12 kaso ng fireworks-related injury sa Albay naitala ng DOH Bicol

LEGAZPI CITY, ALBAY (PIA5/Albay)–Mahigit 20 kaso ng Fireworks-Related Injury (FWRI) ang naitala ng Department of Health (DOH) Center for Health Development (CHD) Bicol nitong ika-3 ng Enero.

Sa surveillance ng DOH-CHD Bicol, ang Albay ang may pinaka mataas na kaso ng FWRI kung saan labing dalawang (12) indibidwal ang nagtamo ng sugat mula sa mga paputok simula ika-21 ng Disyembre, hanggang ika-3 ngayong buwan.

Apat dito ay biktima ng Kwitis, Five star (4), improvised canon (2), fountain (1) at isa din sa iba pang uri ng paputok.

Ang ibang lalawigan naman tulad ng Camarines Sur ay may limang (5) kaso, dalawa (2) mula Camarines Norte, at isa (1) sa Naga City.

Zero FWRI case naman sa Legazpi City, Sorsogon, Masbate, at Catanduanes.

Sa pagitan ng pito hanggang 12 taong gulang ang may pinakamataas na datos na nabiktima ng paputok.

‘’Ina-assure natin ang publiko na handa ang DOH hospitals na tumanggap ng mga biktima ng paputok,’’ saad ni Usec Nestor F. Santiago Jr. sa isinagawang press conference ng Bicol Medical Center (BMC).

Sa kasagsagan din ng bagong taon, binisita nina Usec Santiago at Regional Director Dr. Ernie V. Vera ang dalawang DOH retained hospitals sa Camarines Sur at ang Bicol Regional Hospital and Medical Center (formerly BRTTH) naman sa Albay upang alamin ang kahandaan ng  tatlong nabanggit na hospital sa pagresponde sa mga biktima ng FWRI.

‘’Alalahanin natin na ang kooperasyon ng sambayanan sa Bicol ang kailangan upang mabawasan ang injuries dulot ng fireworks,’’palala ni RD Dr. Vera.

Batay sa datos ng DOH-Bicol, ang may pinakamataas na kaso ng FWRI na naitala ay noong 2019 na may 37 kaso, pumapangalawa ang 2022 (20), 2021 (14) at ang may pinakamababang naitala ay ang taong 2020 (6). (PIA5/Albay)


PAGLIBOT. Nagsagawa ng hospital rounds sina DOH Bicol Regional Director Dr. Ernie V. Vera at Usec Nestor F. Santiago Jr. sa Bicol Regional Hospital and Medical Center (formerly BRTTH) sa Albay nitong ika-1 ng Enero upang siguruhin ang kahandaan nito. Photo courtesy: DOH-CHD Bicol

In other News
Skip to content