11 komunistang rebelde sumuko sa Sorsogon sa Araw ng Pasko

LUNGSOD NG LEGAZPI, Albay  (PIA) — Bago sumapit ang bagong taon, sumuko sa pamahalaan ang 11 na  mga kasapi ng New People’s Army sa bayan ng Barcelona, lalawigan ng Sorsogon.

Sa ulat ng PNP sa Camp Simeon Ola, sumuko sa kasundaluhan ang mga rebelde nitong ika-25 ng Disyembre sa barangay San Antonio sa naturang bayan.

Ayon sa pulisya, ang mga sumuko ay mga kasapi ng Komite ng Probinsiya 3 at kasama ang isang vice-commanding officer ng Platoon 3.

Pinangunahan ng 31st IB ng Philippine Army katuwang ang 96th MICO, 9MIB, 9ID,PA, Provincial Intelligence Unit-Sorsogon, 2nd PMFC Sorsogon PPO, 504th Maneuver Company, Regional Mobile Force Batallion at ng Barcelona MPS ang pag asikaso sa pagsuko ng naturang mga rebelde.

Isinuko rin ng mga nagbalik loob ang 12 na mga baril kabilang ang mga sumusunod: Caliber 30, 45, SMG 9mm, KG9, SMG UZI 9mm ingram, caliber 38, caliber 45-ball, 15 ctgs SMG 9mm, KG9ball.SMG UZI 9mm ingram, 2 pcs.Caliber 45 pistol magazine, 2 piraso ng Carbin cal. 30 magazine, 1 piece SMG 9mm, KG9 magazine at 1 peace  SMG UZI 9mm ingram magazine.

Dagdag pa ng PNP Bicol, inasikaso ng kanilang hanay ang agarang pagbibigay ng ayuda sa mga nagbalik loob tulad ng pangunang capital na pangkabuhayan, pagkumpleto ng integration process at ang pagbibigay bayad sa mga armas na isinuko nila.

Sa isang pahayag, isinabi ni PNP RO5 Regional Director Police Brigadier General Rudolph Dimas na masaya siya sa muling pagbabalik loob ng mga rebelde sa pamahalaan at kanilang nakapiling ang kanilang mga mahal sa buhay nitong kapaskuhan.

Samantala, mas pinaigting naman ng kapulisan sa Bicol ang pagbabantay sa komunidad nitong kapaskuhan upang masiguro na walang sibilyang masaktan sakali mang nagkaroon ng opensiba ang mga rebelde sa mga operatiba ng pamahalaan. (PIA 5)

In other News
Skip to content