197 miyembro ng 4Ps sa Roxas, Palawan, nagtapos na sa programa

197 4Ps beneficiaries sa Roxas, Palawan, nagtapos na sa programa

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) — Nasa 197 na mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps mula sa bayan ng Roxas, ang nagtapos na kamakailan sa nasabing programa ng pamahalaang nasyunal na ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang pagtatapos ng mga ito sa programa ay sa pamamagitan ng Pugay-Tagumpay Ceremonial Rites na isinagawa sa nasabing bayan ay bilang pagkilala sa pagsisikap ng mga benepisyaryo na makatawid tungo sa kaunlaran.

Ang Pugay-Tagumpay ay naglalayong kilalanin at pahalagahan ang pagsisikap ng bawat benepisyaryo ng 4Ps sa pagkamit ng self-sufficiency na antas ng pamumuhay kung saan sila ay maituturing nang hindi na mahirap.

Ayon sa batas ng 4Ps, ang isang sambahayan ay kailangan nang mag-exit o umalis sa programa, una, kung wala nang batang edad 0-18 taong gulang na maaaring i-monitor o irehistro sa programa at ikalawa, nasa level 3 na ang buhay o maayos na kaya’t hindi na kailangan pa ng pagsuporta mula sa programa.

Ang pamahalaang lokal ng Roxas na ang magpapatuloy ng pagsuporta sa sambahayan na nagtapos na sa 4Ps upang masiguro na hindi na sila muli pang babalik sa kahirapan.

Dumalo sa Pugay-Tagumpay ang mga kinatawan ng iba’t-ibang sangay ng lokal na pamahalaan, mga opisina ng gobyerno, at ilan sa mga katuwang ng DSWD sa nasabing programa na mula sa pribadong sektor. (OCJ/PIA Mimaropa-Palawan)


Ang Pugay-Tagumpay Ceremonial Rites ng 197 benepiyaryo ng 4Ps mula sa bayan ng Roxas, Palawan. (Mga larawan mula sa DSWD-MIMAROPA)

In other News
Skip to content