TAGALOG NEWS: MALAWAKANG KAMPANYA LABAN SA HFMD INILUNSAD NG HEALTH OFFICE SA BATANGAS CITY
Monday 20th of August 2012
BATANGAS CITY, Agosto 20 PIA) -- Nanawagan ang City Health Office (CHO) sa publiko na panatilihing malinis ang katawan at kapaligiran upang maiwasan ang nakahahawa at nakamamatay na hand, foot and mouth disease (HFMD).
Ang HFMD ay sanhi ng isang grupo ng enteroviruses tulad ng Coxsackievirus A16 (CA 16) at Enterovirus 71 (EV71) na isang matinding virus na naging sanhi ng pagkasawi ng 60 bata sa Cambodia.
Ilan sa sintomas ng sakit na ito ay ang lagnat ng isa hanggang dalawang araw, walang ganang kumain, namamagang lalamunan, rashes o blisters sa kamay, paa o talampakan at sa bibig.
Isang malawakang education campaign ang inilunsad ng CH...
Read More »