20 ambulant vendors sa Sorsogon pinagkalooban ng Nego-Kart ng DOLE

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)–Nabigyan ng tig-iisang kariton ang 20 mobile vendors sa bayan ng Irosin sa ilalim ng Nego-Kart project ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ginanap ang awarding ng food carts sa mga benepisyaryo nitong Januay 5, 2023 sa  Irosin National Agency Center and Terminal (INACT) complex na nasa Barangay San Pedro, Irosin.

Bukod sa foodcarts, iginawad din sa mga benepisyaryo ang mini gasul, kalan, hairnet, apron, gloves at facemask.

Ayon kay Agnes Sanchez, provincial coordinator ng APPL NegoKart program, nakapasa a 20 benepisaryo sa criteria ng DOLE.

Pakiusap ni Sanchez: Ingatan at alagaan ang ibinigay ng DOLE dahil malaking tulong aniya ito sa kanilang pang araw-araw na paghahanapbuhay.

Layunin ng programa na matulungan at mabigyan ng hanapbuhay ang mga sobrang nangangailangan at nang mabawasan ang bilang ng mga nagtatambay na natukoy bilang isa sa mga dahilan ng kahirapan.

Hiling ni Mark Llaneta, DOLE Sorsogon focal person, nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa bawat benepisyaryo upang mas maging produktibo at mas mapaunlad pa ang kanilang pamumuhay.

Laking pasasalamat naman ng mga benepisyaryo sa DOLE, Ang Probinsyano partylist at sa pamahalaang bayan ng Irosin sa kanilang natanggap. Katuwang ng DOLE ang Ang probinsyano Partylist at lokal na pamahalaan ng Irosin sa ginanap na awarding. (PIA5/Sorsogon)

Nego-Kart project ng DOLE para sa mga piling mobile vendors sa Ironsin, Sorsogon. Photo from DOLE Sorsogon

In other News
Skip to content