Para sa ating mga Pilipino ang mahalaga ang pagkilala sa importansya ng mga bagay tulad ng kultura, tradisyon at paniniwala. Ang pagkilala sa mga bagay na ito ang bumubuo sa pagka-Pilipino ng isang tao, isang komunidad at ng ating buong nasyon.
Kaya naman ngayong Filipino Values Month ating bigyang pansin ang iba’t ibang paksa at bagay na sumasalamin sa mga paniniwala ng bawat Pilipino.