20 modernong jeepney ng NATSCO, papasada na sa rutang Naujan-Calapan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Bilang isa sa mga programa ng Pambansang Pamahalaan ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), ipinakita ng samahan ng Naujan Transport Service Cooperative (NATSCO) ang kanilang 20 bago at modernong pampasaherong sasakyan kay Mayor Henry Joel Teves at sa publiko na handa nang pumasada ang mga ito sa rutang Naujan-Calapan at pabalik sa mga susunod na araw.

Bawa’t yunit ay may telebisyon para malibang ang mga pasahero sa panonood habang nasa biyahe at CCTV upang ma-monitor ang kaligtasan at sitwasyon ng mga pasahero.

Ang PUVMP ay programa ng pamahalaan na naglalayong mabigyan ng mahusay, moderno, komportable at ligtas na pampublikong sasakyan ang mga pasahero sa bansa. Layunin din ng programang ito na matiyak ang kapakanan ng mga tsuper at operator na magkaroon ng regular, sapat at marangal na kabuhayan at titiyakin na ligtas at maayos na makakarating ang mga pasahero sa kanilang destinasyon. (DN/PIA MIMAROPA)

Larawan at iba pang detalye mula sa Naujan-PIO

In other News
Skip to content