25 organikong prodyuser sa Tarlac, sumailalim sa pagsasanay

LUNGSOD NG TARLAC (PIA) — May 25 organikong prodyuser mula sa iba’t-ibang munisipalidad ng Tarlac ang lumahok sa pagsasanay sa paggawa ng rice wine.

Ang naturang aktibidad ay inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI) Tarlac para sa mga miyembro ng Tarlac Organic Producers- PGS Association Inc. na nakabase sa bayan ng Gerona.

Ayon kay DTI OIC-Provincial Director Florencia Balilo, tinuruan ang mga benepisyaryo ng proseso ng paggawa ng wine gamit ang lakatan (regular glutinous rice) at organic red rice.

Ang isinagawang pagsasanay, ani Balilo, ay naglalayong magpakilala ng panibagong kasanayan sa mga organikong prodyuser upang lumikha ng bagong produkto.

Dagdag pa rito, layunin nitong linangin at pagyamanin ang kaalaman ng grupo upang mas mapataas pa ang kalidad ng kanilang mga produkto.

Bahagi ang pagsasanay sa programa ng DTI na nagbibigay ng mga training sa iba’t-ibang sektor sa lalawigan ng Tarlac.

Matapos ang aktibidad ay patuloy pa rin ang tulong ng ahensya sa pamamagitan ng pagmo-monitor ng mga Negosyo Center na matatagpuan sa lahat ng munisipalidad at siyudad ng Tarlac. (CLJD/TJBM-PIA 3)


May 25 miyembro ng Tarlac Organic Producers- PGS Association Inc. ang sumailalim sa pagsasanay sa pagggawa ng rice wine gamit ang regular glutinous rice at organic red rice. (DTI Tarlac)

In other News
Skip to content