10 tourist attractions sa Palawan, may WiFi na

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) — Nasa 10 tourist destinations o tourist attractions sa Palawan ang mayroon ng free WiFi.

Ito ang iniulat ni Department of Tourism (DOT) Mimaropa Regional Director Roberto P. Alabado III sa Kapihan sa Bagong Pilipinas noong Hulyo 9 na isinagawa sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Ang mga tourist destinations na ito ay ang Nacpan Beach, Duli Beach, Teneguiban Beach, Siblatan (Balay Cuyunon), at Pops District sa bayan ng El Nido. Kasama rin ang Lualhati Park sa bayan ng Coron, Long Beach sa bayan ng San Vicente, Pineapple Landmark and Museum sa bayan ng Bataraza at ang Sitio Macalachao at Ocam-ocam Long Beach sa bayan ng Busuanga.

Ayon kay Alabado, ang paglalagay ng mga free WiFi sa mga tourist attractions ay nakapaloob sa ikalawang layunin ng National Tourism Development Plan 2023-2028 na “Cohesive and Comprehensive Digitalization and Connectivity.”

“This connectivity is the life blood of our country’s tourism,” pahayag pa ni Alabado.

May 47 tourist destination pa sa buong bansa ang nakatakdang lagyan na rin ng free WiFi ng DOT.

“This is the goal of NTDP, to have connectivity in such places, we are looking at itong 47 na tourist destination to have connectivity not just through roads but even through internet,” dagdag ni Alabado.

Sa 47 tourist destinations na nabanggit, 23 dito ay matatagpuan sa Palawan tulad ng Kapangyan and Lalatuan Falls, Maruyof Farm and Garden Resorts, Tanging Yaman, Calauit Safari Park, Concepcion Falls, Maquinit Hot Spring, Culion Museum and Archives, Big Lagoon, Commando Beach, Hidden Beach, Matinloc Shrine, Shimizu, Bato-bato Hot Spring, Ednas Garden, Estrella Falls River Park, Bakers Hill, Balayong Park, Freedom Park, Honda Bay, Mendoza Park, Puerto Princesa Subterranean River National Park, Pamuayan Waterfalls at Fuerza de Sta. Isabelle.

Ayon pa kay Alabado,  mayroon ding mobile app na inilunsad ang DOT at activated na ito noong nakalipas pang taon. Nagsisilbi itong hotline at one stop shop para sa mga local and foreign tourists. (OCJ/PIA MIMAROPA-Palawan)

In other News
Skip to content