๐—ฃ๐—”๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ž๐—”-๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—”๐—ก๐—œ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—š ๐—›๐—จ๐——๐—ฌ๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐——๐—œ๐—š๐— ๐—”๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข-๐—”๐— ๐—˜๐—ฅ๐—œ๐—ž๐—”๐—ก๐—ข

Ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (National Historical Commission of the Philippines o NHCP) ang tagapangunang ahensya sa pag-alala sa Ika-126 Anibersaryo ng Hudyat ng Digmaang Pilipino-Amerikano (Start of the Philippine-American War) sa Kalye Sociego panulukan ng Kalye Silencio, Maynila, ika-4 ng Pebrero, alas otso ng umaga (8:00 a.m.).
Isasagawa ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas at pag-aalay ng bulaklak mula sa Lungsod ng Maynila, ACT Teachers Party List, NHCP, Unibersidad ng Pilipinas at Barangay 586, Zone 57, sa panandang pangkasaysayan ng lugar.
Sa kanto ng kalye Sociego at Silencio sa Sampaloc, Manila nagsimula ang digmaang Pilipino-Amerikano noong ika-4 ng Pebrero, 1899. Sinasabing tatlong Pilipinong sundalo na pinamumunuan ni Corporal Anastascio Felix ang pinaputukan ng baril ng mga Amerikanong sina Private William Grayson and Private Orville Miller ng First Nebraska Volunteers. Nang dahil sa insidenteng ito, nagkapalitan ng putok ng baril ang mga sundolong Pilipino at Amerikano at tuluyang natigil ang kasunduan-kapayapaan ng bawat panig.
In other News
Skip to content