog news: Buwis ng sigarilyo malaking tulong sa mga IPs sa Ilokos

    LUNGSOD NG VIGAN, Marso 14 (PIA) -- Bagamat maigting ang pandaigdigang kampanya laban sa paninigarilyo, para sa mga Indigeneous Peoples, nakakatulong ang pondo mula sa buwis ng sigarilyo para maiangat ang kanilang pamumuhay. Para sa mga naninirahan sa bayan ng Sugpon, isa sa mga pinakamaralita at pinaka-liblib na pook na nasa kabundukan ng Ilocos Sur, kung hindi dahil sa R.A. 7171 o “Tobacco Excise Tax Law” hindi sila makakatikim ng katas ng progreso. Ayon kay Mayor Fernando Quiton, dahil ...
  • Tagalog news: Malawakang eye check up, isinasagawa sa Pikit, North Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 14 (PIA) -- Isinasagawa ngayong buwan ang malawakang eye check- up and screening sa mga mamamayan ng Pikit, North Cotabato. Ito ay sa ilalim pa rin ng programang 'Liwanag para sa Kapayapaan'. Una nang isinailalim sa nasabing eye-check up ang mga residente sa Barangay Ladtingan noong Marso a-otso at kahapon naman sa Barangay Nunguan. Samantala, bukas naman ay isasagawa ang pagsusuri sa Barangay Silik at sa Sabado sa Barangay Gli-gli. Nakatakda nama...
  • Tagalog news: Mga natapos na proyektong farm to market road, pinasinayaan

    PAGBILAO, Quezon, March 14 (PIA) -- Dalawang farm-to-market road project at isang kalsada ang magkasunod na pinasinayaan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa bayang ito kamakailan. Unang pinasinayaan ang proyektong farm-to-market road na nag-uugnay sa mga barangay ng Talipan, Bigo at Aniato, Pagbilao, Quezon. Sinabi ni Nerissa Jamilano, punong barangay ng Bigo, biglang sumigla sa kanilang lugar ang pagtatanim. Aniya, maraming mamumuhunan ang nagtatanong sa kanila ngayon kung papaano sila...
  • Tagalog news:Soccsksargen Rehiyon nangunguna sa pagpapatupad ng mga proyekto sa MRDP

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 14 (PIA) -- Nangunguna ang Soccksargen Region o Rehiyon Dose sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran sa ilalim ng Mindanao Rural Development Program–Adaptable Program Loan Phase 2 (MRDP-2) ng Department of Agriculture. Base ito, ayon sa impormasyon ng Department of Agriculture (DA) 12, sa yearend evaluation at assessment na isinagawa ng MRDP sa anim na rehiyon sa Mindanao na sakop ng programa. Batay pa ...
  • Tagalog news: Samahan ng mga kababaihan sa Ifugao hinimok na suportahan ang programang pangkapaligran

    LAGAWE, Ifugao, Marso 14 (PIA) -- Hinimok ang samahan ng mga kababaihan dito na supportahan ang pangkapaligirang programa ng lokal na pamahalaan. Ayon kay Mayor Ceasario Cabbigat, ang mga samahan ng kababaihan ay hindi lamang kasama sa tagumpay ng pamilya kundi kasama rin sa pagpapa-unlad ng pamayanan lalo na sa pagpapatupad ng “clean and green program” (CGP) ng lokal na pamahalaan ng Lagawe. “Ang inyong mga samahan ay may malaking gampanin sa ikatatagumpay ng CGP ng ating munisipyo par...
  • Tagalog news: BIR, hinikayat ang mga tiga-Timog Nueva Ecija na magfile ng tama at maagang income tax return

    LUNGSOD NG CABANATUAN, Nueva Ecija, Marso 14 (PIA) -- Hinikayat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga tiga-Timog Nueva Ecija na magfile ng tamang income tax returns at masmaagang sa nakatakdang deadline sa ika-15 ng Abril. Sinabi ni James Ferrer ng Revenue District Office 23B na ang pagbabayad ng buwis ay obligasyon ng bawat nagtatrabahong Pilipino. Ito aniya ang ginanagamit ng pamahalaan sa pagpapatayo ng mga daan, tulay, ospital at silid-aralan, pagbibigay ng mga basic social services ...
  • Tagalog news: Mga proyekto sa ilalim ng DSWD sa Sultan Kudarat ngayong taon, plantsado na

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 14 (PIA) -- Nakalatag na ang mga proyekto sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipatutupad ngayong taon sa lalawigan ng Sultan Kudarat. Ayon kay provincial social welfare and development officer Henry Albano, limang mahahalagang proyekto ang nakatakdang isakatuparan sa naturang lalawigan. Ito ay ang In and Out of School Youth (ISY/OSY) Cash for Training Program kung saan mahigit 400 mga kabataan ang isasailalim sa pangka...
  • Tagalog news: 1,626 teaching kits ipinamahagi sa mga guro sa lungsod ng Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 14 (PIA) --Aabot sa 1,626 na teaching kits ang ipinagkaloob kamakailan sa mga guro ng lungsod ng Cotabato bilang pagsusulong sa larangan ng edukasyon sa lugar. Maliban dito, isang brand new Toyota Hi-Ace van din ang ibinigay sa city schools division. Nabatid na ang pamamahagi ay inisyatibo ng pamunuan ng unang distrito ng Maguindanao bilang tulong sa mga guro upang lalong maging epektibo sa kanilang mga gawain. Sinabi ni Maguindanao 1st district Rep...
  • Tagalog news: Ayuda ng DA 12 sa mga biktima ng bagyo sa Rehiyon 12, abot na sa Php 15-M

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 14 (PIA) --Umabot na sa mahigit P15 milyon ang tulong na naipadala ng Department of Agriculture (DA) 12 sa mga nabiktima ng bagyong Pablo noong Disyembre sa lalawigan ng Compostela Valley, pati na rin sa Davao Oriental at Davao del Norte. Kabilang sa tulong na ipinamahagi ng DA ang 1,800 na pakete ng relief goods na agad na ipinadala ng DA 12 sa mga biktima ng bagyo. Sinundan pa ito ng 5,000 r...
  • Tagalog news: Php 12.28 M na proyektong pang-imprastraktura natapos ng DSWD sa Libungan, N. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, March 14 (PIA) -- AAbot sa P12.28 milyon na halaga ang proyektong pang-imprastraktura ang natapos kamakailan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 12 sa bayan ng Libungan sa North Cotabato. Ayon kay DSWD 12 Regional Director Zorahayda Taha ang mga proyektong pangkaunlaran at panlaban sa kahirapan ay kinapapalooban ng mga paaralan sa Batiocan, Palao, Abaga, Montay at Cabaruyan; day care center sa ...
  • ORMIN nagbuo ng komite upang tutukan ang paggamit ng GMO

    CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Marso 13 (PIA) – Upang higit na mapangalagaan ang sakahan at kalusugan ng mamamayan, binuo dito kamakailan ang multi-sectoral Genetically Modified Organism (GMO) monitoring committee. Ayon kay Gob. Alfonso V. Umali, Jr., tungkulin ng pamahalaan na protektahan at itaguyod ang karapatan ng mamamayan para sa isang balanse at malusog na ekolohiya. Aniya, ang pagsusulong ng mga programang pangkaunlaran na hindi makasisira sa mayamang kalikasan ng lalawigan ay isa...
  • Tagalog news: 300 pamilya nabiyayaan ng 4P's sa San Vicente

    SAN VICENTE, Ilocos Sur, Marso 13 (PIA) -- Umabot sa 300 na pamilya mula sa mga pinakamaralitang komunidad ang nabiyayaan sa pamamagitan ng “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” (4P’s) sa bayang ito. Ayon kay Mayor Nancy Tabanda, ang programang 4Ps na ipinapatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay malaking tulong para maitawid sa kahirapan ang mga itinuturing na “poorest of the poor” sa lipunan. Sinabi ng alkalde na ang mga napiling mapapalad na pamilya ay mul...
  • Tagalog news: CCSPC naghahanda upang tuluyang maging state university

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 13 (PIA) -- Walang puknat ang ginagawang paghahanda ng Cotabato City State Polytechnic College (CCSPC) upang tuluyan na itong maging isang state university. Kaugnay nito, tulung-tulong ngayon ang mga estudyante at mga guro upang maipasa ang mga kailangang dokumento at iba pang batayan bilang pamantayan ng kombersyon. Ilan sa mga ito ay ang pagsasagawa ng mga community extension projects at ang pagkuha ng mga guro ng masters at doctorate degrees na pa...
  • Tagalog news: Libreng Spay/Neuter sa mga alagang hayop isasagawa bukas sa bayan ng Daet

    DAET, Camarines Norte, Marso 13 (PIA) -- Isasagawa bukas sa Animal Heart Veterinary and Grooming Center sa bayan ng Daet ang libreng Spay/Neuter sa mga alagang hayop sa loob ng tahanan. Pangungunahan ito ni Gobernador Edgardo A. Tallado sa pamamagitan ng Provincial Veterinarian (ProVet) Office ng pamahalaang panlalawigan at sa pakikipagtulungan ng Philippine Veterinary Medical Association (PVMA) sa rehiyong Bikol. Ayon kay Acting Provincial Veterinarian Dr. Ronaldo U. Diezmo, supervising agric...
  • Tagalog news: Konsultasyon para sa road widening project ginawa sa lungsod ng Naga

    LUNGSOD NG NAGA, Marso 13 (PIA) -- Isang konsultasyon ang pinangunahan ng Department of Public Work and Highways o DPWH sa rehiyon Bicol at ng Lokal na Pamahalaan ng lungsod ng Naga para sa road widening project na gagawin sa Maharlika Highway mula sa Rotonda ng lungsod hanggang sa boundary ng Pili, Camarines Sur. Ginanap ang naturang konsultasyon noong Marso 6, 2013 sa Barangay Concepcion Grande na dinaluhan ng mga residente, mga may pag-aari ng lote, barangay officials at mga kinatawan ng uti...
  • Tagalog news: Samahan ng mga kabataan ipagpapatuloy ang mga proyektong pangkabuhayan

    DAET, Camarines Norte, Marso 12 (PIA) -- Muling ipagpapatuloy ng samahan ng mga kabataan o 4-H Club sa lalawigan ng Camarines Norte ang mga proyektong pangkabuhayan ng nakaraang taon. Ito ay kaugnay sa isinagawang pagpupulong noong Biyernes (Marso 8) sa little theater ng kapitolyo probinsiya dito ng mga Municipal Federation President at mga Coordinator ng bawat bayan. Ayon kay Agriculturist II Irene Olivar ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ng pamahalaang panlalawigan at Provinci...
  • Tagalog news: Opisyal ng LTO, nanawagan sa mga walang-ingat na drayber

    LUNGSOD NG MASBATE, Marso 12 (PIA) -- Nanawagan ang isa ang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) sa mga nagmamaneho na hin di nag-iingat sa karsada. Ito ay dahil sa kabila ng mga seminar na ibinibigay ng Land Transportation Office sa mga kumukuha ng lisensya sa pagmamaneho, hindi pa rin maabot ng Bikolandia ang inaasam nitong zero road accident. Hindi pa rin mabibilang ang mga drayber na walang ingat at kaskasero dahil para sa mga nagmamaneho ng sasakyan, ang kalsada ay hindi para sa mg...
  • Tagalog news: 'Barakalan asin Patiribayan sa Bulan nin Kababayihan' pangungunahan ng DTI at PGADC

    LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 12 (PIA) -- Sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababihan ngayong Marso, patuloy pang pinaiigting ng Pamahalaang Lokal ng Sorsogon sa pamamagitan ng Provincial Gender and Development Council (PGADC) at ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbibigay kakayahan sa mga kababaihang Sorsoganon. Kaugnay nito, muling ipapakita ang angking husay ng mga ito sa larangan ng pagbebenta at kumpetisyon ng mga natatanging kasanayan sa gagawing “Barakalan sa Kapitolyo” at “...
  • Tagalog news: Nagastos ng pamahalaan sa conditional cash transfer sa Central Mindanao umabot sa Php2.5-B

    LUNGSOD NG KORONADAL CITY, South Cotabato, Marso 12 (PIA) -- Umabot na halos P2.5 bilyon ang pondong ibinuhos ng pamahalaang nasyunal para sa pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Soccsksargen Region kasama ang lungsod ng Marawi. Inihayag ni DSWD 12 regional director Bai Zorahayda Taha na umabot naman sa 202,851 na pamilyang mahihirap ang nakinabang sa naturang pondo sa pamamagitan ng conditional cash transfer. Ikinalulugod din...
  • Tagalog News: P3.1 B inilaan ng pamahalaan sa mga programa ng DSWD sa Rehiyon 12

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 12 (PIA) -- Aabot sa P3.1 bilyon ang pondong inilaan ng pamahalaaang nasyunal para sa pagpapatupad ng mga programang magbibigay ng batayang serbisyo at laban sa kahirapan sa Soccsksargen Region o Rehiyon Dose. Inihayag ito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) 12 regional planning officer Almanzor Dataya sa isang pagpupulong ng mga civic society organization na katuwang ng ahensiya sa pagpapatupa...
  • Tagalog news: Pagtasa sa kalagayan ng mga binaha ng Bagyong Pablo sa Rehiyon 12, ARMM, isinasagawa

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 12 (PIA) -- Kasalukuyang isinasagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) 12 ang “ special household validation and assessment” ng mga binaha ng Bagyong Pablo sa Rehiyon Dose at ilang bahagi ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) noong unang linggo ng Disyembre 2012. Sa datos ng DSWD 12, umabot sa 51,172 na pamilya sa Lanao del Sur at Maguindanao at 12,674 sa Soccsksargen Region l...
  • Tagalog news: Kababaihan sa Libungan, N. Cotabato mangunguna sa blood donation activity

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 12 (PIA) --Pangungunahan ng grupo ng mga kababaihan sa bayan ng Libungan, North Cotabato ang isang bloodletting activity bukas. Ito ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Women’s Month ngayong taon. Gaganapin ang nasabing aktibidad alas-otso ng umaga sa municipal grounds ng bayan. Ayon kay North Cotabato 1st Congressional District project focal person Benny Queman, ang pagtulong ng mga kababaihan ay isa umanong pamamaraan upang ipakita ang...
  • Tagalog news: Information drive hinggil sa dengue sa lungsod ng Kidapawan, N. Cotabato, pinaiigting

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 12 (PIA) -- Lalo pang pinalalakas ngayon ang isinasagawang malawakang pagbibigay ng impormasyon o information drive hinggil sa sakit na dengue sa lungsod ng Kidapawan, North Cotabato. Ito ay matapos maitala ang nakaaalarmang bilang ng naturang sakit sa lungsod ngayong taon. Ayon kay City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) head, Anne Rose Bernabe, abot sa 61 dengue cases ang naitala sa buwan ng Enero at Pebrero nitong taon na masmalaki kumpara sa 3...
  • Tagalog news: SEAir lilipad na sa Laoag simula Abril

    LUNGSOD NG LAOAG, March 12 (PIA) -- Panibagong airline na naman ang lilipad sa Laoag International Airport (LIA) na magbibigay serbisyo sa lumalagong turismo ng lalawigan ng Ilocos Norte. Bumisita kamakailan ang Southeast Airline (SEAir) manager for booking na si Jose Rene Lapid dito para gawing pinal ang kasunduan sa pagitan nila ng LIA. Sa kanyang pagbisita, sinabi ni Lapid na simula ika-4 ng Abril, magsisimula nang bumyahe ang SEAir araw-araw na mayroong Manila-Laoag-Manila na rota. Ayon ...
  • Tagalog news: 160 buntis ng Sta. Fe, natulungan ng Alkansiya project

    STA. FE, Nueva Vizcaya, Marso 12 (PIA) -- May 160 kababaihan na ang nabigyan ng tulong para sa kanilang panganganak dahil sa ipinatupad na proyektong Alkansiya ng Municipal Nutrition Council (MNC) ng bayang ito. Ayon kay Judy Flores, municipal action officer, ang Alkansiya para sa Buntis ay ipinatupad dalawang taon na ang nakaraan upang mahimok ang mga buntis na magpa-check-up ng tuloy-tuloy sa kanilang health center. “Sa bawat check-up nila sa health center, maghuhulog sila ng halaga sa kan...
  • Tagalog news: PCOO, inaanyayahan ang mga mag-aaral ng Tarlac State U na sumali sa Pilipinas Natin

    LUNGSOD NG TARLAC, Marso 12 (PIA) -- Inaanyayahan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) Office for Special Concerns ang mga mag-aaral ng Tarlac State University (TSU) na maging instrumento ng pagbabago sa pamamagitan ng pagsali sa Pilipinas Natin (PN). Sa isang panayam sa idinaos na PN forum sa TSU, sinabi ni Central Luzon coordinator Banik Alan Merenciano na ang PN ay isang aktibidad kung saan layunin nito ang "Bayanihan for Nation Building" o ang makalikha ng nararapat na ka...
  • Tagalog news: Rabies Awareness Month, inilunsad sa bayan ng Roxas, Palawan

    LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 12 (PIA) -- “Responsible pet ownership for a rabies free Palawan” ang tema ng isinagawang paglulunsad ng Rabies Awareness Month sa bayan ng Roxas kamakailan. Pinangunahan ng Provincial Veterinarian Office (PVO) ang aktibidad sa pamamagitan ng isang simpleng parada sa mga pangunahing lansangan ng nasabing bayan at sinundan ito ng maikling programa. Ayon kay Dra. Carla Limsan, livestock inspector II ng PVO ilan sa mga isinagawa dito ay ang pagbibiga...
  • Tagalog news: ‘Liwanag’ program, nagpapatuloy sa PPALMA area

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mar. 12 (PIA) -- Patuloy na isinasagawa sa buong unang distrito ng North Cotabato ang pagpapatupad ng ‘Liwanag Para Sa Kapayapaan’ Program. Ito ay pinangungunahan ng First Congressional District Office kasama ang mga kinomisyong optical clinic na siyang magsasagawa ng aktwal na check- up at screening sa mga benepisyaryo. Nitong nakaraang linggo, Marso 4-8 ay tinungo ng ‘Liwanag’ team ang bayan ng Aleosan dito sa lalawigan. Partikular na isinagawa ...
  • Tagalog news: Araw ng mga buntis, matagumpay na naidaos sa Nueva Vizcaya

    BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Marso 12 (PIA) -- Idinaos kahapon, Marso 11, ng mga health worker ng Veterans Regional Hospital (VRH) ang isang programa para sa mga buntis bilang suporta sa programang pangkalusugan ng pamahalaan ngayong buwan ng mga kababaihan. Ayon kay Dra. Jennifer Namuhje, isa sa mga tagapangasiwa ng programa para sa mga kababaihan, ang "Buntis Day" ay idaraos sa VRH grounds sa barangay Magsaysay sa bayang ito upang mabigyan ng libreng serbisyong medikal ang mga nagdadalantao sa l...
  • Tagalog news: SP Committee Hearing tungkol sa barkong Baleno, isinagawa

    LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Marso 12 (PIA) -- Tiniyak ng pamunuan ng Besta Shipping Lines, Inc. na may cargo insurance ang kanilang barko para mabayaran ang mga nasira at lumubog na mga sasakyan dito kamakailan. Ito ang isa sa mga nakumpirma sa ipinatawag na pagpupulong ng Sangguniang Panlalawigan Committee of the Whole noong nakaraang buwan sa Batasang Panlalawigan kaugnay ng paglubog ng barkong Baleno 168 na pagmamay-ari ng Besta Shipping Lines sa pantalan ng Calapan. Pinangunahan ...
  • Tagalog news: Sorsogon, prayoridad ng Agrarian Production Credit Program

    LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 11 (PIA) -- Inihayag ni Provincial Agrarian Reform Officer (PARO) Gina D. Bolanos na isa na namang bagong proyekto ang binuo ng pamahalaan para sa mga magsasaka at ito ay ang Agrarian Production Credit Program (APCP). Ang APCP ay ipatutupad ng Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform (DAR) at Land Bank of the Philippines kung saan makakabenepisyo ang mga magsasaka sa lalawigan ng Sorsogon. Aniya, ang ACPC ay isang programang pautang para sa mga b...
  • Tagalog news: DENR Bicol nagbabala laban sa sunog sa mga kagubatan

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Marso 12 (PIA) -- Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol sa mga insidente ng sunog sa kagubatan bunsod na rin ng papalapit na tag-init. Ayon kay DENR Bicol regional executive director Gilbert Gonzales bagaman’t ang publiko ay nag-iingat laban sa sunog kasabay sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month sa buwang ito kinakailangan ring maging alerto sa sunog sa mga kagubatan. Paliwanag ni Gonzales ang sunog sa kagubatan na tinatawag rin wild...
  • Tagalog news: SSS-Cotabato, nagpoproseso na muli ng membership IDs

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mar. 11 (PIA) -- Maaari na ngayong magproseso ng kanilang membership ID ang mga miyembro ng Social Security Sytstem sa lungsod ng Cotabato. Ayon kay SSS-Cotabato Branch Manager Sukarno Pendaliday, tumatanggap na ulit sila ng pagproseso ng SSS identification cards matapos ang ilang buwang pagkaantala nito dahil sa pagkasira ng kanilang data capturing machine. Gamit ang bagong data capturing machine, mas pinadali at mapapabilis na ngayon ang pagproseso ng mg...
  • Tagalog news: ARBO’s sa Camarines Sur tumanggap ng makinarya at iba pang kagamitan sa pagsasaka

    LUNGSOD NG NAGA, Marso 11 (PIA) -- Anim na mga Agararian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) sa lalawigan ng Camarines Sur ang tumanggap ng farm machineries mula sa Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services (Arccess) project ng Kagawaran ng Pagsasaka noong Martes, Marso 5, 2013. Ayon Provincial Agrarian Reform Office Chief Ramon B. Fuentebella ng DAR Camarines Sur B, ang Arccess isa sa may malaking ibinibigay na suporta sa mga agrarian reform beneficiaries sa b...
  • Tagalog news: Pagsumite ng aplikasyon sa National Search for Sustainable and Eco-Friendly Schools, pinalawig

    LUNGSOD NG KORONADAL CITY, South Cotabato, Marso 11 (PIA) -- Sa halip na sa ika-15 ng Marso, iniurong sa ika-16 ng Abril ang huling araw ng pagsumite ng aplikasyon para sa National Search for Sustainable and Eco-Friendly School. Ito ang inihayag kaninang umaga ni Environment Management Bureau (12) acting regional director Ma. Socorro Lanto. Aniya ito ay upang mabigyan ang mas marami pang paaralan na makalahok sa patimpalak na pinangungunahan ng Department ...
  • Tagalog news: Mga batang mag-eenrol sa pasukan, sa sariling barangay na lamang mag-aaral -- DepEd

    LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 11 (PIA) -- Sa pagbubukas ng pasukan sa Hunyo 2013, dapat ay sa mga paaralan na lamang sa kanilang kani-kanilang barangay na lamang i-enroll o papasukin ng mga magulang ang kanilang mga anak. Ayon kay Deped City Schools Division Education Supervisor Nestor Detera hindi dapat pilitin ang mga anak na mag-enrol sa dalawang malalaking paaralan dito sa lungsod, ang Sorsogon Pilot Elementary School (SPES) at ang Sorsogon East Central School (SECS) dahil ang mga ito ay umaap...
  • Tagalog news: Pulis, pinaghahandaan na ang rodeo festival at semana santa

    LUNGSOD NG MASBATE, Marso 11 (PIA) -- Hindi lang ang pagdis-arma sa private armed groups at pagtugis sa mga kriminal ang pinagkakaabalahan ngayon ng pulisya sa lalawigan ng Masbate. Sa pulong na ipinatawag ng Commission on Elections (Comelec) nung nakaraang Biyernes, sinabi ni Masbate Police Provincial Director Heriberto Olitoquit na pinaghahandaan na rin ng mga pulis ang pagsisimula ng bakasyon sa mga paaralan at pagdiriwang ng Semana Santa, Rodeo Masbateño, Flores de Mayo at piyesta sa mga k...
  • Tagalog news: Gastos sa graduation ng public schools sagot ng lokal na pamahalaan ng Caloocan

    LUNGSOD NG CALOOCAN, Marso 11 (PIA) -- Sagot ng pamahalalang lokal ng lungsod ng Caloocan ang lahat ng gastusin ng mga mag-aaral na magtatapos ngayong taon sa elementarya at sekondaryang pampublikong paaralan. Ito ang binigay na kasiguruhan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom" Echiverri sa mga magulang ng mga magtatapos. Ayon kay Echiverri, nararapat lamang na tulungan ng lokal na pamahalaan ang mga magulang ng mga estudyante upang maibsan ang kanilang problema. Sinabi pa niya, responsib...
  • Tagalog news: South Cotabato makikilahok sa International Museum Day

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 11 (PIA -- Makikilahok ang South Cotabato sa pagdiriwang ng International Museum Day sa Mayo. Ayon kay provincial museum in-charge Indira Cagaanan, gagawin ito sa pamamagitan ng tatlong araw na conference na nakasentro sa pandaigdigang tema ngayong taon na “Memory + Creativity = Social Change” na gaganapin sa Mountain Log Resort sa bayan ng Lake Sebu sa ika-17 hanggang 19 ng Mayo. Inimbitahang pangunahing tagapagsalita sa pagtitipon...
  • Tagalog news: Business kits, ipinamahagi sa mga nagtitinda sa Magpet, N. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 11 (PIA) -- Ipinagkaloob kamakailan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa North Cotabato ang ilang mga business kits sa mga nagtitinda sa bayan ng Magpet sa nasabing lalawigan. Ang business kits na nagkakahalaga ng P153,000 ay kinabibilangan ng limang kariton, mga kasangkapan sa pagluluto at iba pang mga kagamitan sa pagnenegosyo. Aabot naman sa 36 na mga benepisyaryo ang nabahaginan ng naturang mga kagamitan. Ayon kay Mayor Efren Piñol, ...
  • Tagalog news: DA, naglaan ng P60M para sa patubig sa Ikatlong distrito ng Bulacan ngayong 2013

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 11 (PIA) -- Naglaan ng kabuuang 60 milyong piso ang Department of Agriculture para sa patubig ng Ikatlong Distrito ng Bulacan. Sa isang pahayag, sinabi ni kalihim Proceso Alcala na malaking bahagi ng halaga ay para sa pagkukumpleto ng mga kanal ng patubig na nagdudugtong mula sa Casecnan Dam na nasa Science City of Muñoz, Nueva Ecija. May 29 na kilometro ang haba ng patubig na dumadaloy upang mabigyan ng irigasyon hindi lamang ang Nueva Ecija kundi ang mga ...
  • Tagalog news: Pamahalaang panlalawigan, naglaan ng P50M para sa scholarship ng 7,600 kabaatang Bulakenyo

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 11 (PIA) -- Naglaan ng kabuuang 50 milyong piso ang pamahalaang panlalawigan para sa iskolarship ng may 7,600 kabaataang Bulakenyo. Sa ginanap na Talakayang Bulakenyo, ipinaliwanag ng Provincial Administrator’s Office na ito na ang pangalawang taon na magkasunod na naglaan ang Kapitolyo ng 50 milyong piso mula sa dating 20 hanggang 40 milyong piso. Layunin nito na mabigyan ng malaking oportunidad ang mga mahihirap na mag-aaral ngunit matatalino na makatamo...
  • Tagalog news: Bagong tanggapan ng PCSO, malapit ng buksan sa kapitolyo

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 11 (PIA) -- Abot kamay na ng mga Bulakenyo ang serbisyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos lagdaan ang isang kasunduan para sa pagkakaroon ng satellite office sa bakuran ng kapitolyo. Ang paglalagda ay pinangunahan nila Governor Wilhelmino Sy-Alvarado at PCSO Chairperson Margarita Juico. Sinabi ni Alvarado na patuloy ang pamahalaang panlalawigan ng pagbibigay ng mataas na kalidad na serbisyong medikal sa pamamagitan ng Bulacan Medical Cen...
  • Tagalog news: DA, pararangalan ang mga lalawigan, bayan at indibidwal na malaki ang ambag sa produksyon ng bigas

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Marso 11 (PIA) -- Nakatakdang gawaran ng Department of Agriculture (DA) ng Agri-Pinoy Rice Achievers Award ang mga lalawigan, bayan at indibidwal na malaki ang ambag sa pagtamo ng hangarin ng pamahalaan na staple self-sufficiency. Sinabi ni DA Regional Executive Director Andrew Villacorta na kabilang ang Nueva Ecija at Bulacan sa sampung top performing provinces sa buong bansa. Sila ay makakakuha ng tig-apat na milyong pisong halaga ng mga proyekto. Samantal...
  • Tagalog news: San Fernando City Council, nasungkit ang National Local Legislative Award sa ikatlong pagkakataon

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Marso 11 (PIA) -- Nasungkit ng Sangguniang Panlungsod ng San Fernando ang National Local Legislative Award (LLA)-Component City category prize sa ikatlong magkakasunod na pagkakataon. Tinaggap ng mga miyembro ng koseho, sa pangunguna ni Vice Mayor at presiding officer Edwin Santiago, ang pagkilala, 50 libong pisong insentibo at isang milyong pisong halaga ng "development projects" mula kay Interior and Local Government Undersecretary Austere Panadero at mga op...
  • Tagalog news: 2012 Census of Philippine Business and Industry, isasagawa ng NSO ngayong Abril 2013

    LUNGSOD NG SAN PABLO, Laguna, Mar 9 (PIA) --Pinaghahandaan na ngayon ng National Statistics Office (NSO) ang paglikom ng datos na naaukol sa kalakalan ng bansa na tinatawag na 2012 Census of Philippine Business and Industry (2012 CPBI). Sisimulan ang pamamahagi ng questionnaires ng mga tauhan nito sa ika-1 ng Abril 2013. Ang CPBI ay isa sa mandato ng NSO na naglalayong makakuha at makaipon ng impormasyon buhat sa gawaing pangkabuhayan ng bansa. Pinakamahalagang aalamin ay ang estadistika...
  • Tagalog news: PHLPost, may money transfer service na

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 10 (PIA) -- Hindi na lamang tagapaghatid ng sulat at tagapagtinda ng mga stamp ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) pagkat ngayon ay may money transfer service na rin ito. Ayon kay Postmaster General Josefina Mendoza-Dela Cruz, sinumulan na nila ang kanilang money transfer service kung saan inihahatid nila sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development sa kanayunan ang kanilang buwanang ayuda. ...
  • Tagalog news: Benepisyo ng mga Kartero sa GSIS, nababayaran na ng PHLPost

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 9 (PIA) -- Sinisiguro na ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) na nababayaran ang mga hulog ng kanilang mga kartero at empleyado sa Government System Insurance Corporation (GSIS). Sa ginawang pagbisita ni Postmaster General Josefina Mendoza-Dela Cruz sa mga Bulakenyong kartero, kinumpirma nito na may halagang 500 milyong piso ang inilaan ng administrasyong Aquino upang tuluyan nang mabayaran ang mga nasabing hulog. Matatandaan na sa mahabang panahon ay ...
  • Tagalog news: International Women’s Day sa Cotabato City naging matagumpay

    KORONADAL CITY, South Cotabato, Mar. 8 (PIA) -- Nakiisa ang lungsod ng Cotabato sa buong mundo sa pagdiriwang ng International Women’s Day. Naging matagumpay ang mga aktibidad na inihanda ng Cotabato City Women’s Council o CCWC at ng pamahalaang panglungsod ng Cotabato. Daan-daang mga residente ng lungsod, karamihan ay mga kababaihan mula sa iba’t-ibang sangay ng komunidad ang nakilahok sa selebrasyon na panimula na rin sa pagdiriwang ng Women’s Month. Nagsimula ang selebrasyon sa isa...
  • Tagalog news: Mga kabataan sa South Cotabato tutulong sa pagtatanim ng mga puno

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 8 (PIA) -- Tutulungan ng mga kabataan sa elementarya ang pamahalaang panlalawigan sa South Cotabato ng mga kabataan sa elementarya sa pagtatanim ng mga puno at pagpapanumbalik sa nakakalbong mga kagubatan. Bilang ganti, bibigyan sila ng pamahalaang panlalawigan at mga katuwang sa pribadong sektor ng gantimpalang mga kagamitan sa pag-aaral. Paliwanag ni Engr. Siegfred Flaviano, hepe ng Provincial Environment Management Of...
  • Tagalog news: 11 mga barangay sa lungsod ng Kidapawan, N. Cotabato ginawaran ng COA

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 8 (PIA) -- Aabot sa 11 mga barangay sa lungsod ng Kidapawan, North Cotabato ang pinagkalooban ng Certificate of Affirmation (COA) mula sa Tribal Council ng naturang lungsod. Kinabibilangan ito ng mga barangay ng Amacion, Balabag, Birada, Ilomavis, Indangan, Mateo, Mua-an, Nuangan, Perez, Sibawan at Sudapin. Ang COA ang magbibigay-daan sa naturang mga barangay upang makapili ng kani-kanilang Mandatory Indigenous Peoples Representative. Sa ngayon ay s...
  • Tagalog news: 376 na mga mag-aaral sa Tupi, S. Cotabato nagtapos sa DARE program

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 8 (PIA) -- Aabot sa 376 na Grade 6 pupils sa North District ng Tupi, South Cotabato ang kamakailan nagtapos sa Drug Abuse Resistance Education (DARE) program. Ang 17 linggong programa ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng nabanggit na bayan katuwang ang PNP. Sa ilalim nito, tinuruan ang mga kabataan ng mga pamamaraan upang umiwas sa paggamit ng ilegal na droga, pagsali sa mga gang at pakikilahok sa mga karahasan. Iminulat din sila kung papaano ...
  • Tagalog news: Panukalang pagbibigay ng diskwento sa maagang magbabayad ng buwis, aprubado na

    ODIONGAN, Romblon, Marso 8 (PIA) -- Inaprubahan na kamakailan ng Sangguniang Panlalawigan ng Romblon ang panukala na pagbibigay ng diskwento sa mga nagmamay-ari ng lupain na maagang magbabayad ng buwis at paglalaan ng dalawang porsiyento ng makokolektang buwis sa edukasyon ng mga kabataan. Mabibigyan na ng oportunidad ang maraming kabataan na makapag-aral at makapagtapos ng kanilang kurso matapos na maaprubahan ang ipinanukalang batas ni Sangguniang Panlalawigan Member Felix “Dongdong” F. Y...
  • Tagalog news: 25 na mga bagong pulis sa Soccsksargen Region nanumpa

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 7 (PIA) -- Nanumpa kamakailan ang 25 na bagong Police Officer 1 (PO1) sa Soccsksargen Region. Isinagawa ang oath taking ceremony sa kampo ng Police Regional Office (PRO) 12 sa Barangay Tambler sa General Santos City noong Martes, Marso 5. Ayon kay Police senior inspector Benjamin Mauricio Jr., hepe ng Regional Public Information Office 12, ang mga bagong pulis ay na recruit sa ilalim ng supplemental quota pa...
  • Tagalog news: P14M pondo, inilaang pambili ng gamot para sa Quezon Medical Center

    LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, March 8 (PIA) -- Naglaan ang pamahalaang panglalawigan ng Quezon ng halagang P14 milyon pondo upang maging sapat ang suplay ng gamot sa Quezon Medical Center (QMC). Ayon kay provincial administrator Rommel Edaṅo, binigyan ng prayoridad ni Quezon Gov. David Suarez na magkaroon ng sapat na supply ng gamot sa nabanggit na pagamutan. Maaalala na nitong mga nagdaang araw nakaranas ang mga pasyente ng QMC ang kakulangan sa gamot dahil sa umaabot sa halos tatlong doble an...
  • Tagalog news: Mag-aaral sa Lucena, libre sa internet access sa city cybrary

    LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Marso 8 (PIA) -- Malaking tulong at malaki din ang matitipid ng isang estudyante sa lungsod na ito na nangangailangang magsagawa ng research online sa libreng computer internet access na ipinagkakaloob ng city library. Sinabi ni Ivy Rose Delaro, hepe ng city library, laging bukas ang cybrary ng kanilang opisina kung saan mayroon silang 14 na computer units na libreng maaaring gamitin ng mga nagnanais na mag-research online. Idinagdag pa niya na maaaring mag-avail ng...
  • Tagalog news: DPWH District I, kabilang sa nanguna sa "quality control in project implementation"

    LUNGSOD NG BATANGAS, Marso 8 (PIA) -- Isa ang Department of Public Works and Highway (DPWH) 1st district engineering office (DEO) sa binigyang parangal sa taunang pagtasa kaugnay ng quality control performance in project implementation para sa taong 2012. Nasa ika-apat na puwesto ang Batangas I DEO kung saan may 20 proyekto ang sumailalim sa assessment at nakapagtala ito ng 94.18 puntos. Mas higit na mataas ng walong puwesto kumpara noong 2011 na nasa ika-12 puwesto. Sinabi ni Engr. Rosauro Ad...
  • Tagalog news: PNoy, inaprubahan ang batas na lilinang sa Gov’t Arsenal sa Bataan

    LUNGSOD NG BALANGA, Bataan, Marso 8 (PIA) -- Pinirmahan na ni Pangulong Aquino ang isang batas na maglalaan ng P75 bilyon upang paunlarin ang kapabilidad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at itaas ang antas ng Government Arsenal na matatagpuan sa Bataan. Layunin ng Republic Act No. 10349 o ang Revised AFP Modernization Program na linangin ang sandatahan upang maging epektibo sa pagtugon sa mga bantang pangseguridad sa loob at labas ng bansa. Popondohan ito ng P75 bilyon sa unang limang ...
  • Tagalog news: Nananatiling walang red tide ang Gitnang Luzon

    BALER, Aurora, Marso 8 (PIA) -- Nananatiling walang nakalalasong red tide sa mga lalawigan ng Bulacan, Zambales at Bataan. Sinabi sa ulat ng pinakabagong Shellfish Bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang mga baybaying tubig ng Bulacan sa Manila Bay; Masinloc Bay sa Zambales at mga baybaying tubig ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal sa Bataan ay wala na ngayong nakakalasong red tide. Sinabi ng BFAR na ang mga shellfish mula sa mga naban...
  • Tagalog news: Dating trabahador sa pabrika, matagumpay na sa Nego-Kart

    MARIVELES, Bataan, Marso 8 (PIA) -- Kaalinsabay ng pagdiriwang ng International Women’s Month, isang ina na dating takot sa kanyang hanapbuhay sa pabrika ang tuluyang nabago ang buhay sa tulong ng Negosyo sa Kariton (Nego-Kart) ng Department of Labor and Employment (DOLE). Inilahad ni Juliet Abad, 35, may dalawang anak, ang kanyang mga pinagdaanan isang taon na ang nakalilipas bago siya makatanggap ng Nego-Kart mula sa DOLE sa pamumuno nina Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz at Region III D...
  • Tagalog news: Pamahalaang panlalawigan, ilulunsad ang 'One Bulacan PRIDE' ngayong araw

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 8 (PIA) -- Nakatakdang ilunsad ngayong araw ng pamahalaang panlalawigan ang "One Bulacan Program for Rapid Industrialization and Development (PRIDE)" na inaasahang lilikha ng mga bagong oportunidad at magkakamit ng patuloy na kaunlaran ng ekonomiya ng probinsya. Ang naturang programa ay nakaugnay sa adhikain ng administrasyong Aquino na makamit ang mabilis at tuloy-tuloy na pag-unlad ng ekonomiya at pantay na pamamahagi nito upang unti-unting maibsan ang kahir...
  • Tagalog news: Rabies Awareness Month ipinagdiriwang sa Marinduque

    BOAC, Marinduque, Marso 7 (PIA) -- Ang Provincial Veterinary Office ay nagdiriwang ng “Rabies Awareness Month” ngayong Marso bilang pagtupad sa programa ng Department of Health. Nakapanayam sa programang PIA MIMAROPA Hour ng host ng programa at PIA Marinduque information officer Mayda Lagram si Dr. Josue Victoria, provincial veterinarian kung saan ibinahagi nito ang ilang mahahalagang impormasyon ukol sa pagiwas sa sakit na rabies. Ayon kay Dr. Victoria, ang Marinduque ang kauna-unahang n...
  • Tagalog news: 4 na munisipyo sa Soccsksargen Region pararangalan sa 2nd Agri-Pinoy Rice Achievers Awards

    LUNGSOD KORONADAL, South Cotabato, Marso 7 (PIA) -- Kabilang ang mga munisipyo ng Midsayap, Kabacan at Tulunan sa North Cotabato at Lambayong sa Sultan Kudarat sa mga lokal na pamahalaan na nakatakdang parangalan sa 2nd Agri-Pinoy Rice Achievers Awards sa ika-15 ng Marso ng taong kasalukuyan. Ang Agri-Pinoy Rice Achievers Awards ay pinangununahan ng Department of Agriculture at naglalayong kilalanin ang mga mga lalawigan at bayan na nangunguna sa produksyon ng palay, pati na rin ang mga ...
  • Tagalog news: Mga susunod na plano sa patuloy na pagsasaayos ng General Santos City Airport, inilatag

    LUNGSOD NG KORNADAL, South Cotabato, Marso 7 (PIA) -- Inilabas na kamakailan ang detalye ng plano sa pagsasaayos na gagawin sa paliparan sa lungsod ng General Santos. Kabilang sa procurement plan ngayong taon na inaprubahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay ang probisyon ng Runway End Safety Area (RESA) na tinatayang aabot sa P17.28 milyon at ang pagpapalawak ng terminal building na nangangailangan ng pondong aabot sa P25 milyon. Maliban dito, prayoridad din ngayon ng CA...
  • Tagalog news: Nagtatrabahong mga preso kasali sa proteksyon ng SSS kahit nakakulong

    MANILA, March 7 (PIA) -- Pinalawak pa ng Social Security System ang kanilang saklaw sa pamamagitan ng kanilang programang “AlkanSSSya” kung saan, isinali na rin ang mga preso na naghahananap buhay sa loob ng kulungan at gumagawa ng mga handicraft. Sinabi ng Presidente at Chief Executive Officer ng SSS na si Emilio de Quiros Jr. na ang grupo na may 80 na babaeng preso ay siyang naging unang benepisaryo ng AlkaSSSya noong ito ay inilunsad ng SSS sa loob ng Bureau of Jail Management and Penolo...
  • Tagalog news: Tubuan FMR sa bayan ng Lemery, binuksan sa publiko

    LEMERY, Batangas, Marso 7 (PIA) -- Pinasinayaan kamakailan bilang hudyat ng pagbubukas sa publiko ang bagong gawang farm-to-market road (FMR) sa Barangay Tubuan sa bayang ito. Ang naturang proyekto na ipinatupad ng Department of Public Works and Highway (DPWH) Batangas First Engineering Office ay kombinasyon ng dalawang magkahiwalay na proyekto. Ang isa ay mula sa Various Infra Including Local Projects Upper House (VILPUH) fund na nagkakahalaga ng P1 milyon (M) at may habang 149 na metro. Ang...
  • Tagalog news: Marketing forum sa organikong pataba isasagawa ng DA 12

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 7 (PIA) -- Nakatakdang pangunahan ng DA 12 ang isang marketing forum sa Abril 10 kung saan tatalakayin ang ilang mga suliranin ng iba’t ibang sektor na may taya sa organikong pagsasaka. Balak ng Department of Agriculture (DA) 12 na tulungan ang mga nagpoprodyus ng mga organikong pataba upang masmapaunlad ng kanilang industriya. Aabot sa mahigit 200 organic farmers at ibang stakeholders ang inaasahang dadalo sa naturang pagpupulong. Paliwanag ni ...
  • Tagalog news: Patimpalak sa Fire Prevention Month isinagawa sa bayan ng Daet

    DAET, Camarines Norte, Marso 7 (PIA) -- Isinagawa nitong Martes, Marso 5, sa Heritage Center ng bayan ng Daet ang mga patimpalak na kinabibilangan ng essay writing, drawing and poster making at photo contest. Ito ay kaugnay ng selebrasyon ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso sa temang “Sunog at sakuna ay paghandaan, kalikasan ay pangalagaan nang matamasa ang pag-unlad.” Ang essay writing ay bukas sa mga mag-aaral ng sekondarya ng pribado at pampublikong paaralan na nasasakupan n...
  • Tagalog news: Produktong yari sa dahon ng tubo, tampok sa "Gawang Tuy" product expo

    LUNGOSD NG LIPA, Batangas, Marso 7 (PIA) -- Buong pagmamalaki na inilunsad ng bayan ng Tuy ang kanilang bagong produktong gawa sa pangunahing materyal na matatagpuan sa nasabing bayan. Sa pamamagitan ng paglulunsad ng “Gawang Tuy” product expo, ipinakita ng mga kooperatiba sa bayang ito sa Robinson’s Place Lipa City sa pangunguna ni Tuy Mayor Jay Cerrado ang mga naggagandahang produkto mula sa dahon ng tubo noong ika 4 ng Marso. Mula dahon ng tubo, ipinakita rito ang mga produktong maa...
  • Tagalog news: Bloodletting activity tagumpay na idinaos sa ESTI Romblon

    ODIONGAN, Romblon, Marso 7 (PIA) -- Matagumpay na isinagawa ang bloodletting activity sa Erhard System Technological Institute (ESTI) sa bayan ng Odiongan, Romblon kamakailan. Sinabi ni Romblon Provincial Blood Council (RPBC) President Alice C. Fetalvero na umabot sa 136 bags ng dugo ang nalikom nila mula sa mga estudyante at faculty ng ESTI. Ang kampanyang ito aniya ng RPBC sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross - Romblon chapter at Occidental Mindoro chapter ay naging matagumpay dahil ...
  • Tagalog news: Malvar, prayoridad ang kalusugan, pangangalaga sa kapaligiran at edukasyon

    MALVAR, Batangas, Marso 7 (PIA) -- Isa sa binibigyang prayoridad sa bayang ito ang pagsusulong ng maayos na kalusugan at edukasyon ng mga mamamayan. Bunsod nito, ang kanilang health center ay 24 oras na bukas lalo na sa mga mamamayang nangangailangan ng atensyong medikal tulad ng mga emergency cases at mga buntis na manganganak. Ayon sa tala ng municipal health unit (MHU) hindi bababa sa 1,000 pataas ang bilang ng mga nagpapakonsulta kada buwan. Sinabi naman ni Mayor Carlito Reyes sa isang pa...
  • Tagalog news: Konstruksyon ng Hawker’s Plaza, matatapos na

    LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Marso 7 (PIA) -- Malapit nang mapakinabangan ng mga ambulant vendor ang itinatayong Hawker’s Plaza sa lungsod ng Calapan. Tinatayang nasa 90 posyento na ang natapos sa konstruksyon nito at nakatakdang buksan ngayong darating na buwan ng Mayo. Sinimulan ang konstrusyon noong Nobyembre 2012 at ayon kay Mayor Doy C. Leachon, malapit nang mapakinabangan ng mga Calapeño ang isa na namang malaking imprastraktura sa lungsod na matatagpuan sa likod ng New Calap...
  • Tagalog news: PDRRMC Camarines Norte magpupulong kaugnay sa paghahanda sa sakuna at kalamidad

    DAET, Camarines Norte, Marso 7 (PIA) -- Nakatakdang magpulong sa darating na ika-8 ng Marso ngayong taon ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC sa lalawigan ng Camarines Norte. Isasagawa ito sa Audio Visual Production Center ng kapitolyo probinsiya upang pag-usapan ang mga paghahanda sa sakuna at kalamidad. Kabilang din ang PDRR Management at ang pagpaplano sa Climate Change Adaptation ng Camarines Norte. Kasama pa rin sa pag-uusapan ang oryentasyon para sa isasaga...
  • Tagalog news: Provincial Vet Office ng Bulacan, pinaigting ang kampanya kontra rabies

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 7 (PIA) -- Pinaigting ng Provincial Veterinary Office (PVO) ng Bulacan ang kampanya nito kontra rabies sa pamamagitan ng pagbisita sa mga barangay upang mabakunahan ang mga aso. Sinabi ni Provincial Veterinarian Voltaire Basinang na umabot na sa apat na libong aso sa 13 barangay sa pitong bayan at isang lungsod ang nabakunahan na. Kaalinsabay ng pagbabakuna ang information, education at communication drive sa pagiging responsableng mga pet owners sa tulong n...
  • Tagalog news: Mga nanalo sa population quiz sa Ifugao inihayag

    MAYOYAO, Ifugao, Marso 7 (PIA) -- Inihayag ng provincial population sustainable and development division (PPSDD) ang mga nagwagi sa 2013 population quiz na idinaos sa bayan Lagawe kahapon. Ang nasabing okasyon ay dinaluhan ng labing-isang pampublikong paaralan mula sa iba't ibang bayan ng lalawigan na may temang “Populasyon at Kapaligiran at Lokal na Pamamahalaan” (Population and Environment and Local Governance). Ayon sa PPSDD, ang Southern Hingyon National High School, sa pamamagitan ni ...
  • Tagalog news: Kagamitan para sa pagpapanatili ng kalinisan sa bundok Banahaw, ipinagkaloob sa 2 barangay sa Dolores

    DOLORES, Lungsod ng ng Quezon, Marso 7 (PIA) -- Ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon noong Marso 4 ang iba’t ibang kagamitan na makatutulong sa Brgy, Sta. Lucia at Kinabuhayan sa pagpapanatili ng kalinisan sa Bundok Banahaw sa Brgy. Pinagdanlayan sa bayang ito. Sinabi ni Gov. David Suarez na tuwing sasapit ang Mahal na Araw ay dinarayo ng mga deboto at mga turista ang Bundok Banahaw sa bahagi ng bayan ng Dolores. At sa pagdami aniya ng tao, hindi din naiiwasan ang pagdami ng mg...
  • Tagalog news: Pagiging ISO Certified ng TESDA, malaking bentahe para sa magkatrabaho agad ang mga graduates nito

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 7 (PIA) -- Malaking bentahe ang pagiging ISO:9008 Certified ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagkakaroon kaagad ng trabaho ng mga graduates nito dito at sa ibayong dagat. Sa ginanap na turn-over ng TESDA Provincial Training Center sa pamahalaang panlungsod ng Malolos noong Lunes, ikinuwento ni kalihim Joel Villanueva na may isang construction company na kinakailangang may limang taong karanasan sa pagmemekaniko ang sinumang ap...
  • Tagalog news: Task Force Alayon ng DA 12 natapos na ang operasyon sa ComVal province.

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 6 (PIA) -- Mahigit 600 ektarya ng lupain sa Compostela Valley ang naihanda ng Task Force Alayon ng DA 12 sa mahigit dalawang buwang pagtulong sa magsasaka sa lugar. Matatandaang tumungo ang Task Force Alayon ng DA 12 sa ComVal noong Disyembre 19, dalawang linggo matapos manalasa ang Bagyong Pablo doon upang tumulong sa paghahanda ng mga lupain ng mga magsasakang naapektuhan ng kalamidad. Dala ng grup...
  • Tagalog news: 4,000 magsasaka, inaasahang makikinabang sa mga proyekto ng NIA sa Quezon

    LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Marso 6, (PIA) -- Mahigit sa 4,000 magsasaka ang inaasahang makikinabang sa mga proyektong nakatakdang ipatupad ngayong taon ng National Irrigation Administration (NIA) Quezon irrigation management office. Sinabi ni provincial irrigation management officer Engr. Romeo M. Lopez na ang mga proyektong nakatakdang ipatupad ng NIA ngayong taon ay kinabibilangan ng pagpapagawa ng maliit na irigasyon sa Barangay Kabebihan, Guinayangang; Barangay Ilayang Dupay, lungsod ng Luc...
  • Tagalog news: Higit 100 kabahayan sa Aleosan, N. Cotabato, makikinabang sa programang ‘Ilaw para sa Kapayapaan’

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 6 (PIA) -- Aabot sa mahigit 100 kabahayaan sa bayan ng Alesoan, North Cotabato ang sa mga susunod na araw ay magkakaroon na ng kuryente dahil sa ipatutupad na programang "Ilaw para sa Kapayapaan." Ayon kay New Leon Barangay Kagawad Domingo Capilitan lubos na nagpapasalamat ang mga residente sa kanilang lugar gayong makakaabot na ang serbisyo ng kuryente dito. Ayon sa plano ng proyekto, ang linya ng kuryente ay magmumula sa Purok Mangga ng nasabing ba...
  • Tagalog news: Mga claimants sa pinagtatalunang lupain sa Makilala, N. Cotabato sasailalim sa validation ng DAR

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 6 (PIA) -- Isasailalim sa validation ang mga nagrereklamong pamilya sa pinag-aagawang lupain sa Sitio Lacobe, Barangay Malabuan, Makilala, North Cotabato. Ito ay dahil sa umano’y hindi makatarungang distribusyon ng lupain sa naturang lugar. Kahapon, ipinatawag ni North Cotabato Governor Emmylou Mendoza ang mga opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR-Cotabato) at Provincial Agrarian Reform Office kasama ang mga lokal na opisyal ng Makilala. I...
  • Tagalog news: Mga Calapeño tumanggap ng unang 4Ps pay-out sa taong 2013

    LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Marso 6 (PIA) -- Tinatayang nasa 5,000 mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang muling tumanggap ng kanila-kanilang cash grants noong Pebrero. Muling isinagawa ang pay-out o ang Conditional Cash Transfer (CCT) sa mga Calapeño na miyembro ng 4PS. Ito ang unang pamamahagi ng benepisyo sa mga mamamayan ng lungsod para sa taong 2013. Dito ay magkatuwang na inihanda ang maayos na pagpapasilidad ng naturang gawain ng mga ahensiya ng Cit...
  • Tagalog news: OWWA 12 nakipagsundo sa 2 kolehiyo para sa programang pang-edukasyon

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mar. 6 (PIA) -- Nilagdaan kamakailan ng mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration-Region 12, Notre Dame of Midsayap College at I-Link College of Science and Technology sa Midsayap, North Cotabato ang isang memorandum of agreement na magbibigay ng karagdagang oportunidad sa mga overseas Filipino workers at kanilang mga benepisyaryo. Ang nasabing MOA ay naglalayong mapabuti ang pagbibigay ng benepisyong pang-edukasyon at pagsasanay para s...
  • Tagalog news: 'Lolong' pumanaw dahil sa pneumonia

    AGUSAN DEL SUR, Marso 6 (PIA) -- Si Lolong na tinaguriang pinakamalaking buwayang nahuli sa buong mundo ay pumanaw dahil sa pneumonia, na nadagdagan pa ng multiple organ failure, ayon sa Department of Environment and Natural Resources. Ayon kay DENR Sec. Ramon Paje, sa pagsusuri na ginawa sa kalamnan na nakuha mula sa baga, puso, atay, bato at gastrointestinal tract ni Lolong, napatunayan na ang dambuhalang buwaya ay namatay dahil sa pneumonia at atake sa puso. Ayon sa histopathological na ula...
  • Tagalog news: Pangagasiwa sa Provincial Training Center ng TESDA, ibinigay na sa pamahalaang panlungsod ng Malolos

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 6 (PIA) -- Masmatutukan na ng pamahalaang lungsod ang pagkakaloob ng skills training sa mga Malolenyo matapos ibigay ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) ang pangangasiwa ng Provincial Training Center nito sa barangay San Agustin. Pinangunahan ni Tesda Secretary Joel Villanueva ang pagturn-over ng pasilidad kay Malolos City Mayor Christian Natividad. Ayon kay Villanueva, taong 2004 nang maitayo ang center mula sa pinagsama-samang ay...
  • Tagalog news: Pamahalaang panlalawigan ng Aurora magsasagawa ng Women’s Month fun run sa Marso 21

    BALER, Aurora, Marso 6 (PIA) -- Magsasagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Aurora ng fun run sa ika-21 ng Marso kaalinsabay ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan. Nakaangkla sa temang, “Kababaihan, Gabay Sa Pagtahak Sa Tuwid Na Daan,” magsisimula ang aktibidad sa ganap na alas singko ng umaga sa Capitol Compound, Barangay Suklayin sa bayan ng Baler. Sinabi ni Aida Rutaquio ng Provincial Social Welfare and Development Office na P20 ang registration fee sa mga empleyado ng local governm...
  • Tagalog news: 11,000 na pamilyang MILF makikinabang sa cash-for-work program ng DSWD

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 5 (PIA) -- Aabot sa mahigit 11,000 na pamilyang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang makikinabang sa cash-for-work program ng Department of Social Welfare and Development. Sa isang panayam, inihayag ni DSWD 12 regional director Bai Zorahayda Taha, kabilang sa mga makikinabang nito ang mahihirap na pamilyang MILF sa Rehiyon Dose at Autonomous Region in Muslim Mindanao. Kabahagi ang naturang progra...
  • Tagalog news: SICAD ng OrMin nais gawing modelo ng pamahalaang nasyunal

    LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Marso 5 (PIA) -- Dahil sa nakikitang pagiging epektibo ng Strategic Intervention Community Focused Action Towards Development (SICAD), nais gawing modelo ngayon ng Department of Health (DOH) ang nasabing programa. Ito ang ibinalita ni Gob. Alfonso V. Umali Jr. sa pinakahuling department heads’ meeting na regular na isinasagawa tuwing araw ng Lunes bilang bahagi na rin ng kanyang People’s day. Ayon kay Umali, pipili ang DOH ng isang lalawigan sa isang r...
  • Tagalog news: Higit 60 guro sa Pigcawayan, N. Cotabato, mababahagian ng libreng mga salamin sa mata

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 5 (PIA) -- Aabot sa mahigit 60 mga guro sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato ang mapagkakalooban ng mga libreng salamin sa mata. Ang mga gurong ito ay mula sa walong elementaryang kasapi ng Department of Education (DepEd) - Pigcawayan South District. Kaugnay nito, sumailalim kamakailan ang mga guro sa eye check-up upang malaman ang angkop na salamin sa kanilang mata. Ayon kay Capayuran Elementary School Principal Ligaya Salcedo, magiging malaking ...
  • Tagalog news: 24 mga makinang pangsakahan, ipinamahagi ng DAR sa Palawan

    PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 5 (PIA) -- Namahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng 24 farm machineries o mga makinang sa dalawang organisasyon ng mga magsasaka sa lalawigan kamakailan. Ang mga makina na kinabibilangan ng hand tractors, mechanical transplanters with seeder conveyors, combine harvester, flatbed dryer at power sprayers ay tinatawag ring Common Service Facilities (CSF) at ito ay “Equipment Grant” ng DAR. Nagkakahalaga ito ng mahigit anim na milyong piso at laan p...
  • Tagalog news: Mga kababaihan inanyayahan sumali sa pagdiwang ng Women’s Month

    LUNGSOD NG TABUK, Kalinga, Marso 5 (PIA) -- Inaanyayahan ni Provincial Social Welfare and Development Officer Digna Dalutag ang mga kababaihan sa lalawigan na makilahok sa pagdiriwang ng "Women’s Month” ngayong Marso na may temang “Kababaihan: Gabay sa Pagtahak sa Tuwid na Daan.” Ang pagtitipon aniya ay gaganapin sa Marso 14 sa provincial gym kung saan magkakaroon ng orientation at pagbibigay impormasyon o information education campaign ukol sa mga batas at programang pangkababaihan. ...
  • Tagalog news: Mga pulis sa Soccksargen sumailalim sa pagsasanay sa hostage negotiation

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 5 (PIA) -- Aabot sa 24 na pulis mula sa Anti-Kidnapping Group (AKG) at Special Action Force (SAF) dito sa Rehiyon Dose ang sumailalim kamakailan sa pagsasanay sa hostage negotiation. Ayon kay Police Sr. Insp. Benjamin Mauricio Jr., hepe ng public information office ng PNP 12, ang sampung araw na kurso sa pamamahala ng isang hostage negotiation ay pinangunahan ng Regional Security Office/Antiterrorism A...
  • Tagalog news: Mga kawani ng Cotabato City LGU sumali sa blood letting activity

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mar. 5 (PIA) -- Nanguna ang pamahalaang panlungsod ng Cotabato sa isinagawang blood letting activity kahapon, Marso a-4 sa Cotabato City Hall. Boluntaryong nagbigay ng dugo ang mga kawani ng Cotabato City hall kung saan umabot sa 28 na bag ang nalikom. Ayon kay Secretary to the Mayor Anecito Rasalan, layunin ng naturang blood letting activity na makatulong na magkaroon ng sapat na suplay ng dugo sa Cotabato Regional and Medical Center. Aniya, ito ay maaar...
  • Tagalog news: Mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng bansa sa Buwan ng Pag-iingat sa Sunog, inilatag ng pamahalaang panlalawigan

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 5 (PIA) -- Naghanda ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ng iba’t ibang aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Pag-iingat sa Sunog ngayong Marso upang patuloy na maitaas ang kamalayan at mahikayat ang publiko na maging handa laban sa sunog. May temang "Sunog at Sakuna Paghandaan, Kalikasan ay Pangalagaan nang Matamasa ang Pag-unlad ng Bayan,” pangungunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDDRMO) ang isang un-announced ...
  • Tagalog news: Pagbabantay laban sa smuggled rice pinaiigting ng South Cotabato PNP

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 4 (PIA) -- Mas pinaiigting ngayon ng South Cotabato Police Provincial Office ang pagmamanman sa pagpasok ng umano ng iligal na imported na bigas sa lahat ng bayan at lungsod sa nasasakupan. Sa pulong ng Provincial Peace and Order Council kamakailan, sinabi ni police provincial director PSSupt. Randolf Delfin na aatasan niya ang lahat na hepe ng police stations sa sampung bayan at isang lungsod dito, na t...
  • DOST allots P40.7M worth of assistance to Central Luzon SMEs in 2012

    CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga, March 5 (PIA) -- Department of Science and Technology (DOST) allotted around P40.7 million worth of assistance last year to 56 Small and Medium Enterprises (SMEs) in Central Luzon. “The aid was part of our Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) which is a flagship undertaking of our agency that is geared towards the development of SMEs” DOST Regional Director Victor Mariano said. Under SETUP, SMEs in industries such as food are given appropria...
  • Tagalog news: 'Peace and Order' summit ginanap sa lungsod ng Naga

    LUNGSOD NG NAGA, Marso 5 (PIA) -- Pinangunahan ng Naga City Police Office (NCPO) ang isang "Peace and Order" summit kahapon upang iparating sa mga mamamayan nito ang kasalukuyang kalagayan o peace and order situation dito sa lungsod. Sa ginawang pagtitipon kahapon, sinabi ni PS/Supt. Abdulkadil Mato Guialani, pinuno ng NCPO, na nabawasan ang kriminalidad at bumaba ang insidente ng krimen sa lungsod dahil na rin sa pakikipagtulungan at kooperasyon ng mga residente mula sa 27 barangay ng lungsod...
  • Tagalog news: Pinakamalaki at pinakamodernong Class AA slaughter house ng Sorsogon City pinasinayaan

    LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 5 (PIA) -- Pormal nang sinimulan ang operasyon ng bagong tayong Class AA Slaughter House ng lungsod ng Sorsogon matapos pasinayaan at basbasan ito noong Sabado, Marso 2, 2013. Ang Sorsogon City Class AA Slaughter House na matatagpuan sa Sitio Madan-an, Bibincahan, lungsod ng Sorsogon ang itinuturing na pinakamalaki at pinakamodernong Class AA na katayan ng mga hayop sa buong rehiyon ng Bikol sa kasalukuyan, ayon kay National Meat Inspection Service (NMIS) Bicol chief ...
  • Tagalog news: 800 mahihirap nabenepisyuhan sa ‘Cash-for-Work’ program ng DSWD

    Ni Cherry Joy Discaya-Garma LUNGSOD NG LAOAG, Marso 5 (PIA) -- Mayroong 800 na mahihirap sa lungsod ng Laoag ang nabenepisyuhan sa programang "Cash-for-Work" (CFW) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kamakailan ay namahagi ang ahensya ng "cash grant" sa mga benepisyaryo ng programang ito mismo sa tanggapan ng pamahalaang lungsod. Sa ilalim ng programang CFW, ang mga benepisyaryo ay maglalaan ng 10 araw na pagtatrabaho o gawain sa komunidad at serbisyo sa mga piling 10 bara...
  • Tagalog news: 1.2 milyon punongkahoy layuning maitanim ng DENR Bicol

    Ni Sally A. Atento LUNGSOD NG LEGAZPI, Marso 5 (PIA) -- Layunin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa rehiyon ng Bicol na makapagtanim ng 1.2 milyong indigenous na punongkahoy bilang bahagi ng proyekto nitong National Greening Program (NGP). Ang nasabing bilang, ayon kay DENR 5 Director Gilbert Gonzales, ay bahagi ng 25 milyong indigenous punongkahoy na nilalayong malikom sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ayon pa kay Gonzales kanilang pinaiigting ang pagtatanim ng indig...
  • Tagalog news: Isang mall sa Bulacan, nagsagawa ng seminar tungkol sa tamang pakikitungo sa mga taong may kapansanan

    MARILAO, Bulacan, Marso 5 (PIA) -- Nagsagawa kamakailan ang SM Marilao ng isang araw na seminar patungkol sa tamang pakikitungo sa mga taong may kapansanan sa kanilang mga tenants, affiliates, empleyado at kapartner na ahensya. Sa isang pahayag, sinabi ng SM Marilao na hangad nilang maitanim sa isipan ng lahat ng nagtatrabaho sa mall ang tamang pagbibigay ng serbisyo sa mga taong may kapansanan, kanilang papel sa lipunan at kung paano sila matutulungan. Kabilang sa mga nagsilbing tagapagsalita...
  • Tagalog news: Serbisyong panlipunan uunahin sa ika-apat na anibersaryo ng paglipat ng Kapitolyo

    LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Marso 5 (PIA) -- Nagpalabas ng direktiba si Rizal Gob. Jun Ynares III sa mga tanggapan ng pamahalaang lalawigan na sa halip na magkaroon ng malaking pagdiriwang hinggil sa ika-apat na selebrasyon sa paglipat ng Kapitolyo ay unahin ang pagsasagawa ng mga serbisyo publiko sa buong probinsya. Sa mismong araw ng paglilipat ng pamahalaang lalawigan ng Rizal noong Marso 4, 2009, sinabi ni Provincial Health Officer Iluminado Victoria na may bagong narating o milestone ang ...
  • Tagalog news: Mga aktibidad sa pagdiriwang ng Women’s Month sa Kabacan, N. Cotabato, inilatag

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 5 (PIA) -- Iprinisenta na ang ilang mga aktibidad na gagawin sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kasabay ng selebrasyon ng Women’s Month ngayong Marso. Tampok sa mga ito ay ang malawakang oryentasyon sa mga karapatan at mga pribiliheyo ng mga kababaihan at ang pagbibigay detalye hinggil sa Republic Act (RA) 9262 o ang Violence Against Women and Children (VAWC) Law. Dagdag pa dito, magkakaroon din ng mga pangkabuhayang aktibidad at mga pagsasanay. ...
  • Tagalog news: DOST, naglaan ng 40.7 milyong pisong halaga ng tulong sa mga Central Luzon SMEs noong 2012

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Marso 5 (PIA) -- Naglaan ng 40.7 milyong pisong halaga ng tulong ang Department of Science and Technology (DOST) noong nakaraang taon sa may 56 Small and Medium Enterprises (SMEs) ng Gitnang Luzon. Sinabi ni DOST Regional Director Victor Mariano na ang ayuda ay bahagi ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (Setup) ng ahensya na naglalayong mapabuti ang mga SMEs. Sa ilalim ng programa, binibigyan ng kauukulang "technology interventions" ang SMEs sa m...
  • Hiligaynon news: Pagpapatupad Motorcycle Helmet Act sa lungsod ng Kidapawan, N. Cotabato, pinalalakas

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 5 (PIA) -- Lalo pang isinusulong ngayon ang implementasyon ng Motorcycle Helmet Act sa lungsod ng Kidapawan, North Cotabato. Ito ay matapos makapagtala ang Kidapawan City PNP traffic section ng mataas na bilang ng mga motoristang naaaksidente na walang suot na helmet. Nabatid na marami pa rin ang lumalabag sa naturang batas at ito ang kalimitang dahilan kung bakit matindi ang pinsalang natatamo ng mga motorista o di kaya ay binabawian ng buhay ang m...
  • Tagalog news: May 4,695 mahihirap na kabataan sa Gitnang Luzon, makikinabang sa Cash for Training ng TESDA at DSWD

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Marso 5 (PIA) -- May 4,695 mahihirap na kabataan sa Gitnang Luzon ang nakatakdang makinabang mula sa Cash for Training Program (C4TP) ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) at Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa kanyang mensahe sa paglulunsad ng programa kahapon, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Teodulo Romo Jr. na layunin ng C4TP na bigyan ng skills training opportunities at job facilitation o entrepreneurship su...
  • Tagalog news: PNoy, ibinida ang mga nagawa sa Pampanga

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Marso 4 (PIA) -- Ibinida nitong Biyernes ni Pangulong Aquino ang ilan sa mga nagawa ng kanyang administrasyon sa Pampanga sa ilalim ng “Tuwid na daan” na pamamahala. Sa kanyang talumpati sa harap ng mga community leaders at residente ng lungsod ng San Fernando, sinabi ni Aquino na on track ang Department of Education sa pagtugon sa classroom shortage sa mga pampublikong paaralan pagsapit ng Disyembre 2013 dahil sabayang itinatayo ang iba’t ibang silid-ar...
  • Tagalog news: 'Oplan Katok' patuloy na ipinatutupad ng PNP Romblon

    ROMBLON, Romblon, Marso 4 (PIA) -- Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang Oplan Katok ng PNP Romblon sa mga bayang sakop ng lalawigan at pagpapatupad sa kampanya ng PNP laban sa mga hindi lisensiyadong baril. Sinimulan noong nakaraang linggo ng Oplan-Katok Team sa bayan ng Odiongan ang pagbisita sa mga kabahayang natukoy na mayroong nagmamay-ari ng rehistradong baril upang alamin kung ito ay nai-renew o hindi. Nagsasagawa rin ng pagbisita ang grupo sa mga taong napabalitang nagmamay-ari ng hin...
  • Tagalog news: ‘Rice subsidy program,’ magpapaunlad sa produksyon ng mga magsasaka sa Lucena

    LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Marso 4 (PIA) -- Patuloy na isinusulong ng City Agriculturist Office ang pagpapayabong ng palayan sa lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng masmurang binhi ng palay sa mga magsasaka dito sa ilalim ng "rice subsidy program." Ayon kay Jose Canlas, city agriculturist officer, prayoridad na programa ni lungsod ng Lucena Mayor Roderick Dondon Alcala na bigyan ng sapat na suporta ang mga magsasaka sa pamamagitan ng rice subsidy program na kung saan ay nakapaloob din dito a...
  • Tagalog news: Inspeksyon sa mga fire hydrants at ibapang mga aktibidad gagawin ng BFP Central Fire Station

    LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 4 (PIA) -- Matapos ang isinagawang Unity Walk kick-off ceremonies noong nakaraang Biyernes, Marso 1, 2013, ilan pang mga aktibidad ang ginagawa ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Sorsogon City Central Fire Station kaugnay ng obserbasyon ng Fire Prevention Month ngayong Marso. Ayon kay Sorsogon City Fire Marshall SInsp. Walter B. Marcial, nagsagawa din sila noong nakaraang Biyernes ng programa sa radyo na tinagurian nilang “Bumbero sa Radyo” kung saan tinala...
  • Tagalog news: 'Organizational Improvement Plan' ng lalawigan, ipinatutupad

    CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar. 4 (PIA) -- Ipinatutupad na ngayon ang bagong buong Organizational Improvement Plan (OIP) ng lalawigan. Sa pagsisimula nito, may mga binuong bagong tanggapan at dibisyon sa kapitolyo na naglalayong higit na mapagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng iba't ibang aspekto ng buhay at kabuhayan ng mga mamamayan dito. Isa sa mga tanggapang nabuo sa ilalim ng OIP ang Provincial Tourism, Investment and Enterprise Development Office o PTIEDO na pinamumunuan ni Orlando ...
  • Tagalog news: Kampanya para sa Iodized Salt, pinaiigting ng pamahalaan

    STA. FE, Nueva Vizcaya, March 4 (PIA) -- Paiigtingin ng pamahalaan ang kampanya laban sa malnutrisyon sa pamamamagitan ng paggamit ng "Iodized Salt" sa pagkain sa rehiyon dos, ayon kay Rhodora Maestre, regional nutrition program coordinator sa lambak ng Cagayan. Ayon kay Maestre, palalakasin ng Regional NUtrition Council (RNC) at ng Provincial Nutrition Councils (PNC) ang pakikipag-ugnayan sa mga kawani ng checkpoints sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya, Sta. Praxedes, Cagayan, Aritao – Kayapa nationa...
  • Tagalog news: P39.9M inilaan para sa pro-poor program ng pamahalaang panlungsod ng Masbate

    LUNGSOD NG MASBATE, Marso 4 (PIA) -- Naglaan ang pamahalaan ng lungsod ng Masbate ng mahigit P39 milyon para panustos sa mga proyektong ipapatupad ngayong 2013 at sa susunod na taon upang maiangat ang pamumuhay ng mahihirap sa lungsod. Batay sa Local Poverty Reduction Action Plan ng lungsod, P21.9 milyon ang ibubuhos sa mga proyekto para sa kasalukuyang taon at P18 milyon naman para sa susunod na taon. Ayon kay Mayor Socrates Tuason, layunin ng programang ito na pababain ang bilang ng mahihira...
  • Tagalog news: Pakikilahok ng kumonidad sa pangangalaga ng Bulok Creek sa Koronadal, pinalalakas

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 4 (PIA) -- Inaasahan ng Environment Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR-EMB) 12 ang mas malawak na partisipasyon ng mga residente sa gilid ng Bulok Creek sa pangangalaga ng naturang sapa. Kamakailan inilunsad ng EMB 12 ang malawakang information, education and communication (EIC) campaign hinggil sa Adopt-an-Estero Program sa mga barangay na dinadaanan nito. Nakasentro ...
  • Tagalog news: Matrikula ng mga iskolar ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan, nabayaran na

    PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 4 (PIA) -- Binayaran na ng pamahalaang panlalawigan ang matrikula ng mga iskolar nito para sa school year 2012-2013 bago natapos ang buwan ng Pebrero. Personal na iniabot ni Gobernador Abraham Kahlil B. Mitra ang mga tseke bilang kabayaran sa matrikula ng mga iskolar ng pamahalaang panlalawigan sa inimbitahang representante ng Western Philippines University (WPU), Palawan State University (PSU), at mga extramural campuses nito sa iba’t ibang munisipyo sa Govern...
  • Tagalog news: Health Office ng Tupi, S. Cotabato ginawaran ng GP Champs award

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 4 (PIA) -- Iginawad kamakailan sa Municipal Health Office (MHO) ng bayan ng Tupi, South Cotabato ang ‘Garantisadong Pambata’ (GP) Champs award bunsod ng pagsisikap nito sa pagbibigay ng mga dekalidad na serbisyo sa aspeto ng basic child health care. Ang parangal ay ipinagkaloob ng Department of Health (DOH) sa naganap na 2nd GP Champs and Orally Fit Child Awards sa Philippine International Convention Center (PICC) sa lungsod ng Pasay. Sinabi ni m...
  • Tagalog news: RIAA 2013 idinaraos sa Pangasinan

    LINGAYEN, Pangasinan, Marso 4 (PIA) -- Muling idinaraos sa lalawigan ng Pangasinan ang Region I Athletic Association (RIAA) Meet na binuksan noong Pebrero 24 sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa bayang ito at nagtapos sa ikalawa ng Marso. Ang RIAA, na siyang pinakamalaking patimpalak ng palakasan o isports sa rehiyon, ay kinabibilangan ng halos 8,000 mga kalahok mula sa pampubliko at pampribadong paaralan ng elementarya at hayskul sa 14 na dibisyon sa Rehiyon Uno. Sa pagbubukas nito, ...
  • Tagalog news: Tatak na rabies-free inaasam ng lungsod ng Masbate;

    LUNGSOD NG MASBATE, Marso 4 (PIA) -- Magbabahay-bahay ang mga beterinaryo para turukan ng anti-rabies vaccine ang mahigit apat na libong aso sa lungsod ng Masbate sa pagsisikap ng lokal na pamahalaan na kilalanin ng DOH na rabies-free ang lungsod. Makakatulong umano sa pagsulong ng turismo sa Masbate ang reputasyong rabies-free kaya layunin ni City Mayor Socrates Tuason ang matanggal ang kamandag ng lahat ng aso sa pamamagitan ng bakuna. Ayon sa impormasyon mula sa tanggapan ng city veterinari...
  • Tagalog news: MHO ng Mlang, N. Cotabato, nananawagang makiisa sa pagpuksa ng sakit na dengue

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 4 (PIA) -- Nananawagan ngayon ang pamunuan ng Municipal Health Office (MHO) ng bayan ng Mlang, North Cotabato sa mga mamamayan na makilahok sa mga gawain upang maiwasan ang sakit na dengue. Ito ay matapos mamatay noong nakaraang linggo ang isang batang babae dahil sa nabanggit na sakit. Ayon kay municipal health officer Dr. Glecerio Sotea, aabot sa 28 suspected dengue cases ang kanilang naitala noong mga buwan ng Enero at Pebrero nitong taon lamang. ...
  • Tagalog news: Buwan ng Kababihan opisyal nang sinimulan

    LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 5 (PIA) -- Muling ipagdiriwang ngayong Marso ang Buwan ng mga Kababaihan kung saan ang tema nito ay “Kababaihan: Gabay sa Pagtahak sa Tuwid na Daan.” Ang Buwan ng Kababihan ay taunang ipinagdiriwang sa bansa alinsunod sa Presidential Proclamation No. 224 s. 1988 na nagdedeklara sa unang linggo ng Marso bawat taon bilang “Women’s Week” at tuwing ika-8 ng Marso bawat taon bilang “Women’s Rights and International Peace Day;” Proclamation No. 227 s. 1988 p...
  • Tagalog news:Muling pagtatayo ng Bulo Dam, masisimulan na ngayong 2013

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 4 (PIA) -- Masisimulan na ngayong taon ang muling pagtatayo ng Bulo Reservoir Dam kasunod ng pagpapalabas ni Pangulong Benigno Aquino III ng inisyal na P120 milyong na bahagi ng kabuuang P700 milyong kailangan para sa proyekto. Ito ang kinumpirma ni Kinatawan Joselito Mendoza ng Bulacan nang makausap niya ang Pangulo kamakailan. Ang Bulo Reservoir Dam na nasa bayan ng San Miguel, na nagisisilbing taga-ipon ng tubig mula sa kabundukan ng Sierra Madre, ay nabu...
  • Tagalog news: Rehistrasyon ng mga Muslim sa lungsod ng Batangas,tinutukan

    LUNGSOD NG BATANGAS, Marso 3 (PIA) --Tinututukan ngayon ng City Civil Registrar’s Office ang isasagawang pagrerehistro ng Muslim community sa Batangas City. Kaugnay nito sumailaim ang lahat ng kawani ng nasabing opisina sa Seminar Workshop on Civil Registration of Muslim Filipinos sa Teachers Conference Center kamakailan. Tinalakay dito ang Administrative Order No. 2 tungkol sa Rules and Regulations Governing Acts and Events Concerning Civil Status of Muslim Filipinos. Il...
  • Tagalog news: Marine life protection at reforestation,isinulong sa Batangas Eco-Summit

    LUNGSOD NG BATANGAS, Marso 3 (PIA) --Nagtipon ang mga miyembro ng simbahan, pribadong sektor, akademya at pamahalaang panlalawigan para sa isang ecological summit na pinangunahan ng Archdiocese Ministry for the Environment (AMEn) na naglalayong buksan ang usapin at palawakin ang kaalaman tungkol sa kapaligiran. Ang eco summit ay dinaluhan ng mga kilalang environment advocates na sina, Archbishop Ramon Arguelles, at De la Salle Professor Wilferdo Licuanan kasama ang mga kinatawan ng ahensya...
  • Tagalog news: Nasa kamay ng mga tao kung ipagpapatuloy ang pagmimina sa Ilocos Sur - Singson

    LUNGSOD NG VIGAN, Marso 2 (PIA) -- Inihayag Ni Gob. Luis Singson na kung hindi pabor ang mga tao sa “black sand mining” sa kanilang lugar ay hindi matutuloy ang operasyon ng mga kumpanya ng minahan ngunit kung sasang-ayon naman sila dahil sa ito ay nakakatulong sa pag-unlad sa kanilang lugar ay wala namang makakapigil dito dahil ito ay alinsunod sa batas. “Dito mapapatunayan na may demokrasya sa ating lalawigan dahil maaaring magwelga ang sinumang grupo na laban sa pagmimina at walang mak...
  • Tagalog news: PNoy, pinasinayaan ang bagong Bocaue bridge

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 2 (PIA) -- Pinasinayaan kahapon, Biyernes, ni Pangulong Benigno Aquino III ang mas malapad at mas matatag na bagong tulay ng Bocaue. Sinabi ni Public Works and Highways Undersecretary Alfredo Tolentino na ang 57 milyong pisong tulay ay apat na linya na ngayon at ipinantay sa kasalukuyang lapad ng McArthur Highway. Dagdag pa ni Tolentino na isa lamang ang tulay sa Bocaue sa mga nilaparan at mas pinatibay na tulay sa kahabaan ng McArthur Highway na kilala rin ...
  • Tagalog news: Bilang ng business name registration sa Quezon, tumaas

    LUNGSOD NG LUCENA, Marso 2 (PIA) -- Inihayag ni Pablito Budoy ng Department of Trade and Industry ( DTI-Quezon) na sa kasalukuyang taon ay nagkaroon ng 1,724 na business name applications nai-proseso at nabigyan ng registration upang legal na makapagsimula ng kanilang negosyo. Ito ay higit na masmataas kung ihahambing noong 2012 sa katulad na panahon. Sinabi ni Budoy na mayroong 1,365 business name applications ang naunang narehistro at ito ay nagpapakita ng karagdagang 359 na business name ...
  • Tagalog news: PNoy, pinangunahan ang inaugural drive through ng Plaridel Bypass Road Contract Package II

    LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 2 (PIA) -- Pinangunahan nitong Biyernes ni Pangulong Benigno Aquino III ang inaugural drive through ng kakakumpletong Plaridel Bypass Road Contract Package II. Ani Public Works and Highways Undersecretary Alfredo Tolentino, ang nabanggit na proyekto na may kaakibat na tulong ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ay binubuo ng 24.61km daan, 2.40km access road, at sampung tulay na tumatahak sa mga bayan ng Balagtas, Guiguinto, Plaridel, Bustos, at Sa...
  • Tagalog news: Kasunduan ng pamahalaang panlalawigan at PowerSource, Phils. Inc., nilagdaan

    PUERTO PRINCESA, Palawan, Mar 2 (PIA) -- Lumagda sa isang kasunduan ang pamahalaang panlalawigan at ang PowerSource, Philippines, Inc., kamakailan para sa layuning mabigyan ng sapat na suplay ng daloy ng kuryente ang barangay Liminangcong sa bayan ng Taytay. Ang kasunduan ay nilagdaan nina Gob. Abraham Kahlil B. Mitra sa bahagi ng pamahalaang panlalawigan at ni John D. Herrman, Vice-Chairman, Micro-Grid Operations sa bahagi naman ng PowerSource. Ang PowerSource, Philippines, Inc.ay isang priba...
  • Tagalog news: Kahandaan sa sunog ng mga barangay sa Taguig paiigtingin

    LUNGSOD NG TAGUIG, Marso 2 (PIA) -- Isang malawakang information drive ang isasagawa ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Taguig kaugnay ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso. Layunin ng nasabing gawain na paigtingin ang kakayahan at kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa kahandaan at kaligtasan laban sa sunog. “Sa bawat pagdiriwang ng Fire Prevention Month, gusto namin maiparating sa komunidad ang kahalagahan upang makaiwas sa sunog. Maisasakatuparan ito kung tayo...
  • Tagalog news: Nakolektang buwis sa likas na yaman ng Camarines Norte, tumaas

    DAET, Camarines Norte, Marso 1 (PIA) -- Tumaas sa taong 2012 ang nakolektang buwis ng pamahalaang panlalawigan sa mga likas na yaman katulad ng Tax on Sand and Gravel at Quarry Resource; Small Scale Mining, Sand and Gravel Fee at Ore Transport Fee. Batay ito sa talaan ng Provincial Accountant na ipinarating sa tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng pamahalaang panlalawigan. Umabot sa P16,884,152.49 ang nakolekta sa taong 2012 kumpara sa P15,387,487.28 ng na...
  • Tagalog news: 'Buntis Congress' isasagawa ng Provincial Health Office sa bayan ng Taytay, Palawan

    PUERTO PRINCESA, Palawan, Marso 2 (PIA) -- Isasagawa ng Provincial Health Office (PHO) sa Marso 10 sa bayan ng Taytay ang “Buntis Congress.” Ayon kay Mimie Torres, Maternal & Child Program coordinator ng PHO, ang aktibidad na ito ay naglalayong maturuan ang mga buntis ng tamang pag-aalaga sa sarili habang sila ay nagdadalantao. Ituturo din sa kanila ang mga dapat nilang malaman at gawin kung sakaling magkaroon ng mga mapanganib na palatandaan sa panahon ng kanilang pagbubuntis upang maiw...
  • Tagalog news: PENRO Masbate masigasig ang pamamaraan sa NGP

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Mar. 1 -- Isang daang porsyento ang ibinubuhos ng sangay ng Department of Environment and Natural Resources sa Masbate sa pagpapatupad ng National Greening Program o NGP sa islang lalawigan, ayon sa opisyal ng ahensiya. Inihayag ni Provincial Environment and Natural Resources Office chief Tito Migo ng Masbate na sa ganitong pamamaraan higit nagiging mataas ang kalinangan ng mga stakeholders tungkol sa NGP. Ayon kay PENRO Migo, tatlong pamamaraan ang isinasagawa ng PENRO Mas...
  • Tagalog news: Mahihirap ng pamilya nakatanggap ng ‘cash package’ mula DSWD

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union, Marso 1 (PIA) -- Bilang bahagi ng patuloy na suporta ng pamahalaan sa mga mahihirap, ang Department of Social Welfare Development Field Office 1 (DSWD-FO1) ay nagsimula nang magbigay ng "cash grants" sa mga pamilyang mahihirap sa buong rehiyon ng Ilocos. Ayon kay Allan Lulu, Information Officer ng DSWD-FO1, nakapagbigay na ang ahensya ng P28,700 28 pamilya mula sa Ilocos Norte; P18,800 sa 16 pamilya mula Ilocos Sur; P128,800 sa 119 pamilya mula La Union at P13...
  • Tagalog news: Pagtatanim ng bakawan, patuloy sa Camarines Norte

    DAET, Camarines Norte, Marso 1 (PIA) -- Patuloy ang pagtatanim ng mga bakawan sa mga baybaying lalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng Mangrove Rehabilitation Project na ipinatutupad ng Fisheries Development Division ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg-FDD) ng pamahalaang panlalawigan. Isinasagawa ito ng naturang tanggapan sa mga barangay kung saan bawat lugar na tataniman ay mayroong nakalaan na 50,000 binhing bakawan sa 10 ektarya ng bawat taon. Katuwang sa pagtatanim ang ...
  • Tagalog news: P10-M halaga ng FMR, pinakikinabangan na ng mga magsasaka sa Tupi, S. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 1 (PIA) -- Mas mabilis na ngayon ang pagluluwas ng mga produkto mula sa mga liblib na barangay sa bayan ng Tupi sa South Cotabato. Ito ay dahil tapos na ang rehabilitasyon at pagsesemento ng farm-to market road sa Barangay Polonuling sa naturang bayan na pinondohan ng Mindanao Rural Development Program (MRDP) sa ilalim ng Rural Infrastructure component. Ang nasabing kalsada ay may habang 4.1 kilometro at ...
  • Tagalog news: Stakeholders forum hinggil sa DRR, CCA sa Socsksargen, ginanap

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Marso 1 (PIA)--Isinagawa kahapon ang isang stakeholders forum patungkol sa disaster risk reduction (DRR) - climate change adaptation (CCA) na laan sa mga probinsya ng South Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani at maging sa lungsod ng Heneral Santos (Socsksargen). Ang aktibidad na ginanap sa lungsod ng Koronadal ay pinangunahan ng Sarangani Province Empowerment and Community Transformation Forum (SPECTRUM) Inc. Layon nito na ipabatid sa mga mamamayan ang ...
  • Tagalog news: Bago at malapad na tulay ng Bocaue, pasisinayaan ni Pangulong Aquino

    Ni Shane Frias Velasco LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Marso 1 (PIA) -- Pormal nang pasisinayaan ngayong umaga ni Pangulong Benigno Aquino III ang bagong gawa at masmalapad na tulay ng Bocaue. Matatagpuan ang nasabing tulay sa harapan ng Pamilihang Bayan na tumatawid naman sa kailugan ng Bocaue. Ang dating dalawang linyang salubungan ay apat na linya na ngayon na ipinantay sa kasalukuyang lapad ng Mac Arthur Highway. Halagang P57 milyon ang ginugol ng Department of Public Works and Highways ...
  • Tagalog news: Mga LGU, pinaalalahanan tungkol sa tamang liquidation process

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato Marso 1 (PIA) -- Alinsunod sa kampanya ng Department of Agriculture at ng nasyunal na pamahalaan na maging hayag at walang itinatago sa lahat ng transakyon, ipinagpapatuloy ng ahensiya ang pagpapalaganap ng kaalaman sa tamang kaparaanan sa pamamahala ng pondo. Kamakailan, isinailalim ng Department of Agriculture 12 sa isang re-orientation workshop patungkol sa mga tamang financial procedures ang mga agriculturist, accountant ...
  • Tagalog news: DOF sinimulan ang taong 2013 na maging malakas laban sa mga di nagbabayad ng tamang buwis

    AGUSAN DEL SUR, Marso 1 (PIA) -- Bilang bahagi ng panata ng administrasyong Aquino patungo sa “daang matuwid,” nagpalaganap ito ng hakbang na magsampa ng kaso sa mga hindi nagbabayad ng buwis at sa kasalukuyan, may 28 nang bagong kaso ang naisampa mula Nobyembre, 2012. Katunayan, 11 bagong kaso ang naisampa sa ilalim ng Run after Tax Evaders (RATE) program, habang 17 bagong kaso ang naisampa sa ilalim naman ng Run after the Smugglers (RATS). “Ang daang matuwid ay isang lugar na pantay p...
  • Tagalog news: CSC 3, tumatanggap pa rin ng mga nominasyon para sa 2013 Search for Outstanding Public Officials and Employees

    LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Marso 1 (PIA) -- Nais ipabatid ng Civil Service Commission (CSC) Regional Office 3 sa publiko na patuloy itong tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2013 Search for Outstanding Public Officials and Employees. Ayon sa CSC Central Luzon information officer Diana Henson, maaring i-nominate ang mga manggagawa ng gobyerno sa alinman sa tatlong kategorya: ang Presidential Lingkod Bayan, Pag-asa at Dangal ng Bayan awards. Ang Presidential Lingkod Bayan ay iginagawad...
  • Tagalog news: IMT ikinatuwa ang matagumpay na tripartite meeting sa Gensan

    LUNGSOD NG HENERAL SANTOS, Marso 1 (PIA) -- Ikinatuwa ng International Monitoring Team (IMT), na syang nag-oobserba sa usaping pangkapayalaan sa pagitan ng pamahalaan o ng Government of the Philippines (GPH) at ng Moro Islamic Liberation (MILF) Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCHs), ang matagumpay na tripartite meeting noong nakaraang linggo dito sa lungsod. Ayon kay MGen. Dato’ Abdul Rahim Bin Mohd Yusuff, pinuno ng Mission ng IMT Mindanao 7, naging mapayapa ang 22n...
  • Tagalog news: Laban kontra malnutrisyon, pinalawig ng lokal na pamahalaan ng Malungon

    MALUNGON, Sarangani, Marso 1 (PIA) -- Lalo pang pinalawig ang kampanya laban sa malnutrisyon na mahigpit na ipatutupad ng lahat ng kawani ng tanggapan ng barangay nutrition at maging opisyles ng mga barangay sa bayang ito. Kasabay nito ang pagsagawa kamakailan ng dalawang araw na Program Implementation Review (PIR) at Barangay Nutrition Action Plan ng Municipal Nutrition Office sa pangunguna ni Roselyn Constantino, maybahay ni Mayor Reynaldo Constantino. Ayon kay Roselyn Constantino, ang pags...
  • Tagalog news: Citrus wine project ng mga katutubo sa Nueva Vizcaya, tututukan ng pamahalaan

    KASIBU, Nueva Vizcaya, Marso 1 (PIA) -- Pag-aaralan at magbibigay ng suporta ang mga kawani ng national at lokal na pamahalaan sa isinusulong na citrus wine processing project ng mga katutubong Ifugao sa Malabing Valley sa bayang ito. Ayon kay Engineer Henry Balangatan, hepe ng Department of Labor and Employment, kasama nito ang mga kawani ng Department of Science and Technology, Department of Trade and Industry, Department of Agriculture at pamahalaang probinsyal na bibisita sa Malabing Valley...
  • Tagalog news: 80 bata sa lungsod ng Tarlac tumanggap ng regalo mula sa mga sundalo

    CAMP AQUINO, Tarlac, Marso 1 (PIA) -- May 80 bata mula sa Ronald McDonald House of Charities at Poblacion Daycare Center sa lungsod ng Tarlac ang tumanggap ng regalo mula sa Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas at mga kapartner na institusyon nitong nakaraang linggo. Sinabi ni 3rd Mechanized Infantry Battalion Civil Military Operations Officer Captain Lourdes Imperial na ang mga ipinamigay na damit at laruan ay bahagi ng kanilang proyektong “Bayanihan sa Kapaskuhan, My Dream in a Shoe Box...
  • Tagalog news: 'A walk for fire-free and fire-safe nation' isasagawa sa Kabacan, N. Cotabato

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Mar 1 (PIA) -- Isasagawa ngayong araw ang aktibididad na tinatawag na “A walk for fire-free and fire-safe nation” sa bayan ng Kabacan, North Cotabato. Ito ay pangungunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG 12) bilang bahagi ng ipigdiriwang na Fire Prevention Month ngayong darating na buwan ng Marso. Magiging katuwang ng lokal na pamahalaan ng Kabacan ang BFP upang masiguro ang kaayusan...
  • Tagalog news: DOLE: Unang labor compliant freeport, target ng AFAB

    MARIVELES, Bataan, Peb 28 (PIA) -- Sumailalim ang mga kumpanya ng Freeport Area of Bataan sa isang talakayan hinggil sa labor standards mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang isulong na gawin itong unang labor standard compliant freeport zone sa bansa. Tinatayang 50 kompanya kasama ang Technical Education and Skills Development Authority, PhilHealth, Social Security System at mga lokal na pamahalaan ang lumahok sa talakayan na naglalayong ituro ang pagsunod sa labor standards. ...
  • Tagalog news: Mga magulang ng mga batang lumalabag sa batas, dadaan sa ‘Parenting 101’

    LUNGSOD NG MASBATE, Peb 28 (PIA) -- Hindi pa huli para sa mga magulang ng mga menor de edad na sumasalungat sa batas na matuto mula sa "effective parenting seminar" na idadaos ng pamahalaang panlungsod ng Masbate. Ayon kay social worker Katrina Lim, inatasan ng Masbate City Social Welfare Office and Development ang mga magulang ng mga batang naliligaw ng landas na dumalo sa seminars na magtuturo sa kanila ng gagawin upang maging masmabuting magulang sa kanilang mga anak. Sinabi ni Lim na ang ...
  • Tagalog news: BFAR nagbabala sa epekto ng mga kontaminadong isda at lamang dagat dahil sa 'oil spill'

    LUNGSOD NG VIGAN, Peb 28 (PIA) -- Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko sa masamang epekto sa kalusugan ng mga kontaminadong isda at iba pang lamang dagat sanhi ng pagtagas ng langis mula sa umano’y lumubog na barko ng Myanmar sa baybay ng Bolinao, Pangasinan noong Pebrero 17. Ayon kay Nestor Domenden, regional director ng BFAR sa Ilokos, nakakalason ang mga kontaminadong isda at mga lamang dagat na apektado ng “oil spill” na naaanod sa iba’t ibang ba...
  • Tagalog news: 2 bahay natupok sa Masbate sa pagsisimula ng fire prevention drive

    LUNGSOD NG MASBATE, Peb 28 (PIA) -- Tinupok ng apoy ang dalawang bahay sa pangkomersyong bahagi ng lungsod ng Masbate kamakalawa habang muling nanawagan ang mga otoridad sa mga residente na maging maingat sa mga darating na mga buwan ng tag-araw. Ayon kay Supt. Rodolfo Abella ng Masbate City Police Station, ang sunog sa Mabini street ay nagsimula bandang 5:35 ng hapon sa isang gusaling pang residential at sa lakas ng hangin, ito’y mabilis na tumawid sa katabing bahay. Gayunman, tiniyak ni Ab...
  • Tagalog news: Kampanya ng Red Cross sa blood donation, pinalakas sa lalawigan ng Quezon

    LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Peb 28 (PIA) -- Maslalong pinalakas ng Philippine Red Cross (PRC) Quezon-Lucena City chapter ang kampanya sa "blood donation" upang mapunan ang kakulangan ng alay na dugo sa lalawigan. Inihayag ni Lhea A. Sapungan, chapter representative ng blood services ng PRC Quezon-Lucena City na may 5,000 bags ng donasyong dugo lamang ang kanilang nakuha mula sa blood donor sa lalawigan ng Quezon. Sinabi ni Sapungan na ang kailangang alay na dugo kada taon sa lalawigan para sa m...
  • Tagalog news: Liwanag para sa Kapayapaan beneficiaries nagpasalamat sa mga natanggap na salamin

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Peb 28 (PIA) -- Lubos ang pasasalamat ng mga benepisyaryo ng programang Liwanag para sa Kapayapaan sa mga ipinamahaging libreng salamin sa mata. Karamihan sa mga benepisyaryo ay ang kalipunan ng mga magsasaka o irrigators associations (IAs) sa unang distrito ng North Cotabato. Ayon kay Midsayap-Pigcawayan-Libungan-Kabuntalan (MPLK) Federation of IAs President Dante Cudal, nagpapasalamat ang kanilang mga miyembro dahil sa nasabing programa. Dagdag pa ni Cu...
  • Tagalog news: Monitoring ng mga 'Botika ng Barangay' isinasagawa sa Romblon

    ROMBLON, Romblon, Peb 28 (PIA) -- Nakipagpulong ang supervising pharmacist na nakatalaga sa probinsiya ng Romblon sa lahat ng mga operators ng “Botika ng Barangay” nitong Miyerkules, Peb. 27 kaugnay ng isinasagawa nitong monitoring sa mga botika. Sinabi ni Mary Claire Agustin, supervising pharmacist, alinsunod sa mandato ng Department of Health (DOH) siya ay patuloy na nagsasagawa ng monitoring at inventory sa lahat ng “Botika ng Barangay” sa buong lalawigan upang malaman kung sapat ang...
  • Tagalog news: 12,164 na pamilya sa Soccsksargen Region nakikinabang sa modified CCT

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Peb 28 (PIA) -- Umabot na 12,164 ang bilang ng pamilya sa Rehiyon Dose ang nakikinabang ng Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pambansang pamahalaan. Ang MCCT, ayon kay MCCT Regional Focal Person Nabilah Lao, ang programa ay naglalayong mapalawak ang sakop ng 4Ps sa iba pang mahihirap na pamilya sa buong bansa, partikular ang mga hindi naisali sa National Household Targeting System for Poverty...
  • Tagalog news: Kampanya Laban sa Boga at Oplan Katok, pinalakas ng PNP-Marinduque

    BOAC, Marinduque, Peb 28 (PIA) -- Pinaigting ng Marinduque Philippine National Police sa pamumuno ni Provincial Director Edwin Capanzana ang "Kampanya Laban sa Boga at Oplan Katok." May 43 loose firearms na ang nai-turn over sa PNP kamakailan, na may iba’t-ibang kalibre kagaya ng 25mm, 45mm at ang pinakamalakas ay ang 9mm. Ito ay isinagawa alinsunod sa pagtupad ng LOI o letter of instruction, ang kautusan ng tanggapang pang rehiyon at nasyonal ng PNP ukol sa pagkumpiska ng mga hindi lisensiy...
  • Tagalog news: 'Tree protection ordinance', ipinatutupad sa OrMin

    LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Peb. 27 (PIA) -- Mahigpit ngayong ipinatutupad sa lalawigan ang pagbabawal ng pagkakabit ng anumang "information materials" o anunsyo sa mga puno. Sa opisyal na pagsisimula ng official campaign period para sa national elections nitong nakaraang ika-12 ng Pebrero, ipinaalala ni Bise-Gobernador Humerlito A. Dolor ang patuloy na pag-iral ng Provincial Ordinance No. 010 - 2012 o ang "Tree Protection Ordinance of Oriental Mindoro." Sa Provincial Development Cou...
  • Tagalog news: Ecological summit isinagawa sa Batangas

    LUNGSOD NG BATANGAS, Peb 27 (PIA) -- Isinagawa ang isang ecological summit na pinangunahan ng Archdiocese of Lipa gayundin ng iba't ibang mga stakeholders ngayong araw sa provincial auditorium sa lungsod na ito. Layunin ng naturang aktibidad na maipakita sa mga mamamayan, partikular sa mga kabataan ang kahalagahan ng pangangalaga sa mga coral reefs o bahura gayundin ang pangangasiwa ng ipinagmamalaking center of the center of marine biodiversity sa bansa, ang Verde Island Passage na binubuo ng ...
  • Tagalog news: Albay, isa sa 'hottest destinations' sa Pilipinas ngayon

    LUNGSOD NG LEGAZPI, Peb 27 -- Ang Albay ay itinuturing na isa sa “hottest destinations” sa bansa ngayon. Makaraang maitala ang 49 porsiyento na pagtaas/paglago ng pagdating ng mga turista nitong nakalipas na taon (2012). Ang Albay ay lalawigan na may pinakamabilis na pagsibol ng mga turista bilang tourist destination, ayon kay Gobernador Joey Salceda. Inihayag nito na halos dumoble ang lokal na turismo at karagdagang 23 porsiyento sa pagdating ng mga banyagang turista. Higit pa rito, sa 2...
  • Tagalog News: DSWD umapela ng tulong sa media sa kampanya laban sa mga “epal” na pulitiko

    LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Peb 27 (PIA) -- Aminado si Department of Social Welfare and Development (DSWD) 12 assistant regional director Gemma Rivera na mahalaga ang papel ng media sa ikatatagumpay ng kanilang “Bawal ang Epal Dito” campaign. Dahil dito, umaapela si ARD Rivera sa mga mamamahayag sa tulungan sila sa kanilang adbokasiya na naglalayong maprotektahan ang mga benepisyaryo sa mga pulitikong nagnanais na magamit ng Pantawid...