25 grupo lumahok sa makulay na mural painting sa Sorsogon

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)–Naging makulay ang mural painting patungkol sa kamalayang pangkalikasan o environment awareness na ginanap sa Sea wall Boulevard Zone 2, Bulan, Sorsogon noong Sabado, Enero 21.

Ang naturang aktibidad ay may temang: Sa Pagbabago ng Klima; Kalikasan Ating Pagyamanin sa Ngayon at sa Susunod na Henerasyon.”

Ayon kay Filipina Gojar myembro ng USWAG- Bulan, ang aktibidad ay nilahukan ng 25 grupo na may tig-3 myembro mula sa iba’t-ibang paaralan sa bayan ng Bulan.

Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat ang Union for Social Welfare and Advancement for Good Government (USAWAG) Bulan sa patuloy na suportang ibinigay ng pamahalaang lalawigan ng Sorsogon, DepEd, DPWH 2nd District Office, PNP, Bulan LGU sa kanilang mga aktibidad at programa.

Ayon pa kay Gojar ang aktibidad ay bilang bahagi ng suporta ng USWAG Bulan sa kalinigan program ng pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng kamalayan ang mga kabataan at maging ang publiko patungkol sa kahalagahan, pagpapaganda at pangangalaga sa kalikasan. (PIA5/Sorsogon)

In other News
Skip to content