2ID kinokondena ang mga pagsalakay sa Montalban

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal (PIA)—Mariing ikinondena ng Philippine Army 2nd Infantry Division sa isang pahayag ang nakaraang enkwentro laban sa New People’s Army sa Montalban, Rizal noong Marso 31.

Magkasamang puwersa mula sa 80th Infantry “Steadfast” Battalion ng 2ID, 70th Infantry “Matapat at Matatag” Battalion from ng 7th Infantry “Kaugnay” Division, Rizal PNP at Montalban PNP ang tumugon sa ulat ng mga ilang indibidwal tungkol sa pagkilos ng mga armadong tao sa Sitio Wawa, Barangay San Rafael bago magkaroon ng dalawang engkwentro laban sa may 30 rebelde.

Ayon sa 2ID nagtagal ng 15 at 10 minuto ang putukan kung saan isang sundalo ang nasawi at dalawa ang sugatan habang ang mga nasawi mula sa kabilang kampo ay kasalukuyan pang inaalam.

Mariing kinondena ng kasundaluhan ang labanang nagresulta sa isang pagkamatay kaya magkakaroon ng karagdagang military presence sa lugar.

Nagpahayag naman si 2ID at Joint Task Force Katagalugan Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong  ng pakikramay sa mga apektado at nangakong papaigtingin ang puwersa sa Timog Katagalugan.

“Our communities’ growing trust and support to the authorities has been vital in foiling the NPA’s recovery efforts here in CALABARZON. We have further intensified our ongoing efforts to put an end to the local communist armed conflict here that’s why we are urging the remaining NPA rebels to return to the folds of the law and work with the government for peace and development,” ayon kay Maj. Gen. Capulong sa isang pahayag.

Samantala, iniulat ng Pamahalaang Bayan ng Montalban, nagsagawa pansamantala ng Modular Distance Learning ang mga klase sa ilang apektadong paaralan mula sa Brgy. San Rafael, Brgy. Mascap, Brgy. Macabud, at Brgy. Puray mula Abril 3-5, 2023 dahil sa patuloy na operasyon laban sa mga hinihinalang communist terrorists.

Kasama sa paaralang magsasagawa ng Modular Distance Learning ay ang: Casili Elementary School; Inigan Elementary School; Wawa Elementary School; Wawa National High School; Magalipit Elementary School; Mascap Elementary School; Mascap National High School; Macabud Elementary School; Macabud National High School; Balagbag Elementary School; Malasya Uyungan; Macaingalan Elementary School; Macaingalan National High School; Puray Elementary School at; Puray National High School (GG/PIA-Rizal may ulat mula sa 2ID PAO at Pamahalaang Bayan ng Montalban)

In other News
Skip to content