29 na benepisyaryo ng 4Ps, binuo ang Gulayan sa Paaralan sa Busuanga

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) — Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Mimaropa, nasa 29 na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nagtulung-tulong upang buuin ang Gulayan sa Paaralan ng Salvacion Elementary School sa Busuanga, Palawan.

Ang gulayan sa paaralan ay isa sa nakikitang paraan ng Pamahalaan upang magkaroon ng sapat na suplay na pagkain partikular ng mga gulay sa mga lugar na hirap kumuha ng mga naturang produkto. Paraan din ang programang ito para madagdagan ang kita ng mga mamamayan na namamahala at nagpapatakbo ng gulayan sa paaralan.

Pasasalamat naman ang ipinaabot ni Mark F. Fuerza, Municipal Link sa Busuanga sa naging ambag ng 29 na benepisyaryo ng 4Ps na nagtulung-tulong upang mapaganda ang gulayan sa naturang paaralan.

Hinikayat naman ng Pamahalaan ang mga mamamayan na subukan ang pagkakaroon ng backyard farm upang masustena ang pangangailangan sa pang araw-araw na pagkain. (JJGS/PIA MIMAROPA – Oriental Mindoro)

Larawan sa pinakataas na bahagi mula sa DSWD Mimaropa

 

In other News
Skip to content