ODIONGAN, Romblon (PIA) — Nagsagawa kamakailan ng kick-off ceremony para sa 2023 Local Tax Campaign ang Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue District Office 35 – Odiongan, Romblon.
Layunin nito na patuloy na ikampanya sa publiko at sa mga negosyante ang pagbabayad ng tamang buwis.
Isinagawa ang kick-off ceremony sa Odiongan Covered Court matapos ang isang motorcade paikot sa bayan.
Sa mensahe ni Revenue District Officer Romana Marrieta Belen, pinasalamatan nito ang mga dumalo kabilang na ang iba’t ibang kinatawan mula sa mga Barangay Local Government Unit, Local Government Unit, at Provincial Government. Maging mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga bookeepers, accountants, at iba pang stakeholders.
Personal na dumalo rin rito sina Romblon Persons with Disability Affairs Office Head Cyril F. Dela Cruz, Odiongan Vice Mayor Diven F. Dimaala at Looc Mayor Lisette Arboleda. (PJF/PIA MIMAROPA)