169,241 pasahero, naitala ng LRT-2 noong Aug. 14

LUNGSOD QUEZON, (PIA) — Record-high ang naging pasahero ng LRT-2 nitong Lunes, August 14, na umabot sa 169,241.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), ang naitalang bilang ng mga pasahero ay mas mataas sa naitalang 168,963 na daily ridership noong Marso 3, kung saan maluwag na ang COVID-19 protocols at restrictions.

Masaya po kami at tumataas na ang bilang ng mga pasaherong sumasakay ng LRT-2. Makakaasa ang publiko na patuloy naming pagsusumikapan na mabigyan sila ng isang ligtas at mas maginhawang biyahe. ‘Yan po ang isa sa prayoridad namin,” ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera.

Bago ang pandemya, nasa higit 250,000 pasahero ang sumasakay sa LRT-2.

Inaasahan din ng pamunuan ng LRTA na tataas pa ang average daily ridership ng LRT-2 ngayong buwan ng Agosto dahil sa pagbabalik-eskwela ng mga estudyante sa Agosto 29. Gayundin sa buwan ng Disyembre dahil naman sa Christmas Season kung saan marami ang sasakay sa LRT-2.

Samantala, pinaalalahanan ng LRTA ang mga pasahero na sumunod pa rin sa mga alituntunin para sa ligtas, maayos at komportableng biyahe. (LRTA/PIA-NCR)

In other News
Skip to content