20 kabataan sa Boac, sumailalim sa healthy cooking class

SANTA CRUZ, Marinduque (PIA) — Kasabay ng pagdiriwang ng ika-49 na Buwan ng Nutrisyon, sumailalim sa healthy cooking session ang 20 kabataan mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Boac, kamakailan.

Ang programa na may temang ‘Healthy Cooking, Healthy Mind: Magluto ng Masustansya Upang ang Isip Mo’y Lumigaya’ ang kauna-unahang ‘cooking class for adolescents’ na isinagawa sa Boac Processing Center ay inisyatiba ng Municipal Nutrition Office katuwang ang Municipal Agriculture Office.

Layunin ng gawain na ipaalam sa mga kabataan ang nararapat at akmang pagkain para sa kanila, gayundin upang turuang maghanda ang mga ito ng alternatibo subalit masusustansyang pagkaing pangmeryenda.

Hangad din ng Municipal Nutrition Office na magkaron ng healthy routine sa pagluluto ang mga kabataan na siguradong makababawas sa stress o anxiety na kanilang nararanasan.

Ayon kay Giselle Pearl Olympia, municipal nutrition officer ng Boac, tumutugon ang kanilang mga proyekto sa mithiin ng National Nutrition Council ngayong taon na ‘Healthy Diet, Gawing Affordable for All’. (RAMJR/CRS/PIA Mimaropa-Marinduque)

In other News
Skip to content